Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
HULYO 13, 2016

7

N

AGBABADYA ang pagbabalik-telebisyon ni

Kris Aquino soon base na rin sa kanyang Instagram

post kahapon.

Nag-post ng larawan niya si Kris in a green dress at sa

caption niya ay ikinuwento niyang papunta siya sa meeting

sa ABS-CBN at nilagyan ng hashtag na “SpellNaghanda”.

Caption niya, “On my way to the meeting for my return

to TV. Please PRAY with me that whatever will happen &

whatever road I’ll travel is God’s best path for me?”

Sa comments section ay kitang-kita na natuwa ang

kanyang mga followers dahil napakaraming nag-post ng

pag-congratulate sa kanya at nagsabing excited na silang

mapanood uli ang Queen of All Media sa TV.

Ang dami ring natuwa na sa ABS-CBN pa rin siya at

hindi lilipat ng network lalo nga’t naging maugong recently

lang ang posibilidad na mag-transfer siya.

Well, kung maganda ang kalalabasan ng meeting, for

sure naman ay ibabalita agad ni Kris sa kanyang IG account

kung ano ang kanyang bagong show.

NATUTUWA si Jaclyn Jose sa pagtatanggol sa kanya

ng anak na si Andi Eigenmann against her detractor,

pero aniya ay pagsasabihan pa rin niya ito.

“Mamaya nga, kakausapin ko siya (Andi),” sambit ni

Jane (nickname ni Jaclyn) nang makausap namin after

the block screening of Ma’ Rosa sa Podium last

Monday, “sasabihin ko sa kanya, ‘Anak, hayaan mo na

sila, they have the right to say whatever they like.’”

Pero hirit ni Jaclyn, sana lang ay napanood ng mga

detractors niya ang movie dahil kung hindi ay walang

karapatan ang mga itong tumalak.

Nanawagan pang ipagdasal daw siya…

KRIS, BALIK-TV,

SA DOS PA RIN

“Pero sasabihin ko sa kanya na ‘Hayaan mo na, anak,

nasa atin si Palme d’Or (trophy), nasa bahay, eh. Hindi na

nila maaano ‘yun, they can’t do anything about that,” say

pa ng Cannes Best Actress.

Hindi naman talaga biro ang karangalang dinala ni

Jaclyn sa ating bansa bilang kauna-unahang Pinay na

hinirang na Best Actress sa prestihiyosong Cannes International

Film Festival.

Pero sa halip na matuwa, ang iba ay iniintriga pa

siya at kung anu-anong negatibong komento ang sinasabi.

Masasabi ba niyang crab mentality pa rin ang

umiiral sa ibang hindi natutuwa sa kanyang tagumpay?

“Puwede. Ganyan sila, eh. So, hayaan na lang natin,

okay lang ‘yun. Saka, ano pa ba ang puwede kong sabihin

sa kanila, ang laki-laki na ng blessing na nakuha ko.

Okay na ‘yun, wala namang problema ‘yan,” she said.

Expected na rin naman daw niya na may masasabi’t

masasabi talaga ang mga tao sa pelikula.

“Sinabi ko nga kay Brillante (Mendoza, direktor

ng Ma’ Rosa), ‘‘Pag napalabas ‘to, meron ‘yan (detractors).’

You can’t please anyone. Pero ready ako. Basta

nasa akin na si Palme d’Or, wala na silang magagawa.

Okay na ‘yun.”

Kung ang iba ay may nasasabing hindi maganda,

mas marami naman ang positibong komento, at sa

showbiz, hindi maitatangging nadagdagan nang

milya-milya ang respeto sa kanya ng mga katrabaho

at mga taga-industriya.

In fact, sobrang loaded talaga ang schedule ni Jaclyn

ngayon dahil sa dami ng kanyang ginagawa. Kabikabilang

interviews, pictorial, taping,

shooting at may play pa siyang ginagawa.

At ngayon nga, kasama rin siya sa

Yes! magazine’s 100 Most Beautiful Stars

at aminado siyang dahil ito sa pagkakapanalo

niya sa Cannes.

“Well, siyempre, kadikit ‘yan ng pagkakapanalo.

Siyempre, you have to be one

of the most beautiful if you have Palme

d’Or, ‘di ba?” pagbibiro ni Jane.

Samantala, masayang-masaya si

Jane sa suporta sa Ma’ Rosa ng PPL Entertainment,

Inc. ni Perry Lansingan na

kanyang manager. Nagpa-block screening

pa ang management agency at halos

kumpleto ang PPL artists kabilang na

ang mga alagang aktor ni Perry na miyembro

ng Eigenmann clan tulad nina

Sid Lucero, Gabby Eigenmann at Geoff

Eigenmann.

Dumating din sina Rochelle Pangilinan,

Carlo Gonzales, Mark Bautista,

Bela Padilla among others.

Of course, nandu’n din si Direk Brillante

at ang anak ni Jane na si Andi na

isa rin sa cast ng Ma’ Rosa.

HAPPY si Rochelle Pangilinan na pangalawang

beses na siyang napasama sa list ng

Yes! magazine’s 100 Most Beautiful

Stars.

“Pabongga nga nang pabongga, eh.

Dati ‘di ba, hindi pa ganito kabongga nu’ng

una? Ngayon, iba na. Siyempre, nakakaproud

kasi ang dami-dami namang puwedeng

maipuwesto, ‘di ba, bakit ako pa?”

sey ni Rochelle.

Bukod dito, ang isa pang ikinai-excite

ni Rochelle ay ang requel ng Encantadia

na malapit nang magsimula. Ginagampanan

niya rito ang role na Agane at para sa dancerturned-actress,

ito na ang biggest role na

ibinigay sa kanya ng GMA-7 kaya sobrang

nakaka-proud daw.

“Ang saya. Iba ‘yung pakiramdam,

nakaka-proud. And sinabi ko naman kay

direk (Mark Reyes), ito ‘yung biggest role

na ibinigay sa akin ng GMA-7.

“Kakaiba, as in ito ‘yung pinakakakaiba.

Actually, dito ako hirap na hirap kasi katawan,

preparasyon and then, isip para sa pag-arte

mo. ‘Yung disiplina kasi, kailangan, hindi lang

(Sundan sa p.11)