04.09.2016 Views

September 4, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Alamin ang business model, mga produktong ibinebenta, magresearch

etc…

MGA PARAAN PARA HINDI MABIKTIMA NG

MGA PEKENG NETWORKING COMPANY

OPEN-minded ka ba, gusto mo bang maging

P15,000 ang P1,500 mo in less than 2 weeks, gusto

mo nang magkalaman ang garahe mo ng brand new

car?

Easy money – ‘tila ‘yan ang pangarap ng ilan sa atin

lalo na sa panahon ngayon kung saan mahirap kumita ng

pera. Ngunit, sa kagustuhang kumita ng malaking halaga

ay nagiging sanhi pa ito para mahulog tayo sa patibong

ng mga masasamang-loob na gustong makapanlamang o

ang tinatawag nilang ‘scammers’.

Take note, hindi barya-barya ang nadidispalko ng mga

grupong ito dahil umaabot din sa milyun-milyong piso ang

halaga.

Unang pumutok ang malakihang scam sa kasaysayan

ng Pilipinas noong 2012 kung saan tinatayang 100,000 Filipino

families ang sinasabing nag-invest at naloko ng

pyramiding scheme na “double-your-money”. Humigitkumulang

sa 15,000 katao rito ay mula sa Visayas at

Mindanao, samantalang, tumatagingting na P12 billion ang

sinasabing nadispalko ng kumpanya. Sa rami umano ng

naloko, umabot sa 8,000 complainant ang nag-file ng kaso

laban sa kanila.

Pero himalang kahit na marami na ang naloko at kahit

na pinag-uusapan na ito saanmang panig ng mundo ay hindi

pa rin naging sapat para sina Juan at Juana ay hindi na

malokong muli sa

ganitong klase ng

scam.

Sa pagpasok ng

“Network Marketing”

o “Multi-level Marketing

(MLM)” sa bansa,

muling sumusubok ang

ating mga kababayan

sa pangakong ‘easy

money’ daw na kita,

ngunit, hindi maiwasan

ng ilan na magdalawang-isip

dahil sa

takot na baka maloko

na naman sila o baka

isa na naman itong uri

ng patibong para ma-scam.

Tulad kasi sa pyramiding scam, ang networking ay

mayroon ding recruitment of members na nagaganap kung

saan sinasabing mas malaki ang kita kung may maire-recruit

kang bagong miyembro o tinatawag nilang ‘referral’.

Ngunit, ang kaibahan lamang sa isang pyramiding

scheme, pagre-recruit at pag-i-invest ng pera ang labanan

samantalang, may produkto naman daw na maaaring ibenta

kung ikaw ay papasok sa isang networking. At ang siste,

may mataas na compensation ka pang matatanggap, hindi

lang ikaw kundi ang pamilya mo!

Sa sobrang laki ng compensation at maaaring kitain

minsan ay masasabi ng ilang tao na too good to be true ang

mga ito.

Kaya naman, nababahala rin ang ilang networking companies

na dahil sa naglilipanang scam scheme na ito ay hindi

maiwasang mabahiran din ng pagdududa ang kanilang

industriya.

Kaya, hangga’t maaari raw ay ipinauunawa nila sa mga

bagong miyembro kung paano ba tumatakbo ang isang networking

business?

Ngunit, paano nga ba natin malalaman kung ang networking

company na ating papasukan ay legal o isa na

namang uri ng scam, anu-ano ang mga dapat nating gawin?

MAGLAAN NG ORAS PARA SA RESEARCH

Alamin kung may opisina ang nasabing networking company,

ngunit, tandaan na hindi porke may opisina ay legal na

kaagad ito. Makabubuti pa rin na bago pumayag na marecruit

ng inyong kaibigan ay alam natin ang business address

ng papasukan. Dapat knows ninyo rin kung gaano na

sila katagal na nag-o-operate at kung sila ay rehistrado sa

Securities & Exchange Commission (SEC); hindi naman

kailangang pumunta sa mismong tanggapan, gamit ang

kanilang website ay maaari na itong gawin to check if registered

nga ang nasabing kumpanya. Huwag matakot na

alamin kung sino ang may-ari at corporate officers nila, para

kung sakaling magkaaberya, alam ninyo na kung sino ang

hahabulin ninyo.

HUWAG MAHIYANG MAGTANONG

Survey is the best key, ‘ika nga nila. Bago tuluyang

pumasok sa isang networking company, magtanung-tanong

sa mga kakilala tungkol sa nasabing kumpanya. Maaari

ring gamitin ang kapangyarihan ng internet at i-search ang

kumpanya kung ito ba ay legal o hindi at kung nasangkot na

ba ito sa iba’t ibang eskandalo o kaso?

GAWING LEHITIMO ANG BAWAT TRAN-

SACTIONS

Mas makabubuting gawin ang bawat transactions sa

mismong opisina ng isang networking company, sa ganitong

paraan ay kampante ka sakaling maglabas ka ng perang

pambayad ng inyong registration fee. Siyempre, huwag

kalilimutang humingi ng resibo, dapat ay lehitimo ito at hindi

gawa-gawa lang.

ALAMIN ANG

KANILANG BUSI-

NESS MODEL

Hindi porke SEC

registered ay automatically

legal na sila, magandang

pag-aralan

din ang business model

ng papasukang networking

company.

Alamin kung ano ang

focus ng kumpanya –

ang produkto o ang

pagre-recruit? Kung

ang pagre-recruit, malamang

sa malamang,

illegal ‘yan, noh!

ALAMIN ANG PRODUKTONG IBINE-

BENTA

Kung ang focus nila ay ang pagbebenta ng produkto

at hindi ang pagre-recruit, hindi ibig sabihin nito ay legal

nga sila. Dapat alamin n’yo rin kung lehitimo ang

produkto. Karamihan kasi sa mga ibinebenta ng mga

kumpanya na pasok sa direct selling tulad ng networking,

mga food supplement o food product. Ayon sa Department

of Trade and Industry, kung locally manufactured

ang produkto, dapat na mayroon itong PSS

mark (Product Safety Standards), samantalang, kung

imported naman ay may ICC mark (Import Commodity

Clearance) at make sure na pasado ito sa Bureau

of Food and Drugs (BFAD) at Department of Health.

Alamin din kung may marketing value ang produktong

ibinebenta, kung feeling ninyo ay malulugi kayo sa

pagbebenta ng produkto mula sa inilabas na registration

fee, aba, mga katsika, umiwas na tayo r’yan. Alamin

din kung ang produkto ay may reasonable product return

policy kung saan maaari itong isoli at i-refund.

Huwag tayong magpaakit sa mga ipinakikita nilang

sportscar, ‘di natin alam, maaaring sa bulsa na ng mga

miyembro nito kinukuha ang kanilang pampagasolina.

Huwag din tayong masilaw sa mga natamasa nilang

kayamanan.

Laging tandaan, hindi lamang pag-i-invest ng pera ang

inyong puhunan sa pagpasok sa isang transaksiyon dahil

puhunan din ang inyong sarili lalung-lalo na ang inyong peace

of mind. Sabi nga ng mga eksperto, huwag mag-invest sa

isang bagay na hindi mo naman naiintindihan kahit na gaano

pa kalaki ang ipinangako nitong kita sa inyo.

Huwag din mag-invest dahil lamang sa tiwala o trust

dahil kapag nagoyo ka, hindi lamang pangarap mo ang

guguho, pati ang tiwala ninyo sa sarili at sa inyong kapwa.

Kaya naman mga katsika, hinay-hinay lang sa pagsunggab

dahil baka ang malaking pera na inyong inaasam...

maglahong parang bula!

12

SETYEMBRE 4, 2016

Alamin ayon sa birthdate…

SILANG MAGKAKA-COMPATIBLE

AT SWAK SA ISA’T ISA

DEAR MHO,

December 3, 1990 ang

birthday ko. Sinu-sino ang

mga ka-compatible ko?

Codename: Sagittarius ng

922304****

SAGOT

Ka-compatible ng zodiac

sign mong Sagittarius,

ang kapwa mo fire type signs na Leo, Aries

at kapwa mo Sagittarius, gayundin ang air type

sign na Gemini, higit lalo silang isinilang sa mga

petsang 6, 15, 24, 9, 18, 27, 3, 12, 21 at 30.

DEAR MHO,

May 2, 1982 ang birthday ko at November

25, 1982 naman ang mister ko. Ask

ko lang kung kailan kaya kami magkakababy?

Codename: Taurus ng 905782****

SAGOT

Ayon sa inyong Children Calendar, sa

taong 2017 hanggang 2018, magkaka-baby

na kayo.

DEAR MHO,

January 18, 1991, ang birthday ko. Anong

zodiac sign at birth date ang ka-compatible ko?

Codename: Capricorn ng 927734****

SAGOT

Ka-compatible ng zodiac sign mong

Capricorn ang isang Virgo, Taurus, Cancer

at kapwa mo Capricorn, higit lalo silang may

mga birth date na 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 5,

14, 23, 9, 18 at 27.

DEAR MHO,

May 16, 1992 ang birthday ko. Kailan

kaya ako magkaka-boyfriend? Codename:

Taurus ng 917183****

SAGOT

Ayon sa iyong Love Calendar, sa susunod

na taong 2017, sa edad mong 25 pataas,

magkaka-boyfriend ka na, hatid ng isang

lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo.

DEAR MHO,

Compatible ba ang Leo at Aries?

Codename: Leo ng 933489****

SAGOT

Ayon sa Western Astrology, positibo ang

tugon, compatible ang Leo at Aries, sapagkat

may iisang elemento silang tinataglay - ang

elementong fire o apoy!

DEAR MHO,

October 28, 1989 ang birthday ko. Naga-apply

ako ngayon sa abroad bilang D.H.,

kailan kaya ako makaaalis? Codename:

Glenda ng 916253****

SAGOT

Ayon sa iyong Travel Calendar, sa taong

2017 at 2018, may isang mabunga at

mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa

iyong karanasan.

DEAR MHO,

January 6, 1992 ang birthday ko at July

31, 1991 naman ang birthday ng boyfriend

ko. Compatible ba kami at kami na ba ang

BulgarMaestro

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!