04.09.2016 Views

September 4, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

SETYEMBRE 4, 2016

Nagse-send ng alert at nag-o-auto-lock kapag

nasosobrahan na sa paggastos ang owner...

HI-TECH BAG, NAGAGAWANG

PIGILAN SA SOBRANG PAGSA-

SHOPPING ANG USER

N i JHOZEL FERNANDEZ

SHOPAHOLIC

ka ba? ‘Yung tipong

basta may

money na pangshopping

ay susugod

ka talaga sa

mall para bumili ng kung anu-anong bagay na magustuhan

mo; dress, bags, shoes, gadgets, appliances at groceries lalo na

kapag may anunsiyo ng mga discount on sale? Hanggang sa

magulat ka na lang na naubos na pala ang cash mo dahil

nagpaka-“one day millionaire” ka na naman at nakalimutan

mong sundin ang budget mo. Naku, mukhang bagay sa’yo ang

handbag na ‘to!

Ang iBag2 ay sinasabing digitally programmable handbag na idinisenyong magpaflash

at magba-vibrate kapag ang owner o carrier nito ay napapagawi na sa “danger

spending zones” o sa mga lugar kung saan madalas na nalulustay ang pera ng mga

shopaholic.

Ini-launched ng personal finance website na Finder.com, ang iBag2 raw ay ideya ng

isang female-led team ng mga engineer mula sa robotic firm na Colmac Robotics Ltd sa

Ireland at ng renowned New York-based fashion designer na si Geova Rodriguez; ang

una ay siyang in-charge sa robotics

accessory ng bag, samantalang, ang

huli ang gumawa ng couture design

ng handbag.

Sinasabing pangunahing intensiyon

ng creators at designer ng

iBag2 ay tulungan ang mga tao sa

pagmo-monitor ng kanilang pagiging

impulsive pagdating sa paggastos

ng pera sa tuwing nagsashopping.

Ang iBag2 handbag ay

sinasabing mayroon daw built-infeatures

na nagre-remind sa shoppers

ng kanilang “spending goals.”

Kapag daw nagsimula nang hagilapin

ng handbag carrier ang kanyang

wallet dahil hindi na niya

mapigilan ang sariling bilhin ang

isang bagay kahit hindi naman

kasama sa budget, ang handbag

mismo ay “self-locking” o may

auto-lock na siyang paraan upang

hindi na magamit ng shopper ang

kanyang cash na nasa loob ng bag.

Paano? Kapag daw binili ng

shopper ang handbag na ito ay iseset

muna sa pre-programmed features ang mga lugar na madalas puntahan upang magshopping.

Kumbaga, ii-store muna dapat ang mga “spending zones” sa robotic GPS

function ng iBag2 na nagsisilbing memory track ng handbag upang mabigyan nito ng

warning ang carrier sa pamamagitan ng “flashing amber lights” nito sa tuwing mapapagawi

na ang shopper sa lugar na alam niyang mapapagastos talaga siya.

Ayon sa manufacturer nito, ang sinasabing RFID system ay connected sa LED lights

at vibration motors na nagse-send ng discreet warnings kapag dudukutin na ng shopper

mula sa kanyang bag ang kanyang wallet. Kapag hindi raw pinansin ng handbag owner

ang warning nito, ang magnetic field na ginamit sa bag upang mag-snap ang two steel

plates sa loob nito ang magpa-function para sa “self-locking” mechanism nito kaya wala

ng paraan para mapagastos pa ang shopper.

Pahayag pa ni Michelle Hutchinson, money expert sa Finder.com, “idinisenyo ang

iBag2 upang matutunan ng mga shopper ang wise spending pagdating sa pag-manage

ng kanilang personal finances. Sa tulong ng smart technology na ito, mas magiging

aware ngayon ang tao sa kanilang shopping habits at mas magiging conscious sila sa

paggastos nila sa tuwing mamimili.”

Ang iBag2 smart handbag ay mayroon din daw kasamang fast charging power,

battery na may capacity of 10,000 mAh at two USB ports –ang isa ay para i-charge ang

bag at ang isa ay para sa smartphone. Mayroon din daw itong backup na 9V battery na

naka-attached sa microprocessor nito. Kapag daw naging maganda ang response ng

publiko sa smart bag na ito ay sisimulan na nila ang mass production at ibebenta ito sa

halagang $5,000.

Hmmm… ano sa tingin ninyo? Mukhang ayos ang isang ‘to, ‘di ba? Kapag nagkataon,

may unique handbag ka na, may instant financial adviser ka pa!

Upang malaman ang lagay ng

panahon kahit walang TV, radio etc...

MGA PALATANDAAN

KUNG KAILAN MAY

DARATING NA ULAN

Bigyang-daan natin

ngayon ang pagpapatuloy

sa kasagutan sa e-

mail ni Habagat ng Habagat_Wind@facebook.

com

Sa iyo Habagat,

Tulad ng nasabi na

noong wala pang radyo,

TV at mga ahensiya ng

gobyerno sa pagtaya ng

lagay ng panahon, ang

mga tao ay dalubhasa na

sa ganitong klase ng kaalaman.

Ang dalawang sistema,

sa sinauna pero hanggang

ngayon ay ginagamit

pa ng mga magsasaka

at ng mga naglalagay sa

karagatan at ang sinasabing

makabagong paraan

ay may malaking pagkakaiba.

Ang pagtaya ng PAG-

ASA at ng iba pang ahensiyang

tulad nito ay bumabase

sa satellite na ang

ibig sabihin, natatanaw o

nakikita nila ang bagyo

mula sa itaas dahil ang

mga satellite ay nasa mataas

na kalawakan.

Ang mga magsasaka,

mga manlalayag at mga

mangingisda ay natatanaw

ang bagyo mula sa

ibaba.

Ito ang dahilan kung

bakit madalas sinasabi ng

mga tao na namali ang

PAGASA kasi ang hangin

o bagyo ay mataas

o hindi naman talaga abot

ang lakas sa ibaba kasi

nga, mataas ang hangin

ng bagyo. At dahil sa

mataas ang hangin, wala

namang gaanong epekto

sa lupa.

Pero kapag ikaw ay

nasa ibaba ng bagyo tulad

ng magsasaka at

mangingisda, alam na

alam mo agad na malakas

ang bagyo kapag mababa

ang hangin.

At tiyak, hindi ka mamamali

dahil aktuwal na

nadarama mo ang lakas

ng hangin.

Dahil dito, mahalaga

ang mga itinuturo na kaalaman

ng mga magsasaka

at ng mga mangingisda

sa mga anak nila at sa

iba pang mga gustong

matuto sa pag-alam ng

lagay ng panahon. Narito

ang ilan:

Kapag mataas ang

ulap, kahit sobrang madilim

at makapal, hindi

uulan kapag ang hangin

ay mabilis din ang galaw.

Kapag mababa ang

ulap na madilim at makapal,

tiyak na babagsak

ang ulan.

Kapag mababa ang

hanging paparating at

may makapal at madilim

na ulap na paparating din,

uulan.

Kapag ang hangin

kahit mababa at ang ulap

na madilim at makapal

ay lagpas sa kinatatayuan,

ang ulan ay lagpas din.

BARANGAY MAMBUBULGAR

KARUNUNGANG

LIHIM

(Buhay, Mundo

at Tagumpay)

Karunungan_panaginip@yahoo.com

ni Sñr. Socrates Magnus II

15

May hangin o wala

kapag sobrang baba ng

ulap na makapal at madilim,

uulan din.

Kaya mahalagang

mag-obserba sa lagay ng

hangin at ulap lalo na sa

panahon na may bagyo

nang makaiwas sa mga

hindi magagandang puwedeng

maranasan.

Ang mga nasa itaas na

kaalaman ay magagamit

kahit walang radyo o TV

lalo na ng mga nasa mga

probinsiya na nabubuhay

sa pagsasaka at pangingisda

dahil malabong

uuwi pa ang nasa bukid

o sa bundok o sa mga

nasa taniman para lang

makinig at manood ng

balita sa TV.

Ang tagal ng pag-ulan

ay depende sa sukat ng

ulap na madilim at makapal.

Kapag maliit lang

ang sukat ng ulap na madilim

at makapal, maiksi

lang ang magiging pagulan.

Kapag malaki ang

sukat ng ulap na madilim

at makapal, mahaba ang

pag-ulan.

Sinusukat din ang tagal

ng pag-ulan depende

sa bilis o lagay ng hangin.

Kapag mabilis ang

hangin, mabilis ding

mawawala ang pag-ulan,

kapag mahina o halos

walang hangin at ang

ulap na makapal at madilim

ay malawak, tatagal

ang pag-ulan at babaha.

Bago mamuo ang

isang bagyo, ang mga tao

ay makadarama ng maalinsangang

panahon

kung saan ay parang walang

hangin sa ibaba na

ang ibig sabihin ay nagiipon

ng lakas ang isang

bagyo.

May bagyo na pero

malayo pa kapag ang

hangin ay nakitang anong

bilis na ang direksiyon ay

iisa lang.

Ang hangin ay makikitang

nagpupuntahan

sa lugar kung saan ay

naroroon ang bagyo.

Dahil dito, magandang

alam ng tao kung

nasaan ang silangan,

kanluran, timog at hilaga

nang sa ganu’n ay matukoy

nila kung nasaan

mismo ang namumuong

bagyo.

(Itutuloy)

By: KIMPOY

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!