06.01.2017 Views

January 6, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

ENERO 6, 2017 Features Editor: ICEE REEN LABAREÑO

11

Gusto mo bang mapa-sleep well

at sweet dreams? Read na!

5 PAGK

GKAING DAPAT IWASAN PAR

ARA

MAKATUL

TULOG NANG MAAYOS SA GABI

N

APAKASARAP matulog lalo na kapag malamig ang

simoy ng hangin sa gabi. Para bang aayaw ka sa

pagbangon at gugustuhin mo na lang sa kama,

habambuhay. ‘Yun nga lang, hindi naman ito nai-enjoy

ng mga taong may problema sa kanilang pagtulog. Kitangkita

sa kanilang mga eyebag ang ilang oras lang na tulog

pagkatapos ay nasisira pa.

Malaki ang mga epekto ng pagtulog ng tao, mapa-tuluy-tuloy sa panaginip o

mababaw na idlip. Ang sleep deprivation ay ang kakulangan sa tulog o sa madaling

sabi ay puyat na maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa kalusugan.

Mas nakadaragdag ito ng timbang, nakaka-high blood at mataas din ang tsansa

na magkaroon ng sakit sa puso. Ganu’n na lang kahalaga ang pagtulog nang maayos

at kumpleto sa oras.

Ngunit, alam ba ninyo na nasa pagkain ng tao ang problema kung bakit nagiging

sleep deprived tayo ? Narito ang ilan sa mga pagkain na kailangan ninyong iwasan

sa gabi bago kayo matulog para sa mas mahimbing at maayos na pahinga.

BACON CHEESEBURGER – Naku, pagkasarap-sarap pa man din nito! Ang

taba kasi na nasa bacon cheeseburger ay nag-i-stimulate ng acid sa tiyan na nagiging

dahilan ng heartburn kaya talagang iiwan ka nitong gising na gising sa gabi. Ang

mga pagkain na mataas

ni CATHLEE

OLAES

sa fats tulad ng cheeseburger

ay nagiging harang

sa pagitan ng sikmura

at esophagus kung

saan nagli-leak ang acid

nito sa iba’t ibang parte

ng katawan.

ALCOHOLIC

DRINKS – Ito ay dahil

mabilis na name-metabolize

ang alkohol sa

ating katawan kaya

kung mapapansin ninyo,

kapag kayo ay medyo

nakainom, pagising-gising din kayo. Bukod dito, sinisira rin nito ang maganda mo

sanang pagtulog. Ang alkohol din ay malakas makapagpahilik, kaya kung may katabi

ka na masarap ang tulog, pag-isipan mo kung iinom ka pa.

DARK CHOCOLATES – Paumanhin sa mga chocolate lover diyan pero

kabilang sa listahan ang alternatibong tsokolate sa mga milk chocolate. May caffeine

ang bawat dark chocolates na siyang dahilan kaya hindi agad tayo nakatutulog.

CURRY O SARSA SA ULAM – Ayon sa isang pag-aaral sa Australia, dalawang

lalaki ang napatunayang hindi nakatutulog nang maayos matapos kumain ng

masarsang pagkain. Dahilan din ng heartburn ang sarsa.

KARNE O MGA PAGKAING MAYAMAN SA PROTINA – Ang mga

karne na mayaman sa protina ay hindi magandang ideya na pagkain bago matulog.

Sa gabi kasi ay bumabagal ng 50% ang digestion ng tao dahil sa proteins kaya

naman habang natutulog ka, ang katawan mo ay mas naka-focus sa pagtunaw ng

iyong kinain kaysa sa mas malalim na pagtulog.

Oh, mamayang gabi ay alalahanin mong muli ang mga pagkaing nasa listahang

ito. Tiyak, makatutulong ito sa‘yo lalo na kung problema mo talaga ang pagtulog sa

gabi. Pero siyempre, narito rin ang ilan sa mga pagkaing puwedeng pamalit sa gabi

para mas mapadali ang inyong pagtulog. Nariyan ang cherries, Jasmine rice, gatas,

kamote at saging.

Ayos ba? Eat well at sleep well!

MASYADONG MASUNGIT

ANG MOMMY NG BF

Dear Roma,

Masyadong masungit

ang mommy ng

BF ko kaya hindi ko

alam kung paano siya

ia-approach? Ano ang

gagawin ko? – Rose

Ann

Rose Ann,

Ganyan naman talaga

ang mga mommy,

likas na sa kanila ang

minsang pagsusungit o

pagiging strict. Pero dahil

mommy siya ng BF

mo, kailangan mong piliting

makisama at hulihin

ang kiliti niya para maging

maganda ang trato niya

sa‘yo at maging maganda

ang bonding ninyo lalo na

kapag nagtagal-tagal na at

lagi kang bumibisita sa

kanila. Ipakita mo sa

kanya na iginagalang mo

siya at ang pamilya nila.

Ipakita mo rin kung gaano

mo kamahal ang anak niya

para makita niyang worth

it kang i-welcome sa

kanila. Konting push lang,

kung paano mo mahalin at

Malinaw ayon sa palad...

BABAENG MAG-RESIGN MAN SA

KASALUKUYANG TRABAHO AY

TIYAK NA MAKAHAHANAP NG

BAGO AT LALO PANG UUNLAD

KATANUNGAN

1. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa call center

pero nahihirapan na ako kaya balak kong mag-resign

at maghanap ng ibang work. Ang kaso, nakita ko

ang Fate Line ko na huminto pero pagkatapos namang

huminto ay nagpatuloy din naman.

2. Ano ba ang ibig sabihin ng ganitong Fate Line

at dapat ba akong mag-resign sa kasalukuyan kong

trabaho at maghanap ng ibang work? At kung

maghahanap ako ng ibang trabaho, makahahanap

naman kaya agad ako?

KASAGUTAN

Kapag kusang huminto ang maganda at matayog pa

naman sanang Fate Line na tinatawag din nating Career

Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) at pagkatapos

huminto ay nagpatuloy din naman (arrow b.) sa kanyang

tinatahak na direksiyon at maluwalhating nakatuntong

sa Mount of Saturn (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong

palad, tiyak ang magaganap, sa ayaw at sa gusto mo,

hindi mo ito mapipigil o malabo mo itong mahadlangan,

may isang panahong kusa kang mawawalan ng regular

na pagkakakitaan o trabaho (arrow a.) ngunit, pagkatapos

naman nito, kumbaga sa negosyante ay bumagsak ang

career at kabuhayan mo, sa takdang panahong inilaan ng

kapalaran, kusa ka ulit makare-recover at kapag nakarecover

ka na at muling nagkaroon ng hanapbuhay o

career, tuluy-tuloy na ito hanggang sa umunlad na nang

umunlad ang kabuhayan at kusa nang yumaman (H-H

arrow d.).

BARANGAY MAMBUBULGAR

irespeto ang nanay mo,

gawin mo rin sa kanya.

Ituring mo siyang isang ina

na malapit sa‘yo para maramdaman

niya ang presence

mo. Darating din

ang time na magiging

close ka sa kanya at sa buong

pamilya niya basta

magpakabait ka at ipakita

mo sa kanila kung sino ka

talaga.

Dear Roma,

Gusto ko nang yayaing

magpakasal ang GF

ko pero hindi ko alam

kung paano? Ano ang

gagawin ko? – Jay

KAPALARAN

ayon sa

inyong PALAD

ni MAESTRO HONORIO ONG

ANG kaliwa

at kanang

palad ni Eva

ng Talipapa,

Novaliches,

Quezon City.

DAPAT GAWIN

Eva, ayon sa iyong mga datos, kusang magaganap

ngayong taong 2017 ang dapat mangyari, pero hindi ka

naman dapat malungkot o manghinayang kung sakali

mang bigla kang mawalan ng career o trabaho dahil ang

lahat ng ito ay pansamantala lamang at ang paghinto ng

pagkakakitaan o trabaho ay preparasyon lamang para sa

mas malaking suwerte at mas magandang kapalarang

darating na magsisimulang mangyari at maganap ngayong

taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Mayo, sa edad mong

24 pataas, sa nasabing panahon sa mas maganda at mas

malaking suweldo na kumpanya ka malilipat at tuluytuloy

ka nang aasenso at uunlad sa nasabing bago at mas

magandang trabaho.

Jay,

Hala siya, natotorpe

ka pa ba sa GF mo na

malapit mo na ring maging

asawa? Kuya, lakasan

mo na ang loob mo,

ayan na ‘yun, oh! Humingi

ka ng tulong sa mga kapamilya

at kaibigan ninyo

kung dehins mo kayang

gawin ‘yan nang mag-isa.

Siguro, kinakabahan at

nate-tense ka sa mga

plano mong gawin kaya

ganyan ang naiisip mo?

Hindi naman kailangang

gumastos para riyan,

kailangan lang ng creativity

at suporta ng mga

taong malalapit sa inyo

para magawa mo na ang

proposal mo. I’m sure,

By: KIMPOY

maraming makatutulong

sa‘yo once na humingi ka

ng advice at suporta sa

mga nakapaligid sa‘yo.

Ang mahalaga, anuman

ang paraang gawin mo

sa pagpo-propose ay

masabi mo nang maayos

ang hangarin mo sa

kanya. Mahalagang alam

ng pamilya niya ang balak

mo para mas maging

madali ang mga step na

pagdaraanan mo sa pagpo-propose

hanggang sa

mag-yes na siya sa‘yo.

Good luck, bro!

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!