29.01.2017 Views

January 29, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

2 News Editor: JOY ASIS

ENERO 29, 2017

Sa kaso ng SAF 44

IMPEACHMENT KAY OMBUDS-

MAN MORALES, KASADO NA

IPINAGMALAKI ng Volunteers Against

Crime and Corruption na may 20 nang mga

kongresista ang nagsabi na susuportahan

nila ang impeachment complaint laban kay

Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sinabi ni VACC lawyer Atty. Ferdie Topacio

na pinaplantsa na ni dating Negros Oriental Cong.

Jacinto Paras ang kanilang comprehensive

impeachment complaint na isasampa sa Kamara

JEEP NAHULOG SA

BANGIN, 18 NADALE

ISA ang kumpirmadong

patay habang nasa 17 iba pa

ang sugatan matapos bumulusok

sa bangin ang isang pampasaherong

jeep sa Tanauan

City, Batangas kamakalawa.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon,

7:30 ng gabi,

minamaneho ni Edgardo

Napao ang jeep (DHG 125),

sakay ang 17 pasahero nang

pagsapit sa makitid na daan

ng Sitio Balete, Bgy. Balele,

Tanauan City, Batangas ay

nawalan siya ng kontrol at

bumulusok paatras ang jeep

kaya nagtuluy-tuloy sa bangin

at nahulog.

Nagtamo ng mga sugat

sa katawan ang mga pasahero

kabilang na rin ang nasabing

driver subalit, napuruhan si

JR Alim, 13, kaya nasawi

habang naisugod naman sa

ospital ang iba pa.

Bagamat, nasugatan din

ang driver at nasa ospital pa,

inihahanda na ang kasong

isasampa laban sa kanya.

(Janice Baricuatro)

Dahil sa baha

FORCED EVACUATION

SA BUTUAN CITY

MULING ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Butuan

City ang forced evacuation kahapon ng umaga matapos

umabot sa tatlong metro ang taas ng water level.

Isinisisi ito sa Agusan River dahil sa muling pagbuhos ng

malakas na ulan na hatid ng low pressure area na nasa

Mindanao.

Kaugnay nito, inihayag ni Paolo Gogo, information officer

ng Butuan City Hall, na kanila nang nai-dispatch ang search,

rescue at retrieval team.

Ito ay upang pilitin ang mga residenteng lumikas na lalo

na ang nasa low-lying barangays at nasa gilid ng river banks

nakatira.

Kasama sa pinalikas ang mga naninirahan sa mga landslide

prone barangay tulad ng Bilay at Tungao. (Vyne Reyes)

88 OFWs SA MIDDLE

EAST, NASA DEATH ROW

NILINAW ng Malacañang

na hindi inuupuan ng

gobyerno ang kaso ng may

88 Pilipinong nasa death row

sa Middle East dahil sa iba’t

ibang kaso.

Kasunod na rin ito ng

agam-agam ng publiko at

ilang non-government organizations

dahil sa pagbitay

kay Jakatia Pawa na hindi

umano agad nalaman ng

gobyerno.

Ayon kay Presidential

Spokesman Ernesto Abella,

mula’t sapul ay inaasikaso

UMAPELA kay Pangulong

Rodrigo Duterte si Fr.

Jun Mercado ng Oblates of

Mary Immaculate na tigilan

na ang ginagawang pambubully

nito sa Simbahang-Katolika.

na ng Department of Foreign

Affairs at Department

of Labor and Employment

ang kaso ng mga OFW na

nasa death row.

Sa kaso aniya ni Pawa,

kumuha ang gobyerno ng

mga de-kalibreng abogado

subalit, sadyang malakas ang

pamilya ng napatay na biktima

Ṡinabi ni Abella na kahit

kailan ay hindi nagpabaya

ang gobyerno sa kapakanan

ng mga kapwa Pilipino sa

ibang bansa. (A. Taliping)

sa mga susunod na araw.

Malinaw ayon kay Topacio na may criminal negligence,

culpable violations of the Constitution at

betrayal of public trust na siyang mga importanteng

sangkap para sa impeachment complaint kaugnay sa

pagpapabaya ni Morales sa kaso ng Mamasapano

massacre.

Gusto ng VACC na managot sa batas ang mga may

kasalanan sa pagkamatay ng 66 katao kabilang na ang

tinaguriang SAF 44.

Halata umanong may pinagtatakpan ang Ombudsman

sa mabagal nitong pagtugon sa pagsasampa ng

mga kaso laban kina dating Pangulong Benigno

‘Noynoy’ Aquino III, dating PNP Chief Alan Purisima

at si dating Special Action Force Director na si Getulio

Napeñas.

Sa ilalim ng ating batas, kailangan lamang ng onethird

mula sa kabuuang 293 na bilang ng mga

kongresista para umusad ang isang impeachment complaint.

(BRT)

DRAGON DANCE na may confetti ang isinagawa sa Binondo, Manila kaugnay sa

Chinese New Year na masaganang ipinagdiwang ng mga kababayan nating Chinese

sa pagpasok ng Year of the Fire Rooster. Kong Hei Fat Choi! (Jun Guillermo)

DEDO ang isang 18-anyos na lalaki matapos

saksakin sa likod ng isang ‘di kilalang

suspek habang nagkakape dahil umano sa

matinding selos, kamakalawa ng gabi sa Tondo,

Manila.

Kinilala ang biktima na si Warren Virtudazo,

19, residente ng Aroma Temporary

Housing sa Tondo, na namatay dahil sa

malalim na saksak sa likurang bahagi ng

katawan na nagresulta sa kanyang agarang

kamatayan.

Habang mabilis namang tumakas ang

suspek na nakilala sa alyas na ‘Tawe’ matapos

ang krimen.

ISKUL SINUNOG NG

4 NA ESTUDYANTE

“NO WEEKDAY SALES”,

EXTENDED — MMDA

18-ANYOS PATAY SA SELOS

Batay sa ulat, 5:30 ng hapon, nagkakape

umano ang biktima sa labas ng naturang

building nang bigla na lang lapitan ng suspek

at agad na sinaksak sa likod.

Nadala pa sa Gat Andres Memorial Medical

Center ang biktima ng kanyang bayaw

ngunit, idineklarang patay ng mga doktor,

6:40 ng gabi.

Lumilitaw na selos ang dahilan ng krimen

dahil may hinala umano si ‘Tawe’ na may

relasyon ang biktima at ang kanyang kinakasama.

Patuloy naman ang imbestigasyon

ng pulisya sa nasabing krimen.

(Mylene Alfonso)

Simbahan, binu-bully

PARI KAY DIGONG: TAMA NA

Ayon kay Father Mercado,

dapat alalahanin ng

pangulo ang ina nitong si

Soledad na isang sarado

Katoliko na naglilingkod

kasama na ang mga madre.

Umaasa siya na mapakikinggan

ito ng pangulo

lalo pa’t malapit na magkaibigan

din ito noong siya

pa ang alkalde ng Davao City.

Dagdag pa ni Father

Mercado, hindi ito dapat ginagawa

ng pangulo dahil

isang sagrado o banal ang

relihiyon ng isang tao at hindi

dapat ito husgahan ninuman

Ṡi Fr. Mercado ay dating

pangulo ng Notre Dame

University sa Lungsod ng

SASAMPAHAN ng kasong arson ang

apat na estudyante sa Davao City.

Nasa kustodiya na ang apat na menor-deedad

matapos ituro na may kaugnayan sa

natupok na pitong classrooms ng Saint Therese

College of Science and Technology, Inc.

(STCSTI) noong Enero 25.

Batay sa imbestigasyon, may isang

STCSTI staff ang nakasaksi sa isinagawang

panununog ng apat na mga 9th graders sa loob

ng school registrar’s office.

Cotabato at kilala ring eksperto

sa Islam sa Southeast

Asia kung saan naging bahagi

rin ito ng peace panel sa

Moro Islamic Liberation

Front.

(BRT)

PALALAWIGIN pa ang

pagsasabisa ng “no weekday

sales” at “night time deliveries”,

ayon sa Metropolitan

Manila Development

Authority (MMDA) para

mabawasan ang matinding

trapiko sa Metro Manila.

Nagtipon sa tanggapan

ng MMDA ang mga mayari

ng mall at ang mga operator

kung paano ang nararapat

na gawin para sa “no

weekday sales” at “night

time deliveries” sa loob pa

ng isang taon.

Sinang-ayunan naman

ito ng mga may-ari ng mall

para sa ikalulutas ng problema

sa trapiko.

“This only shows that

everybody wants to be part

of the solution.” ani MM-

DA General Manager Tim

Orbos.

Nagpasalamat si Orbos

sa mga may-ari ng mga mall

dahil nakikiisa sila sa mga

hakbangin na ginagawa ng

ahensiya.

Napagkasunduan ng

mga opisyal na hindi muna

magsasagawa ng “sale” o

magkakaroon ng mga event

na makakapang-akit ng

publiko ang mga mall tuwing

weekdays.

Isasagawa lamang ito

tuwing 11:00 ng gabi hanggang

5:00 ng madalingaraw.

Hinimok ng ahensiya

ang mga mall operator na

magkaroon ng traffic

management sa mga lugar

na nasasakupan ng kanilang

mga mall.

Isasailalim ng MM-

DA ang mga security personnel

sa pagsasanay,

tuturuan ng tamang paggabay

sa mga sasakyan

sa kanilang dapat daanan,

gagabayan din ang mga

security personnel ng

mga MMDA enforcer na

naitalaga sa kaparehong

lugar. (Gina Pleñago)

May dating away

KAPITBAHAY, TINARAKAN

KRITIKAL ang isang 45-anyos na jeepney driver

matapos saksakin ng kanyang kapitbahay dahil sa dating

alitan sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong

saksak sa likod ang biktimang si Elino Chavez ng

Bgy. San Jose.

Ayon kay Navotas Police Homicide Investigator PO3

Allan Joey Ogatia III, 2:20 ng hapon, naglilinis ng kanyang

pampasaherong jeep ang biktima sa harap ng kanilang

bahay nang mula sa likod ay lapitan ito ng suspek na si

Edwin Flores, nasa hustong gulang at patraydor na tinarakan

si Chavez.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang

isinugod naman ng kanyang mga kaanak ang biktima sa

nasabing pagamutan.

Lumalabas sa nakalap na impormasyon, na ang biktima

at suspek ay may matagal ng alitan kung saan

pinagbantaan umano ni Flores na papatayin si Chavez.

(Maeng Santos)

Misis nasa abroad

MISTER NAGBIGTI

Ayon sa saksi, ang apat ang nagbuhos

ng gas sa nasabing opisina at nagsindi

gamit ang posporo.

Tinatayang nasa P8 milyon ang

iniwang pinsala ng nasabing sunog.

Nasa kustodiya na ng Bahay Pagasa

sa Davao City Social Services and

Development Office (CSSDO) ang mga

suspek kung saan ang Women and Children’s

Protection Desk ng Sasa Police

Station ang may hawak sa kaso. (BRT)

PATAY ang isang mister

makaraang magbigti sa puno,

kamakalawa ng umaga

sa San Juan, La Union.

Nakilala ang nasawi na si

Vergilio Basco, nasa hustong

edad, may asawa at naninirahan

sa nabanggit ding lugar,

tubong Bangued, Abra.

Batay sa imbestigasyon,

bandang 10:00 ng gabi, naglasing

ang mister nito dahil

sa pagtataksil umano ng kanyang

misis na nasa ibang

bansa.

Nagsawa na rin umanong

magpadala ang kanyang

misis dahil sinasabing

napupunta lang ang

pera sa bisyo ng mister.

Maaaring ito umano

ang nagtulak sa biktima na

magpakamatay, bagamat,

patuloy naman ang imbestigasyon

sa insidente.

(Paul Lamsen)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!