08.03.2017 Views

March 8, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

MARSO 8, 2017 3

Editoryal

Trunk lines : 749-5664 to 65

No. 1 NEWSPAPER

IN THE PHILIPPINES

(Source: The NIELSEN Company)

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Editorial : 749-0091 • 712-2874

Advertising: 732-8603 • 749-1491 •

749-6094 to 95 • 743-8702

Credit & Collection: 742-5434

Circulation: 712-2883 • 749-1493

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang mga personal na opinyon at/o kuru-kuro

ng mga manunulat na nailalathala sa

pahayagang ito ay hindi nangangahulugang

opinyon din ito ng publikasyon.

Editoryal

120-day maternity leave para

kina mommy, dapat lang

M

ALIGAYANG Araw ng Kababaihan, mga ka-BULGAR

nating nanay, tita, lola, ate at sa lahat ng babae sa

mundo!

At dahil araw ninyo ngayon, may good news tayo

para sa ating mga future mommy.

Dahil ang Expanded Maternity Leave Law of 2017 o ang panukalangbatas

na naglalayong mabigyan ng 120 days maternity leave ang ating

mga mommy, inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na

pagbasa.

At sa ilalim ng nasabing panukala, lahat ng babaeng manggagawa,

mapa-government o private man at kahit ano pang civil status at

kahit legitimate man daw o hindi ang batang isisilang ay pagkakalooban

pa rin ng 120 araw na maternity leave na may bayad na

puwede pang palawigin nang 30 araw bagama’t, ang karagdagang

30 days ay wala ng bayad.

At ang mga solo parent, hindi rin naman pababayaan dahil papayagan

din silang makapag-leave ng 150 days na may bayad.

At siyempre, hindi rin naman maisasantabi ang mga tatay dahil sa

ilalim ng panukalang ito, papayagan na rin ang mga tatay na makapag-leave

nang hanggang 30 days.

Good news talaga ito dahil sa pamamagitan nito, mas magkakaroon

pa ng pagkakataong makapag-bonding ang mag-ina.

Tandaang, malaki ang papel ng ina sa maganda at maayos na

development at paglaki ng isang bata.

Kaya sa mga mambabatas nating nag-push at hindi kumontra sa

nasabing panukala, very good po kayo at talaga nga namang good

job!

PAANO ka mabibigyan ng passport ng

isang bansa kung hindi kumpleto ang iyong

mga papeles at hindi ka dumaan sa lahat ng

tamang proseso?

Paano makapanunumpa bilang mamamayan

ng isang bansa kung ganu’n nga na

kulang ang papeles mo at proseso?

At bakit nasa listhan ang pangalan ni

Yasay sa mga tinalikuran na ang pagiging

isang Amerikano? Ito ang malamang na

itatanong kay DFA Sec. Perfecto Yasay

kapag humarap siyang muli sa Commission

on Appointments, ngayong Miyerkules.

Ang isyu ng kanyang U.S. citizenship ay

hindi talaga namamatay. Ilang beses niyang

itinanggi na siya ay U.S. citizen, pero untiunting

lumalabas na naging Amerikano nga

siya. Naging Amerikano naman pala, pero

kung magsalita ngayon ay tila napakasama

ng mga Amerikano sa bansa.

Halos sampung taon din pala siyang nanirahan

sa Amerika. Umalis daw ng Pilipinas

dahil sa Martial Law. Pero malinaw na kabalikat

ni Pangulong Duterte si Bongbong

isyungk@ b ulgar.com.ph

Mga senador, takot daw

mapagbalingan ng

pangulo kaya pagdinig

sa mga pahayag ni

Lascañas, itinigil na?!

Marcos ngayon, na baka sa Hulyo ay may

posisyon na rin sa kanyang gabinete. Ano kaya

ang masasabi niya rito?

TAKOT daw na mapagbalingan ni Pangulong

Duterte ang mga senador, kaya itinigil na

ang pagdinig sa mga pahayag ni SP03 Arturo

Lascañas hinggil sa Davao Death Squad kung

saan siya kabilang nang ilang dekada.

Mabibigat ang mga ipinahayag ni Lascañas

noong Lunes sa Senado, na hinimay ng mga

senador, partikular ang mga kaalyado o kabalikat

ni Duterte.

Pero itinigil ang pagdinig dahil wala naman

daw ebidensiyang maipakita si Lascañas, puro

salita lang.

Ano na ang susunod na gagawin ni Lascañas?

Kung ayaw na siyang bigyan ng panahon

ng Senado at lalo naman siyang hindi

mabibigyan ng panahon sa Kongreso, ano na

ang susunod na hakbang kung isinasangkot

nga niya sa krimen ang pinakamakapangyarihang

tao sa bansa?

Dalawa na sila ni Edgar Matobato na humarap

sa publiko at nagpahayag hinggil sa Davao

Death Squad. Kung may ebidensiya silang

maipakikita, baka sa korte na lang, kung umabot

man daw doon.

UNA na nating nabanggit na ang retiradong

pulis na si SPO3 Arturo Lascañas ay nagtangkang

makakuha ng prangkisa ng ‘small-town

lottery’ o STL mula sa Philippine Charity

Sweepstakes Office (PCSO).

Malaking pera ito kung nakuha sana ni Lascañas

ngunit, tinanggihan siya ni PCSO Chairman

Jose Corpuz. Pero lumabas sa pagdinig sa

Senado na hindi lang pala ito ang mga kontrata

mula sa gobyerno na sinubukang makuha ni

Lascañas, marami pang iba ngunit, bigo raw

siya palagi.

Ang kongklusyon ni Senador Manny Pacquiao,

matapos mausisa si Lascañas, ay masama

lang ang loob ng dating pulis sa administrasyon

kaya ito bumaligtad sa kanyang naunang

testimonya.

Noong una, sinabi ni Lascañas na walang

Davao Death Squad. Ngayon, sinasabi niyang

mayroon at isinangkot pa niya si Pangulong

Rodrigo Duterte sa kanyang mga gawaing kriminal.

Sa pagdinig ng komite ng public order na

pinangunahan ni Senador Panfilo Lacson ay

nabisto na gusto raw pala ni Lascañas na pagkaperahan

ang kanyang biglang pagsikat matapos

na una siyang humarap sa mga senador

at sa publiko noong Oktubre 2016.

Noon ay tinawag niyang sinungaling si

Edgar Matobato, dating testigo ng mga dilawang

pulitiko. Kaya nagulat ang lahat nang

bigla siyang bumaligtad sa kanyang nasumpaan

nang mga salita.

Ipinipilit ni Lascañas na nagkaroon daw siya

ng bagong espirituwal na pananaw matapos

ang kanyang ‘kidney transplant’ noong Oktubre

2015.

Ngunit, kung dalawang taon na ang ganitong

‘spiritual awakening’ niya, bakit noong

Oktubre 2016 ay sinabi niyang walang DDS?

Bakit ‘di siya nagsalita noon? Pera-pera lang

ba ang kondisyon?

Ngayon ay lumabas na ang katotohanan.

Sabi nga ni Senador Pacquiao, “sentido-kumon

lang, hindi ako naniniwalang hindi masama ang

loob mo matapos ibasura ang mga mungkahi

mo sa gobyerno.”

Inamin ni Lascañas na dagdag sa balak na

magkaroon ng business ng STL, sinubukan

din niyang kumuha ng lisensiya para sa isang

Customs ‘brokerage house’ pero hindi raw siya

napagbigyan.

Sumubok din daw ang umaming mamamatay-tao

na kumuha ng lisensiya bilang tagatustos

ng mga ‘quarry material’ para sa isang 53-

kilometrong daan na ginagawa sa Toril, Davao

City. Hindi rin daw siya napagbigyan sa hanga-

Umaming mamamatay-tao

na si Lascañas, bumaligtad

daw nang ‘di nakakuha ng

negosyo mula sa gobyerno!

ring maging ‘supplier’ ng gobyernong Duterte.

Isa pang negosyo na nais sanang pasukan

ni Lascañas ay ang transportasyon para sa

siyudad din ng Davao. Pinilit niyang makakuha

ng prangkisa para makapagtayo ng isang

‘transport terminal’ sa nasabing siyudad.

“Nag-audience kami personal kay Secretary

Arthur Tugade kasama ng ilang lider ng Bulacan

Transport Group. Hindi kami binigyan ng

pahintulot,” sinabi ni Lascañas sa ilalim ng mga

pagtatanong ni Senador JV Ejercito.

Sinabi tuloy nina Senador Ejercito at Lacson

na masama ang dating ng pagbaligtad ni Lascañas

lalo na’t nalaman nila na bigo siya nang

apat na beses na makakuha ng kontrata mula

sa gobyernong Duterte.

Malamang ay isara na ng komite ni Lacson

ang mga pagdinig dahil palpak naman at ‘di

kapani-paniwala bilang testigo itong si Lascañas.

Mukhang totoo yata ang balita na nabayaran

lang daw ng mga dilawang grupo ang

dating pulis para siraan si Pangulong Duterte

at mapabagsak ang kasalukuyang administrasyon.

Mahirap paniwalaan ang mga alegasyon ni

Lascañas lalo na at ilang taon na ang nakararaan

mula nang sinasabi niyang patayan. Nasaan

ang mga ebidensiya niya? Hindi puwedeng ang

pagdaldal lang niya ang pruweba.

Bakit ngayon lang siya lumabas at kasama

pa niya bilang tagabigay ng abisong legal ang

mga abogado ng FLAG na sila ring tumulong

kay Chavit Singson noon para mapabagsak si

Joseph Estrada?

Gusto ba ng mga dilaw na grupo na tulad ng

FLAG na mapatalsik din sa puwesto si Duterte?

Iniisip ba nila na si Lascañas ang kanilang bagong

Chavit? Nangangarap daw nang gising

ang mga dilaw na ito.

Para sa inyong katanungan, suhestiyon

at reaksiyon sumulat sa BANAT ni Bobi

Tiglao, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave.,

Quezon City o mag-email sa

banat@bulgar.com.ph

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!