You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
8

Showbiz Editor: JANICE DS NAVIDA

Nadala na raw kay Paulo…

LJ, ‘DI FEEL MAGPABUNTIS

KAY PAOLO

BLIND ITEM:

P

ANSAMANTALA mang kumalma ang dating

nagngangalit na kontrobersiyal na aktres sa

nagloko niyang mister at sa

babaeng nangwasak sa kanilang

pamilya, hindi naman ito nangangahulugan

na okay na ang lahat at napatawad na

niya ang mga taong nanakit sa kanyang

damdamin.

Hindi man niya itinuloy ang kaso

laban sa kanyang mister alang-alang sa dalawa nilang anak,

hindi naman niya binalak na makipagbalikan pa sa asawa.

Sinasanay na lang niya ang sarili na maging single

mom at ipagpatuloy ang kanyang buhay. May regular

TV show naman siya ngayon at kahit paano ay nakapagpundar

ng kabuhayan. Hindi magiging kaawa-awa ang

kanyang mga anak.

Mistulang bato na ang puso ng magaling na aktres

at buo ang desisyon niyang kasuhan (civil case) ang

babaeng nang-agaw sa kanyang mister. Hindi niya

palalampasin at patatawarin ang babaeng sumira sa

kanyang pamilya.

Handa niyang gastusan ang

pagpu-push ng kaso hanggang

makamit niya ang katarungan.

Kailangang bigyan niya ng

leksiyon ang babaeng anaconda.

“NOT true,” ang sagot ni LJ

Reyes nang tanungin namin

tungkol sa bali-balitang may

tampuhan sila ngayon ni Paolo

Contis kaya nag-cool-off.

Okey na okey naman daw

sila ni Paolo at kasundo ng aktor

ang kanyang anak. At this point

of her life, hindi pa ready si LJ

na magpakasal lalo na’t hindi

pa naman annulled ang kasal

nina Paolo Contis at Lian Paz.

Hindi rin daw niya iniisip na

bigyan ng kapatid ang kanyang

anak na si Aki. Ayaw na raw ni

LJ na magkamaling muli sa

kanyang desisyon. Gusto muna

niyang maging maayos ang

lahat bago maghangad na makasal

at magkaroon ng baby.

Sinasamantala ni LJ ang

magagandang oportunidad na

dumarating sa kanyang showbiz

career ngayon. Kahit na bad

girl ang naibibigay sa kanyang

role, itinuring niya itong challenge.

Sa seryeng Pinulot Ka Lang sa Lupa ay sosyal na

kontrabida siya bilang si Angeli. May mga eksena silang

sampalan ni Julie Anne San Jose (Santina) at dahil

dito, maraming viewers ang galit na galit kay LJ Reyes.

Inagaw pa nito ang boyfriend ni Santina na si Ephraim

(Benjamin Alves).

Thankful din si LJ na hindi pa siya sinusugod ng

mga fans and supporters ni Julie Anne.

HAPPY ang love life ng Kapuso actor na si Mike Tan

pero kinlaro niyang single pa siya at hindi totoong

nagpa-secret marriage na.

Ten years na ang relasyon niya sa kanyang non-showbiz

girlfriend. Hindi pa naman daw nila napag-uusapan ang

tungkol sa kasal at paghahandaan daw niya ito bago

siya mag-settle down.

Pero tinitiyak ni Mike na faithful siya at isang mabait

na boyfriend tulad ng kanyang karakter sa Ika-6 na

Utos bilang si Angelo na sobrang nagmahal at nagmalasakit

sa babaeng kanyang inibig, si Emma (Sunshine

Dizon) na kinaliwa ng mister.

Kari-renew lang ni Mike Tan ng 3-year contract sa

GMA Network. Mahigit sampung taon na siyang Kapuso.

Ipinagpapasalamat ni Mike na alaga ng GMA-7

ang kanyang career at nabibigyan ng markado at mabibigat

na shows tulad ng Ika-6 na Utos na hit na hit sa

Afternoon Prime slot.

Nagugulat si Mike sa naitala nitong

ratings at sa libu-libong likes, shares

at comments ng Ika-6 na Utos.

Ikinatutuwa rin ni Mike na kapag

gumaganap siyang gay tulad sa The

Rich Man’s Daughter at sa guesting

niya sa Magpakailanman ay doon siya

nano-nominate ng award. Effective at realistic pala

siya sa gay role.

EXCITED na si Katrina Halili na makaharap at

makatrabaho ang Cannes Best Actress na si Jaclyn

Jose sa bagong sexy-drama-comedy show na D’ Originals

na mapapanood sa GMA News and Public Affairs.

Mistress o kabit si Katrina at siya ang gugulo sa

buhay ng mag-asawang Jaclyn at Jestoni Alarcon.

Idol ni Katrina si Jaclyn dahil sa lalim nitong

umarte. Tiyak daw, marami itong maibabahaging kaalaman

o technique upang maging

tunay na artista siya.

Bukod kina Katrina, Jaclyn

at Jestoni, makakasama rin sa

D’ Originals sina Kim Domingo,

Meg Imperial, LJ

Reyes, Archie Alemania atbp..

NAPANSIN ang programang

Someone to Watch Over Me

ng GMA-7 na pinagbidahan dati

nina Lovi Poe at Tom Rodriguez

kaya ito napasok at naging finalist

sa prestigious na New York

Festivals 2017-World Best TV

and Films.

Kaya naman sobrang flattered

si Lovi dahil kahit na baldebaldeng

luha ang bumuhos sa

madadramang eksena nila ni Tom

sa STWOM ay appreciated

naman ng mga kritiko.

Binati rin ni Lovi ang buong

cast na sobrang nag-effort, nagpagod

at nagpuyat upang makapaghatid

ng isang nakakaantig

sa pusong istorya tungkol sa mga

taong may early onset of Alzheimer’s

Disease.

PAGOD man at ngarag dahil

sa taping ng Meant to Be, ganadung-ganado naman

sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan

Dorschner, Addy Raj, Mika dela Cruz at Sef Cadayona

sa pagpo-promote ng kanilang show via mall

tours.

Dinudumog at dinaragsa ng kanilang mga fans

kung saan sila pumupunta. Phenomenal ang dami ng

tao nang mag-show sila sa Tagum, Davao City. Ganadung-ganado

ang cast ng Meant to Be sa kanilang pagiikot

sa mga malls.

Sa araw na ito, nasa SM City, San Jose Del Monte,

Bulacan sina Barbie, Ken, Jak, Ivan, Addy at Mika.

Next Sunday (March 19) ay nasa Robinsons Place,

Gen. Trias, Cavite naman ang MTB cast kasama ang

comedian na si Sef Cadayona. ☺

MOST. . . . (mula sa p.9)

lahat, super-ganda ng eksenang ‘yun, parang totoongtotoong

magkarelasyon na sila!” litanya pa ng kaibigan

naming abogado.

Isa lang ang nagpahinto sa kanyang mga litanya,

nang sabihin naming hindi rin magkamayaw ang mga

kasambahay namin sa ikinukuwento nitong eksena, at

ayaw naming magsinungaling.

Kami man ay kinilig din. Ha! Ha! Ha! Ha!☺

Ronnie, papa na raw ni Vice…

JOSHUA, MAS TANGGAP NG MGA

BARRETTO PARA KAY JULIA

I

BA’T ibang reaksiyon ang natanggap

ni Kim Domingo mula sa

mga netizens dahil sa kanyang tinatawag

na mga “mapangahas” na pose sa kanyang

Instagram account kung saan makikita

ang iba’t ibang sexy pictures niya na

topless siya.

May isang netizen ang nag-comment na

‘fake’ ang boobs ng Kapuso sexy star. Sagot

naman sa kanya ni Kim, “Kung ayaw n’yong

makita ang mga posts ko, eh, di i-block n’yo

‘ko. ‘Wag masyadong dibdibin ang mga

ipino-post ko. ‘Wag paapekto sa buhay ng

ibang tao. Love you.”

Ang taray niya, ‘no?!

Pero meron ding pumuri sa kaseksihan

ng Bubble Gang mainstay at marami rin

ang nagtanggol sa kanyang sexy photos.

Here are some of the positive comments

thrown at her…

“Tama. Hayaan mo sila, inggit lang

ang mga ‘yan sa ‘yo.”

“Hayaan mo sila idol. Basta ako, I

like all your posts.”

“Wala naman silang pakialam kung

nag-post ka ng ganyan.”

MUKHANG may makakalaban si Nonoy

(Derrick Monasterio) kay Eva (Bea Binene)

sa episode ng Tsuperhero ngayong

Linggo. Papasok kasi bilang kahati

niya sa pagpasada ng jeep si Danilo (Jeric

Gonzales) na mukhang mas pogi kesa sa

bida ng weekly fantaserye.

Worried tuloy si Nonoy. Isa pa, alagad

din pala ni Apo Amasam si Danilo na

nagiging taong-isda sa pamamagitan ng

kapangyarihan ni Apo. Paano ito ngayon

malalabanan ni Nonoy?

Maagaw din kaya ni Danilo ang pagtingin

ni Eva sa ating ‘tsuperhero’?

“ANG ganda. Ang ganda ng feeling, parang

ibang world,” ayon kay KC Concepcion

when asked about her relationship with former

Phil. Azkals Team Captain Aly Borromeo.

At least, iba si KC sa ibang artista

MARSO

natin na ayaw bigyan ng label ang pakikipagrelasyon

nila sa isang guy.

Happy si KC dahil kahit magkaibang

mundo ang kinabibilangan nila ni Aly,

naiintindihan ng BF ang trabaho niya.

Ang isa pang ikinapupuri niya kay

Aly ay ang pagiging spiritual daw nito.

At tungkol sa kasalan, she said,

“Only time can tell.”

Tungkol sa balik-tambalan daw sa

movie ng mom and dad niya, honest si KC

sa pagsasabing, “Of course, that will be a

treat na mapanood sila sa pelikula, pero

sa tingin ko, mao-awkward talaga ako.

“‘Yung magulang ko kung saan ako

nanggaling, eh, pinapanood ko na

naman sa screen sa 2017? Ano na

lang ang mangyari, may movie o

wala, ang importante sa akin, magkaibigan

sila.

“I’m sure naman na kahit paano,

‘di sila magiging magkaaway

dahil nandito ako. Sana, maging

maganda lang ‘yung relasyon nilang

dalawa bilang magkaibigan.”

NABANGGIT namin ang pangalan

nina Manay Ichu Maceda at

Boots Anson-Rodrigo regarding

our news item on the reorganization

na nangyari sa Metro Manila

Film Fest committee.

Here’s Manay Ichu’s message

to us…

“Dear Len, nabasa ko ulit ‘yung

column mo sa BULGAR. Arawaraw

nagbabasa ako ng BULGAR.

Maraming salamat sa pagbati mo

sa amin ni Boots, ang mga gurang!”

NALILITO lang kami kung kanino

talaga nali-link at sino ang mas matimbang

kay Julia Barretto between

Ronnie Alonte at Joshua Garcia.

Nu’ng una kasi, may lumabas na

balita rito sa BULGAR na nakita raw

si Julia na pinuntahan at nakipag-bonding

kay Ronnie sa Laguna. Magka-love team

ang dalawa sa A Love to Last kaya hindi

maiiwasang magkalapit sila ng loob lalo’t

lagi silang nagkakasama sa mga tapings.

And yet, may post naman si Joshua ng

bonding moment nila ni Julia habang

kumakain nu’ng 20 th birthday ng anak ni

Marjorie Barretto.

At maging si Marjorie ay nag-post din

sa Instagram ng video na kuha sa birthday

celebration ni Julia at kasama nilang nagdidinner

si Joshua.

Feeling tuloy namin, between the two

guys na nali-link ngayon kay Julia, mas

tanggap ng pamilya Barretto ang sinasabing

young John Lloyd Cruz dahil nga

very much welcome ito at kasa-kasama

nila sa mga special occasions tulad nga ng

birthday ni Julia.

Kung bakit naman kasi nali-link din ang

Hashtags member na si Ronnie Alonte sa

It’s Showtime host na si Vice Ganda, ayan

tuloy, mukhang mas boto ang pamilya ni

Julia kay Joshua kesa sa kanya. ☺