Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
2 News Editor: JOY ASIS

ABRIL 1, 2017

Umaming 8 ang anak; 4 sa orig, 4 sa mga kabit

GABRIELA KAY ALVAREZ:

MASYADO KANG GARAPAL!

DAHIL ayaw magsinungaling, inamin ni House

Speaker Pantaleon Alvarez ang pagkakaroon ng

maraming anak.

Ani Alvarez, mayroon siyang walong anak kung saan

dalawa rito ay mula umano sa una niyang asawa, apat naman

sa ikalawa niyang asawa na si Emelita, habang may dalawa

pa sa ibang babae.

“Meron po, marami, pero hindi sa relationship ko

ngayon,” sabi ni Alvarez.

Aniya, isinisiwalat niya ito sa publiko upang hindi na

magkalituhan at hindi na magkaroon ng ibang kuwento.

“Okay na ‘yung magsabi ng totoo. Mahirap ‘yung

magsinungaling, magbuhol-buhol pa tayo,” dagdag pa nito.

Iginiit din niya ang naunang pahayag na hindi siya

Kahit financier ni Digong

IMBESTIGASYON KAY

FLOIRENDO, TULOY

SINUPORTAHAN ng

mga militanteng kaalyado ni

Pangulong Rodrigo Duterte

sa Kamara ang hakbang ni

House Speaker Pantaleon

Alvarez na busisiin ang P25

bilyong banana scam na

kinasasangkutan umano ng

Tagum Development Corp.

(Tadeco) na pag-aari ni

Davao del Norte Rep.

Antonio “Tonyboy”

Floirendo, Jr.

Ayon kay ACT Teachers

Rep. Antonio Tinio, susuportahan

ng Makabayan si

Alvarez sa isinulong nitong

House Resolution 867 na

nagpapaimbestiga sa umano’y

“grossly disadvantageous

contract” na pinasok

ng Bureau of Corrections at

Tadeco.

Matatandaang, sinabi ni

Alvarez na nalulugi ang gobyerno

ng P1 bilyon sa bawat

taon o kabuuang P25 bilyon

sa 25-year joint venture

agreement na nilagdaan ng

BuCor at Tadeco noong

2003 noong si Floirendo ang

nakaupong Davao del Norte

Rep. at ang kanyang pamilya

ang kumokontrol sa Tadeco

sa pamamagitan ng Anflo

Management and Investment

Corp. (Anflocor).

Matatandaang, si Floirendo

ay isa sa mga top campaign

financier ni Pangulong

Duterte noong halalan.

(BRT)

BIGTIME ROLLBACK SA LPG

NAGPATUPAD ng bawas-presyo sa Liquefied

Petroleum Gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis sa bansa

sa pangunguna ng Petron Corporation, kaninang hatinggabi

(Abril 1).

Nagbaba ng presyo sa Gasul at Fiesta Gas ng P5.00 kada

kilo na katumbas ng P55.00 bawas-presyo sa kada tangke na

tumitimbang ng 11 kilogram na epektibo kaninang 12:01 ng

hatinggabi.

Bukod pa sa cooking gas, nagbaba rin ang Petron Corporation

sa kanilang Xtend Auto LPG ng P2.80 kada litro.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan

ng LPG sa pandaigdigang pamilihan. (Gina Pleñago)

natatakot na mawalan ng lisensiya sa pagka-abogado dahil sa

pagkakaroon ng relasyon kahit kasal pa kay Emelita.

Kinastigo naman ng Gabriela Partylist si Alvarez dahil sa

hayagang pag-amin sa extra-marital affairs nito na anila’y

masyadong garapal.

Sa joint statement nina Gabriela Partylist Congresswomen

Arlene Brosas at Emmi de Jesus, inilarawan nila ang

pag-amin ni Alvarez bilang ‘unbecoming of a public servant’.

“As defender of women’s rights, we express grave

concern as to how Speaker Alvarez flaunts his extra-marital

affairs as something ordinary and acceptable,” anila.

Binira rin ng dalawang kongresista si Alvarez sa ginagawa

nitong generalization na lahat ng mga abogado ay may extramarital

affairs.

Ang ganito umanong pag-iisip ay maaaring magdulot ng

pagpapa-disbar kay Alvarez. (Madel Moratillo)

TUMOTOMA SA KALSADA, KULONG

IPAKUKULONG na

ng Parañaque PNP ang mga

mahuhuling nag-iinuman sa

gilid ng kalsada ganundin ang

mga pakalat-kalat sa dis-oras

ng gabi.

Ito ay matapos makailang

ulit na nilang pinagpush-ups

ang mga naaresto

at makailang ulit na ring pinagsabihan

ang mga ito sa

kanilang ginawang paglabag.

Utos ng PNP:

Layon nila na mabigyan

ng leksiyon ang mga ilang

residente roon na paulit-ulit

ng lumalabag sa insidente.

Matatandaang, maraming

mga kalalakihan ang

inaresto dahil sa pag-iinom

sa publiko na matagal nang

ipinagbabawal sa batas at ang

ginagawa lamang nila ay

pagpapa-push-ups sa mga

ito. (Gina Pleñago)

MMDA NAG-EARTHQUAKE

DRILL PARA SA ‘BIG ONE’

NAGSAGAWA kahapon

ng earthquake drill

ang Metropolitan Manila

Development Authority

(MMDA) sa posibleng

pagtama ng “Big One” na

posibleng magdudulot

ng trahedya.

Bandang 2:00 kahapon

ng hapon nang sinimulan

ang pagsasanay

sa pamamagitan ng pagpapatunog

ng sirena at

pinalabas ang lahat ng

kawani mula sa main building

ng MMDA sa Orense

St., Bgy. Guadalupe

Nuevo, Makati City.

Matatandaan, noong

nakaraang taon ay nasa

6.5 million katao ang nakiisa

sa “earthquake drill”

na pinangunahan ng

MMDA.

Layunin nito ng paghandaan

at maiwasan ang

posibleng trahedya na

idudulot ng “Big One”,

ang 7.2 Magnitude na lindol

na posibleng tumama

sa Metro Manila

Bukod sa MMDA,

4 YRS. OLD NA ANAK NG PULIS, PATAY SA ADIK

PATAY sa pananaksak ng tindero ng balut

ang 4-taong gulang na lalaki na anak ng pulis sa

Bgy. Duljo Fatima, Cebu City, kamakalawa

ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Emmanuel Martinez,

Jr., anak ni PO1 Emmanuel Martinez,

Sr. na nakatalaga sa San Nicolas Police Station

sa Cebu City.

Batay sa salaysay sa anim na taong gulang

na pinsan ng biktima, naglalaro lamang sila

kasama ang dalawa pang kaibigan malapit sa

palengke ng barangay.

Lumapit ang suspek na si Danilo Remulta

sa biktima at sinaksak umano ito sa likod gamit

13-ANYOS PINATAY,

SINUNOG, IBINITIN SA PUNO

MATAPOS ang isang

linggong pagkawala, natagpuang

patay, sunog ang ilang

bahagi ng katawan at nakabitin

sa puno ang 13-anyos

na lalaki sa Albay.

Sa ulat ng GMA News

TV, halos hindi na makilala

ang biktimang Grade 6 pupil

nang matagpuan mismo ng

kanyang nakatatandang

kapatid sa Pioduran, Albay.

Ayon sa pulisya, sinabi

umano ng mga magulang ng

biktima na umalis ito ng bahay

nang walang paalam

noong nakaraang linggo at

hindi na umuwi.

ang kutsilyo. Nakatakbo pa ang batang

Martinez hanggang sa makarating sa

tapat ng bahay nito.

Bagama‘t, naisugod sa ospital, hindi

na rin ito umabot ng buhay.

Nahuli naman ng ama ng biktima ang

suspek at nabawi rin mula rito ang kutsilyong

ginamit sa pagsaksak sa kanyang

anak.

Sinabi ni PO1 Martinez na bangag

sa iligal na droga ang suspek nang dakpin.

Kasalukuyan nang nakadetine ang

suspek sa Mambaling Police Station.

(Vyne Reyes)

Naglalakad umano ang

kapatid ng biktima sa liblib

na lugar nang sundan niya

ang masangsang na amoy

na nagdala sa kanya sa

kinaroroonan ng bangkay.

Patuloy pa ang imbestigasyon

sa insidente.

(BRT)

Binaril sa harap ng mga kainuman

BINATA TODAS SA NAKAMOTORSIKLO

DEDBOL ang isang 24-anyos na lalaki

matapos barilin ng hindi kilalang suspek sa

harap mismo ng kanyang kainuman sa Caloocan

City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Jesus Baterna ng

Bgy. 177, sanhi ng tinamong tama ng bala sa

katawan.

Ayon kina PO3 Gomer Mappala at PO3

Philip Joseph Reglos, 11:30 ng gabi, kainuman

ng biktima ang kanyang mga kaibigan sa kahabaan

ng Bagumbong Road, nang dumating

ang suspek na nakasuot ng helmet at face-

mask habang sakay ng motorsiklo saka

pumarada ilang metro lamang ang layo

sa mga ito.

Lumapit ang suspek sa biktima saka

binaril sa katawan ang biktima bago tumakas.

Narekober ng mga rumespondeng

tauhan ng Caloocan Police Community

Precinct 6 ang basyo ng bala ng hindi pa

matukoy na kalibre ng baril habang

patuloy ang follow-up investigation sa

insidente. (Maeng Santos)

WALANG tigil ang kampanya laban sa iligal na droga kaya sa isinagawang buybust

operation ng mga operatiba ng MPD-DEU, nasakote sina Ernesto Ubago alyas

JR. Glaiza Abrazaldo alyas Gly, Christian Paulo alyas Pau, Edson Ubago alyas

Edson, Mark Vener Punzalan alyas Vener at Eduardo Ubago alyas Edy, mga kilabot

na tulak kung saan 10 ‘bulto’ ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek sa Teresa,

Sta. Mesa, Manila. Swak kayo ngayon! (Jun Guillermo)

Hirit sa Kongreso:

BIRTHDAY NI DIGONG, HOLIDAY

HANGAD ng isang

kongresista na ideklarang

holiday ang Marso 28 na

birthdate ni Pangulong Rodrigo

Duterte.

Inihain ni San Jose del

Monte, Bulacan Rep. Florida

Robes ang kanyang

nagsagawa rin ng “earthquake

drill” ang tanggapan

ng CAAP sa Pasay

City. (Gina Pleñago)

House Bill 5377.

Aniya, marapat lang na

ideklarang special working

holiday ang nasabing araw

bilang pagkilala na rin umano

sa “true Philippine reforms,

reunification and development”

sa bansa.

Tatawagin naman aniya

ang holiday na ito bilang

“President Rodrigo Roa

Duterte (PRRD) Day.”

Paliwanag ng kongre-

sista, nagsisilbi umano

ngayong pag-asa at inspirasyon

sa mga Pilipino si

Pangulong Duterte kaya

sapat lang na bigyang-pugay

ang araw ng kaarawan

nito.

“In his historic election

as President of the

Republic, tens of millions

of Filipinos now see him

as the rallying point of real

Philippine Reforms,

Reunification, and Development

(PRRD) in

our nation,” ani Robes.

(Madel Moratillo)