06.06.2017 Views

MIMAROPAhayagan 1st Quarter 2017 Final

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

PAGDIRIWANG

NA WALANG

TINATANGI

Walang diskriminasyon, ito pa ang isa

sa mga kahanga-hangang ipinamalas

ng selebrasyon.

Lahat ng kabataan --- pati mga

nabibilang sa Indigenous Peoples (IP)

at Persons with Disability (PWD) --- ay

masayang nakilahok sa pagdiriwang.

Sa katunayan, naghandog pa sila ng

kanilang talento.

Ang Christian Organization for the

Rehabilitation of Disabled (CORD)

Foundation Chorale ay nakilahok sa

talakayan at ang umawit ng Doxology

at National Anthem. Samantala,

naghandog naman ng tradisyunal na

sayaw ang mga batang Mangyan ng

Bato-Ili, Danlog and Salafay Minority

School.

Bukod pa rito, iba’t ibang mapanlikhang

gawaing pambata ang inihandog ng mga

kalahok na ahensya para sa lahat ng

kabataaan.

Nagsagawa ng ‘Zumbata’ o Zumba para

sa Kabataan, upang higit na mapalakas

ang kanilangang pangangatawan.

Samantala, nagkaroon din ng ‘Supervised

Art Workshop’ para malinang ang

kakayanan ng mga kalahok sa pagguhit,

pagpinta at paggawa ng ‘hand puppet’.

Isang ‘Poster Making Contest’ naman

ang isinagawa ng Regional Juvenile

Justice and Welfare Concil (RJJWC)

upang mapaigting ang adbokasiya sa ‘No

to Lowering the Minimum Age of Criminal

Responsibility (MACR)’.

Nagsaya din ang lahat --- hindi lamang

mga bata, kundi pati na rin ang mga

matatanda --- sa libreng ice cream,

popcorn, at photobooth na handog ng

lokal na pamahalaan.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!