You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
Ika - 10 taon ng

Mangyan

MAMBURAO, Occidental

Mindoro – 1,536 na mga

katutubo mula sa pitong (7)

tribu ng Mangyan— Hanunuo,

Alangan, Gubatnon, Iraya,

Buhid, Bangon at Tadywan — at

iba’t ibang National Government

Organization (NGOs) at

National Government Agencies

(NGAs) na sumusuporta sa mga

Indigenous Peoples ang dumalo

sa pagdiriwang ng ika-10 taon

ng Araw ng mga Mangyan

na inorganisa ng HAGIBBAT-

MANGYAN MINDORO.

Ang mga kawani ng Department of

Social Welfare and Development

Central Office, DSWD Field Office

MIMAROPA at Pantawid Pamilyang

Pilipino Program ay nakiisa din sa

selebrasyon na ginanap ika-Abril 25-

28, sa Sitio Kahil, Barangay Tayamaan,

Mamburao Occidental Mindoro.

Day

ipinagdiriwang
DAYALOGO at

SERBISYO TUNGO

SA MAPAYAPA AT

MASAGANG PAMUMUHAY

NG MGA KATUTUBONG

MANGYAN

Nagsagawa ang DSWD ng Dayalogo

kasama ang mga lider ng 7 tribu ng Manygan

upang pakinggan ang kanilang mga tinig,

mga problema at suliraning kanilang

kinakaharap at matukoy kung anu ano ba

ang mga akmang social services para sa

kanila.

Sa pagtitipon, ilan sa mga napagusapan

ay ang implementasyon ng Modified

Conditional Transfer Program (MCCT) sa

MIMAROPA, ang kanilang lumalalang isyu

ng pagkagutom dulot ng matinding tagtuyot

at resulta ng militarisasyon sa kanilang

lugar.

“Atin pong aaralin ang mga

programa at serbisyo na ating

maaring maiabot sa mga kababayan

nating Mangyan sa Mindoro. Sa

direktiba na rin ni Pangulong

Rodrigo Duterte, sisikapin nating

mas abutin ang iba’t-ibang

grupong katutubo sa ating bansa

upang makapaghatid ng maagap

at mapagkalingang serbisyo,“ ang

tugon ni Sec. Judy Taguiwalo para sa mga

katutubong Mangyan.

Pagkatapos ng dayalogo, pinirmahan ng

mga katutubo ang resolusyon na kanilang

ninanais para sa DSWD. Sinigurado

naman ng mga kawani ng departamento na

makakarating sa kinauukulan ang kanilang

mga isyu at rekomendasyon.

“Kung nasaan po ang mga

mahihirap, kung nasaan po ang mga

nangangailangan, doon po titindig

ang DSWD, “ ika ni Alleco Silverio, Media

Officer ng OSEC sa pagpupulong ng mga

Mangyan.

Samantala, naghandog naman ang mga

ahensya ng gobyerno ng iba’t ibang serbisyo

tulad ng medical mission, feeding program, at

pagbabahagi ng kaalaman ukol sa karapatan

ng mga batang Mangyan.

Bukod pa rito, may mga pagsasanay din sa

weaving, paggawa ng banig at kuwako (pipe),

paggawa ng alternatibo sa gatas na gawa sa

soy bean at film showing ukol sa mga isyung

kanilang kinakaharap.

Sa huling gabi naman ng pagdiriwang,

nagkaroon ng pagtatanghal ang mga

katutubog. Ipinaabot nila ang kanilang mga

pinaglalaban sa pamamagitan ng malikhaing

pagsayaw, pagkanta at pagtula.

Ang katutubong Mangyan ay bahagi ng 20%

sa kabuuang populasyon ng isla ng Mindoro.

Isa sila sa mga pangunahing ethno-linguistic

na grupo sa Pilipino na hitik sa kultura at

tradisyon.

“Mangyan, Patuloy na Magkaisa, Kumilos

Para sa Pagbabago; Lupang Ninuno at

Sariling Pagpapasya, Depensahan at

Ipaglaban!” ito ang tema para sa taong

pagdiriwang. ###
BAGONG

PAG-ASA ng

KATUTUBONG MANGYAN
HUWARAN

AT PALABANG

Ilaw ng Tahanan
Pitong Hardin

ng Barangay Mendoza

Sa bulubunduking lupain ng

Barangay Mendoza sa Palawan

matatagpuan ang pitong biointensive

gardens ng Sitio Taliwara/

Little Baguio, Purok Mauranen,

Purok Durian, Purok Malungkot,

Purok Old Site, Purok Proper 1

at Purok Proper 2. Ang layunin

ng mga hardin na ito ay upang

solusyonan ang malnutrisyon sa

barangay sa tulong ng Pantawid

Pamilyang Pilipino Program ng

Department of Social Welfare and

Development sa paghikayat sa

mga benepisyaryo na magsagawa

ng bio-intensive gardening (BIG).

Ang BIG ay isang pamamaraan ng

pagtatanim kung saan ang indigenous na

buto ng halaman at organikong pataba ay

ginagamit sa pagtatanim ng mga gulay.

Ang pamamaraang ito ay mas akma sa

mga komunidad na nasa malalayong lugar

na may maliliit na lupa dahil nagpopokus

ito sa pagkamit ng madaming ani gamit

ang malilit na lupain.

Mas maraming naitatanim na iba’t ibang

uri ng gulay sa maliit na espasyo ng lupa

gamit ito dahil sa mas matipid sa lupang

pamamaraan ng pagtatanim dito.

Ang Barangay Mendoza ay patuloy na

kasama sa listahan ng mga barangay

na may pinakamataas na kaso ng

malnutrisyon sa munisipalidad ng Roxas,

Palawan. Sa katunayan, noong nakaraang

taon, walo sa sampung bata sa barangay

ay malnourished. Kaya naman sa tulong

ng family development session (FDS) ng

Pantawid, nagkaroon ng talakayan sa mga

maaring aksyon na gawin upang lutaasin

ang mga problema sa komunidad.

At mula sa mga napag-usapan sa FDS

tungkol sa environmental education

and information, at oryentasyon tungkol

organikong pagtatanim, ang pagsasagawa

ng proyekto ng BIG ay naimungkahi.

Sa tulong at inisyatibo ng kanilang

municipal link na si Valerie Magallado,

ang bawat isang cluster ay nagsagawa ng

kani-kanilang pagtitipon sa pangunguna

ng kanilang mga parent leader upang

mapagusapan ang tungkol sa BIG.

Ang bawat cluster ay bumuo ng grupo

na mayroong kani-kanilang gampanin

para sa kanilang hardin. Matapos ang

ilang mga pagtitipon, ang ilang cluster

ay nakapagsimula na sa pag-aayos ng

kanilang hardin noong Disyembre 2016.

Kalimitan sa mga butong ginagamit nila

sa pagtatanim ay galing sa sariling hardin

ng mga miyembro, samantala, ang iba

naman ay kanilang binibili. Ang mga tanim

na kanilang kalimitang itinatanim ay mga

talong, kamatis, okra, sitaw, labanos,

kalabasa, sili, at iba pa.

Nagtatanim din sila ng mga bulaklak at iba

pang halaman upang pangsangga nila sa

mga peste at mga insektong nakakasira sa

kanilang pananim.
Matapos ang limang buwan, ang iba

sa mga clusters ay nakapag-ani ng

maraming gulay sa kanilang mga hardin.

Napagdesisyunan nila na ang mga aning

ito ay ibebenta sa mga miyembro ng

cluster sa mas murang presyo kumpara

sa mga gulay na itinitinda sa merkado.

Ang kanilang nalilikom na pera sa kanilang

ani ay kanila namang iiniipon para sa iba

pang gastusin sa mga gawain ng grupo.

May ibang mga cluster na nagpaplanong

gamitin ang pera bilang kapital sa pagbili

ng baboy.

Ang anak ng baboy na ito ay kanilang

paghahatian sa kanilang mga

miyembro para sa kani-kanilang sariling

pagkonsumo.

Kapag nanganak muli ang baboy, ang

mga hindi nakatanggap ang siya namang

makakakuha. May iba ring cluster

na nagbabalak gawing puhunan ang

kanilang ipon upang ipangutang sa ibang

benepisyaryo ng Pantawid na may interes

upang mapalago ang kanilang kita.

Ang maiipon naman nila mula rito ay kanila

ring gagastusin para sa kanilang hardin.

Para sa una nilang ani, ang bawat cluster

ay kumita ng limang daan hanggang

tatlong libong piso.

Nais ipagpatuloy ng mga mkiyembro ng

bawat cluster ang kani-kanilang hardin

dahil sa natutulong nito sa kanilang

komunidad.

“Dati yung mga bata wala talagang

makain dito sa amin lalo na’t mahal

ang mga pagkain, pero ngayon

kumukuha na lang kami sa garden

namin para may mapakain sa mga

anak namin,” ani Emmi Delaguna,

parent leader ng Purok Proper 2.

Gayunpaman, kahit halos lahat ng

miyembro ang nagpapakita ng kanilang

pagkasabik sa paggawa ng mga gawaing

nakaatas sa kanila, may ibang miyembro

na nagpapakita ng kawalan ng interes

sa proyektong ito dahil sa problema sa

lokasyon ng hardin, na nangyari sa Purok

Malungkot at Purok Proper 1.

Ang mga lupang ginagamit sa proyekto ng

BIG ay kalimitang galing sa miyembro o di

kaya naman ay hiram mula sa mga mayari

ng lupa.

Ang hardin ng Purok Malungkot ay malapit

sa kanilang barangay hall na siya namang

malayo sa bahay ng mga miyembro nito.

Kaya naman, nawawalan ng gana

ang mga miyembro na tumungo pa sa

kanilang hardin lalo pa’t mayroon naman

silang sariling hardin sa bakuran ng kanikanilang

bahay.

Samantala, sa Purok Proper 1 naman,

nahihirapan ang mga miyembro na

pangalagaan ang hardin dahil ang tubig

na pinagkukunan nila ay nasa ibaba ng

kanilang taniman.
Contemporary

Women ng MIMAROPA

Ayon kay Melanie Cadenas, parent leader

ng Purok Proper 1, at ni Adeliza Heredero

ng Purok Malungkot, ang kanilang

cluster ay naghahanap na rin naman ng

panibagong lokasyon para simulan muli

ang kanilang hardin.

Sa panimulang bahagi ng pagsasagawa

ng proyekto, ang mga bio-intensive

garden na ito ay naging matagumpay sa

kaniyang layunin na maging alternatibong

pinagmumulan ng mga masusutansyang

pagkain para sa mga benepisyaryo ng

Pantawid.

Sa kabila ng mga problemang na

nakakaharap ng proyekto, inaasahan pa

rin na ang inisyatibong ito ay makakatulong

upang mawala ang kagutuman at food

insecurity sa mga komunidad, upang

makabawas sa epekto sa kahirapan ng

pamilyang Pilipino. Naglalayon din ang

proyekto na makipagtulungan sa iba pang

ahensya gaya ng Department of Agriculture

(DA) upang maturuan ang mga miyembro ng

iba’t iba pang pamamaraan ng sustainable

food production. ###

Nagsagawa ng aktibidad ang

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

ng Department of Social Welfare and

Development (DSWD) MiMaRoPa kasama

ang mga nanalo sa Regional Search for

Contemporary Woman na sina Marites

Bolasco ng Occidental Mindoro, Jenper

Fajilan ng Oriental Mindoro, Analiza

Lupangco ng Marinduque, Marife Fabito

ng Romblon, at Maylende Esler ng

Palawan noong Mayo 25, 2017.

Ang buong araw na aktibidad na ito ay

naglalayong makilala ang mga pagsisikap at

tagumpay ng mga kababaihang benepisyaryo

ng Pantawid Pamiilya bilang aktibong

tagapagpalaganap ng pagkakapantay-pantay

ng kasarian. Bilang panimula, dumalo sa isang

educational discussion sa GABRIELA National

Alliance of Filipino Women sa pangunguna

ni Joms Salvador, secretary general ng

GABRIELA, ang limang kababaihan, kasama

ang iba pang mga kawani ng DSWD.
Matapos ang diskusyon, naimbitahan

silang makipanayam sa DZRB Radyo

ng Bayan 738 Khz sa paaanyaya ng

Philippine Commission on Women.

Dito ay naibahigi nila ang kani-kanilang

mga istorya ng woman empowerment at

pahayag tungkol sa kanilang karanasan

sa programa ng Pantawid Pamilya.

Natapos ang aktibidad sa isang

symposium na pinamagatang Women

Leading Change: A Symposium on

Women Empowement. Ito ay ginanap

sa Noel B. Benitez Hall, Philippine

Women University (PWU), Taft Avenue,

Manila noong hapon pagkatapos ng

radio guesting.

sa Regional Search for Contemporary

Woman. Ang nagwagi bilang Grand

Winner ay si Jeneper Fajilan mula sa

Oriental Mindoro, samantalang si Marife

Fabito mula sa Romblon ang nakakuha

ng Ikalawang Karangalan.

Ang Ikatlong Karangalan ay napunta kay

Marites Bolasco ng Occidentl Mindoro,

na sinundan naman ni Maylende Esler

ng Palawan, at Analiza Lupangco ng

Marinduque.

Ang limang nanalo ay magiging

aktibong kasama ng Pantawid Pamilya

sa pagpapalaganap ng pagkakapantaypantay

ng kasarian sa kani-kanilang

mga probinsya. ###

Ang symposium na ito ay dinaluhan

naman ng mga estudyante ng BS Social

Work at mga guro mula sa PWU.

Sa symposium na ito, nabigyan ng

pagkakataong magtalakay ang limang

kababaihan ng kanilang mga kwento

kung paano nila naipapakita ang women

empowerment sa pagtulong sa kapwa,

sa relihiyon, edukasyon, at pulitika.

Nagbigay din ng diskusyon tungkol

sa relasyon ng social work sa woman

empowerment si Mary Nhiang Sung,

ang panauhing pangdangal na mula

sa Myanmar, na siyang nagbahagi ng

kaniyang research study na “Women

Empowerment in the UN Context and

Social Work Perspective”.

Sa symposium rin na ito ginanap ang

pagbibigay-karangalan sa mga nanalo
Sports

Festival

MALATE, Manila- Sa katatapos

lamang na 2017 sports festival ng

Department of Social Welfare and

Development (DSWD) MIMAROPA,

muling pinatunayan ng mga kawani

ang kanilang galing sa larangan ng

sports at larong Pinoy.

Labanan ng Lipi ang naging tema ng palaro

kung saan apat na katutubong tribo ang binuo

at nagsipagsiklaban. Ito ay ang Tagbanwa,

Iraya, Bantoanon, at Hanunuó.

Sa pangunguna ng Human Resource and

Development Unit, isinasagawa ang sports

festival upang mas lalong mapaigting

ang samahan ng mga kawani sa loob

ng departamento. “Ito rin ay naglalayong

mabigyan sila ng pagkakataong maglibang at

paraan ng stress debriefing mula sa bigat ng

kani-kanilang mga trabaho,” ang pahayag ni

Rose Jean Mayrena HR officer.

Samantala, itinanghal na pangkabuang

kampeon ang grupo ng Iraya, pumangalawa

ang grupo ng Tagbanwa, pangatlo ang

Bantoanon at pang-apat ang grupo ng

Hanunuó.

Nagkamit naman ng tropeyo at cash prize

ang mga nanalong grupo. Ginawaran din ng

certificate appreciation ang mga kawani na

nagwagi sa mga larong pang-indibidwal. ###

Bilang panimula ng sports fest, isang payak

na parada na dinaluhan ng mga kawani at ng

apat na lipi na may kanya-kanyang lakambini

at lakandula bilang representante ng tribo.

Isa namang sayawan o zumba ang inihanda

at sa pagtatapos ng opening celebration,

isang masayang kainan o boodle fight ang

pinagsaluhan ng lahat.

Karaniwan sa naging mga patimpalak sa

sports ang basketball, dart, chess, volleyball,

table tennis at badminton para sa mga

kababaihan at kalalakihan.

Samantalang nagkaron din ng iba’t ibang laro

ng lahi na mas nagpakulay nang nasabing

festival.
MGA

CENTENARIAN

NG

MIMAROPA

TUMANGGAP

NG 100K

MULA SA

DSWD

MALATE, Manila- Umabot sa tatlum putanim

na mga centenarian sa rehiyon

ng MIMAROPA ang kumpirmadong

nakatanggap ng tig-iisang daang libong

piso mula sa Department of Social

Welfare and Development (DSWD)

simula nitong buwan ng Abril, 2017.

Ayon sa datos ng DSWD MIMAROPA, apat na

centenarian ang nakatanggap sa probinsya

ng Occidental Mindoro; labing apat sa Oriental

Mindoro; anim naman sa Marinduque; tatlo sa

Romblon; at siyam sa Palawan.

Ipinag-uutos ng Republic Act 10868 o ng

Centenarians Acts of 2016, na ang lahat ng

Pilipinong nakatira man sa bansa o hindi, may

edad 100 years old o mas kilala sa tawag

na centenarian, ay makakatangap ng Letter

of Felicitation mula sa Pangulo ng bansa at

perang nagkakahalaga ng isang daang libong

piso.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa P3.6 milyong

piso ang kabuuang halaga ang naipapamahagi

ng DSWD para sa mga nasabing matatanda.

Ibinahagi ni Maricel dela Vega, tagapagsalita

ng programa na patuloy ang kanilang

isinasagawang balidasyon para sa natitirang

tatlum put-isang centenarians sa rehiyon.

“Kinakailangang masiguro natin na totoo at

karapatdapat silang tumanggap ng cash gift

mula sa gobyerno,” pahayag ni dela Vega.

Katuwang ang lokal na pamahalaan at

ng lokal na tanggapan ng Senior Citizens,

mas pinaigting ang pagsisiyasat sa mga

sinasabing centenarian. Isang mekanismo

nito, ang pagkuha ng birth certificate ng

matatanda para makuha ang kanilang tunay

na edad.

Samantala, makakatanggap rin ang mga

centenarian ng plaque of recognition at cash

incentive mula sa kani-kanilang lokal na

pamahalaan bagama’t ito ay nakabatay sa

desisyon ng pamunuang lokal.

Ayon naman sa Listahanan, isang

pamamaraan ng pamahalaan sa pagtukoy

ng mga mahihirap sa bansa, mayroong

dalawampu’t dalawang matatanda sa rehiyon

ang naging centenarian ngayong taon ang

napapabilang sa mahihirap na sambahayan.

Evacuation Center sa

Barangay Tampayan,

Pinasinayanan.

Magdiwang Romblon– Nagbunyi

ang mga mamamayan ng Barangay

Tampayan sa kanilang natanggap na

evacuation center cum multi-purpose

hall noong umaga ng Hunyo 7, 2017

mula sa kalahi cidss.

Ang pagpapasinaya ng nasabing

imprastraktura ay dinaluhan ng mga

mamamayan at volunteers ng Kalahi CIDSS

sa Barangay Tampayan, mga volunteers

mula sa katabing Barangay ng Agutay,

mga miyembro ng Sangguniang Bayan na

pinangungunahan ni Mayor Denisa Repizo,

mga opisyales ng barangay Tampayan

kasama ang lahat ng mga punong

barangay mula sa Bayan ng Magdiwang at

mga kawani ng Kalahi CIDSS mula sa subregional

at regional office.

Isa sa pinakaaantay ng mga dumalo ng

nasabing pagtitipon ay ang pakikinig

sa testimonya ng mga Kalahi CIDSS

Community Volunteers partikular na

riyan ang testimonya nila Project

Implementation Team (PIT) head

Raymundo delos Reyes at Warehouse

keeper Bernadeth Tangco. Ito ang unang

beses na nag volunteer ang dalawa

para sa kanilang pamayanan at sila ya

nagpahiwatig ng pagnanais na muling

maging boluntaryo kung mabibigyan

pang muli ng pagkakataon.

Sinabi ni G. Delos Reyes sa kaniyang

testimonya “nung nag simula na yung

project, ako yung tinatawag nilang

segunda engineer. Kung titingnan mo,

hindi naman paniniwalaan na engineer

yan.

Sabi ko sa sarili ko, sa ngayon iisipin

ko muna yung komunidad hindi lang

pansarili. At kung kakailanganin ulit ako

ng aking barangay ay willing ako na mag

volunteer ulit.”

Nabanggit naman ni Gng. Tangco na .

“Unang beses kong nakapag trabaho

buong buhay ko at masaya ako na kumita

ng sarili kong sahod bilang warehouse

keeper.”

Matapos ang mga testimonya ay

ibinigay na sa komunidad ang mga hindi

nagamit na materyales sa pag buo ng

kanilang proyekto, at ang Certificte of

Completion and Acceptance. Sinundan

ito ng ceremonial turn-over ng susi sa

operation and maintenance group na

binuo ng komunidad upang mangalaga

sa evacuation center.

Sa pangunguna ni Mayor Repizo at DRPM

Peraren, pinarangalan ng certificate

of appreciation ang mga community

volunteers upang bigyang pugay ang

kanilang walang sawa at walang pagod na

pakikibahagi sa programa.

Ang evacuation center cum multi-purpose

hall ay isa sa mga proyekto na napondohan

ng Kalahi CIDSS sa bayan ng Magdiwang.

Ang Kalahi CIDSS ay isa sa tatlong

pangunahing programa ng DSWD na

naglalayong mabawasan ang kahirapan sa

rehiyong MIMAROPA.

Layunin nito na mabawasan ang kahirapan,

mapaigi ang pag hahatid ng mga

pangunanahing serbisyong oanlipunan

sa mga komunidad at mapaigi ang local

na pamamahala sa pakikibahagi ng mga

mamayan lalo na ang mga mahihirap na

saektor sa pagpaplano at pagdedesisyon

sa pamayanan.

KAlipunan ng

LIping

PIlipino

Basic Facilitation Skills

ng KALIPI Pinahusay

ng DSWD MIMAROPA

KAWIT, CAVITE – Bilang pagkilala sa

kahalagahan ng mahusay na pamumuno

at pagoorganisa sa ikatatagumpay ng

isang programa, nagsagawa ng Basic

Facilitation Skills ang Department

of Social Welfare and Development

MIMAROPA para sa mga lider at miyembro

ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI),

ika-20 hanggang 24 ng Hunyo 2017.

Ang KALIPI ay pambansang pederasyon

ng mga organisasyong pumoprotekta at

nagsusulong sa karapatan at adbokasiya

ng mga kababaihan na naitatag taong 1990

sa ilalim ng Bureau of Women’s Welfare

ng Department of Social Welfare and

Development.

Katuwang ang komunidad at lokal na

pamahalaan, tinutulungan ng KALIPI ang

mga kababaihan lalong lalo na ang mga

kabilang sa mahihirap na sektor, nasa

laylayan na lipunan at nasa mapaghamong

sitwasyon na matugunan ang kanilang mga

pangangailangan, maiwasan o makawala

sa kalupitan, matulungang makahanap ng

hanapbuhay at maiangat ang kabuuang

antas ng kanilang pamumuhay.

“Bilang modelo ng komunidad at mga

kababaihan, mahalagang magkaroon ng

kaalaman at kakayanan ang mga lider ng

KALIPI sa pag-oorganisa at iba pang skills

training. Malaki ang responsibilidad na

kanilang gagampanan sa ikatatagumpay ng

programa,” ayon kay Josephine Macalagay,

Social Techology Unit Head.

Sa Training on Basic Facilitation Skills,

pinaigting ang kalaaman at kakayanan

ng mga kasapi sa mga sumusunod: 1)

Leadership Skills; 2) Principles of Meeting

and Facilitation; at 3) Organizational

Communication.

“Sinigurado naming mahasa ang leadership,

facilitation at communication skills ng mga

KALIPI dahil ito ang mga pangunahing

sangkap ng isang magaling na lider,” dagdag

pa ni Macalagay.

Upang suportahan naman ang pinansyal

at pang-ekonomiyang pangangailangan ng

KALIPI, ang bawat samahan nila ay lumalapit

sa mga ibat ibang “agencies” upang mag

resource generation para sa kanilang mga

proyekto sa pamamagitan ng proposals.

“Ang pagkakapit-bisig ng bawat miyembro ng

KALIPI at iba’t ibang ahensya ng gobyerno

ay mahalaga upang higit na maprotektahan

at masuportahan ang adbokasiya natin para

sa mga kababaihan. Maraming salamat sa

inyo! Patuloy nating pagibayuhin ang ating

laban para sa kababaihan,” pagtatapos ni

Macalagay. ###
Calapan City, OrMin – Upang higit

na palakasin at paunlarin ang Social

Protection Support Initiatives (SPSI)

Convergence Project nagsagawa

ng Program Review and Evaluation

Workshop ang SPSI sa nasabing lugar,

ika-28 hanggang 29 ng Hunyo 2017 .

Ang SPSI Convergence Project ay ang

pinagbuklod-buklod na mga proyekto

ng: Department of Social Welfare and

Development (DSWD) sa pamamagitan

ng Sustaining Interventions in Poverty

Alleviation and Governance (SIPAG)

project; Department of Health (DOH)

SPSI

PREW

Isinagawa

sa

Oriental

Mindoro

sa kanilang Watching Over Mother and

Babies (WOMB); at ng Philippine Health

Insurance Corporation (PhilHealth) sa

kanilang Sigurado at Garantisadong

Insurance Pangkalusugan (SAGIP)

Project na naglalayong mapaangat ang

pangkabuuang pamumuhay ng mga

mahihirap na natukoy ng Listahanan lalo

na ang mga benepisyaryo ng Pantawid

Pamilyang Pilipino Program.

Ang pinakapuso at sentro ng SPSI

Convergence Project ay ang kanilang

Electronic Referral System para sa SIPAG,

WOMB at SAGIP information system na

nakikitang mekanismo upang pagtibayin

ang Cross-Agency Data Sharing at padaliin

ang pagalam sa mga priority cases

upang pagbuklurin ang mga serbisyong

inahahandog ng DSWD, DOH at Philhealth.

Sa unang bahagi ng programa, ibinahagi

ni DSWD-NCTSU Dir. Christian Deloria

at iba pang kinatawan ang mga nagawa

at kasalukuyang kalagayan ng SPSI sa

probinsya ng Oriental Mindoro.

Upang higit namang mapaunlad ang

programa, nagsagawa ng prioritization

workshop ang grupo na pinangunahan ni

Ms. Julieta Flores, Project Development

Officer III ng SIPAG Project.

“Mahalagang makagawa tayo ng action

plan kung papaano natin matugunan ang

mga isyu at pagsubok na kinaharap natin sa

pagimplementa ng ating programa upang

masiguro natin ang patuloy nitong pagusad

at pagunlad,” ika ni Ms. Flores.

Taong 2011 ng magsimula ang SPSI

Convergence Project sa anim na

munispyo ng Oriental Mindoro: Bansud,

Bongabong, Bulalacao, Mansalay, Naujan

at Pola. Lumawak at nakompleto ang

implementasyon nito sa syudad ng Calapan

at walo (8) pang munisipyo kabilang ng

Baco, Gloria, Pinamalayan, Puerto Galera,

San Teodoro, Socorro at Victoria noong

Hunyo, 2014.

Ngayong 2017 na ang huling taon ng

implementasyon ng SPSI Convergence

Project sa Oriental Mindoro.

“Ang SPSI program ay isa sa

pinakamatagumpay na programa ng

gobyerno na aking nakita. Ito ay isang

magandang modelo kung papaano

makakapagbigay ng mas epektibong

serbisyo ang iba’t ibang ahensya ng

gobyerno para sa masang Pilipino. Mainam

na nakagawa tayo ng sustainability plan

sa huling taon ng implementasyon nito sa

Oriental Mindoro,” pagtatapos ni Dir.Deloria.
MIMAROPA

YOUTH

CENTER

Ang MIMAROPA Youth Center (MYC) ay rehabilitation facility na itinayo ng Department of

Social Welfare and Development para maprotektahan at suportahan ang pangagangailangan

ng mga Children in Conflict with the Law (CICL) sa MIMAROPA habang sila ay inihahandang

makapiling uli ang kanilang pamilya at makisalamuha sa komunidad.

Sa MYC hinuhubog ang ispiritwal, mental, pisikal at sosyal na kakayan ng kabataan. Ilan

sa mga programang inihahandog ng MYC ay ang: 1) SOCIAL SERVICES - pagbibigay ng

counseling at iba pang social work interventions para sa rehabilitasyon ng mga bata;

2) HOMELIFE SERVICES - pagpapanitili ng family living atmosphere sa loob ng center at

pagbibigay ng iba pang pangangailangan ng bata tulad ng balanseng pagkain;

3) EDUCATIONAL SERVICES - oportunidad

na magkaroon ng formal, non-formal, distant

learning at Alternative Learning System;

4) HEALTH PROMOTION SERIVCES - ang

pagsigurado sa malusog na pangangatawan

at pagiisip ng mga CICL sa pamamagitan

ng pagbibigay ng medical treatment, dental

examination, at psychological assessment;

5) SPIRITUAL SERVICES - ang regular

na pagasagawa ng evening devotion at

pagsimba tuwing linggo;

6) PRACTICAL SKILLS ENHANCEMENT -

ang pagbibgigay ng mga training tulad ng

life skills training at backyard gardening;

7) SOCIAL at SOCIO CULTURAL

ACTIVITIES - nagsasagawa ng sports

festival, arts, dance and music activities

upang mahubog ang pakikisalamuha ng

mga CICL;

8) at LEGAL SERVICES - kung saan

sinasamahan ng mga social workers ang

mga menor de edad sa court hearings at

nagsasagawa ng libreng konsultasyon sa

mga PAO lawyers.
EDITORIAL BOARD

ADVISERS

Wilma D. Naviamos, CESO III

Regional Director

Floreceli G. Gunio

Assistant Regional Director for Operations

WRITERS

Rea Rosario G. Malite

Jason Eco Oliverio

Sharmaine Mae Catapang

Maria Alyssa Esguerra

Rica Thea Ladaga

Ang MIMAROPAHayagan ay ang opisyal na pahayagan ng

Department of Social Welfare and Development MIMAROPA.

Para sa inyong mga katanungan at suhestyon, maaring kayong

mag-email sa fo4b@dswd.gov.ph o tumawag sa

(02) 336-8106 loc 109.