You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
2. Pagbubuod
Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.
Halimbawa:
Ang stroke at heart attack ang nangungunang killer ng tao sa buong mundo…..
-Pilipino Star Ngayon
Nobyembre 14, 2004
3. Pagtatanong
Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
Halimbawa:
Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa gitna ng malamig na
simoy ng Nobyembre? Mayroon pa ngang pulu-pulutong na ulan at panakanakang kidlat
sa kalangitan.
-People’s Journal Tonight
Nobyembre 14, 2004
4. Tuwirang Sinasabi
Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na tao.
Halimbawa:
“Ako’y isang taong mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling gawain at isasagawa
ko ito….”
-The Philippine Star
Setyembre 15, 2001
5. Panlahat na Pahayag
Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain,
sa mga kawikaan at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang
kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
Halimbawa:
Ang ginawang kabutihan ay madaling makalimutan subalit ang nagawang kasalanan ay
baon-baon hanggang libingan. Tunghayan ninyo ang kasaysayan ni Carmelita Tagonon
ng Surigao del Norte. Tawagin na lamang natin siyang Lita.
6. Paglalarawan
Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga
malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.