11.08.2020 Views

SHS-PAGBASA AT PAGSUSURI WORKSHEETS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay maaaring kunin sa; mga

kriminal mismo na pagtutol di pagsang-ayunan; bawat sektor ng mamamayan na

magkaroon ng iba’t ibang pagpapasya. Sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa

bilang ng reaksyong nakuha ang kongklusyon ay madaling magagawa.

3. Paespasyal o Paagwat

Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay dito’y

alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay ay

hindi gaanong kilala o “vice versa”.

C. Wakas o Kongklusyon

Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang wastong

pagsisimula, nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas.

Mawawalan ng saysay ang kagandahan ng komposisyon kung ang sumulat nito ay

nakalimot sa katangian ng isang maayos na pagwawakas. Ang maayos na pagwawakas

ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa komposisyon.

Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di kasiyasiya.

Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan

at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o

bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.

Ilang mungkahing paraan sa pagbuo ng wakas ng komposisyon ay ang mga sumusunod:

1. Tuwirang Sinasabi

Halimbawa:

“The US Presidential election teaches us to become more aggressive and make an

intensive drive to continue with our efforts to modernize the country’s electoral system,”

ani Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara de Reperesentantes ang anumang butas

upang ipatupad ang batas modernisasyon.

-Taliba (Nobyembre 5, 2004)

2. Panlahat na Pahayag

Halimbawa:

… Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang masarap ay pumapalit din

kalaunan, wika nga.

3. Pagbubuod

Halimbawa:

Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon

makakamtan.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!