08.09.2015 Views

September 8, 2015 BULGAR: BOSES NG MASA, MATA NG BAYAN

• No tags were found...

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Sports Editor: NYMPHA MIANO-ANG

e-mail:sports@bulgar.com.ph

SETYEMBRE 8, 2015 TAON

23 • BLG. 277

PABORITO ANG GILAS SA FIBA ASIA

CASTRO, MYTHICAL 5 SA JONES CUP

MATAPOS ang kanilang runner-up finish

sa Jones Cup, maituturing na isa sa

paboritong magkampeon ang Gilas

Pilipinas sa 2015 International Basketball

Federation (FIBA) Asia Championship na

gaganapin sa Set. 23 hanggang Oktubre 3

sa Changsha, China.

Nagawang makapagbigay ng

magandang laban ng Gilas Pilipinas sa

buong panahon ng torneo sa kabila ng

pagkawala ng naturalized player na si

Andray Blatche sa koponan.

Dalawang kabiguan lamang ang tinamo

ng Gilas Pilipinas - ito ay sa kamay ng reigning

FIBA Asia champion Iran (65-74) at

South Korea (70-82) - para sa 6-2 rekord

sa katatapos na Jones Cup.

Dito ay lumutang ang kakulangan ng

koponan sa sentro kung saan sinasabing

malaki ang posibilidad na manalo ng Gilas

Pilipinas sakaling naglaro si Blatche. Isa

pang magpapalakas sa tsansa ng Gilas ang

posibleng paglalaro ng Los Angeles Lakers

guard na si Jordan Clarkson na

pinaplantsa ng Samahang Basketbol ng

Pilipinas ang partisipasyon sa FIBA Asia.

Nasa Amerika ang SBP officials na sina

Ricky Vargas at Patrick Gregorio upang

makipagdayalogo sa pamunuan ng LA

Lakers na sina Mitch Kupchak at Jeannie

Buss.

Nais ng SBP na pahintulutan si

Clarkson na makalaro sa buong panahon

ng torneo. Unang sinabi ng LA Lakers na

maaaring maglaro si Clarkson sa FIBA Asia

ngunit hangga’t maaari ay hindi

maapektuhan ang anumang aktibidad ng

NBA team. Nakatakda ang training camp

ng LA Lakers mula Set. 29- Okt. 3.

Kaya’t si Clarkson ay makalalaro lang sa

FIBA Asia hanggang Set. 28. Kung

makukumbinse ng SBP ang LA Lakers,

maaaring makalaro si Clarkson sa buong

panahon ng FIBA Asia. Maliban sa

desisyon ng LA Lakers, naghihintay din ang

SBP sa pasya ng FIBA sa usapin ng

legalidad ng paglalaro ni Clarkson.

Unti-unti na ring nakikita ang potensiyal

at solidong laro ng team

kumpara sa mga unang

tuneup games sa Estonia.

Tunay na naasahan sina

Terrence Romeo at Calvin

Abueva.

Ang Pilipinas ay nasa

Group B ng FIBA Asia

kasama ang Palestine,

Kuwait at Hong Kong.

Unang makahaharap

ng Gilas ang Palestine

sa Set.23 kasunod

ang Hong Kong sa Set.

24 at Kuwait sa Set. 25.

Ang tatlong mangungunang

team ang

uusad sa susunod na

yugto ng eliminasyon

ng FIBA Asia na

magiging qualifying

tournament sa 2016

Olympic Games sa

Rio de Janeiro, Brazil.

Maliban sa Pilipinas,

kabilang sa

mga paboritong

magkampeon

ang powerhouse

Iran at

host China kasama ang South Korea at

Taiwan.

Samantala, napasama ang World Cup

veteran na si Jayson Castro sa Mythical

Five ng 37th William Jones Cup sa

Xinchuang Gymnasium sa New Taipei

City, Taiwan.

Ito ay matapos ang impresibong

ipinamalas na laro sa torneo at natulungan

ang Gilas Pilipinas na makuha ang pilak

na medalya. Si Castro ay may average na

13.0 puntos, 3.4 rebounds at 3.8 assists

sa Jones Cup. Kasama ng Talk ’N Text

standout sa Mythical Five sina Hamed

Haddadi at Mehdi Kamrany ng Iran,

Moon Tae-Young ng South Korea at Lin

Chi-chieh ng Chinese-Taipei. Itinanghal na

Most Valuable Player si Haddadi.

Noong 2013 FIBA Asia na ginanap

sa Manila, si Castro ang pinangalanang

Best Point Guard sa liga. Nagtapos sa 2 nd

place ang Gilas Pilipinas hawak ang 6-2

rekord habang nagkampeon ang Iran na

may 7-1 baraha.

Tinalo ng Gilas Pilipinas ang Chinese-

Taipei B (96-67), United States of

America Select-Overtake (78-74), Chinese-Taipei

A (77-69), Spartak

Primorye-Russia (85-71), Japan (75-60)

at Wellington Saints-New Zealand (92-

88 overtime). Yumuko ang koponan sa

South Korea (70-82) at Iran (65-74).

(NE)

ISA sa Mythical Five sa 37 th Jones Cup

si Jayson Castro.

DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM

BAGO MAG-‘MILAGRO’ ANG AZKALS

MASUSUBOK na ang kalibre ng Philippine Azkals sa sandaling makaharap na ang pinapaborang

Uzbekistan ng 8 p.m. ngayong gabi sa Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan.

Matapos pagwagian ang unang dalawang World Cup

qualifying matches kontra Bahrain at Yemen at ang tune-up

game sa Maldives, bitbit ng Azkals ang momentum at

kumpiyansa.

Dahil sa pagbabalik ng laban

dito sa Pilipinas, tiyak na isang

‘milagro’ ang hihingin ng Azkals

upang magwagi laban sa Uzbeks.

Sinabi pa ni Phil Younghusband

sa pre-game press

conference

kahapon, na

bagamat pinakamalakas

na team

ang makasasagupa

nila ngayon

sa pamamagitan

na rin ng

suporta ng fans at

cheers ay isang

‘miracle’ aniya ang

dalangin nilang

mangyari.

Inamin ni German

coach Thomas

Dooley na

dadaan sa butas

ng karayon ang

kanyang mga

bata dahil malakas

ang kalaban

at malawak

ang

karanasan

NAGHAHANAP ng mapapasahan

si Emil Palma ng UE Red Warriors

sa higpit ng depensa ni Andres

Desiderio ng UP Fighting Maroons sa opening

game na ito ng 78 th UAAP sa Smart Araneta Coliseum.

Wagi rito ang host UP. (Ed Panti)

Mga laro ngayon:

(Martes)

The Arena, San Juan

10 a.m.- Jose Rizal vs.

Mapua (jrs)

12 nn.- Lyceum vs.

Arellano (jrs)

2 p.m.- Jose Rizal vs.

Mapua (srs)

4 p.m.- Lyceum vs.

Arellano (srs)

NAIS sandalan muli ng

Arellano University Chiefs

ang inspiradong si Jio Jalalon

upang sungkitin ang pangatlong

sunod na panalo at upuan

ang 3rd spot sa pakikipagdigma

sa Lyceum of the Philippines

Pirates ngayong

hapon sa 91st NCAA Senior

Men’s Basketball tournament

sa The Arena sa San

Juan City.

Ipinoste ni Jalalon ang

pangalawang triple-double

matapos magtala ng 32 points,

15 assists at 10 rebounds sa

84-77 overtime win kontra

Perpetual Help noong

Biyernes.

Mag-uumpisa ang laban

ng Chiefs at Pirates sa 4 p.m.

NINA MC/CLYDE

MARIANO

maliban sa mataas ang ranking sa Asian Football kumpara sa

Azkals. “This is the game I’m looking for. Our ultimate

goal is to win and satisfy the home crowd. We will go for

it no matter how tough and difficult it is,” wika ni Dooley

katabi si Younghusband matapos na magsalita rin ang team

captain ng Uzbekistan at two-time Asian football player of the

year Server Djeparove tungkol sa tsansa ng kanyang koponan.

“The win against Maldives indeed boosted the morale

of the players. They will be more inspired and energized

against Uzbekistan. We utilize all available resources and

maximize every opportunity to our advantage,” pahayag

ni Dooley.

Wala si team manager Dan Palami sa ginawang presscon.

Umaasa si Palami, bagong hirang na team manager ng UP

Maroons sa UAAP na magtatagumpay ang Azkals na matagal

na niyang sinuportahan at tinulungan. Isang kumpiyansa para

sa kanila ay ang sinapit na bangungot ng Uzbekistan nang

matalo sa unang laban kontra North Korea noong Hunyo

pero nagantihan ang Yemen, 1-0 noong Set. 4 sa Tashkent.

Kung lakas at husay ang pagbabatayan, ayon kay Dooley,

skills at karanasan na rin ang pansagupa ng Philippine national

football team kontra Uzbeks na nasa ranked 76 th sa FIFA

rankings. “We are cautiously optimistic,” unang deklarasyon

ni Palami habang sabi ni coach Dooley, “we have a great

team that is playing good football.” Kaya naman kaya

nang balikatin ng Azkals kung susukatin ng Uzbeks ang kanilang

lakas sa unang pagkakataon.

Kinokonsidera ang Uzbeks na napakalakas na team sa

Asya katulad ng Iran, South Korea, Japan, Australia, United

Arab Emirates at China. Kung nagawa man ng Azkals players

na sina Younghusband bilang team captain at Misagh

Bahadoran na makaiskor sa laban kontra Bahrain at Yemen

ay kumpiyansa ang team na tatalunin ang Uzbekistan.

Nakalinya sa team ang makaranasang players, may exposure

na sa international competitions, may chemistry ang

laro at samahan. Aasahan din ang panonood dito ng matataas

na opisyal ng bayan, mga aktor, TV hosts at Fil-American

mixed martial artists tulad ni Brandon Vera na nanawagan sa

mga Pinoy na panoorin ng live ang laro ng PHL team at bumili

ng tiket ngayong umaga.

Ang bawat ticket holders ay magkakaroon ng free entrance

pagkatapos ng game sa The Palace Pool Club sa

Bonifacio Global City sa Taguig City at maranasan ang Vegas

style clubbing.

JALALON, SASANDALAN NG AU CHIEFS

MAPUA, MAGPAPATATAG KAY NIMES

“If Jio can play like that every

game and our role players

play their roles, we’ll be

okay,” ani Arellano coach

Jerry Codiñera kay Jalalon.

May konting kaba si

Codiñera sa Lyceum dahil

pinahirapan sila nito nang

magkita sila sa 1st round

elimination kung saan ay

nanaig ang Arellano ng 2

puntos, 80-78. “Lyceum is

stronger than its (3-9) winloss

record, it would be a

mistake to underestimate

them,” saad ng dating PBA

star center, Codiñera.

Hindi naglaro si Joseph

Gabayni sa huling dalawang

laro ng Lyceum kaya natalo

sa Perpetual Help at Letran.

Makalalaro na ngayong hapon

si Gabayni para makatulong

kay Cameroonian Jean Victor

Nguidjol na nagtala ng

double-double habang wala

ang starting center.

Samantala, tabla sa No.

5 spot na may tig 6-5 winloss

records ang JRU at MIT

kung saan ay maghaharap

sila sa 2 p.m. Kukuha ng

lakas ang Cardinals sa twogame

streak matapos ang 87-

78 panalo laban sa San

Sebastian Stags ng nakaraan.

Isa rin sa pagkukunan ng

lakas ng Mapua si Josan

Nimes na nagpakitang-gilas

sa pagbabalik matapos

lumiban ng tatlong sunod na

laro dahil sa injury. Kumana

si Nimes ng 18 points at 6

assists sa huling laro ng

Mapua. (Elech Dawa)

Team Standings W L

San Beda 10 2

Letran 10 2

Perpetual Help 8 4

Arellano 8 4

Jose Rizal 6 5

Mapua 6 5

Lyceum 3 9

San Sebastian 3 9

St. Benilde 3 9

EAC 210

TINAKBO ng mga kabataan ang 100-m sa secondary

boys sa 2015 MILO Little Olympics sa Biñan,

Laguna.

(Cesar Panti)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!