21.09.2015 Views

ESP IV

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

ESP

IV

Baitang 4

BIYAYANG KALOOB NG PANGINOON, PAHALAGAHAN

Alamin Mo

Basahin ang tula:

Mga ibong lumilipad

sa langit na kaytaas

Iba’t ibang mga hayop

sa lupa bumabagtas

Mga isdang lumalangoy,

sa liko-likong mga ilog;

Biyaya ng Panginon

sa atin ito’y pawang handog.

Ayon sa tula, ano ang iba’t ibang biyaya ng Panginoon sa atin? Sa inyong palagay, paano

natin mapahahalagahan ang mga ito?

Tingnan mo ang larawan sa itaas. Masasabi mo bang biyaya ito ng Panginoon sa atin?

Pinahahalagahan mo ba ang mga bagay sa ating kapaligiran? Paano?

Sa modyul na ito, malalaman mo ang tungkol sa pagpapahalaga natin sa biyayang kaloob

ng Panginoon.

Pag-aralan Mo

Basahin at unawain ang sumusunod na kuwento.

Ang Karagatan At Ang Sapa

Isang araw naglalaro si Karagatan at si Sapa.

“Kaibigan, alam mo ba na ako’y napakahalaga? Mahuhulaan mo ba kung ilang barko na

ang nakapaglayag sa aking kalawakan? Nagbibigay pa ako ng mga pagkain at hanapbuhay,”

pagyayabang ni Karagatan.

“Oo nga, maraming barkong naglalayag sa lawak mo. Pati mga pagkaing-dagat,

nagbibigay ka rin. Pero mahuhulaan mo rin kaya kung ilang manlalakbay ang nabigyan ko ng

kaginhawahan dahil sa aking dalisay na tubig na kanilang iniinom?, “tanong ni Sapa.

“Sana pangalagaan tayo ng mga tao upang higit tayong makatulong sa kanila,” wika pa ni

Karagatan.

“Tama ka! Pabaya ang tao. Hindi nila pinahahalagahan ang biyayang dulot ng katubigan.

Kaloob ito ng Diyos at dapat nilang pagpalain,” sagot ni Sapa.

“Madali lang naman, di ba? Huwag lang nilang itatapon ang mga basura at ang duming

galing sa pabrika at minahan,” himutok ni Karagatan.

“Ay naku! Magsisisi sila kapag tuluyan tayong nasira. Wala na silang tubig na maiinom

at paglalanguyan. Pati mga yamang-dagat ay mawawala rin,” sagot ni Sapa.

Sagutin ang mga tanong:

1. Anong mga biyaya ng Diyos sa kapaligiran ng dagat ang makikita mo sa kuwento?

2. Sa palagay mo, tama ba ang sinasabi ni Sapa at ni Karagatan na sila’y mahalaga sa tao?

3. Gaano ba kahalaga sa iyo ang dagat at sapa?

4. Paano ka makatutulong sa pangangalaga ng dagat at sapa?

5. Sa iyong sarili, ano ang maituturing mong biyayang kaloob ng Diyos?

6. Ano ang iyong ginagawa upang maipakita ang iyong pagpapahalaga rito?

Isaisip Mo

Biyaya ng Diyos, ating pagyamanin.

Ligaya ng buhay ay ating kamtin.

Isapuso Mo

Paano mo maipakikita ang pangangalaga sa mga biyayang kaloob ng Diyos sa

sitwasyong ito. Piliin ang sagot ayon sa saloobin mo.

Ikaw ay lumaking mahirap lamang. Tindera ng gulay ang iyong ina at mangingisda ang

iyong ama. Ang inyong kapitbahay na si Marlo ay anak-mayaman. Nakikita mo si Marlo sa

kanilang bakuran na naglalaro ng magagandang laruan. Ikaw ay may laruan din. Gawa ito ng

tatay mo mula sa lumang lata.

Alin kaya rito ang sasambitin mong dasal sa Panginoon?

a) “Diyos ko, bakit po ako ay mahirap lamang? Gusto ko po ay mga laruang tulad ng

kay Marlo.”

b) “Diyos ko, salamat po at mayroon akong Tatay na magaling gumawa ng laruan.

Bagama’t ang laruan ko’y gawa lamang niya, alam ko pong ito’y kaloob Ninyo.”

Isagawa Mo

Isipin mo ang biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Panginoon na napakahalaga sa iyo. Iguhit

mo ito sa iyong kuwadernong sagutan at ipakita rin kung paano mo ito pinangangalagaan.

Baitang 4

PAGSUSURI NG MGA ANUNSIYONG NARIRINIG/NABABASA

Alamin Mo

Kilalang-kilala ang senyas na ito sa telebisyon. Komersyal muna! At sunod-sunod na

anunsiyo tungkol sa mga produkto o pagkain ang makikita at maririnig sa makukulay na paraan

at saliw ng masisiglang tugtugin. Madalas mayroon pa itong isang artista o kilalang tao na

magpapatotoo sa galing ng produkto. Ano nga ba ang sinasabi nila? Naniniwala ka ba sa nakikita

at naririnig mo?

Ang modyul na ito ay tungkol sa pagsusuri ng mga anunsiyo at propagandang narinig o

nabasa.

Pag-aralan Mo

Basahin ang pagtatalo ng magkaibigan tungkol sa narinig nila sa radyo at napanood sa

telebisyon.

Elena : Narinig mo ba Rosy ang komersiyal tungkol sa isang supot ng Potato Snack?

Rosy : Bakit? Ano ang sabi?

Elena : Basahin mo ang nakasulat sa likod ng supot:

Mga Sangkap:

Pinatuyong patatas

Langis, katas ng patatas, asin,

mantekilya, gatas na pulbos

pampalasang sangkap,

Mayroon ding keso, langis ng

mais, soya at niyog.

Ayon sa mga sangkap (ingredients) na nabasa mo, tama bang tawagin itong “potato

snack?”

Rosy : Hindi dapat tawagin na “potato snack” dahil mapapansin mong hindi lamang

patatas ang laman ng pangmeryendang pagkain.

Elena : Bakit ano ang totoong laman ng supot?

Rosy : Ito ay pinaghalo-halong sangkap ng iba pang mga pagkain.

Elena : Tama ka, Rosy. Basahin mo uli itong isa pang anunsiyo:

Magiging sa iyo kung

susuporta ka sa Alyansa ng mga

Nagmamay-ari ng bahay sa

Pasay (A NBP). Bumili ng

ticket ngayon sa halagang isang

daang piso. Tumawag sa #644-

8494 para sa bibilhing ticket.

Ano ang ibig sabihin ng anunsiyo? Mabibili ang jeepney sa halagang isang daang piso o

magiging iyo ang jeepney kung bibili ka ng ticket sa halagang sandaang piso.

Rosy : Lahat iyan ay hindi totoo. Ibig sabihin maaari kang manalo ng jeepney kung

sasali ka sa raffle na ang halaga ng ticket ay sandaang piso.

Elena : Tama ka. Ito ay isang anunsiyo na maaring paniwalaan ng tao kung hindi muna

iintindihin ang nilalaman nito.

Rosy : Ano naman ang komersyal?

Elena : Ang komersiyal ay pang-akit ng produktong kanilang dinadala. Ito ay ginagawa

upang maging mabili at sikat ang produkto.

Rosy : Saan makikita o maririnig ang komersiyal o anunsiyo?

Elena : Makikita mo ito sa isang magasin, sa isang billboard, sa patalastas sa TV o

naririnig sa radyo

Rosy : A, sige, mula ngayon susuriin ko muna ang propaganda/anunsiyo bago ko

paniwalaan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Nararapat bang kaagad paniwalaan ang anunsiyo o komersiyal?

2. Kung ikaw si Rosy, maniniwala ka ba sa mga paliwanag ni Elena?

3. Ano sa palagay mo ang dapat isulat sa dyipning Pinoy para maging kapani-paniwala.?

4. Alin ang mas mahalaga sa iyo, ang presyo o ang totoong propaganda ng isang bagay?

5. Paano mo maiiwasan ang pagbili ng bagay na bunga lamang ng maling propaganda?

Isaisip Mo

Tiyakin ang katotohanan sa mga anunsiyong naririnig, nakikita, at nababasa. Ang

matalinong pagpapasiya ay kailangan para matukoy ang mabuti at di-mabuting anunsiyo.

Isapuso Mo

Basahin itong anunsiyo at patunayan na ikaw ay isang matalinong mamimili. Ano ang

gagawin mo sa produktong ito?

“Nais mong gumanda ang iyong kutis? Gamitin ang “KINIS”. Sikat na sabon ng mga

artista. Tiyak kutis mo ay kikinis at magiging sikat ka pa!

Isagawa Mo

Mag-isip ka ng isang bagay na lagi mong ginagamit at may magandang epekto sa iyo.

Gumawa ka ngayon ng isang anunsiyo tungkol sa bagay na ito. Isulat sa kuwadernong sagutan.

Baitang 4

PAGGAMIT NG IBA’T IBANG PAMAMARAAN

SA PAGKUHA NG IMPORMASYON

Alamin Mo

Pagmasdan ang larawan. Hangad ng mga bata na tuklasin ang katotohanan o

alamin ang tunay na pangyayari. Gusto nilang buksan ang kanilang isipan sa pagngangalap ng

kinakailangang kaalaman at impormasyon tungkol sa iba’t ibang bagay.

Sa modyul na ito, malalaman mo ang iba’t ibang pamamaraan sa pagkuha ng

impormasyon/kaalaman tungkol sa pinakahuling pangyayari.

Pag-aralan Mo

Basahin ang isang tagpo sa bahay ng isang mag-anak.

TV Announcer: Mahalagang balita! Inilunsad na kahapon ng pamahalaan

ang programang “Bantay Bata.” Narito ang mga detalye.

Ruben:

Ate palitan mo nga ang channel. Ilipat natin sa kantahan.

Ate:

Ruben:

Darwin:

Nanay:

TV Announcer:

Ruben:

Ate:

Nanay:

Darwin:

Oy, Ruben, makinig ka ng balita. Ito ang dapat nating

pinanonood.

Ate, ayoko niyan. Gusto ko ay kantahan. Hindi nakaiinip.

Oo nga, Ate, huwag na iyan. Ilipat na natin.

Mga anak, magsitigil kayo, pakinggan muna natin ang

sinasabi sa balita.

Narito ang buod ng mga balita. Ipinahayag ng pamahalaan na

mula sa taong 1999, ang karapatan ng bata, lalo na ang

tungkol sa pang-aabuso, ay babantayan. Ang sinumang

mapatunayan na umabuso sa bata, maging sinuman siya, ay

papatawan nang mabigat na parusa.

Inay, ano-ano po ba ang mga karapatan naming mga bata?

Iyan ang sinasabi ko, kung ikaw ay nakikinig ng balita, hindi ka

sana nagtatanong.

Tama ang ate mo, anak. Dapat ay nagkakaroon tayo ng mga

kaalaman hindi lamang sa musika kundi pati rin sa iba’t ibang

bagay.

Sige na po, Nanay, makinig na tayo ng balita.

Sagutin ang mga tanong sa kuwadernong sagutan.

1. Anong paraan ang ginamit ng mag-anak nina Ruben at Darwin upang alamin ang mga

balita?

2. Katulad ba kayo ni Ruben na musika lamang ang gustong pakinggan?

3. Tama ba ang nanay na pigilin ang mga anak na huwag ilipat ang programa? Bakit?

4. Ano-anong paraan ang maaari nating gamitin upang malaman ang mga pangyayari sa

ating paligid?

5. Nakikinig ka rin ba ng balita sa radyo o telebisyon? Saan ka pa nakakukuha ng mga

bagong balita? Ano ang kabutihan ng laging pakikinig at pagbabasa ng balita?

Tandaan Mo

Sa pagtuklas ng katotohanan, maraming paraan upang makakuha ng mga impormasyon.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikinig ng radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng diyaryo at

aklat, at pag-iinterbyu ng mga taong nakaaalam ng impormasyon/pangyayari.

Isapuso Mo

Malapit na ang oras ng paborito mong programa sa telebisyon. Iniwanan mo ang iyong

paglalaro upang manood. Pagdating sa bahay, naabutan mo ang iyong kapatid na nanonood ng

balita. Anong kabutihang-asal ang ipakikita mo sa iyong kapatid? Bakit?

Isagawa Mo

A. Kopyahin sa kuwadernong sagutan ang mga sumusunod na gawain.

Markahan ang bawat isa ayon sa ganitong panukat.

1-Palagiang ginagawa

2-Madalas na ginagawa

3-Paminsan-minsan

4-Hindi ginagawa

1. Nakikinig ako ng radyo.

2. Nanonood ako ng balita sa TV.

3. Nagbabasa ako ng pahayagan upang malaman ang pinakahuling pangyayari.

4. Nakikinig ako sa sinasabi ng aking mga kaibigan tungkol sa pinakahuling balita.

5. Nagpupunta ako sa aklatan upang makapagbasa ng pahayagan at iba pang

babasahin.

B. Alamin ang impormasyon tungkol sa mga sumusunod na pangyayari. Ipahayag ang

inyong sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Ang lugar ninyo ay nasa malayong barangay. Gusto mong malaman kung

papaano pinamamahalaan ang isang barangay. Sino ang iyong pupuntahan upang

makakuha ng kaalaman tungkol dito?

2. Ang Gitnang Luzon ay nasira nang sumabog ang Bulkang Pinatubo.

Gusto mong malaman kung ano ang naging buhay ng mga tao roon ngayon. Ano

ang iyong gagawin upang malaman ang katotohanan?

Baitang 4

PAGBABALIK SA MAY-ARI NG MGA BAGAY NA HINIRAM

Alamin Mo

Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay magkakaroon ka. Mayroong mga hadlang kung

bakit hindi mo makukuha ang mga bagay na iyong gusto, kahit ang mga ito ay kailangan mo.

Sa mga pagkakataon na kailangan mo ang mga bagay na wala ka, humihiram ka sa

kapatid, kaibigan, at kamag-anak.

Sa modyul na ito, dapat maipakita at matutuhan mo kung ano-ano ang mga nararapat

gawin sa mga bagay na hiniram.

Pag-aralan Mo

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

Ang Hilig ni Raymond

Mahilig sa magagandang bagay si Raymond. Hindi nakapagtatakang

bumarkada siya sa mga kaklaseng may-kaya sa buhay.

Lihim niyang inaasam-asam na magkaroon siya ng mamahaling

sombrero. Minsan, ipinadala sa kaniya ang bag ni Allan. Binuksan niya ito.

Nakita niya ang mamahaling sombrero. Kinuha niya ito at ginamit araw-araw.

Lumipas ang isang buwan. Nakalimutan nang isoli ni Raymond ang

sombrero kay Allan.

Tama ba ang ginawa ni Raymond? Tutularan mo ba siya sa kanyang ginawa? Bakit?

Kung ikaw si Raymond, ano ang dapat mong ginawa sa kinuha mong sombrero?

Maraming Kaibigan

Mahirap ang pamilya ni Grace. Halos wala siya ng lahat ng kailangan

niyang pansariling gamit. Wala rin siyang gamit na kailangan niya sa pag-aaral.

Matalino, mabait, at palakaibigan siya. Kaya kung may kakailanganin

siya sa pag-aaral, binibigyan siya ng kaniyang mga kaibigan.

Biyernes ng umaga, pumasok si Grace sa paaralan na basa ang mga

kagamitan niya. Napansin ito ng kaklase niyang si May. Isinama niya si Grace sa

kanilang bahay at pinamili ng mga gamit na kailangan niya. Humiram si Grace

ng bag, mga aklat, lapis, at papel.

Kinabukasan, ibinalik ni Grace ang mga hiniram niyang gamit kay May.

Ngunit hindi na tinanggap ni May ang mga kagamitan na ipinahiram niya.

Ibinigay na lamang ni Grace sa kanya ang lahat ng gamit na ipinahiram.

Ano-ano ang magagandang katangian ni Grace? Taglay mo rin ba ang mga katangiang

ito? Ano-ano naman ang magagandang katangian ni May? Taglay mo rin ba ang mga katangian

niya? Ano ang dapat gawin sa mga bagay na hiniram?

Isaisip Mo

Kung minsan, hindi maiwasan ang humiram ng mga kagamitan o mga bagay na wala sa

iyo, lalong-lalo na kung kailangang-kailangan mo ang mga ito.

Subalit, ang mga bagay na hiniram ay dapat ingatan at ibalik sa may-ari pagkatapos

gamitin. Ito ay pagpapakita ng paggalang sa karapatang pagmamay-ari.

Isapuso Mo

Ang mga sumusunod ay mabuti at hindi mabuting gawain. Lagyan ng tsek () ang

patlang bago ang bilang, kung ito ay mabuting gawain at ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito

sa kuwadernong sagutan.

_______ 1. Mainit sa loob ng inyong silid-aralan. Humiram ka ng pamaypay sa iyong

kaklase. Inilagay mo sa iyong bag ang pamaypay at iniuwi ito sa bahay.

_______2. Kailangan mo ng krayola sa oras ng inyong Sining. Humiram ka sa iyong

kaibigan ng krayola at ginamit mo ito. Ibinalik mo agad ito sa iyong

kaibigan matapos gamitin.

_______3. Pumasok sa klase si Mathew na walang papel at lapis. Kailangan niya ang

mga ito sa oras ng kanilang pagsusulit. Humingi siya ng papel at humiram

din siya ng lapis sa kaniyang katabi. Pagkatapos ng pagsusulit, isinauli niya

agad ang lapis.

_______4. Marumi ang inyong bakuran. Wala kayong walis-tingting kaya humiram ka

sa kapitbahay. Itinago mo ito dahil baka mawala.

_______5. Nasira ang laruang robot ni Bong. Gustong-gusto niyang maglaro ng robot.

Humiram siya kay Paulo at isinauli niya ito agad pagkatapos gamitin.

Isagawa Mo

Sumulat ng maikling talata tungkol sa mga nararapat gawin sa mga bagay o kagamitang

hiniram. Gawin ito sa kuwadernong sagutan. Ipakita at ipabasa sa guro ang iyong ginawang

talata.

Baitang 4

PAGBABAHAGI NG MGA KAALAMAN TUNGKOL

SA PINAKAHULING PANGYAYARI SA KAPALIGIRAN

Alamin Mo

May radio o telebisyon ba sa inyong bahay? Nakikinig ka ba ng balita? Paano mo

ibinabahagi sa ibang tao ang narinig mong balita? Tiyakin mong totoo at kapanipaniwala ang

ikinukuwento mong pangyayari.

Sa modyul na ito malalaman mo ang kahalagahan ng pagbabahagi ng kaalaman tungkol

sa pinakahuling pangyayari sa kapaligiran.

Pag-aralan Mo

Basahin ang maikling kuwento.

Ano Ang Balita?

“Aling Anding, Aling Anding,” tawag ni Marissa na humahangos palapit sa nagiisang

tindahang sari-sari sa Barangay Hulo. “Bakit ka ba humahangos, Marissa?,”

tanong ni Aling Anding. “Naku, Aling Anding narinig po ba ninyo ang balita sa radio,

ngayon-ngayon lang?” tanong ni Marissa.

“Marami na raw po ang nagkakasakit ng “Dengue Fever” sa mga kalapit nating

barangay.” ang dugtong ni Marissa. “Mabuti yata tawagin natin ang ating mga

kapitbahay upang maibahagi natin ang balita, at tuloy makapag-ingat tayong lahat,” ani

Aling Anding.

Nagtipon-tipon sa harap ng bahay ni Aling Anding ang magkakapitbahay.

“Ayon po sa balita,” simula ni Marissa, “sampu na ang nadala sa ospital ng bayan

dahil sa sakit na “Dengue” mula sa tatlong karatig na barangay. Isa na ang namatay sa

kanila, at ang iba ay malubha ang kalagayan. Idinagdag pa sa balita na ang sakit na ito

ay dala ng isang uri ng lamok. Kaya’t ang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan ay

nananawagan sa mamamayan na maglinis ng paligid. Linisin ang lahat ng lugar na

maaaring pamahayan ng lamok. Tiyaking walang tubig na nakatinggal sa mga lata, mga

sirang lalagyan, at mga pusali.”

“A, alam ko na!” singit ni Rico. “Natutuhan naming sa paaralan na kahit sa mga

plorera natin sa bahay ay maaaring mamahay ang mapanganib na lamok.”

Maraming salamat, Marissa. Sana ay maging halimbawa ka sa pagbabahagi ng

mahahalagang balitang tulad nito,” ang habol na sambit ni Aling Anding.

Sagutin ang mga tanong sa kuwadernong sagutan.

1. Ano ang balitang dala ni Marissa?

2. Para sa iyo, maliwanag ba ang pagkakabahagi ni Marissa ng balita?

3. Sa palagay mo, bakit ibinahagi ni Marissa ang balita sa mga kabarangay?

4. Kung ikaw ang makaririnig ng balitang iyon, ano ang gagawin mo?

5. Anong magandang asal ang ipinakita ni Marissa? Gusto mo bang maging katulad

niya? Bakit?

Isaisip Mo

Ang makabuluhang pagbabahagi ng mga balita ay makatutulong sa kapwa.

Isapuso Mo

Usap-usapan sa inyong barangay ang pagtaas ng presyo ng gasolina sa darating na

buwan. Sinabi mo ito sa iyong mga magulang habang kayo’y kumakain sa hapag-kainan.

Narinig ito ng iyong mga kapatid. Tinanong ka ng iyong kuya kung ano sa palagay mo ang

magiging epekto ng pangyayaring ito.

Sipiin sa kuwadernong sagutan ang sagot na naaayon sa kabutihang-asal.

a) Sasabihin mo na hindi mo alam. Basta ibinabalita mo lang dahil narinig mo.

b) Sasabihin mo ang palagay na baka tataas ang presyo ng ibang bilihin kapag

tumaas ang presyo ng gasolina.

c) Magagalit ka sa iyong kuya at sasabihing huwag na lamang siyang sumali sa

usapan.

Isagawa Mo

Makinig ng balita sa radyo o manood sa telebisyon. Pumili ng balitang

pangkabuhayan/pangkalusugan o pang-edukasyon at ibahagi ito sa mga kaklase. Isulat sa

kuwadernong sagutan kung ano ang sasabihin sa mga kaklase tungkol sa narinig na balita.

Baitang 4

PAGBIBIGAY NG TAMANG ULAT O TUNAY

NA DAHILAN NG MGA PANGYAYARI

Alamin Mo

Naranasan mo na bang matakot na magsabi ng totoo dahil pagagalitan ka kapag nalaman

ang tunay na dahilan?

Alam mo, ang taong sinungaling, walang gawang magaling; ang taong tapat, kaibigan ng

lahat. Ito ay malimit marinig lalo na sa matatanda. Ipinakikita ng mga salawikaing ito na tayo ay

dapat na laging magsasabi ng totoo. Kung tayo ay sinungaling, ang mga tao ay hindi na

maniniwala sa ating sasabihin. At kapag walang naniniwala sa atin, wala na tayong kaibigang

magtitiwala. Samantala kung tayo ay nagsasabi ng totoo, tayo’y paniniwalaan. Darami ang ating

kaibigan. Magsasabi ka ba ng totoo?

Sa modyul na ito, matututuhan mo ang pagbibigay o pagsasabi ng tunay na dahilan ng

mga pangyayari.

Pag-aralan Mo

Basahin ang maikling dula.

Isang araw, hindi pumasok si Liza sa paaralan. Tinanong siya ng kaniyang guro.

Gng. Luce: O, Liza, bakit lumiban ka sa klase kahapon?

Liza: Kasi po may dumating na bisita si Inay. Tinulungan ko po siya sa paghahanda ng

pagkain.

Gng. Luce: Sino naman ang bisita ng Inay mo?

Liza: (Nauutal at tila naghahagilap ng sasabihin)

E, e, kamag-anak po siya buhat sa Amerika.

Gng. Luce: Liza, ‘yong totoo lang. Bakit ka ba lumiban kahapon?

Myra: Liza, magsabi ka na ng totoo. Nauna na ako sa iyo na nagsabi.

Liza: Patawarin po ninyo ako, Gng. Luce. Ang totoo po, hinabol namin ni Myra ang

huling araw ng palabas na pelikula sa bayan.

Myra at Liza: Hindi na po namin ito uulitin, Gng. Luce.

Gng. Luce: Talagang di dapat. Marami tuloy kayong naiwang gawain para sa ating mga

aralin. At saka sa susunod, huwag na kayong magsisinungaling.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Bakit ayaw magsabi ng totoo si Liza?

2. Kung ikaw si Liza, kailangan mo pa bang magsinungaling sa iyong guro? Bakit?

3. Kung ikaw naman ang guro, ano ang gagawin mo sa pagsisinungaling ni Liza?

4. Anong aral ang nakuha mo sa dula-dulaan?

5. Sino kina Myra at Liza ang dapat mong tularan? Bakit?

Isaisip Mo

Ang pagpapamalas ng katapatan ay naisasagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan.

Isa rito ay ang pagsasabi ng tunay na dahilan ng isang pangyayari.

Isapuso Mo

Paano mo maipakikita ang katapatan sa sitwasyong ito? Isulat ang sagot sa kuwadernong

sagutan.

Napuyat ka sa panonood ng basketbol sa telebisyon, kaya’t hindi ka nakapaglaro

kinabukasan. Natalo ang inyong team. Sinisisi ka sa nangyari ng lahat ng iyong kalaro. Kayangkaya

mo sanang ipanalo ang laro kung naging maayos ang kondisyon ng iyong katawan.

Nahihiya kang malaman ng mga kalaro mo na nagpuyat ka nang nakaraang gabi.

Isagawa Mo

Sumulat ng isang karanasan tungkol sa hindi pagsasabi ng totoo sa iyong magulang,

kapatid o kaibigan. Iugnay mo ito sa aral na nakuha sa kuwento. Maaaring pamagatan ito ng:

“Nang Minsang Ako’y Nagsinungaling”

Baitang 4

ANG MAHAHALAGANG TAUHAN O KASAPI NG MAG-ANAK

Alamin Mo

Pag-aralan ang larawan:

Lola, lola, salamat po

sa pangaral at

pagmamahal ninyo sa

akin.

Napakabuti at

napakabait mo, apo.

Sana lahat ng bata ay

katulad mo marunong

magpahalaga sa

matatatanda.

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo kung paano maipadarama sa matatanda na sila ay

mahahalagang tauhan o kasapi ng mag-anak.

Sa larawan, ano ang ipinahahayag ng bata sa matanda?

Paano ipinakita ng bata ang pagpapahalaga sa matatanda?

Pag-aralan Mo

Basahin nang tahimik ang tula.

Haplos Sa Puso

1. Ugaliin ang maging mapagmahal,

Sa ating magulang o matanda man,

Alalahanin ang mga kabutihan,

Noong kabataan mo’y pinuhunan.

2. Huwag silang ipagwalang- bahala,

Bigyan sila ng pansin at aruga,

Pasalamatan sa kanilang gawa,

Pagsisilbi sa inyong walang sawa.

3. Pag-alaala at mabuting salita,

Haplos sa puso ng matatanda,

Damdamin nila’y di nagiging abala,

Ligayang idudulot di matingkala.

Basahing muli ang tula. Sagutin ang sumusunod na tanong. Gawin ito sa kuwadernong

sagutan.

1. Sa unang saknong, paano ipinakita ang pagmamahal sa magulang at sa matatanda?

Ginagawa mo ba o nagagawa mo ba ang sinasabi sa saknong na ito? Paano?

2. Sa ikalawang saknong, paano ipinakikita ang pasasalamat sa matatanda? Ginagawa

mo ba ito?

3. Sa ikatlong saknong, naipadarama ba sa matatanda ang pagmamahal at pag-alaala sa

kanila?

Sa tulang binasa, bakit dapat nating mahalin ang mga magulang at mga matatanda?

Paano ipakikita ang pagmamahal sa kanila? Sa palagay ninyo, ano ang mararamdaman nila

kapag gumawa tayo ng mabuti sa kanila? Bakit natin sila dapat pasayahin?

Isaisip Mo

Kailangang ipadama sa mga matatanda na sila ay mahalaga at kapaki-pakinabang pa.

Ipadama rin sa kanila na sila ay mahahalagang kasapi ng mag-anak.

- Ipakita ang pagmamahal, paggalang, at pagpapahalaga sa kanila.

- Tratuhin sila nang maayos.

Isapuso Mo

Lagyan ng tsek () ang kaukulang kolum. Ginagawa mo ba ang mga ito sa iyong mga

magulang o sa matatanda?

1. Inaalagaan ko sila kapag maysakit.

2. Hinihingan sila ng payo.

3. Pinasasalamatan sila sa tulong na kanilang

ibinibigay.

4. Magalang na nakikipag-usap sa kanila.

5. Binibigyan sila ng pansin.

6. Isinasama sa pamamasyal.

7. Iginagalang ang kanilang pasiya.

8. Nakikinig sa kanilang pangaral.

9. Binabahaginan ng anumang pagkain.

10. Ibinibigay ang kanilang pangangailangan.

Oo Minsan Hindi

Isagawa Mo

Obserbahan ang iyong mga kapatid sa bahay o mga bata sa kapitbahay. Itala ang

kanilang ginagawa kung paano ipinadarama sa matatanda na sila ay mahalagang kasapi o

tauhan ng mag-anak. Gawin ito sa kuwadernong sagutan. Ipakita sa guro ang iyong

sagot.

Baitang 4

PAGGALANG SA KARAPATAN SA PAGMAMAY-ARI

Alamin Mo

Ang pagmamay-ari ng pansariling kagamitan ay isang karapatan na dapat igalang. Ang

ibig sabihin, ang bawat mamamayan ay may karapatang mag-angkin ng mga bagay-bagay.

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang paggalang sa karapatan sa pagmamay-ari.

Pag-aralan Mo

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangyayari.

Linggo ng umaga, pagkatapos magsimba ng pamilya ni

Donna, pumasok siya sa kuwarto ng kanyang Ate Mila.

Kumuha siya ng “stationery” at bolpen ng walang paalam.

Gagamitin niya ito sa pagsulat sa pagbati sa isang kaibigan na

magdiriwang ng kaarawan kinabukasan.

Tama ba ang ginawa ni Donna? Gagawin mo ba ang ginawa niya? Bakit?

“Tok, tok, tok,” kumatok sa kuwarto ni Ben ang nanay

niya.

“Tuloy po. Kayo po pala ‘Nay. Bakit pa po kayo

kumatok sa pinto, e bahay naman po natin ito”? tanong ni Ben.

“Iginagalang ko ang pagmamay-ari mo sa silid na ito.

Ang pagkatok ko sa pinto, ay paghingi ng pahintulot sa iyo,

bago pumasok,” tugon ng nanay ni Ben.

Paano ipinakita ng Nanay ni Ben ang paggalang sa pagmamay-ari niya ng kaniyang silid?

Tama ba ang ginawa ng Nanay? Ginagawa mo rin ba iyon? Bakit?

Kasalukuyang nanonood sa telebisyon ang kapatid ni Carlo.

Nakita niya ang laruang robot na hawak ni Ruben na hindi sa

kanila.

Lumapit si Carlo sa kapatid. Pinangaralan niya ito.

Pinagsabihan niya si Ruben na ang mga gamit ng kahit sino ay

dapat igalang. Dapat humingi muna ng pahintulot sa may-ari bago

ito kunin at gamitin.

Paano ipinakita ni Carlo ang paggalang sa kapatid?

Bakit siya lumapit sa kanyang kapatid?

Kailangan bang sabihan ng isang tao kung gumagamit ng isang bagay na di niya

pagmamay-ari? Bakit?

Isaisip Mo

Isa sa mga karapatang konstitusyonal ang pagmamay-ari. Ang ibig sabihin, nakasulat sa

konstitusyon ng ating bansa na ang bawat mamamayan ay may karapatang bumili o mag-ari ng

mga bagay-bagay. Ang paggalang sa karapatang ito ay maipakikita sa pamamagitan ng paghingi

muna ng pahintulot sa may-ari bago ito kunin at gamitin.

Isapuso Mo

Basahin ang mga sitwasyon. Lagyan ng tsek () kung dapat at ekis (x) naman kung

hindi dapat. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

_______1.

_______2.

_______3.

_______4.

_______5.

Gustong-gusto ni Laura ang bag ni Ellen. Maganda kasi ito at bigay ng pinsan

niyang galing sa Japan. Nagpaalam si Laura kay Ellen na hihiramin ang bag niya.

Tuwing papasok si Mia sa paaralan, dalawa ang payong na dinadala niya. Nakita ito

ni Pia at kinuha ang isa. Umuulan kasi nang malakas nang pinalabas sila sa silidaralan.

Lakbay-aral ng klase ni Bb. Sebastian sa ikaapat na baitang. Walang baunan ang isa

niyang mag-aaral na si Ella. Hiniram niya ang baunan ng titser niya.

Maghapong namasada ng dyip si Mang Benjie. Nakatulog siya agad pagdating ng

bahay. Kinuha ni Roman, panganay na anak ni Mang Benjie, ang susi ng kanilang

sasakyan at ginamit ito nang walang paalam.

Naglilinis ang mga mag-aaral ni Bb. Babaran sa kanilang silid-aralan. Wala silang

magamit na walis. Nakita nilang bukas ang kabilang silid at naroon pa si Bb.

Ramos. Nagpaalam sila na hihiramin ang walis.

Isagawa Mo

Mahalagang igalang ang pagmamay-ari ng iba upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Ang paggalang sa pagmamay-ari ay maaaring maipakita o maisagawa.

Sumulat ng tatlong pangungusap kung paano mo ito ipakikita o isasagawa. Gawin ito sa

kuwadernong sagutan.

Baitang 4

PAGTANGGAP NA ANG SARILING KAGAMITAN

AY PANSARILING GAMIT LAMANG

Alamin Mo

May mga pag-aaring personal o pansarili lamang. Mayroon din namang maaaring

ipahiram o ipagamit sa iba.

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo na hindi lahat ng pansariling kagamitan ay maaaring

hiramin o ipagamit sa iba.

Pag-aralan Mo

sa iba.

Pagmasdan ang mga sumusunod na larawan. Sabihin kung pansarili o maaaring ipagamit

1. 2.

3. 4.

5. 6.

7. 8.

Bakit hindi maaaring hiramin at gamitin ng iba ang ibang kagamitang pansarili?

May mga kagamitang hindi maaaring hiramin at gamitin ng iba. Ang tawag dito ay mga

kagamitang pansarili. Ang mga ito ay hindi maaaring gamitin ng iba sapagkat kung ang may-ari

nito ay mayroong sakit, maaari itong maisalin sa iba.

Halimbawa: Kung may sipon ang may-ari ng panyo o kung may sakit sa balat ang mayari

ng tuwalya, at ginamit mo maaari kang mahawa sa mga taong huling gumamit nito.

Kaya, dapat tanggapin ng bawat isa na mayroong mga kagamitang pansarili lamang.

Isaisip Mo

Ang pansariling kagamitan ay hindi ipinahihiram at ipinagagamit sa iba. Maaari kang

mahawahan kung hihiramin o gagamitin ang pansariling kagamitan ng iba .

Isapuso Mo

Lagyan ng tsek () ang bawat aytem na mayroon ka at ekis (x) naman kung wala.

Lagyan naman ng star () ang kaukulang kolum kung gaano mo kadalas ipinahihiram ang mga

nasabing bagay.

Aytem o Bagay

1. Damit

2. Sepilyo

3. Toothpaste

4. Sombrero

5. Sando

6. Suklay

7. Jacket

8. Panggupit ng kuko

9. Sinturon

10. Sabon

Kagamitan/Kasuotan Ipinahihiram

Mayroon Wala Palagi Minsan Hindi

Isagawa Mo

Sa inyong tahanan at sa loob ng inyong silid-aralan, itala ang mga kagamitang maaaring

ipagamit at hindi maaaring ipagamit sa iba. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.

Maaring Ipagamit sa Iba

Hindi Maaaring Ipagamit sa Iba

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Baitang 4

NAKAGAGAWA NG SARILING PASIYA

Alamin Mo

Nagtitiwala ka ba sa kakayahan mong makapagbigay ng sariling pagpapasiya? Ang

pagkakaroon ng isang bata ng tiwala na kaya niyang makapagbigay ng pasiya ay siyang

magiging daan upang maging malaya sa kaniyang mga pagkilos at pagpapasiya. Kaya sa ating

tahanan, ang ating mga magulang ay tumutulong na ang mga anak ay magkaroon ng kalayaan na

magpasiya para sa kanilang mga sarili. Nangyayari ba ito sa iyo?

Sa modyul na ito, matutunghayan mo ang mga paraan ng pagbibigay ng sariling pasiya sa

sa iba’t ibang gagawin.

Pag-aralan Mo

Basahin ang sumusunod.

Nasa paaralan ang magkaibigan. Nag-uusap sila tungkol sa bibilhin nilang pantalon na

isusuot sa “field trip” kinabukasan.

Naty: Pagkatapos ng klase pumunta tayo sa palengke. Bumili tayo ng pantalon.

Vianca: Naku! Hindi puwede. Kailangan ko pang tanungin ang nanay ko kung papayagan niya

akong bumili ng pantalon. May pera ako pero kailangan ko pa rin ang pasiya niya.

Naty: Bakit naman magtatanong ka pa sa nanay mo?

Vianca: E, kasi baka mapagalitan ako kung bibili ako ng pantalon nang hindi nagpapaalam sa

kanya.

Naty: Halika na. Huwag ka nang magpaalam sa kaniya. May sarili ka naman palang pera kaya

puwede hindi ka na magpaalam. Kailangang magpasiya ka para sa sarili mo. Malaki ka

na.

Vianca: O, sige na nga. Sasama na ako sa iyong bumili ng pantalon.

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino sa magkaibigan ang nagpapakita ng kakayahang magpasiya sa sarili?

2. Kung ikaw si Vianca, susunod ka ba sa mga sinabi ni Naty? Bakit?

3. Sa palagay mo, sino sa kanilang dalawa ang tama?

- Si Vianca na kailangan pang magpaalam sa nanay niya o

- Si Naty na di na magpapaalam sa nanay sa pagbili ng pantalon. Bakit?

4. May sarili ka rin bang pagpapasiya? Ano-anong mga bagay ang napagpapasiyahan

mo nang mag-isa? Ano ang nararamdaman mo kung tama ang iyong naging pasiya?

Kung nagkamali ka naman, ano ang ginawa mo?

5. Sa anong pagkakataon kailangan mong kumunsulta sa nanay bago magpasiya?

Kailangan pa bang ipaalam iyon sa kanya? Bakit?

Isaisip Mo

Ang positibong pagkilala sa sarili, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataong

makapagpasiya para sa sariling kakayahan, ay mahalaga.

Isapuso Mo

Basahin ang dalawang sitwasyon. Piliin kung alin ang nagpapakita ng pagiging malaya at

may tiwala sa sarili. Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Sa paglalakad mo, nagkarooon ng putik ang damit mo. Dali-dali kang umuwi at ipinakita

sa nanay mo ang putikang damit.

2. May nakita kang kaunting depekto sa pagkakatahi ng “short pants” mo. Kinuha mo ang

sinulid at karayom at inayos mo na ang depekto nito.

Isagawa Mo

Ikaw ba ay nagkaroon na ng karanasang gumawa ng isang bagay na bunga ng iyong

sariling pagpapasiya? Ano ang nangyari? Nakatulong ba itong magkaroon ka ng tiwala sa iyong

sarili? Ano ang naramdaman mo sa nangyari?

Isulat ang karanasan mong ito sa iyong kuwadernong sagutan.

Baitang 4

MAKILAHOK AT MAKIISA SA MGA GAWAING PANGKULTURA

Alamin Mo

Ang pagkilala at pagmamalaki sa sariling kultura ay isang kanais-nais na gawain ng

bawat mamamayang Pilipino. Habang ikaw ay bata pa, dapat na mamulat ka sa mga kaugalian at

tradisyon ng ating bansa. Isang paraan sa pagkilala at pagmamalaki ng sariling kultura ay ang

pakikilahok sa iba’t ibang gawaing pangkultura.

Sa modyul na ito, matututuhan mo ang iba’t ibang paraan ng pakikilahok sa mga gawaing

pangkultura.

Pag-aralan Mo

Pagmasdan ang larawan sa pahina 2. Ano ang ginagawa ng mga bata? Bakit nakikilahok

ang mga bata sa pagguhit, pagsayaw ng mga katutubong sayaw, at pagsusuot ng katutubong

kasuotan?

Basahin at unawain ang kuwento.

ANG KAKAYAHAN NI JIRO

Abalang-abala si Ka Celso, ang tiyuhin ni Myrna at Jiro. May paligsahan

ng pagguhit sa kanilang barangay. Lahat ng mahilig sa pagguhit ay inaanyayahang

sumali, estudyante man o hindi. Bawat gulang ay may kategoryang

kinabibilangan. Kaya, kahit ang mga nasa ikaapat na baitang sa pampublikong

paaralan ay maaaring makasali.

“Ang iguguhit na larawan ay magpapakita ng mga katutubong kultura ng

mga Pilipino,” pahayag ni Ka Celso, propesor ng Fine Arts sa isang tanyag na

pamantasan.

“Tito Celso, sasali po ako sa pakontes ninyo ha,” sabi ni Jiro habang

inaayos ng tiyuhin at mga kasama nito ang isang bahagi ng plasang pagdarausan

ng paligsahan.

“Oo. Dapat paghusayan mo, para makilala ka,” sagot ng tiyuhin.

“Tito, gusto kong iguhit ang larawan ng mga batang naglalaro ng patintero,”

patuloy ni Jiro.

“Bakit naman iyon ang napili mo?” tanong ni Ka Celso.

“Kasi po, paborito niyang laro ang patintero,” si Myrna ang sumagot sa tiyuhin.

“At saka nagpapakita rin ito ng ating kultura. Nilalaro na ito noon pang unang

panahon,” dagdag ni Jiro.

“Ikaw, Myrna, sasali ka ba?” tanong ni Ka Celso sa pamangking babae.

“Pagsusulat po ang gusto ko,” sagot ni Myrna.

“Katulad ka ng nanay mo. Mahilig sa pagsusulat,” wika ni Ka Celso.

“Ate, uwi na tayo. Ihahanda ko pa ang mga gamit ko,” yaya ni Jiro sa kapatid.

“Oo nga,” ayon ni Ka Celso. “Baka dumating na rin ang nanay at tatay ninyo.”

“Aalis na po kami, Tito,” sabay na paalam ng magkapatid sa tiyuhin.

“Oo, mag-ingat kayo ha.”

“Opo.”

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Naunawaan mo ba ang kuwento?

Ano ang iguguhit ni Jiro?

Bakit ito ang napili niyang iguhit?

2. Makatutulong din ba si Myrna sa pagpapaunlad ng ating kultura? Paano?

Ano ang kaniyang gagawin?

3. Kung ikaw ang guguhit, ano ang iguguhit mo na magpapakita ng pagmamalaki ng

ating kultura?

Sa ano pang mga gawaing pangkultura maaari kang sumali at makiisa?

Isaisip Mo

Maipakikita sa maraming paraan ang minana nating kultura. Ito ay sa pamamagitan ng

pag-awit, pagsasayaw, pagsusulat, at pagguhit.

Isapuso Mo

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Ibahagi ang iyong palagay sa bawat isa. Isulat

ang iyong mga palagay sa kuwadernong sagutan.

1. Mahilig kang sumayaw ng mga katutubong sayaw, ngunit ang payo ng iyong mga

magulang ay mas higit na mainam ang sumayaw ng mga makabago o mga dayuhang

sayaw dahil malaki ang kita dito. Ano ang gagawin mo? Bakit?

2. Nanalo ka sa isang pambansang paligsahan sa pag-awit ng mga katutubong awit.

Inalok kang lumahok sa paligsahan ng pag-awit ng mga makabagong likha at mga

dayuhang awit. Subalit, laging nasa isip mo ang turo ng iyong guro sa Araling

Panlipunan na tangkilikin at ipagmalaki ang sariling atin. Ano ang gagawin mo?

Bakit?

Isagawa Mo

Ano ang iyong nararamdaman sa mga pagkakataong sumusunod? Pumili ng sagot sa mga

salita sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan.

naiinip natutuwa nagagalit humahanga

masaya natatawa nagsasawa napapaindak

nahihiya nasusuya nasisiyahan nagmamalaki

1. Sinasayaw ang tinikling

2. Niyaya kang manood ng pelikulang Ingles.

3. Pinagtatawanan ang pagbigkas ng “Panatang Makabayan.”

4. Narinig mong inaawit ang “Ako ay Pilipino.”

5. Binigyan ka ng malong ng iyong kaibigang Muslim.

6. Binati ka ng “Magandang umaga.” ng isang dayuhan.

7. Nagkukuwento ng alamat ng kanilang lugar ang iyong kaibigan.

8. Nakasuot ng baro’t saya ang mga guro sa isang okasyon ng paaralan.

9. Ang inyong “sala set” ay sinaunang mesa at silya.

10. Nakakita ka ng mga taong nagtutulungang nagbubuhat ng bahay-kubo.

Baitang 4

PAGPAPAHALAGA AT PANGANGALAGA SA MGA KONTRIBUSYON

NG IBANG TAO SA PAGPAPAYAMAN NG KULTURANG PILIPINO

Alamin Mo

Pagmasdan ang larawan. Kanino ang monumento sa larawan? Ano ang kanyang naging

kontribusyon sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino.

Sa modyul na ito, pag-aaralan ang pagpapahalaga at pangangalaga ng mga kontribusyon

ng iba’t-ibang tao sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino.

Pag-aralan Mo

Basahin at unawain ang dula-dulaan.

ALAGAAN ANG NAKARAAN

Isang umaga, sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan, nagkita ang

magkaibigang Angel at Richard. Kasama ng huli ang kanyang kapatid na si Monica at

pinsang si Janice.

Angel :

Nanood ka ba ng parada sa Luneta noong ika-l2 ng Hunyo?

Richaed: Hindi kami nanood ng parada, pero nagpunta kami roon

kinagabihan para panoorin ang “fireworks” sa Cultural Center of the

Philippines.

Angel:

Monica:

Janice:

Richard:

Monica:

Angel:

Janice:

Richard:

Angel:

Flora:

Ang ganda ng parada! Ang daming artista. Sila ang gumanap na Rizal,

Aguinaldo, Lapu-Lapu, at kung sino-sino pa.

Oo, nakatutuwang makita silang gumanap bilang – Heneral Aguinaldo,

Rajah Soliman, Jose Rizal, Maria Clara, atbp.

Pati ang mga tumahi ng ating bandila.

Hindi ba iyong orihinal na bandila natin ay nasa museo? Pati na

yong iba na may nakatahi pang bungo?

Oo. Ang mga iyon ay inaalagaan sa ating Pambansang Museo.

At kasama pa ang matatandang gamit at damit Pilipino.

Iyong iba nga , libo-libong taon na ang tanda pero buo pa. Inaalagaan kasi!.

Dapat talaga tayong sumali sa pangangalaga ng ating kultura.

Papaano?

Ang pagbibigay ng donasyon, ay isang paraan. Isa pa ay ang pakikilahok sa

mga pang-kulturang gawain…

Angel:

Sang-ayon ako riyan, lalo na kung gagawin sa ating paaralan.

Janice at Richard:

Sang-ayon din kami!

Naibigan mo ba ang dula-dulaan? Ikaw, nakasali ka na ba sa isang kulturang

pagtatanghal at gawain? Ano ang naging bahagi mo? Kung hindi pa, ano ang gagawin

mo?

Sa paanong paraan ka makatutulong sa pangangalaga ng ating minanang kultura?

Isaisip Mo

Makilahok at makiisa sa pangangalaga at pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng ating

ninuno sa pagpapayaman ng Kulturang Pilipino.

Isapuso Mo

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Lagyan ng tsek () ang sitwasyon naging

bahagi ka o nakilahok sa katulad na gawain, at ekis (×) naman kung hindi.

_____ 1. Pista sa inyong bayan. Sa pagdiriwang, maraming gawain na maaari

mong salihan; tulad ng mga palaro, paligsahan o prusisyon.

_____ 2. Lakbay-aral ng klase ni Bb. De Guzman. Pinuntuhan nila ang

Pambansang Museo. Nakita ng mga mag-aaral ang mga naging

ambag ng ating mga ninuno sa kulturang Pilipino.

_____ 3. Isang araw, sa klase ninyo sa Filipino, inutusan kayo ng inyong guro

na magbasa ng Panitikang Pilipino – gaya ng mga alamat, salawikain

at bugtong.

_____ 4. Nagdiwang ng Buwan ng Wika sa inyong paaralan. May paligsahan

sa balagtasan, pagtula at mga katutubong sayaw.

_____ 5. Sa buwanang pagtatanghal ng inyong paaralan, dalawang klase ang

maaari mong pagpilian. Isa ay pagtatanghal ng mga dayuhang

palabas at ang isa naman ay mga katutubong palabas.

Isagawa Mo

Pumunta ka sa inyong Barangay Hall. Itanong sa isang kagawad kung mayroong

programa o gawaing pangkulturang nakatakdang ganapin sa barangay.

Sundin ang “Format” sa ibaba sa pagsulat ng nakuhang impormasyon. Gawin ito sa

kuwadernong sagutan.

Barangay: ____________Pangalan ng kagawad: ___________

Petsa: _____________

Gawaing

Pangkultura ng

Barangay

Petsa ng

Pagdaraos

Status: (Lagyan ng () ang tamang kolum

Nagawa Na Di Nagawa Gagawin pa

Lamang

Baitang 4

PAGSASAGAWA NANG MAY KAWILIHAN SA MGA GAWAING

NAGPAPAUNLAD NG SARILING KAKAYAHAN

Alamin Mo

Isa ka ba sa mga bata rito sa larawan na maaaring magpakita ng sariling kakayahan? Ang

pagkakaroon ng tiwala sa sarili ng isang bata ang siyang magiging daan upang maging malaya sa

kanyang pagkilos at pagsisikap mapaunlad ang sariling kakayahan. Ano-anong kakayahan ang

maari mong ipamalas?

Sa modyul na ito, malalaman mo ang pagsasagawa nang may kawilihan sa mga gawaing

nagpapaunlad ng sariling kakayahan.

Pag-aralan Mo

Basahin ang maikling kuwento.

Ang Kaarawan ni Josie

Maagang nagising si Josie. Paglabas niya ng kanyang silid-tulugan ay bumulaga sa kanya

ang sabay-sabay na pagbati ng kanyang mga kaanak, “HAPPY BIRTHDAY, JOSIE!”

“Salamat po Itay, Inay, Kuya, Ate. Maraming salamat po,” tuwang-tuwang sagot ni Josie.

Pagkatapos ng agahan ay pumasok si Josie sa paaralan. Anong gulat niya ng batiin din siya ng

kanyang guro at mga kamag-aral.

“Magkakaroon tayo ng palatuntunan ngayon para sa kaarawan ni Josie. Ngayon ninyo

maipakikita ang inyong kakayahan. Maaari kayong umawit, tumula sumayaw, at magsalita,”

pahayag ng guro.

Nagkaroon nga ng palatuntunan. Lahat ay nagpakita ng kanilang angking kakayahan.

Masaya ang lahat lalo na si Josie. Pagkatapos ay tumayo si Josie at galak na galak na

nagpasalamat.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Kung ikaw si Josie, paano mo mapasasalamatan ang iyong pamilya sa pagbati sa iyo?

2. Sa palagay mo, nasiyahan ba si Josie sa ginawa sa kaniya ng mga kaanak at mga

kamag-aral? Paano siya binati ng mga kamag-aral?

3. Gagawin mo rin ba ang pagbati sa may kaarawan sa inyong pamilya? Sa inyong klase?

4. Anong kabutihan ang makukuha mo sa paglahok sa mga gawain tulad ng awitan,

sayawan at kuwentuhan? Sa anong mga okasyon nagkakaroon ng pagkakataong

maipamalas ang inyong mga kakayahan?

5. Nakikilahok ka rin ba sa mga paligsahan sa inyong barangay? Ano ang naitutulong sa

sarili ng pagsali sa mga gawaing tulad nito?

Isaisip Mo

Ang pakikilahok sa iba’t-ibang gawain ay isang paraan ng pagsisikap na mapaunlad ang

sariling kakayahan.

Isapuso Mo

Gustong sumali ni Angelette sa lahat ng paligsahan upang matuklasan ang kakayahang

taglay niya at kung paano mapauunlad ito.

- Dapat mo bang tularan si Angelette? Bakit?

- Alin sa mga kakayahan mo ang gusto mong mapaunlad at mapahusay? Paano mo ito

gagawin?

- Ano ang mararamdaman mo kapag napaunlad at napahusay mo na ang iyong

kakayahan?

Isagawa Mo

Tukuyin mo ang isa mong kakayahan. Sumulat ng isang sanaysay tungkol dito at kung

paano mo ito mapauunlad at mapahuhusay. Isulat ito sa kuwadernong sagutan.

Baitang 4

PAGTULONG SA KALINISAN NG KAPALIGIRAN

(PAGTATAPON NG MGA TUYONG DAHON SA COMPOST PIT

AT BASURA SA BASURAHAN)

Alamin Mo

Ano ang ipinakikita sa larawan? Kaya mo ba itong gawin? Malaki ang maitutulong mo sa

iyong mga kasambahay kung alam mo ang tamang paraan ng pagtatapon ng basura at ng mga

tuyong dahon sa inyong kapaligiran.

Sa modyul na ito, malalaman mo ang pagsasagawa ng palagiang pagtulong sa pagtatapon

ng mga tuyong dahon at basura sa compost pit o basurahan.

Pag-aralan Mo

Basahin ang dayalogo at tingnan natin kung matutularan mo si Gary.

Nanaog si Tatay sa bahay at nakita niyang nakakalat ang dahon sa bakuran.

Tatay: Gary, bakit ang daming kalat sa bakuran?

Gary: Wawalisin ko na nga po ang mga tuyong dahon.

Tatay: Saan mo naman itatapon ang mga tuyong dahon na iyan?

Gary: Siyempre po sa ginawa ninyong “compost pit”.

Tatay: Alam mo ba kung bakit kailangang sa “compost pit” dapat itapon ang mga tuyong

dahon?

Gary: Opo, sabi po ng teacher ko, ito raw po ay mabubulok at magiging pataba ng mga

halaman. Kaya kailangan po talagang sa hukay ito ilagay.

Tatay: Aba! Nakikita ko na ang mga papel na basura ay inilalagay mo rin sa “compost pit”.

Gary: Hindi po! Sa basurahan po ng di-nabubulok itinatapon ang mga papel.

Tatay: Magaling na bata! Alam mo anak malaking tulong ka na sa amin.

Mula noon ay naging ugali na ni Gary ang pagtulong sa Tatay niya sa pamamagitan ng

tamang paraan ng pagtatapon ng tuyong dahon at basura.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong katangian ang ipinakita ni Gary?

2. Kung ikaw si Gary, ganoon din ba ang gagawin mo sa mga basura?

3. Sa palagay mo, bakit sinusunod ni Gary ang kagustuhan ng Tatay niya?

4. Kung gagawin mo rin ito, ano ang mangyayari sa kapaligiran mo?

5. Saan mo itatapon ang mga tuyong dahon sa inyong bakuran? ang basurang papel?

Isaisip Mo

Ang pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran lalo na ang tamang paraan ng pagtatapon ng

mga basura ay pangangalaga din sa ating kalusugan.

Isapuso Mo

Nakita mo na maraming kalat sa iyong eskuwelahan. May mga tuyong dahon, mga balat

ng kendi, papel, at mga balat ng saging. Kung wawalisin mo ang mga ito, saan mo dapat itapon

ang mga ito? Ano kaya ang mararamdaman mo kapag nakita mong malinis at maayos ang

kapaligiran?

Isagawa Mo

Magmasid sa isang paaralan sa inyong lugar at tingnan mo kung nagtutulungan ang mga

bata sa paglilinis dito? Saan nila inilalagay ang mga tuyong dahon at iba pang basura? Iguhit mo

sa kuwadernong sagutan ang iyong nakita.

Baitang 4

PAG-IWAS SA PAGTATAPON NG BASURA SA BAKURAN NG IBA

Alamin Mo

Sa paaralan, sa tahanan, at kahit saan, karaniwan nang problema ang pagtatapon ng

basura. Hindi binibigyan ng pansin ang maaaring ibunga ng maling paraan ng pagtatapon ng

basura. Walang pakialam sa magiging epekto sa mga taong may-ari ng lugar na pinagtapunan ng

basura.

iba.

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang pag-iwas sa pagtatapon ng basura sa bakuran ng

Pag-aralan Mo

Tingnan ang larawan. Tama ba ang paraan ng pagtatapon ng basura? Ginagawa mo ba

ito?

Basahin ang kuwento.

Huwag Gawin Sa Iba

Magkaibigang matalik sina Garth at Edmon. Magkaklase rin sila sa ikaapat na baitang.

Minsan, niyaya ni Edmon si Garth sa kanilang bahay. Napansin ni Garth ang napakalinis

na bakuran nina Edmon. Sa isang sulok ng kanilang bakuran, napuna niya ang dalawang lalagyan

ng basura- basurahan para sa nabubulok at basurahan para sa hindi nabubulok.

“Napakalinis ng inyong bakuran, Edmon! Napuna ko na mayroon kayong sistema sa

pagtatapon ng basura. Mayroon kayong lalagyan para sa mga nabubulok na basura, at mayroon

ding lalagyan para sa mga hindi nabubulok,"puna ni Garth.

“Ayaw kasi ng tatay, na magtapon kami ng basura kung saan-saan,” tugon ni Edmon.

Iniipon namin ang lahat ng aming basura. Wala rin nasasayang sa mga iyong. Ang mga

nabubulok ay ginagawang pataba. Ang di-nabubulok naman ay ibinebenta sa “junk shop”. Ang

mga basura na maaaring gawing kapaki-pakinabang na bagay ay inire-“recycle” namin,” patuloy

na paglalahad ni Edmon.

“Napakahusay ng ginagawa ninyo! Kaya naman pala, napakalinis ng inyong bakuran!

Maaliwalas at sariwa ang hangin!” patuloy na papuri ni Garth.

“Alam mo, sa bakuran namin, napakaraming kalat. Wala kaming sistema sa pagtatapon

ng basura. Halo-halo ang mga nabubulok at di-nabubulok,” pagkukuwento ni Garth.

“Minsan pa nga, napaaway ang nanay ko dahil nagtapon ng basura ang aking bunsong

kapatid malapit sa bakuran ng aming kapitbahay. Ikukuwento ko sa Tatay at Nanay ang

magandang sistema ninyo sa pagtatapon ng basura. Tutularan namin kayo, upang maiwasan ang

pagtatapon ng basura sa bakuran ng iba,” pagmamalaki ni Garth.

“Edmon, halika na kayo. Isama mo si Garth. Magmeryenda muna kayo ng nilagang

saging,” tawag ni Aling Myrna sa dalawang bata.

Naibigan mo ba ang kuwento? Alin sa pamilya ni Edmon at pamilya ni Garth ang maaari

mong tularan sa pagtatapon ng basura? Bakit?

Isaisip Mo

Huwag magtapon ng basura sa bakuran ng iba. Mahalagang magkaroon ng sariling

basurahan o hukay na pagtatapunan ng basura.

Isapuso Mo

Basahin ang bawat sitwasyon o tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ito sa

kuwadernong sagutan.

1. Kung naging tambakan ng basura ng inyong kapitbahay ang isang sulok ng inyong

bakuran, ano ang gagawin mo?

a. Kagalitan ang kapitbahay.

b. Kausapin nang maayos ang kapitbahay.

c. Ilipat ang tambak ng basura sa bakuran ng kapitbahay.

2. Ano ang karaniwang bunga ng hindi pagrespeto sa looban o bakuran ng iba?

a. Gantihan.

b. Walang pakialaman.

c. Hindi pagkakaunawaan.

3. Ano ang ibig sabihin ng gintong-aral na ito: “Ang ayaw mong gawin sa iyo ay huwag

mong gawin sa iba”?

a. Gawin sa iba ang gusto mong gawin sa iyo.

b. Gawin sa kapwa mo ang gusto mong gawin sa iyo.

c. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

4. Ang pagtatapon ng basura ay hindi magiging suliranin kung

a. mayroong disiplina ang bawat isa.

b. mayroong basurahan ang bawat pamilya.

c. mayroong sistema sa pagtapon ng basura.

5. Bilang mag-aaral at batang Pilipino, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang

mapanatili ang kalinisan ng paaralan at tahanan?

a. Maglagay ng mga basurahan sa tahanan at paaralan.

b. Magsalita tungkol sa wastong pagtatapon ng basura.

c. Maging halimbawa sa wastong pagtatapon ng basura sa paaralan at sa tahanan.

Isagawa Mo

Gumawa ng tula tungkol sa wastong pagtatapon ng basura. Isulat ito sa kuwadernong

sagutan. Ipakita sa guro ang nabuong tula.

Baitang 4

PAGPAPANATILING LIGTAS NG KAPALIGIRAN

Alamin Mo

Nakapag-alaga ka na ba ng hayop? Paano mo sila nililinis? Nais ng lahat ng tao na

magkarooon ng malusog na katawan upang makaiwas sa mga sakit. Subalit dumarating din ang

panahon na sila ay nagkakasakit dahil sa amoy ng dumi ng hayop at ang pagkakalat ng dumi na

siyang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng langaw at lamok sa paligid na masasabi rin nating

tagapagdala ng sakit.

Sa modyul na ito, matututuhan mo na ang pag-aalaga ng hayop sa tamang lugar ay

makatutulong sa pagpapanatiling ligtas ng kapaligiran.

Pag-aralan Mo

Basahin ang kuwento.

ANG MGA ALAGA NI DONITA

Namasyal si Gary sa bahay nina Donita. Napansin niya na may mga alagang hayop sa

kanilang mga bakuran. Pinakakain ito ni Donita at wala siyang nakitang pagala-gala sa kanilang

bakuran.

“Iginawa sila ng tatay ko ng maayos na kulungan. Mayroon silang masisilungan, at

makakainan. Mayroon ding mapagtatapunan ng kanilang dumi,” pagpapaliwanag ni Donita.

“Tama ang Tatay mo, Donita. Kung itong mga hayop ay nasa kalsada at pagala-gala, ang

dumi nila ay kakalat kung saan-saan na siyang maaaring pagmulan ng masamang amoy at sakit

sa tao,” sabi ni Gary.

“Iniiwasan din naming magtapon ng kanilang dumi sa mga daluyan ng tubig para ang

langaw at lamok ay mawala”, sagot ni Donita. “At kung mawala ang langaw at lamok,

maiiwasan din ang sakit na maaring dumapo,” sabi ni Gary.

“Kaya kung nakakulong ang ating mga hayop at itinatapon sa tamang lugar ang kanilang

mga dumi, kapaligiran natin ay magiging maayos at malinis,” sambit ni Donita.

Sagutin ang mga tanong.

1. Bakit hindi pagala-gala ang mga hayop nina Donita?

2. Ano ang ginawa ni Donita para maiwasan ang langaw at lamok sa kanilang paligid?

3. Ikaw, mayroon ka rin bang alagang hayop sa bahay?

4. Kung ang alaga mong hayop ay pagala-gala at nagkakalat ng dumi sa kung saan-saan,

ano ang maaaring mangyari?

5. Kung ikaw ang may hayop sa bahay, paano mo pananatilihing ligtas ang kapaligiran?

6. Paano mo maibabahagi sa ibang tao ang tamang paraan ng pag-aalaga ng hayop para

maiwasan ang sakit?

Isaisip Mo

Mag-alaga ng hayop sa tamang lugar at iwasang magtapon ng dumi ng hayop sa daan,

kanal, at iba pang daluyan ng tubig upang mapanatiling ligtas ang kapaligiran at maiwasan ang

pagkakasakit ng tao.

Isapuso Mo

Kopyahin ang mga salita sa inyong kuwaderno at bilugan ang salitang nagpapahayag ng

iyong damdamin kapag nakatutulong ka sa pagpapanatiling ligtas ang kapaligiran.

Matutuwa

Bale Wala

Ipagmamalaki ang nagawa

Magagalit

Malulungkot

Magiging masaya

Isagawa Mo

Iguhit sa kuwadernong sagutan ang tamang lugar para sa mga manok at aso. Lagyan rin

ng tamang tapunan ng dumi.

Baitang 4

PROGRAMANG “CLEAN AND GREEN” PARA SA KAAYUSAN

AT KALINISAN NG KAPALIGIRAN

Alamin Mo

Ano ang nakikita mo sa larawan? Ginagawa mo rin ba ito? Ang kalinisan at pagpapalago

ng halaman sa kapaligiran ay nararapat isagawa hindi lamang sa paaralan. Ito ay dapat isagawa

sa lahat ng pook; sa tahanan at sa pamayanan. Kaya ang pamahalaan ay naglunsad ng programa

upang makilahok tayo sa kaayusan at kalinisan ng kapaligiran.

Sa modyul na ito, malalaman mo ang kahalagahan ng pakikiisa sa pagtataguyod ng

programang,“Clean and Green” para sa pagpapanatiling luntian at malinis ang kapaligiran.

Pag-aralan Mo

Basahin at unawain mo ang kahulugan ng bawat saknong ng tula.

MAGTANIM NG PUNO

Halina, kaibigan, ako ay tulungan

Puno ay itanim sa mga bakuran

Sa sikat ng araw ika’y maliliman

Ang iyong paligid magiging luntian.

Luntiang paligid dahil sa halaman

Lubhang kailangan ng ating katawan

Hanging malinis nanggagaling sa halaman

Sa ating paghinga, ating kailangan.

Sa pagkakaingin bundok ay nakalbo

Kahoy ay pinutol ng mga nagtotroso,

Kung pababayaan di tatamnan ito

Tiyak ang pagbaha sa ibaba nito.

Kaya kaibigan, halina’t tulungan

Ibalik ang puno sa kapaligiran

Ang sigla ng buhay ating makakamtan

Kung paligid nati’y magiging luntian.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?

2. Nakasali ka na rin ba sa pagtatanim ng puno sa inyong pook?

3. Ano-anong mga kabutihan, ang makukuha kung ikaw ay magtatanim ng puno?

4. Kailangan din bang malinis ang iyong paligid kahit na may mga puno na nakapaligid

sa lugar ninyo? Bakit?

5. Ano ang mangyayari sa paligid kung itataguyod ang programang “CLEAN and

GREEN”?

Isaisip Mo

Ang malinis, luntian at maayos na kapaligiran ay nagbibigay sigla sa buhay.

Isapuso Mo

Sumali sa paglulunsad ng programang, “CLEAN AND GREEN”, ano-anong mga

kabutihan ang matatamo sa gawaing ito? Ipahayag ang iyong damdamin, isulat ito sa iyong

kuwadernong sagutan.

Isagawa Mo

Ano ang makikita sa isang barangay na nagtataguyod sa programang “CLEAN AND

GREEN?” Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit. Iguhit ito sa iyong kuwadernong sagutan at

kulayan.

Baitang 4

“TAPAT MO, LINIS MO” PARA SA KAAYUSAN

AT KALINISAN NG KAPALIGIRAN

Alamin Mo

Pagmasdang mabuti ang ginagawa ng mga bata sa kalsada. Nakatutulong ba sila sa

kalinisan ng kapaligiran? May mga programa ang ating pamahalaan tungkol sa kalinisan.

Kailangang sundin natin ito para sa kaayusan ng ating kapaligiran.

Sa modyul na ito, malalaman ang kahalagahan ng pakikiisa sa pagtataguyod ng

programang tulad ng “Tapat Mo, Linis Mo” para sa kaayusan at kalinisan ng kapaligiran.

Pag-aralan Mo

Basahin ang dayalogo.

Naglalakad sina Daniel at Danny sa kalye nang may makita silang

nakasulat sa gilid ng pader.

Daniel:

Danny:

Daniel:

Danny:

Daniel:

Nakikita mo ba ang nakasulat sa pader?

Oo naman, “Tapat Mo, Linis Mo.” Para sa iyo Daniel, ano ang

ibig sabihin niyan?

Ang ibig sabihin, walisin natin lahat ng basura sa tapat ng bahay

natin at sa kalye. Maging masinop sa paglalagay ng basura

sa tamang lagayan.

At isa pa, huwag tayong magkakalat ng basura para hindi maging

marumi ang kalye, pati na ang mga bakuran, at mga ilog.

Kaya kapag may nakita kang basura sa tapat mo, pulutin mo na

at itapon sa tamang lagayan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa

kuwadernong sagutan.

1. Ano ang nakatawag-pansin kina Daniel at Danny sa kanilang paglalakad?

2. Bakit kailangan nating linisin ang tapat ng bahay natin?

3. Masasabi mo bang mabuting paraan ang programang “Tapat Mo, Linis

Mo” sa pagtataguyod ng kalinisan sa ating kapaligiran?

4. Bakit inilunsad ng pamahalaan ang programang ito? Kailangan ba natin

itong sundin? Sa paanong paraan?

Isaisip Mo

Makiisa sa pagtataguyod ng programang “Tapat Mo, Linis Mo” para sa

kaayusan at kalinisan ng kapaligiran.

Isapuso Mo

Iguhit ang kapag nasisiyahan sa kaayusan at kalinisan ng kapaligiran at kung

hindi.

1. Winawalis ang dumi ng aso sa tapat nina Aling Marina at ibinabaon sa lupa.

2. Nakakalat ang mga balat ng mani sa kalsada at walang nagwawalis nito.

3. Tuwing umaga, nagwawalis sa kani-kanilang tapat ng bahay ang mga

kaibigan.

4. Baradong kanal dahil ginagawa itong tapunan ng basura.

5. Malinis na kalsada.

Isagawa Mo

A. Gawin ang sumusunod na talaan sa kuwadernong sagutan.

1.

2.

3.

4.

5.

Mga dapat gawin sa programang

“Tapat Mo, Linis Mo”

Di - dapat Gawin

B. Isa sa programa ng inyong barangay ay “TAPAT MO, LINIS MO.”

Nagkaroon ng paligsahan tungkol dito. Bilang isang mamamayan, paano ka sasali sa

paligsahan? Ipaliwanag ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan.

Baitang 4

PAGGAWA KAHIT LAGPAS NA SA ORAS

Alamin Mo

Mayroong mga manggagawa o mga taong masisipag na hindi alintana ang oras habang

gumagawa. Mahalaga sa kanila na matapos ang gawain kahit lagpas na sa takdang oras ng

kanilang paggawa.

Sa modyul na ito, pag-aaralan ang pagpapakita ng malasakit sa paggawa sa pamamagitan

ng patuloy na paggawa kahit lagpas sa takdang panahon.

Pag-aralan Mo

Tingnan at pag-aralan ang larawan.

Ikaw, gumagawa ka ba kahit lagpas na ito sa takdang panahon ng iyong

paggawa?

Basahin ang sumusunod na kuwento.

Walang Sukatan

Ikalima na ng hapon. Halos lahat ng manggagawa ay handa na sa pag-uwi,

maliban kay Noel.

“Noel, halika na, uwi na tayo,” pagyaya ni Ben sa kaniya. “Hindi ka igagawa

ng bantayog niyan. Mahirap pati sumakay ngayon,” patuloy na pagyaya ni Ben.

“Tatapusin ko lang itong ginagawa ko. Sandali na lang. Matatambak na naman

ang trabaho ko bukas kung hindi ko ito tatapusin ngayon,” paliwanag ni Noel, habang

patuloy na gumagawa.

“Babayaran ka ba ng overtime?” tanong Ben.

“Kahit walang bayad ang “overtime”, para sa akin, walang sukatan ang aking

pagtatrabaho. Ang mahalaga ay natutumbasan ko ng mabuting trabaho ang sinasahod

ko,” tugon ni Noel.

“Okey rin naman ang ginagawa mo. O sige, mauna na kami sa iyo,” patapos na

tugon ni Ben.

Ang paggawa ni Noel nang lagpas sa oras ay napuna ng kaniyang amo. Siya ay

binigyan ng dagdag na sahod at ginawa siyang modelong manggagawa.

Anong katangian ang pinakita ni Noel?

Ano ang masasabi mo tungkol kay Ben?

Kung ikaw ay isang manggagawa, sino sa kanila ang tutularan mo? si Ben o si

Noel? Bakit? Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

Narito pa ang isang kuwento. Basahin.

Maaasahan Ka Ba?

Sabado kung mamalengke si Aling Gina. Bago siya umalis papuntang palengke,

ibinibilin niya sa kaniyang tatlong anak na babae ang kanilang gawain. Ipinagbibilin rin

niya na ang kanilang gawain ay kailangang matapos bago mananghalian.

“Bilang panganay, Marjoe, , linisin mo ang salas,” bilin ng ina.

“Ikaw naman, Marjorie, lilinisin mo ang kusina, kasama ang mga hugasing pinggan

sa lababo,” pagpapatuloy ng ina.

“At ikaw naman, Melanie, ang lilinisin mo ay ang iyong kuwarto,” pag-uutos ng ina.

“Opo, Inay,” sabay-sabay na tugon ng tatlong anak ni Aling Gina.

“Kailangan, pagdating ko tapos na lahat ang inyong nararapat na gawain,”

pagtatapos na bilin ng ina.

Sinimulan agad nina Marjorie at Marjoe ang kanilang gawain. Naglinis si Marjoe ng

sala at naglinis naman ng kusina si Marjorie. Naghugas din si Marjorie ng mga hugasing

pinggan sa lababo.

Madaling natapos ang magkapatid.

Alas-onse na ng umaga, hindi pa nagsisimula si Melanie sa ibiniling gawain sa

kanya ng ina.

Hanggang sa dumating ang nanay nila. Saka pa lang nagsimula si Melanie sa

kaniyang nakatokang gawain. Sina Marjorie at Marjoe naman ay tumulong sa Nanay nila

na mag-ayos ng mga pinamili. Tumulong din sila sa paghahanda at pagluluto ng pagkain.

Oras na ng tanghalian. “Kailangang tumigil muna ang lahat sa paggawa dahil kakain

na. Pero, pagkatapos mananghalian at makapagpahinga, kailangang ipagpatuloy ang mga

hindi natapos na gawain.

Nagpatuloy sa paggawa sina Marjorie at Marjoe, pagkatapos mananghalian. Si

Melanie naman ay natulog na kahit hindi pa siya tapos sa kanyang gawain.

Napansin ito ng kanilang ina. Pagkagising ni Melanie, pinangaralan siya ng ina na

ang tao ay dapat mayroong dedikasyon sa paggawa. Maipakikita ito sa pamamagitan ng

paggawa kahit lagpas na sa takdang panahon.”

Sagutin. Gawin sa kuwadernong sagutan.

Ano ang magandang aral na mapupulot sa ikalawang kuwento?

Sino ang iyong tutularan? Si Melanie o sina Marjorie at Marjoe? Bakit?

Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.

Isaisip Mo

Ang paggawa kahit lagpas na sa oras o panahon ay nagpapakita ng dedikasyon sa

paggawa. Isa itong magandang ugali na dapat tularan.

Isapuso Mo

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang DAPAT kung ang sitwasyon ay

nararapat tularan at HINDI DAPAT kung hindi. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.

1. Gabing-gabi na. Nagising si Aling Anita, ang nanay ni Nancy. Sinilip niya si

Nancy sa silid nito. Nakita niya itong gumagawa pa ng kaniyang takdang-aralin.

Pinatutulog na niya ang anak. Ngunit sinabi nito na kailangan niyang tapusin ang

takdang-aralin dahil kailangan na itong ipasa kinabukasan.

2. Tanghali na. Oras na ng tanghalian nang dumating si Rose sa bahay. Wala pa ang

nanay niya. Wala pa ring sinaing at lutong ulam. Kaya siya na ang nagsaing at

nagluto ng ulam, dahil magugutom ang kaniyang maliliit na kapatid.

3. Naglinis ng kanilang silid-aralan ang magkaklaseng sina Romy at Eric.

Nagwawalis pa lang silang dalawa nang dumating ang kanilang sundo. Kaya

umuwi na sila kahit hindi pa tapos ang kanilang ginagawa.

Isagawa Mo

Ang paglilinis sa bahay ay gawain di lamang ng ina, ama at ng nakatatandang kapatid. Ito

ay isang katungkulan na dapat tuparin ng lahat ng nakatira sa isang bahay.

Ano ang katungkulan mong gawin sa inyong bahay? Paano mo ito ginagawa? Paano mo

maipakikita ang dedikasyon sa paggawa ng mga gawaing-bahay? Itala ang iyong sagot sa

kuwadernong sagutan. Ipakita sa guro ang iyong sagot.

Baitang 4

PAGPAPAKITA NG KASIYAHAN SA PAGGAWA

Alamin Mo

Pagmasdan ang larawan. Ano ang ginagawa ng bawat isa? Magagawa mo rin ba ang

ginagawa nila nang may kasiyahan?

Sa modyul na ito, pag-aaralan kung paano magkakaroon ng kasiyahan sa paggawa.

Pag-aralan Mo

Basahin ang tula.

PAGGAWA: DI DAPAT IKAHIYA

Pagbabanat ng katawan huwag ikahiya,

Kahit pagbubungkal pa ito ng lupa,

Basta marangal ang paraan upang kumita,

Taas noo mong ito ay maibabandila.

Sa bawat gawaing iyong gampanan,

Kakapal ang palad kung may kabigatan,

Dudumi ang damit pati na ang katawan,

Subalit ito ay hindi kapintasan.

Gawaing mahirap maging madali man,

Ang mahalaga ikaw ay masisiyahan,

May ngiti sa labi, magaan ang isipan,

Paglakad ng oras hindi namamalayan.

Positibong kaisipan dapat na taglayin,

Kung tagumpay sa buhay iyong pansinin,

Huwag mong ikahiya, matutong tanggapin,

Mahusay na paggawa, iyong sikapin.

Ano ang mensahe sa unang saknong? sa ikalawa?

Ano naman ang nais iparating ng ikatlong saknong? ng ikaapat?

Naisasagawa mo ba ang mensahe ng tula? Paano?

Isaisip Mo

Magpakita ng kasiyahan sa paggawa. Huwag ikahiya ang gawain basta ito ay marangal.

Isapuso Mo

Basahin ang bawat sitwasyon. Sabihing DAPAT kung nararapat gawin at HINDI DAPAT

kung hindi. Gawin sa kuwadernong sagutan.

_____ 1. Masaya habang naglilinis ng bahay.

_____ 2. Ayaw tumanggap ng mungkahi upang mapaganda ang gawain.

_____ 3. Sumusunod nang nakangiti habang inuutusan.

_____ 4. Gumagawa kahit papaano matapos lamang ang trabaho.

_____ 5. Sinisikap maging maayos at mahusay ang gawa.

_____ 6. Nagdadabog kapag ginagawa ang inuutos ng magulang.

_____ 7. Umaawit kahit nahihirapan sa gawain.

_____ 8. Umiinit ang ulo kapag hindi kaagad natatapos ang ginagawa.

_____ 9. Ayaw maabala kahit sandali kapag mayroong ginagawa.

_____ 10. Tuwang-tuwa kapag inuutusan ng magulang.

Isagawa Mo

A. Ipahayag ang iyong nararamdaman sa mga sumusunod na sitwasyon.

Lagyan ng tsek ang kolum ayon sa iyong saloobin. Gawin sa kuwadernong

sagutan.

Sitwasyon Nagmamalaki Naiinis Nasisiyahan

1. Nagwawalis ka ng inyong

bakuran, nang yayain kang

maglaro ng iyong mga kaibigan.

2. Kasa-kasama ka ng mga opisyal

ng inyong barangay sa

pangongolekta ng basura

3. Naglilinis ka ng inyong silidaralan

bago magsimula ang klase.

4. Tinutulungan mo ang nanay mong

mamalengke, maghanda, at

magluto ng inyong pagkain.

5. Ginagawa mo ang mga gawaingbahay

kahit hindi ka inuutusan.

B. Gumawa ng mga patakaran sa paggawa nang may kasiyahan. Isulat ito sa

kartolina at ipatsek sa guro. Ipaskil sa kuwarto at gawin itong batayan sa

paggawa.

Baitang 4

PAGGAWA NANG MAY MATAAS ANG KALIDAD

Alamin Mo

Pagmasdan ang larawan. Ano ang mapapansin sa mga batang gumagawa? Nasisiyahan ba

sila? Ikaw, nasisiyahan ka ba kapag mayroon kang ginagawa?

Sa modyul na ito, pag-aaralan maibigay ang iyong buong kasiyahan sa paggawa sa

pamamagitan ng paglikha ng mga bagay na may mataas na kalidad.

Pag-aralan Mo

Basahin ang maikling dayalogo.

Si Jonathan ay gumagawa ng mga basket pang-eksport nina Aling Miriam. Ang kita

niya rito ang panustos niya sa kaniyang pag-aaral.

Isang araw ng Sabado.

Aling Miriam:

Jonathan:

Aling Miriam:

Aling Juliet:

Aling Miriam:

Aling Juliet:

Jonathan:

Aling Miriam:

Jonathan, tapusin natin ang mga order para makakuha tayo ng panibagong

order.

Opo. Huwag po kayong mag-alala.

Aba, narito si Aling Juliet. Siya ay isang eksperto. Tuloy kayo. Naku, malapit

nang matapos ang order ninyo. Kumusta ang negosyo natin?

Iyan ang magandang balitang dala ko. Doble ang order sa atin. Kaya ba ninyo

kung madaragdagan ang order?

Talaga ho? Salamat naman. Talagang pinaghuhusay namin ang aming yari

upang dumami ang mamimili. Hindi namin tinitipid ang gamit, kahit tumaas ang

bilihin. At saka, talagang alaga kong mabuti ang kalagayan ng manggagawa ko.

Mabuti yan. Hindi dapat isakripisyo ang kalidad o uri ng gawa sa kaunting

dagdag na kita. Tingnan mo, nagandahan sila sa mataas na kalidad ng gawa

ninyo. Kaya may premyo tayo. Mas maraming order. O, Jonathan natutuwa ka

ba?

Syempre po! Lalo ko pong paghuhusayan ang paggawa ko. Alam po naman

ninyong dito nanggagaling ang pang-aral ko.

Maasahan mo si Jonathan. Napakahusay ng batang iyan. Ika nga, ay may

kasiya-siyang saloobin sa paggawa. Mayroong komitment sa paggawa.

Sagutin ang sumusunod na tanong. Gawin sa kuwadernong sagutan.

1. Pareho bang nagpakita ng kasiyahan sa paggawa si Aling Miriam at si Jonathan?

Ikaw, nagpapakita ka ba ng kasiyahan sa paggawa tuwing mayroon kang

ginagawa?

2. Nakatutulong ba ang kasiyahan sa paggawa sa tagumpay ng isang

manggagawa/negosyo? Pangatwiranan ang iyong sagot.

3. Kung ikaw ay isang manggagawa, ano-anong paraan ang iyong gagawin upang

maipakita ang komitment o kasiya-siyang saloobin sa paggawa? Itala ang iyong

sagot sa kuwadernong sagutan.

Isaisip Mo

Magpakita ng kasiya-siyang saloobin o komitment sa paggawa. Mahalaga ito sa

pagpapaganda ng kalidad o resulta ng iyong gawa.

Isapuso Mo

Narito ang talaan ng mga ugali na maaaring taglayin ng isang manggagawa. Ihanay ito sa

kaukulang kolum. Gawin ito sa iyong kuwadernong sagutan.

Maganda at maayos ang gawa sa simula, hindi na gaanong maganda at maayos

ang gawa sa bandang huli.

Pinagbuti ang paggawa kahit simple lang ang gawain.

Hindi nag-aaksaya ng oras sa pakikipag-usap sa mga kasamahan.

Ipinagmamalaki na malakas siya sa “Boss” at hindi kinagagalitan kahit mali ang

ginagawa.

Nalilinis ang kapaligiran pagkatapos gumawa.

Mabilis gumawa ngunit walang kalidad.

Itinatabi ang ginagawa upang makapagbasa ng diyaryo.

Sinisinop ang ginagawa bago at pagkatapos gumawa.

Hindi gumagawa, kapag walang tugtog o musika.

1.

2.

3.

4.

5.

6

Magagandang Kaugalian sa

Paggawa

Mga Kaugalian sa Paggawa na

Dapat Baguhin

1.

2.

3.

4.

5.

6.

Isagawa Mo

Paano mo maipakikita ang iyong kasiyahan sa gawain? Itala ang sagot sa kuwadernong

sagutan.

Baitang 4

MAY PAKINABANG ANG MGA PATAPONG BAGAY

Alamin Mo

Tingnan ang larawan. Masasabi mo ba na ang bawat produkto ay gawa sa mga patapong

bagay?

Sa modyul na ito, matutunghayan na maaaring makagawa ng mga produkto mula sa mga

patapong bagay.

Pag-aralan Mo

Ang klase ni Bb. Dabu sa ikaapat na baitang ay hinati sa limang pangkat. Araw ng Lunes,

kailangang gumawa ng anumang produkto mula sa mga patapong bagay. Pinaalalahanan niya

ang bawat pangkat na magtipid sa paggamit ng materyales sa paggawa.

Oras na ng pagpapakita ng produkto ng bawat pangkat.

Sinimulan niyang magtawag.

Pangkat I – Ipinakita ni Lorna ang:

Pangkat II – Ipinakita ni Madel ang:

Pangkat III – Ipinakita ni Arnel ang:

Pangkat IV – Ipinakita ni Ara ang:

Pangkat V- Ipinakita ni Christine ang:

Bawat pangkat na gumawa at nagpaliwanag ay pinalakpakan. Lalong naging masaya ang

klase ni Bb. Dabu nang mayroong mga gurong nagsi-order sa kanila ng produktong nakita.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

Alin sa mga produkto ng bawat pangkat ang nagustuhan mo? Kaya mo bang gumawa ng

alinman sa limang produkto na gawa sa mga patapong bagay?

Mapakikinabangan ba ng bawat pangkat ang kanilang ginawa?

Isaisip Mo

pagtitipid.

Maraming mga produkto ang magagawa mula sa mga patapong bagay.

Mag-ipon ng mga patapong bagay na puwedeng i-“recycle”. Ito ay isang paraan ng

Isapuso Mo

Basahin ang bawat gawain. Alin sa mga sumusunod ang iyong ginagawa? Lagyan

ng tsek (√) ang kolum ng iyong sagot. Gawin sa kuwadernong sagutan.

1 – Palagi 2 – Paminsan-minsan 3 – Hindi

Gawain 1 2 3

1. Ginagawang lalagyan ng mga laruan o gamit sa paaralan ang mga

lumang kahon o lata ng biskwit.

2. Gumagawa ng laruan mula sa mga bagay na makikita sa bahay

tulad ng tansan, basyong bote, lata, kahon, atbp.

3. Ginagawang bulaklak na maaaring pandekorasyon sa bahay ang

mga balat ng kendi.

4. Iniipon ang mga pahinang walang sulat ang mga lumang

kuwaderno upang muling gamiting sulatan.

5. Itinatago ang mga sirang tsinelas upang gawing doormat.

Isagawa Mo

Gumawa ng isang kapaki-pakinabang na produkto mula sa dalawang patapong bagay na

makikita sa ibaba. Ipakita sa klase ang nagawang produkto.

pira-pirasong kahoy

straw ng softdrinks

mga tuyong dahon

tansan

mga retasong tela o damit

retaso ng illustration board

plastik o supot

karton

lumang dyaryo

Baitang 4

PAGSASAGAWA NG “HONOR SYSTEM”

(PAGBIBIGAY NG NARARAPAT NA MARKA

SA SARILING PAPEL)

Alamin Mo

Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan? Mapagkakatiwalaan kaya sila ng kanilang

mga guro sa pagtse-tsek ng kanilang mga papel? May pagkakataon na ang guro ay wala sa loob

ng silid-aralan. Iniiwanan niya ang mga gawain sa mga mag-aaral. Kung ikaw ay gagawa nito,

mapagkakatiwalaan ka ba ng iyong guro?

Sa modyul na ito, matututuhan ang pagsasagawa ng “honor system” sa pamamagitan ng

pagbibigay ng nararapat na marka sa sariling papel.

Pag-aralan Mo

Basahin ang dayalogo.

MUNTIK NANG MATUKSO

Nagbigay ng pagsusulit si Bb. Castro. Pakinggan natin ang kanilang usapan

Bb. Castro:

Tapos na ba ang lahat? Huwag ipasa ang mga papel. Kayo na rin ang

magwawasto niyan upang malaman ninyo kung saan kayo nagkamali.

Malalaman rin kung sino ang hindi nag-aral ng leksiyon.

(Nag-usap nang pabulong ang magkatabing Betty at Fely.)

Betty:

Fely:

Betty:

Fely:

Bb. Castro:

Paano ‘yan. Nanood ako ng TV kagabi. Hindi ako nakapag-aral. Palitan ko

kaya ang sagot ko.

Naku! Natatakot ako. Baka malaman ni Ma’am. Hindi bale na lang na

mababa ang markang makuha ko.

Pero, paano? Laging mababa ang nakukuha kong marka. Baka bumagsak

na ako. (Nagtatalo ang kalooban.)

Bahala na lang. Basta ako, ayokong magpalit ng sagot.

O, ayusin ninyo ang pagmamarka at rerepasuhin ko pa iyan kung tama

ang ginawa ninyo.

Parang namalikmata si Betty at hindi na niya nagawang magpalit ng sagot. Inilagay niya

ang kaniyang marka kahit mababa.

Pagkapasa ng mga papel, tiningnan ng guro ang mga ito.

Bb. Castro:

Betty:

Fely:

Betty:

Fely:

Betty, bakit mababa ang marka mo? Hindi ka ba nakapag-aral?

Babawi na lang po ako sa susunod.

Akala ko ba, e, papalitan mo ang sagot mo?

Muntik na nga akong matukso. Mag-aaral na lang akong mabuti para hindi

ako makagawa ng masama.

Okey ka talaga, kaibigan.

Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.

1. Ano ang nanaig kay Betty at hindi siya nagpalit ng sagot?

2. Mabuti ba ang ginawa ni Betty na hindi mandaya?

3. Bilang isang mag-aaral, tutularan mo ba si Betty? Bakit?

4. Ano ang nakikita mong maaring mangyari kung si Betty ay natuksong mandaya?

5. Sa palagay mo, paano pinairal ni Betty ang “honor system”?

Isaisip Mo

sarili.

Kung pagtitiwala sa kapwa ang iyong sinira, maaaring madamay pati pagtitiwala sa iyong

Isapuso Mo

Basahing mabuti ang sitwasyon. Sagutin ang mga tanong sa kuwadernong sagutan.

Nagbigay ng pagsusulit ang guro. Habang sinasagutan mo ang mga tanong

ay biglang lumabas ang guro. May pagkakataon kang mangopya sa iyong kaklase o

di kaya ay patagong makapagbukas ng kuwaderno. Nahihirapan kang sagutin ang

ibang aytem.

- Ano ngayon ang gagawin mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

- Gaano kahalaga sa iyo ang “honor system”?

- Paano mo maipakikita ang “honor system”?

Isagawa Mo

Basahing mabuti ang ipinagagawa. Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan.

Sumulat ng mga gawain na dapat magpakita ng katapatan ang isang batang katulad mo

kung nasa:

- Paaralan

- Tahanan

Baitang 4

PAGSASAGAWA NG “HONOR SYSTEM”

(KUSANG PAGBABAYAD NG PAMASAHE SA SASAKYAN)

Alamin Mo

Pagmasdan ang larawan. Ano ang ipinakikita nito? Ikaw ba ay kusang nag-aabot ng

tamang pamasahe sa driver? Ang pagiging matapat mo sa kapwa ay napakalaking bagay na

maaari mong ipagmalaki.

Sa modyul na ito, malalaman ang tungkol sa pagsasagawa ng nararapat kahit walang

nakabantay o nakasubaybay. Ang tawag dito ay “Honor System”.

Pag-aralan Mo

Basahin ang maikling kuwento.

Di Sana Napahiya

Pauwi na si Joel. Anim na piso na lamang ang pera niya. Naalala niyang niyaya siya ng

mga kaibigan na maglaro ng basketbol sa kalapit na barangay at hindi na siya bibigyan ng nanay

niya kapag humingi pa siya.

Patuloy ang takbo ng dyip na kanyang sinasakyan. Punong-puno ito ng pasahero at

malakas ang tugtog ng radyo. Naisip niyang siguro hindi siya mapapansin ng drayber kung hindi

siya magbabayad ng pamasahe. Nais niyang maitabi ang anim na piso.

Joel: A, bahala na, sasabayan ko na lang sa pagbaba ang ilang pasahero.

Pasahero 1: Para na, Mama.

Sumabay si Joel ng pagtayo pagkatigil ng dyip.

Drayber: O, ang mga bayad. Pakiabot lang.

Pasahero 1: Meron na ho.

Drayber: Ang bayad mo? (Sabay turo kay Joel na nakababa na.) Ang kapal mo naman!

Sasakay ka, eh, hindi ka marunong magbayad ng pamasahe.

Joel: Heto po. Pasensiya na po at nakalimutan ko lamang. (Napahiyang iniabot ang

bayad).

Drayber: Pasensiya… Gusto mo lang makalusot. (Saka pinaharurot ng takbo ang dyip).

Joel: Nagbayad na lang sana ako para hindi ako napahiya. Naturingan pa naman akong

nag-aaral. (Pabulong na pagsisisi).

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Naranasan mo na bang mapahiya dahil sa isang sinadya o di sinadyang gawin?

Ano ang iyong naramdaman?

2. Ano ang masasabi mo sa ginawa ni Joel?

3. Ang dahilan ba niya ay sapat nang katuwiran sa kanyang ginawa? Bakit?

4. Kung ikaw si Joel, gayundin ba ang iyong ginawa? Bakit?

5. Paano mo ipakikita dito sa dula-dulaan ang “Honor System”?

Isaisip Mo

Dapat ugaliin ang pagsasagawa ng “honor system”. Kusang magbayad ng tamang

pamasahe. Ito’y palatandaan ng katapatan.

Isapuso Mo

Basahin ang sitwasyon. Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

Matagal mo nang hawak ang barya mong ipapasahe nang ito ay mahulog sa iyong kamay

at gumulong. Malapit ka nang bumaba ay hindi mo pa rin ito nakikita. Wala ka nang pera

maliban doon.

- Ano ang gagawin mo?

- Paano mo sasabihin sa konduktor na wala kang pera?

- Ipakita mo ang “Honor System” sa sitwasyong ito.

Isagawa Mo

Gumawa ng isang “sticker” na “Bayad Muna Bago Baba”. Ibigay ito sa drayber ng isang

pampasaherong dyip at ipakabit ito sa loob ng sasakyan.

Baitang 4

PAGSASAGAWA NANG MAAYOS SA MGA GAWAIN NA HINDI

NANGANGAILANGAN NG TULONG

Alamin Mo

Maraming bagay ang kaya mo nang gawin. Malaki ang maitutulong mo sa iyong mga

kasambahay, lalo na sa iyong mga magulang kung gagawin mo ang mga gawaing makakaya mo

sa inyong tahanan. Hindi makabubuti sa isang bata kung lahat ng kanyang gagawin ay lagi na

lang iniaasa sa kanyang nanay, sa mga kapatid o sa mga kaibigan. Dapat ay marunong siyang

magpasiya para sa kanyang sarili. Ikaw, nagpapatulong ka pa ba sa nanay mo sa pagbubutones

ng “short pants” mo? Anu-anong mga gawain ang kaya mo nang gawin?

Sa modyul na ito, ay malalaman ang pagsasagawa nang maayos sa mga gawaing hindi na

nangangailangan ng tulong ng iba.

Pag-aralan Mo

Basahin ang tula.

Kaya Ko Ito!

Sa lahat ng bagay na iyong gagawin,

Maging positibo ang iyong pagtingin;

Kung sa akala mo’y mahirap tuparin,

“Kaya ko Ito!” iyon ang sambitin.

Kung sa sarili mo’y sasabihin mo tuwina’

Na ito’y mahirap at di magagawa,

Kailanma’y di mo maisasagawa,

Pagkat hindi ito sinubukan muna.

Kung sa simula pa ay sasabihin mo

Nang buong pag-asa ang “Kaya ko Ito!”

Tiyak, natapos na kalahati nito

Pagkat may tiwala kang magagawa mo.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Sino ang tinutukoy sa tula?

2. Kaya mo bang isagawa ang magandang mensahe ng tula?

3. Makatutulong ba sa iyo kung may paniniwala kang makagagawa kang mag-isa?

Bakit?

4. Kung susuriin mong mabuti ang tula, ano ang ibig sabihin ng “Kaya ko Ito!?

5. Para sa iyo, alin ang dapat: Gawin muna bago magreklamo o magreklamo muna

bago gawin? Bakit?

Isaisip Mo

Gawin ang mga gawain nang maayos at may tiwala sa sariling kakayahan upang hindi na

mangailangan ng tulong ng iba.

Isapuso Mo

Lagyan ng kaukulang bilang ayon sa sariling pagtataya.

Gawin ito sa kuwadernong sagutan. Sundin mo ang sukatan.

Kaya kong gawin mag-isa ----------------------------- 4

Paminsan-minsang humihingi ng tulong ----------- 3

Madalas na humihingi ng tulong --------------------- 2

Di ko kayang gawin mag-isa -------------------------- 1

1. Ginagawa ko ang anumang gawaing iniatang sa akin.

2. Tinatapos ko sa takdang panahon ang mga proyekto o gawain.

3. Inihahanda ko ang lahat ng bagay na kakailanganin ko sa pagsisimba.

4. Nagsusulsi ako ng sarili kong damit.

5. Nakagagawa ako ng proyektong ibinibigay ng guro.

Isagawa Mo

Sumulat ng isang karanasan tungkol sa matagumpay mong paggawa sa isang bagay nang

nag-iisa. Sagutan din ang mga tanong sa ibaba tungkol sa iyong naging karanasan. Gawin ito sa

kuwadernong sagutan.

- Paano mo natapos ang gawain?

- Sino ang tumulong sa iyo sa paggawa nito?

- Nasunod ba ang gusto mong mangyari sa ginawa mo?

- Ano ang naramdaman mo nang matapos ang gawain?

Baitang 4

PAGSASAGAWA NG IBA’T IBANG GAWAIN NANG NAAAYON SA

KAKAYAHAN PARA SA PANSARILING KALUSUGAN

Alamin Mo

Ikaw din ba ay naglalaro? Sino-sino ang mga kalaro mo? Hanggang anong oras ka

naglalaro? Nagpapahinga ka ba pagkatapos maglaro? Naliligo ka ba agad pagkatapos nito?

Bakit kailangang magpahinga pagkatapos ng isang mabigat na gawain?

Sa modyul na ito, matututunan ang pagsasagawa ng iba’t-ibang gawain ng nang naaayon

sa kakayahan at pangangailangan para sa pansariling kalusugan.

Pag-aralan Mo

Basahin ang usapan ng magkaibigan at ng lola.

O, ito Frank, kain

tayo. May prutas,

tinapay, cheese curls,

kendi at iba pa.

Kinuha ko ito sa

refrigerator namin.

Naku! Lito, Kakakain lang natin.

Busog pa ako. Bakit di ka ba

nabusog sa kinain natin kanina?

Masama iyan kapag nasobrahan

ka. Hindi maganda sa kalusugan

yan.

Bakit naman masama? Eh

gusto ko pa kumain. Anong

mangyayari sa akin kapag

kinain ko itong lahat?

Magkakasakit ba ako?

Oo, talagang masama sa katawan

kapag nasobrahan tayo ng kain.

Kailangang magpahinga tayo

para mabigyan ng sapat na

panahon ang ating bituka para

tunawin nang maayos ang ating

kinain.

O sige na. Di ko na ito

kakainin. Halika maglaro

na tayo ng basketbol sa

plasa.

Halika, laro tayo.

Pagkatapos nating

maglaro, maligo tayo sa

ilog para masaya. Pero

umuwi muna tayo para

magbihis.

Pagkatapos maglaro nina Lito at Frank, umuwi sila. Kukuha sila

ng gamit. Nakita ni Lola na sila ay pawisan.

Saan ba kayo galing

mga bata at pawisan

kayo.

Galing po kami sa paglalaro

ng basketbol. Magbibihis

lang po kami at maliligo sa

ilog.

Ano? Maliligo kayo? Eh

katatapos lang ninyo

maglaro. Di ba ninyo

alam na masama iyon?

Eh, mainit po Lola.

Pupunta kami sa ilog

at maliligo.

Masama nga eh.

Kailangang

magpahinga muna

kayo bago maligo.

Ah, ganoon po ba Lola? Sige po

magpapahinga muna kami bago

maligo. Alam na po namin na

masama pala sa kalusugan ang

naliligo nang pawisan.

Kailangang magpahinga muna.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Bakit ayaw nang pakainin ni Frank si Lito?

2. Kung ikaw si Lito, susundin mo ba si Frank? Titigil ka na rin ba sa pagkain?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

3. Ano ang mangyayari kay Lito kung sapat na pagkain lamang ang kakainin niya?

4. Kailangan mo rin ba na magpahinga sa paglalaro bago maligo?

5. Makabubuti ba sa kalusugan ang pagsunod sa sinabi ni Lola?

6. Kung ikaw ang pipigilin ni Lola, susunod ka ba sa kanya? Bakit?

Isaisip Mo

Kalusugan ng katawan ay panatilihin.

Sapat na pahinga ay kailangan din.

Isapuso Mo

Tukuyin ang mabuting asal na dapat ipakita sa bawat sitwasyon. Gawin ito sa iyong

kuwadernong sagutan.

1. Biyernes ng gabi. Maaga kang pinatutulog ng iyong nanay

2. Gusto mo pang mag-ehersisyo pero ayaw pa ng ate mo dahil katatapos mo lang maglaro.

Ano ang dapat mong gawin para makapag-ehersisyo ka?

Isagawa Mo

Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pagpapahinga pagkatapos ng

mabigat na gawain. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.

Baitang 4

PAGSASAGAWA NG PALAGIANG PAGKONSULTA SA

DOKTOR/DENTISTA

Alamin Mo

Ano ang ginagawa ng bata sa larawan? Nagpapatingin ka rin ba ng ngipin mo sa dentista?

Kumokonsulta ka rin ba sa doktor kapag may karamdaman ka? Takot ka ba sa dentista? Sa

doktor? Hindi ka dapat matakot sa kanila. Ang doktor at ang dentista ay iyong mga kaibigan.

Sa modyul na ito, malalaman ang tungkol sa pagsasagawa ng palagiang pagkonsulta sa

doktor at dentista.

Pag-aralan Mo

Basahin ang maikling kuwento.

ANG KAIBIGAN NI JOSE

Sabado ng umaga, oras ng paglalaro ng magkakaibigang Jojo, Leo, Ben, Aris, at Jose.

Nasa palaruan na ang apat, ngunit wala pa si Jose.

“Halika, puntahan natin sa bahay nila,” ang yaya ni Ben.

Nang dumating sila sa bahay ni Jose, nakita nilang papaalis ito. “O, Jose, saan ka

pupunta? Di ba maglalaro tayo ngayong umaga?” ang agad na paninita nina Jojo at Aris. Naku,

pasensiya na kayo. Hindi muna ako sasali sa laro ngayon,” ang hingi ng paumanhin ni Jose.

“Ngayon ang araw ng dalaw ko sa aking mga kaibigan.”

Naiwang nakakunot ang noo ng apat. Nalungkot sila dahil hindi sila makapaglalaro sa

araw na iyon.

Makalipas ang anim na buwan ay nagkita-kita ang magkakalaro sa klinika ni Dr. Manalo

sa bayan. Sumasakit ang ngipin ni Jojo at Aris. Sumama si Ben sa kanila. Natagpuan nila roon si

Jose. “Masakit din ba ang ngipin mo, Jose?” ang tanong ni Leo. “Naku hindi,” ang sambit ng

dentista. “Araw ngayon ng pagdalaw niya sa akin kaya siya narito.” “Siya ang kaibigan ko,” ang

sabi ni Jose at tumayo mula sa “dental chair”. Dahil sa “regular” na pagdalaw ko tuwing ika-6

na buwan sa aking kaibigan, napangalagaan ko ang aking mga ngipin. Hindi ko naranasang

sumakit ang ngipin ko,” dugtong pa ni Jose.

Nagkatinginan sina Leo, Aris, at Jojo. Ngayon ay kilala na nila ang kaibigang sinasabi ni

Jose.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Sino ang kaibigang laging dinadalaw ni Jose?

2. Bakit kaya kaibigan ang tawag ni Jose sa kaniyang dentista?

3. Sa palagay mo, sino-sino pa ang dapat dalawin nang “regular” upang mapangalagaan ang

kalusugan at maiwasan ang karamdaman?

4. Nagpapatingin ka rin ba sa dentista? Ano ang nararamdaman mo pagkatapos magpatingin

sa dentista o doktor? Nasusunod mo ba ang mga bilin at payo ng doktor? ng dentista?

5. Bukod sa palagiang pagbisita sa doktor at dentista, ano-ano pa kaya ang dapat mong

gawin upang mapanatili ang kalusugan mo at hindi ka magkasakit?

Isaisip Mo

Mapananatiling malusog ang katawan at maiiwasan ang anumang sakit o karamdaman

kung maisasagawa natin ang palagiang pagkonsulta sa doktor o dentista at nakasusunod sa payo

nila.

Isapuso Mo

Tukuyin mo ang mabuting asal na dapat ipakita sa bawat sitwasyon.

1. Masakit ang iyong ngipin. Sasamahan ka ng iyong nanay sa dentista.

a) Magagalit ka dahil takot kang pumunta sa dentista.

b) Magsasabi sa nanay na nawala na ang sakit ng ngipin mo.

c) Magpapasalamat dahil sasamahan ka ng iyong nanay sa dentista.

2. Isinasama ka ng iyong kaibigan na pumunta sa “Health Center” upang

magpabakuna laban sa “Hepatitis A”.

a) Sasama ka sa kaibigan at magpapabakuna.

b) Sasama sa kaibigan pero hindi ka magpapabakuna.

c) Sasabihin muna sa nanay kung kailangan mong magpabakuna.

3. Nagkaroon ng “check-up” ng kalusugan at ngipin sa inyong paaralan. Ipinayo sa

iyo ng doktor na kumain ng gulay at masusustansiyang pagkain.

a) Kalimutan ang payo ng doktor.

b) Susunod sa lahat ng bilin ng doktor.

c) Pipiliin at susundin ang payo ng doktor.

Isagawa Mo

Sumulat ng isang tuntuning pangkalusugan na inyong isasagawa sa pamamagitan ng

isang pangako. Lagdaan ito sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwadernong sagutan.

Baitang 4

PAGRE-“RECYCLE” NG PAGKAIN

Alamin Mo

Ang mga damit at mga basurang di nabubulok ay maaaring i-“recycle”. Gayundin, ang

mga natirang lutong pagkain.

Sa modyul na ito, pag-aaralan ang iba’t ibang paraan ng pagtitipid, paghahanda, at pag

re-“recycle” sa mga natirang pagkain.

Pag-aralan Mo

Basahin ang usapan.

Mare, bakit kaya madaling

mapanis ang aming

pagkain? Nasasayang!

Ang mahal pa naman ng

bilihin!

Ganun ba? Sa amin hindi

napapanis ang pagkain.

Kinukulang pa sa lakas

kumain ng mga anak ko! At

saka, takal na takal ko ang

aking niluluto.

Basahin ang dayalogo.

Gagayahin kita

Nagkasabay sa pamamalengke ang magkumareng Ludy at Flor.

Ludy:

Flor:

Ludy:

Flor:

Ludy:

Flor:

Ludy:

Napakainit ng panahon ngayon. Ang mga tirang pagkain

ay madaling mapanis. Wala pa naman kaming “refrigerator”.

Totoo. Pero maaaring maiwasan ang pagkapanis ng pagkain. Kami man ay

walang “refrigerator”. Kaya lang may sistema akong ginagawa.

Anong sistema ang sinasabi mo, Mare?

Ang mga natirang pagkain ay itinatabi ko sa lugar na walang

langgam, ipis, at iba pang insekto. Tinatakpan ko ng

malinis na plato o takip. Iniluluto ko nang panibago upang hindi

magsawa ang mga bata sa pagkain. Halimbawa, ang pritong

isda ay maaaring lagyan ng sarsa o gawing may sabaw. Isa pa,

hindi napakarami ang niluluto ko. Iyong sapat lang na mauubos.

Maaari rin pala i-“recycle” ang pagkain.

Aba’y oo naman. Sa hirap ng buhay ngayon, kailangang

matutuhan natin ang pagtitipid.

Puwede bang maturuan mo ako, Mare, kung paano mag-“recycle”

ng iba pang pagkain? Gagayahin kita. Alam mo naman,

hindi ako mahusay sa pagluluto ng pagkain.

Sagutin ang sumusunod. Gawin sa kuwadernong sagutan.

1. Ano-ano ang maaari mong gawin sa mga tirang pagkain upang hindi masira ang mga

ito.?

2. Mabuti bang gayahin ni Aling Ludy ang mga ginagawa ni Aling Flor?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isaisip Mo

Ang natitirang pagkain ay maaaring itabi o i-“recycle” upang muling mapakinabangan.

Dapat sapat lamang ang dami ng pagkaing iluluto.

Isapuso Mo

Lagyan ng tsek () ang pangungusap na nagpapahayag ng pagtitipid sa paghahanda at

pagluluto ng pagkain. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.

_____1. Ang natirang kanin sa gabi ay isinasangag sa almusal kinabukasan.

_____2. Ang mga natirang pritong isda ay maaari nang ipakain sa pusa.

_____3. Maaaring takpan ng malinis na plato o takip upang hindi mapanis ang

pagkain.

_____4. Magluto ng sapat lamang na mauubos ng pamilya.

_____5. Bibili ng mura at masustansiyang pagkain.

Isagawa Mo

Basahin ang bawat sitwasyon. Sabihin kung ano ang gagawin sa bawat isa. Gawin ito sa

kuwadernong sagutan.

1. Hindi kayo bumibili ng bigas at hindi nauubusan ng laman ang inyong lalagyan. Ikaw

ang toka sa pagsasaing. Laging marami ang iyong isinasaing o niluluto, gayong hindi

ito nauubos at nasisira lamang dahil wala namang kakaing alagang hayop.

2. Ang nakababata mong kapatid ay hindi marunong mag-ingat sa pagkuha ng pagkain.

Laging may nahuhulog sa mesa tuwing siya ay kumukuha.

3. Marami kayong miyembro ng pamilya kaya’t todo tipid ang ginagawa ng nanay mo

upang magkasya ang kinikita ng iyong tatay. Bilang pinakamatandang anak, maaga

kang sinanay upang tumulong. May pakitang gawain sa pagluluto at pagre-“recycle”

ng pagkain sa Nutrition Center ng Barangay.

Baitang 4

HINAHARAP ANG SARILING KAHINAAN

Alamin Mo

Ano ba ang kaya mong gawin? Naipakikita mo ba ang iyong sariling kakayahan nang

walang pag-aalinlangan o pagkatakot? Bawat nilalang ay may sariling kakayahan at kahinaan.

Ang kakayahan ay dapat tuklasin at payabungin. Maaaring ito ang maging daan ng tagumpay ng

isang tao. Ang kahinaan naman ay dapat harapin upang hindi ito maging sagabal sa mga nais

gawin at marating. Ikaw pa ba ay nahihiyang humarap sa ibang tao? Paano mo ito malalabanan?

Sa modyul na ito, ay malalaman kung paano haharapin ang sariling kahinaan upang

maipakita ang angking kakayahan.

Pag-aralan Mo

Basahin ang tula.

HAMON SA KAKAYAHAN

Ang bawat nilalang ay may kakayahan.

Pag-awit, pagtugtog, at pagsasalita man,

Magluto, gumuhit o magsulat kaya,

Gumawa ng bagay na hindi ikahihiya.

Alam kong ako man ay may kakayahan,

Na sadya at bigay ng Poong Maykapal,

Kaya, lakas ng loob ay kinakailangan

Upang maipakita sariling kakayahan,

Hamon ay harapin kakayahan ay tuklasin

Sa sipag at tiyaga, paunlarin at pahusayin.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Ano-ano ang mga kakayahang binanggit sa tula? Alin sa mga ito ang kaya mong

gawin? Alin naman ang atubili kang gawin?

2. Paano mo paghuhusayin ang natuklasan mong kakayahan?

3. Sa mga gawaing takot kang gawin, paano mo malalabanan ang takot? Titigilan

mo ba ang paulit-ulit na paggawa nito? Ano ang dapat itanim sa isipan upang

mawala ang takot?

4. Sa palagay mo, bakit pinamagatan ang tula na “Hamon sa Kakayahan”?

Isaisip Mo

Bawat tao ay may angking talino,

Tuklasin ito at pagyamanin nang husto,

Buong lakas-loob ipakita kahit kanino.

Isapuso Mo

Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwadernong sagutan.

Hindi ka masyadong magaling sa klase. Hindi ka nag-aaral sa bahay dahil katuwiran mo

ay mababa rin naman ang marka mo sa eskuwela. Maganda ba ang inaasal mong ito? Paano mo

mapaglalabanan ang paniniwala mong hindi ka magaling sa klase? Ano ang dapat mong gawin?

Isagawa Mo

Sipiin mo sa sagutang kuwaderno ang porma na nasa ibaba at punan ito ayon sa pagsusuri

mo sa iyong sarili.

Mga Kahinaan Ko

Mga Paraan Upang Maharap Ko Ang Mga

Ito

Baitang 4

NAPAGLALABANAN ANG TAKOT SA PAGHARAP SA TAO

Alamin Mo

Ano ang nakikita sa larawan? Saan ito karaniwang napapanood? Ano ang masasabi mo sa

mga batang tulad nila? Ang mga batang tulad nila ay may lakas ng loob na ipakita ang kanilang

kakayahan. Kaya mo rin ba ito? Lumalahok ka rin ba sa mga paligsahan? Ano ang

nararamdaman mo sa harap ng mga tao? May mga batang nahihiya o natatakot na humarap sa

ibang tao. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay panlaban sa takot na humarap sa kahit sinong

tao.

Ang modyul na ito, ang tutulong sa iyo upang labanan ang takot sa pagharap sa tao.

Pag-aralan Mo

Basahin mo ang kuwento.

May paligsahan sa pag-awit sa inyong paaralan. Lahat ay may pagkakataong sumali. Ang

paligsahan ay gaganapin muna sa bawat klase. Ang mga mananalo sa bawat klase ay

maglalaban-laban at ang mananalo rito ay magiging panalo para sa baitang. Magkakaroon ng

panalo sa bawat baitang.

Nalaman ng mga mag-aaral na si Nilo ay marunong umawit kaya siya na ang itinurong

lalaban sa paligsahan.

“Ayokong lumaban sa kantahan, nahihiya ako. Hindi ko kayang humarap sa maraming

tao,” sabi ni Nilo.

“Kaya mo yan, Nilo. Marunong ka naman kumanta,” wika ng kaklase niya.

“Sige, susubukan ko,” ani ni Nilo.

Nagsimula na ang paligsahan at kumanta si Nilo.

Habang kumakanta bigla na lamang siyang huminto. Natakot siya sa dami ng nanonood.

Nalimutan niya ang kanyang inaawit. Umiyak si Nilo sabay takbo sa likod ng entablado.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Sino ang itinurong sasali sa paligsahan sa pag-awit?

2. Bakit umiyak si Nilo nang siya ay kumanta sa entablado? Tama ba ang ginawa niya?

3. Kung ikaw si Nilo, aakyat ka ba at kakanta sa entablado? Bakit?

4. Paano mo malalabanan ang takot sa pagharap sa mga tao?

5. Sa palagay mo, kapag naliwanagan si Nilo sa dapat niyang gawin, magiging mahusay

kaya siyang mang-aawit? Bakit?

Isaisip Mo

Magtiwala sa sariling kakayahan,

Takot ay labanan,

Magkaroon ng lakas ng loob,

Sa pagharap kanino man.

Isapuso Mo

Pag-aralan ang sitwasyon sa ibaba. Sagutan ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

Alam mong wala kang kakayahang umawit, tumula, umarte, sumayaw, at tumugtog ng

gitara. Sa inyong barangay, lagi kang pinipilit makisali sa mga pagtitipon kung saan may

kantahan at sayawan. Pumupunta ka at nakikisali sa kanila.

Tama ba ang iyong ginagawa? Ano ang matututuhan mo sa pakikisalamuha sa kanila?

Paano mo pa mapauunlad ang iyong kakayahan?

Isagawa Mo

Ilagay ang gawain sa iyong kuwadernong sagutan.

Pumili ng makakaya mong gawin na hindi mo pa napagtutuunan ng pansin. Maaari mong

buuin ang halimbawang ito.

Marunong akong kumanta.

Huhusayan ko ang aking pag-awit

Hindi ako titigil hanggang sa ako’y maging ganap na

mang-aawit

Lagda

Maaari mong iguhit ang iyong mga gawain upang mapahusay pa ang iyong kakayahan.

Baitang 4

PAGSUNOD SA MGA TUNTUNIN SA PAGLALARO

Alamin Mo

Sa anumang paglalaro, totohanan man o pagsasanay lamang, hindi naiiwasan ang

pagkakaroon ng alitan o pag-aaway. Nagsisimula sa simpleng kantiyawan na nauuwi sa

pagkapikon at madalas humahantong sa awayan. Alam mo ba kung ano ang dahilan? Maaaring

isa rito ay kawalan ng alituntunin lalo na sa laro. Kailangang alamin muna kung ano ang mga

dapat sundin upang hindi matalo ang pangunahing layunin ng paligsahan o labanang pangisports.

Sa gayong paraan, malilinang ang kalusugang pangkatawan ng mga kalahok.

Mapanatili rin ang mabuting pagsasamahan ng mga manlalaro.

Naranasan mo na bang mapaaway dahil sa laro? Alam mo ba ang mga tuntuning

sinusunod sa bawat laro? Sinusunod mo ba ang mga ito?

Sa modyul na ito, malalaman ang tungkol sa pagsunod sa mga tuntunin sa paglalaro.

Pag-aralan Mo

Basahin ang dayalogo.

Ang Larong Buslo

Ang klase nina Bb. Hilario at Bb. Pangari ay magkalaban sa larong buslo. Ang bawat

pangkat ay binubuo ng tig-la-labinlimang manlalaro at isang tagasulat ng iskor. Pipiliting

maitakbo ng dalawang pangkat ang bola sa kanilang buslo.

Referee:

Unang Pangkat:

Referee:

Pangalawang Pangkat:

Referee:

Unang Pangkat:

“Halina muna kayo, mga manlalaro. May dalawang pangkat kayo na

binubuo ng tig-labinlima.”

“Paano gagawin ang laro?

Pipilitin ninyong maitakbo ang bola sa kabilang buslo na nasa

kampo ng kalabang pangkat.”

“Paano namin ilalagay sa buslo ang bola?”

“Pag-aagawan ninyo ang bola hanggang sa madala ninyo ito sa

buslo.

“Sa anong paraan namin madadala ito?”

Referee:

“Maaari itong itakbo, sipain, o ibato patungo sa buslo.”

Pangalawang Pangkat: “A, ganoon po ba? Ano naman ang mga bawal sa larong ito?

Referee: Bawal hawakan ang kapwa manlalaro. May magsusulat ng iskor

ninyo sa board. Dapat sundin ninyo itong mga sinabi kong tuntunin

para wala tayong gulo. Ano “game” na ba kayo?”

Una at Pangalawang Pangkat: “Game” na “game” na!!!

Sinimulan na ang laro. Tumatakbo sila habang hinahabol ang may hawak ng bola.

Nailagay ng pangalawang pangkat ang bola sa buslo at agad isinulat ang iskor. Natapos ang laro

nang masaya, maayos, at walang kantiyawan.

Sa palagay mo, bakit naging maayos at masaya ang laro ng dalawang pangkat?

Paano masasabing nakatulong ang mga tuntunin sa maayos na paglalaro?

Gawin ang sumusunod: Hingin ang palagay ng dalawa o tatlo mong kaklase.

Talakayin ninyo ito. Pag-usapan din ang nararapat gawin ng dalawang grupo o

koponan pagkatapos.

Halimbawa: Magkamayan at batiin ang nanalo.

Isaisip Mo

Nararapat na makasunod sa mga tuntunin sa paglalaro upang maiwasan ang kantiyawan

at tuksuhan ng bawat manlalaro.

Isapuso Mo

Ipahayag ang iyong saloobin. Lagyan ng tsek () kung tama ang gagawin mo at ekis (x)

kung hindi. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Humingi ako ng paumanhin nang mabangga ko ang

isa sa aking mga kalaban.

2. Sinigawan ko ang “referee”.

3. Sumunod ako sa mga tuntunin ng laro.

4. Kinantiyawan ko ang natalo kong kalaban.

5. Nanggugulo ako sa laro kapag talo ang pangkat

namin.

6. Kinakamayan ko ang panalong kalaban.

Oo

Hindi

Isagawa Mo

Iguhit sa kuwadernong sagutan ang isang laro na alam mo. Isulat ang mga tuntunin ng

larong ito.

Baitang 4

PAGTANGGAP NG PANALO NG MAHINAHON AT

ANG PAGKATALO NANG MALUWAG SA KALOOBAN

Alamin Mo

Isa ka ba sa mga batang mahilig maglaro? Paano kung natalo ka? Nakikipag-away ka ba

sa iyong mga kalaro? Alam mo, ang batang ayaw tumanggap ng pagkatalo, dapat ay hindi na

lang siya nakikipaglaro. Sa kahit anong laro, mayroong nananalo at mayroong ding natatalo.

Kaya, matutong tumanggap ng pagkatalo nang maluwag sa kalooban.

laro.

Sa modyul na ito, matutuhan ang wastong pagtanggap ng panalo at pagkatalo sa isang

Pag-aralan Mo

Basahin ang kuwento.

Bilog ang Bola

Masayang nanonood ang mga mag-aaral sa laban ng dalawang malakas na koponan sa

“volleyball”.

Inihudyat ang pagsisimula ng laro. Pinagkamay ang mga manlalaro. Masigla ang

paglalaro at talagang pilit nilang pinaghuhusay ito. Habang dumaraan ang oras, lumalamang ang

koponang “Hawks” sa “Eagles”. Patuloy ang paglalaro at hindi makabawi ang “Eagles”. Sa

huling puntos “Hawks” ang panalo. Pumagitna ang “cheerers” ng “Hawks”. Napikon ang

“cheering squad” ng “Eagles”. Nagsimula ang pagpapalitan ng masasamang salita na

humantong sa pag-aaway. Tinanong ang “Captain Ball” ng “Eagles” sa dahilan ng pagkatalo.

Iisa ang kanyang sagot. “Gusto rin naming manalo at ginawa namin ang aming makakaya.

Subalit talagang ganoon, sabi nga, bilog ang bola… Walang nakatitiyak kung sino ang panalo.

Hayaan mo na. Suwerte nila ngayon, “mahinahong payo ng “Captain Ball”.

“Halikayo, walang mabuting ibubunga kung kayo ay makikipag-away. Laro lamang iyan.

Makipagbati na kayo,” himok ng “Captain Ball” na sinang-ayunan ng iba pang manlalaro.

Sa harap ng kanilang mga guro ay nagkamayang muli ang dalawang grupo.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Anong ugali ang papupurihan mo sa nangyaring laro?

2. Kung ikaw ang “Captain Ball” ng “Eagles”, mapipikon ka rin ba sa ginawa ng

“cheerers” ng “Hawks”? Bakit?

3. Anong magandang katangian ang ipinakita ng “Captain Ball” ng “Eagles”?

4. Kung ikaw ang nasa katayuan ng “Captain ball” ng “Hawks”, ipagmamalaki mo ba

ang inyong pagkapanalo?

5. Sa bandang huli, ano ang masasabi mo sa nangyaring laro?

Isaisip Mo

Matutong tumanggap ng pagkapanalo nang mahinahon at ng pagkatalo nang maluwag sa

kalooban.

Isapuso Mo

Ilahad ang iyong saloobin. Lagyan ng tsek() ang hanay na nagsasaad nito. Isulat ang

sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Nagagalit ako kapag natatalo.

2. Nakikipagkamay ako sa katunggali, manalo man

o matalo.

3. Sumisigaw ako nang malakas kapag panalo.

4. Nakikipag-away ako kapag natatalo.

5. Umaayaw ako kapag natalo na sa laro.

Oo

Hindi

Isagawa Mo

Gumawa ng talaan ng mga sikat na koponan at mga manlalarong napapanood mo. Itala

kung sino ang mahihinahon at isport. Kung hindi ka nanonood, ipagtanong mo. Gawin ang talaan

sa kuwadernong sagutan.

Baitang 4

NAIPAKIKITA ANG PAGIGING ISPORT

Alamin Mo

Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan. Naglalaro ka rin ba? Ano ang nararamdaman

mo kung natatalo ka? Nagagalit ka ba sa mga kalaro mo? Alam mo, ang pagiging isport ay tanda

ng isang taong marangal na may malasakit sa iba.

Sa modyul na ito, malalaman kung paano ipapakita ang pagiging isport.

Pag-aralan Mo

Basahin ang kuwento.

Laro Lang Yan, Walang Personalan

Magkaibigang matalik sina Fernando at Butch. Pareho silang magaling na manlalaro.

Pareho nilang paborito ang pagtakbo. Walang itulak-kabigin sa kanilang dalawa. Subalit isa

lamang ang kukuning manlalaro upang ilaban sa darating na kompetisyon. Kaya’t

napagpasiyahan, na kung sino ang mananalo sa idaraos na paligsahan sa pagtakbo ay siyang

opisyal na kalahok sa kompetisyong gagawin.

Handang-handa na ang magkaibigan at ang ilan pang kalahok mula sa ibang klase.

Nakahanay na sila sa kanilang tatakbuhan at senyas na lang ang hinihintay.

“Bang!” Pagkarinig ng putok ay mabilis silang nagsitakbo. Palakpakan ang mga bata.

Naroong mapauna o mapahuli ang bawat isa. Ilang ikot pa at malapit na sa “finish line”. Lalong

umugong ang palakpakan at sigawan.

“Hurrah! Mabuhay si Butch,” sigawan ng mga mag-aaral.

“Sayang, konting-konting distansiya lang ang lamang,” sabi ng isang malapit sa “finish

line”.

Pagkaraang makarating ang ibang kalahok sa “finish line” ay itinaas ng namamahala sa

paligsahan ang kamay ni Butch. Kumapit si Butch kay Fernando, niyakap at kumamay.

“Sori, Fernando, ha?” sambit ni Butch. “Sana tayong dalawa na lang ang napiling

tatakbo,” dagdag pa niya.

“Binabati kita, Butch. Hayaan mo’t sa susunod ay magkasama na tayo,” wika ni

Fernando habang yakap ang kaibigan. “Basta tayo pa rin ang magkaibigan. Nasa likod mo ako.

Susuportahan kita sa paglalaro mo,” dugtong pa ni Fernando, sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

Natutuwang nagsisigawan ang mga nakapaligid sa kanila. “Mabuhay sina Fernando at

Butch.”

Isaisip Mo

Sa kahit na anong larangan, dapat na maging maluwag sa loob ang pagtanggap ng

pagkatalo. Pairalin tuwina ang pagiging isport upang hindi masira ang samahan.

Isapuso Mo

Paano mo maipakikita ang pagiging isport sa sitwasyong ito? Isulat ang sagot sa

kuwadernong sagutan.

Nahahalata mong mas gusto ng kapitan ng inyong barangay ang isa mong kaibigan na

maging kinatawan ng lugar ninyo sa paligsahan sa sining. Mahusay ang kamay mo sa pagguhit at

alam mong ikaw ang gusto ng inyong mga kabarangay.

Isagawa Mo

Gawin ang mga sumusunod sa kuwadernong sagutan.

1. Kaya mo bang bumuo ng tugma? Punan mo nang wastong salita tungkol sa pagiging

isport.

Halimbawa:

Sa mga laro at paligsahan

May panalo at _________.

Alin man ang kalalabasan

Pagiging isport laging __________.

2. Gumawa ng sariling tula tungkol sa pagiging isport.

Baitang 4

MAGTIPID SA PAGHAHANDA AT PAGLULUTO NG PAGKAIN

Alamin Mo

Ano ang ginagawa ng ina sa larawan? Kaya mo bang gawin ang ginagawa niya?

Sa modyul na ito, matututuhan kung paano makapagtitipid sa paghahanda at pagluluto ng

pagkain.

Pag-aralan Mo

Basahin ang kuwento.

Ang Gimik ni Nanay

“Laura,” ang tawag ni Mang Ador sa asawa. “Bukas ka na lang mamalengke.

Marami pa naman tayong isda at gulay na maiuulam diyan, di ba?”

“Isda na naman ang ulam natin?” sagot ng bunsong anak na si Alma.

“Aba, sayang naman anak kung itatapon natin. Ang mahal ng mga bilihin

ngayon. Mabuti nga, palagi akong maraming huling isda. Nakapagbebenta na tayo,

may natitira pang pang-ulam,” sagot ni Mang Ador.

“Huwag na kayong magtalo. Dumating na ba si Elaiza at Doris?”

“Kakain na tayo habang mainit pa ang niluto ko. Halika, Alma, tulungan mo

akong maghain,” pakli ni Aling Laura.

“Wow! Ang sarap ng ulam natin! May lumpia, bola-bola na may sarsa at

ensaladang gulay. Parang piyesta!” natutuwang wika ni Alma.

“Ano bang parang piyesta ang sinasabi mo? Hindi naman namalengke ang

nanay mo!” tugon ni Mang Ador.

“Hala sige, magdasal at kumain na tayo. Napakinabangan ko ang pagdalo ko

sa mga miting tungkol sa nutrisyon dito sa ating barangay,” sagot ni Aling Laura.

“Nay, anong gimik ang itinuro sa inyo?” tanong ni Alma. “Minadyik ninyo

ang isda. Naging lumpia at bola-bola ito. Ang gulay na natira kahapon, naging

ensalada,” dugtong ni Alma.

“Aba, iyan ang mga isda na ayaw ninyong kainin. Masarap, di ba?

Masustansiya pa!” sagot na may pagmamalaki ni Aling Laura.

“Ayos nga e! Iba talagang gumimik ang nanay ninyo!” nasisiyahang tugon ni

Mang Ador.

Sagutin ang mga tanong:

Upang makatipid, ano ang ginawa ni Aling Laura sa mga pritong isdang hindi kinain ng

mga bata?

Ano naman ang ginawa niya sa natirang gulay?

Ano ang isinaalang-alang ni Aling Laura sa kanyang paghahanda at pagluluto ng pagkain

Isaisip Mo

Maging matipid sa paghahanda at pagluluto ng pagkain. May mga paraan sa pagluluto na

mapalilitaw ang linamnam ng pagkain nang hindi mawawala ang sustansiya nito.

Isapuso Mo

Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang letrang T kung tama ang isinasaad ng

pangyayari at M kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwadernong sagutan.

1. Tuwing maghahanda at magluluto ng pagkain si Aling Naty, lagi niyang isinasaalangalang

ang pagtitipid upang mapagkasya niya ang badyet nila sa pagkain.

2. Isinasaalang-alang ni Aling Tina ang mga sustansiyang makukuha sa mga pagkaing

inihahanda at iniluluto niya.

3. Inaalam ni Aling Fe ang dami ng kakain upang hindi maaksaya ang mga pagkaing

ihahanda at iluluto niya.

4. Ang mga pagkaing natitira ay itinatabi ni Aling Lorna. Niluluto niya ang mga ito

nang may panibagong lasa o timpla.

5. Ang mga natitirang pagkain nina Aling Norma ay ibinibigay sa kanilang mga alagang

hayop upang hindi masayang.

Isagawa Mo

Tulad ni Aling Laura, mayroon din bang gimik ang nanay mo sa paghahanda at pagluluto

ng pagkain upang makatipid? Isalaysay ito. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.

Baitang 4

PAGHAHANDA AT PAGLULUTO NG PAGKAIN: TIPID TIPS

Alamin Mo

Basahin ang sumusunod na usapan.

May seminar sa plasa

bukas. Halika, dumalo

tayo!

Aba! Dapat lang! Sa mahal

ng bilihin ngayon dapat

matuto tayong magtipid sa

pamamagitan ng pag-iimbak

ng pagkain. O sige, punta

tayo bukas!

Sa modyul na ito, pag-aaralan ang iba’t ibang paraan ng pagtitipid, paghahanda, at

pagluluto ng pagkain.

Pag-aralan Mo

Basahin ang sumusunod. Alin sa mga ito ang inyong nagagawa o ginagawa.

TIPID TIPS NI GLORIA

1. Kung maraming isda sa bahay,

imbakin ito sa pamamagitan ng pagaasin

o pagbabagoong.

2. Maaari ding ibilad sa araw ang isda.

3. Kapag panahon ng anumang prutas,

tulad ng bayabas, sampalok, mangga,

at iba pa, maari itong matamisin.

4. Kung mura at sobra ang dami ng

itlog, maari itong gawing itlog na

maalat.

5. Kung marami ang hilaw na papaya,

gawin itong atsara.

6. Iresaykel ang mga tira-tirang

pagkain.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.

1. Sa palagay mo, bakit kailangang malaman ang mga paraan kung paano makatitipid

sa paghahanda at pagluluto ng pagkain?

2. Makatutulong ba sa isang mag-anak ang pagiging matipid? Bakit?

Pangatwiranan mo.

Isaisip Mo

May iba’t ibang paraan ng pagtitipid sa paghahanda at pagluluto ng pagkain.

Isapuso Mo

Sabihin kung ang pangungusap ay tama o mali. Kung mali ang sagot, sabihin kung bakit.

Gawin sa kuwadernong sagutan.

1. Ang mga mayayaman ay hindi na kailangang gumamit ng matitipid na paraan sa

paghahanda at pagluluto ng pagkain.

2. Kailangang matatanda lamang ang matutong magtipid.

Isagawa Mo

Lagyan ng tsek (√) ang kaukulang sagot ayon sa iyong saloobin. Gawin sa kuwadernong

sagutan.

1. Ibinabahagi ko sa aking mga

kaibigan ang nalalaman ko sa

pagre-“recycle” ng pagkain.

2. Pinag-aaralan ko ang pagre-

“recycle” ng mga tirang

pagkain.

3. Sapat na dami lamang ang

ipinahahanda ni Nanay sa

pagluluto ng ulam.

4. Ipinakakain ko sa baboy ang

hinog na bayabas, mangga, at

saging kung labis na sa amin.

5. Ipinamimigay ko sa aking

mga kaibigan ang labis na

pagkain.

Palagi Paminsan-minsan Gagawin pa lang

Baitang 4

TAMANG URI AT WASTONG PAGKAIN

ALAMIN MO

Iba’t ibang uri ng pagkain ang makikita at mabibili sa panahon ngayon. Maraming “ready

to eat foods” katulad ng mga noodles, de lata, “cereal”, sari-saring inumin, at sitsirya ang

madaling mabili sa tindahan. Kadalasan, ang binibili at inihahandang pagkain ng ina sa pamilya

o mga magulang na lubhang abala sa gawain ay mga pagkaing madaling ihanda at iluto. Ang

ganitong pamamaraan ng paghahanda ng pagkain ay isang dahilan ng malnutrisyon.

Sa modyul na ito, matututuhan ang tamang uri at wastong pagkaing dapat ihanda para sa

pamilya.

PAG-ARALAN MO

Basahin ang maikling dayalogo.

Sa palengke, nagkita ang matalik na magkaibigan na sina Aling Beth at Aling Tess.

Nagkakaroon ng problema si Aling Beth sa pagkaing bibilhin at lulutuin niya.

Aling Beth:

Aling Tess:

Aling Beth:

Aling Tess:

Aling Beth:

Aling Tess:

Aling Beth:

Ano na naman kaya ang bibilhin at lulutuin kong pagkain?

Halos ayaw nang kumain ng mga bata. Masyadong silang mapipili sa

pagkain, lalo na sa ulam.

Aba, naku! Sa hirap ng pera at mahal ng bilihin, talagang

ipinaliliwanag ko sa mga bata na kailangan nilang kumain nang maayos.

Kailangang kumain ng masusustansiyang pagkain upang hindi sila

magkasakit.

Tama ka. Binibili nang mahal ang mga pagkain, pagkatapos

hindi naman inuubos. Kaya ang tumataba ay ang mga alagang

hayop.

Gawin mong simple ang paghahanda ng pagkain. Iyong may

kaunting sarsa o di kaya ay gumawa ka ng sawsawan upang sila

ay ganahan. Sanayin mo muna sila sa iyong mga bagong resipi.

Para hindi masayang, tantiyahin mo ang kanilang kayang ubusin.

Lalong hindi nila kakainin iyon, ‘pag ihahain mo ulit.

Mabuti pa nga. Pagpapares-parisin ko para medyo ganahan silang

kumain. Ang papayat ng mga anak ko.

Tatlo lang ang anak mo, nahihirapan ka na. Ako, lima ang anak ko,

may mga apo pa. Pero, okey lang. Tingnan mo naman, ang lulusog

nila! Hindi sila nagkakasakit. Naturuan ko rin ang mga anak at

manugang ko kung paano sila maghahanda ng pagkain para sa

mga bata. Alam na nila ang tamang uri ng pagkaing ihahanda

at tamang dami ng iluluto.

Bilib ako sa iyo. Talagang ang husay mong maybahay.

Halika, lubusin mo na ang pagtuturo sa akin. Ano ba ang maaari

kong ihanda ngayon?

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat sa kuwadernong sagutan.

1. Ano ang problema ni Aling Beth sa paghahanda ng pagkain?

2. Makatitipid kaya siya sa itinuro ni Aling Tess? Paano?

3. Ang mga mamahaling sangkap ay nagpapasarap sa pagkain. Lahat ba ng masarap na

pagkain ay nakapagpapalusog? Ipaliwanag ang iyong sagot.

ISAISIP MO

Sa paghahanda at pagluluto ng pagkain, dapat isaalang-alang ang mga pagkaing mura

ngunit masusustansiya at sapat para mapanatiling malusog ang sinumang miyembro ng pamilya.

Sa paraang ito, tamang uri at wastong pagkain ang mapagsasaluhan ng buong pamilya.

ISAPUSO MO

Sipiin at gawin sa iyong kuwaderno.

Ang sumusunod ay mga sitwasyon sa paghahanda at pagluluto ng mga pagkain. Lagyan

ng tsek (√) ang mga paraang nararapat at ekis (x) naman kung hindi.

1. Araw-araw, “noodles” ang inihahanda ni Aling Beth para sa almusal ng mga

anak niya dahil mabilis lutuin ang mga ito.

2. Bumibili si Aling Tess ng mga mura at masusustansiyang gulay at isda para sa

kanyang pamilya.

3. Mamahaling pagkain naman ang inihahanda ni Aling Flor para sa kaniyang

pamilya tulad ng “hotdog”, “bacon”, at marami pang iba.

4. Naglalaga ng mais at saging si Aling Tess para sa meryenda ng kaniyang mga

anak.

5. Sitsirya ang palaging meryenda ng mga anak ni Aling Beth.

6. Isinasaalang-alang lagi ni Aling Tess ang sustansiya at dami ng kakainin

tuwing maghahanda at magluluto siya ng pagkain.

ISAGAWA MO

Gumawa ng talaan ng mga pagkaing lagi ninyong kinakain mula sa nakalista sa ibaba.

Katapat ng bawat pagkaing napili, isulat ang epekto nito sa kalusugan. Gawin ito sa inyong

kuwaderno.

Mga Berdeng Dahon Mga Seryal Mga Dilaw na

Pagkain

Kangkong

Malunggay

Talbos ng:

mais

trigo

bigas

Kalabasa

Kamote

Tiyesa

Kamote

Pula ng itlog

Ampalaya

Mangga

Kalabasa

Saging

Sitaw

Baitang 4

PAGKAIN NG WASTO AT MASUSTANSIYANG PAGKAIN

Alamin Mo

Paano mapananatiling malusog ang ating katawan?

Maraming paraan kung paano mapananatiling malusog ang ating katawan. Isa sa mga ito

ay ang pagkain ng wasto at masusustansiyang pagkain.

Sa modyul na ito, matututuhan ang wasto at masusustansiyang pagkain.

Pag-aralan Mo

Tingnan ang larawan.

Ano ang ipinakikita sa larawan?

Wasto kaya at masustansiya ang mga pagkaing inihahain sa lugar na ito?

Paano mo nasisiguro?

Sa modyul na ito, makikilala ang mga wasto at masusustansiyang pagkain.

Basahin ang mga tugmang sumusunod.

Kanin, gulay, saging

at pagkaing dagat

Pagkaing masustansiya

at masarap.

Okoy at pinya

Malasang-malasa

Isdang sarsiado

Masustansiya pa.

Ampalayang guisado

Bangus na relyeno

Matipid sa bulsa iwas

“high blood” pa ang mga ito.

Ordinaryong resipi

Kombinasyong gulay at karne

Katawan mo’y liliksi

Kung ito’y iyong mapipili.

Masustansiyang pagkain

Sa inyo itinuro

Isaalang-alang palagi

Upang kalusuga’y matamo.

Sagutin ang sumusunod na tanong. Gawin sa kuwadernong sagutan.

1. Ano-anong wasto at masustansiyang pagkain ang binanggit sa mga tugma?

2. Ano-ano ang kabutihang bunga ng wasto at masustansiyang pagkain?

3. Ano ang maaaring mangyari kung walang sustansiya ang iyong kinakain?

4. Magagawa bang maghanda at magluto ng masustansiyang pagkain sa murang halaga

lamang? Paano?

Isaisip Mo

Ugaliin ang pagkain ng wasto at masusustansiyang pagkain. Saanman kayo kakain, piliin

ang pagkaing di lamang nakabubusog, kung hindi wasto at masustansiya pa.

Isapuso Mo

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Iba ang hilig mo sa pagkain sa hilig ng iyong kaibigan. Ang iyong kaibigan ay

mahilig sa mga sitsirya at “softdrinks”. Paano mo sasabihin sa iyong kaibigan

ang iyong kaalaman tungkol sa masusustansiyang pagkain?

2. Sinasabi ng iyong mga kaklase na ang mga gulay at iba pang pagkain na nabibili

nang mura ay mga pagkaing pangmahirap lamang. Sang-ayon ka ba sa sinasabi

nila? Paano mo maitutuwid ang kanilang paniniwala?

Isagawa Mo

Basahing muli ang tugma sa pahina 2. Pangkatin ang mga pagkaing maaaring ihain sa

agahan, tanghalian, hapunan, at meryenda. Isulat ang mga ito sa tamang pangkat. Gawin ito sa

kuwadernong sagutan.

Agahan:

Tanghalian:

Hapunan:

Meryenda:

Umaga:

Hapon:

Baitang 4

PAGHANGA SA KULTURA NG IBA’T IBANG REHIYON

Alamin Mo

Tingnan ang mga larawan. Sabihin kung anong tradisyon ang ipinakikita ng bawat isa.

Ano ang masasabi mo sa bawat kultura? Kahanga-hanga ba?

Sa modyul na ito, ilalahad kung paano naipakikita ang paghanga sa kultura ng iba’t ibang

rehiyon sa bansa.

Pag-aralan Mo

Basahin ang tula.

Kahanga-Hangang Kultura

1. Bansang Pilipinas, kay gandang pagmasdan,

Hinahangaang labis ng mga dayuhan.

Makulay, madugo, kaniyang kasaysayan,

Mga gintong aral para sa kabataan.

2. Labing-pitong rehiyon ang isinilang,

Mayroong sariling kultura’t kaugalian.

Sayaw, salita, damit, maging pagkain man,

Sa paglipas ng panahon ay pinagyayaman.

3. Makukulay na kultura at tradisyon,

Sinulog, Moriones at Pahiyas man.

Ramadan, Ati-atihan, Santacruzan,

Ilan lamang sa ating hinahangaan.

4. Ipagmalaki sariling atin,

Paghanga sa iba ay sarilinin.

Isipang kolonyal huwag pairalin,

Kung kulturang dayuhan ang pipiliin.

5. Kaugalian natin ay iba-iba,

Hindi hadlang upang magkaisa.

Ipinagdiriwang, ipinagsasaya,

Kahanga-hangang kultura.

Sagutin ang mga tanong, Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

Ano ang mensahe ng tula? Sa unang saknong, sino ang humahanga sa bansang Pilipinas?

Sa ikalawang saknong, ilang rehiyon ang isinilang sa bansa?

Isa-isahin ang mga kultura’t kaugalian na pinagyaman habang lumilipas ang panahon?

Sa ikatlong saknong, ano-ano ang mga kultura’t tradisyon na hinahangaan? Isa-isahin ang

mga ito?

Sa ikaapat na saknong, ano ang mangyayari kung ang mga dayuhang kultura ang iyong

hahangaan at pipiliin?

Sa ikalima o huling saknong, makahahadlang ba ang pagkakaiba ng kultura sa

pagkakaisa?

Isaisip Mo

Bawat rehiyon ay mayroong kani-kaniyang kultura.

hangaan ang mga ito.

Dapat nating ipagmamalaki at

Isapuso Mo

Basahin ang bawat sitwasyon. Sabihin kung ito’y KAHANGA-HANGA kung kahangahanga

ang sitwasyon at DI-KAHANGA-HANGA kung hindi.

1. Pista sa inyong bayan. Sa pagtatanghal sa plasa, mga katutubong sayaw ang

ipinalabas na pinalakpakan ng mga manonood.

2. Nagbalikbayan ang pinsan ni Mang Eddie. Isinama niya ang kaniyang asawang

dayuhan na si Ruffa. Namangha siya sa iba’t ibang salita ng mga Pilipino. Bawat

lugar na puntahan nila ay ibang salita ang kanilang naririnig.

3. Hindi nagsusuot ng damit na hindi galing sa ibang bansa ang mga dalagang anak ni

Mang Eduardo.

4. Sa paaralan, piko lamang ang gustong laruin ng magkaibigang si Roy at Edwin. Hindi

sila naglalaro ng ibang laro maging sa kanilang lugar.

Isagawa Mo

Lagyan ng tsek () ang kolum na nagpapahayag ng

kultura ng iba’t ibang rehiyon.

iyong saloobin bilang paghanga sa

Gawin ito sa iyong kuwadernong sagutan.

1. Magsusuot ka ba ng kasuotan ng ibang

rehiyon kung may kapistahan?

2. Mag-aaral ka ba ng katutubong sayaw ng

iyong rehiyon?

3. Maglalaro ng mga katutubong laro?

4. Kakain ka ba ng mga pagkain ng ibang

lalawigan?

5. Bumabasa ka ba ng Pasyon tuwing Mahal na

Araw?

Oo

Hindi

Baitang 4

PAGGALANG SA KULTURA NG IBA’T IBANG

PANGKAT NG TAO

Alamin Mo

Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t ibang pangkat ng tao. Ang bawat pangkat ay

mayroong kaniya-kaniyang kultura at paniniwalang sinusunod. Ang kultura at paniniwala ng

bawat pangkat ay dapat igalang at pahalagahan.

Sa modyul na ito, matututuhan ang mga paraan ng paggalang at pagpapahalaga sa kultura

ng iba’t ibang pangkat ng tao upang mapanatili ang kapayapaan.

Pag-aralan Mo

Tingnan ang larawan. Bigyang-pansin ang kanilang kasuotan. Masasabi mo ba ang

pangkat na kanilang kinabibilangan?

Basahin ang maikling usapan:

Dan:

Bb. Duran:

Cris:

Bb. Duran:

Mariel:

Bb. Duran:

Nakatutuwa po pala ang kultura ng bawat pangkat ng tao. Iba’t iba

ang kanilang pananamit, salita, kaugalian, at mga tradisyon.

Oo, ngunit ipinagmamalaki nila ang mga ito.

Hindi hadlang sa pagkakaisa ng mga tao ang kulay ng

balat, ang salita, ang kultura, maging ang kanilang paniniwala.

Siyempre, hindi hadlang sa pagkakaisa ang pagkakaiba ng kulay

ng balat, salita, at paniniwala.

Totoo po bang magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan kapag

nilabag ang paniniwala ng isang pangkat o lahi?

Natural lamang iyon. Kahit sino, magagalit kapag hindi iginalang ang

kaniyang paniniwala. Kaya dapat tayong matutong

magpahalaga sa kultura at paniniwala ng bawat isa.

Sagutin ang mga sumusunod. Gawin ito sa kuwadernong sagutan:

1. Ano ang napansin ni Dan sa Lakbay-Kulturang pinanood ng klase?

2. Paano magkakaisa ang iba’t ibang pangkat ng tao na magkakaiba ang kultura at

tradisyon?

Isaisip Mo

Bawat pangkat ng tao ay may kani-kaniyang kultura, tradisyon, at paniniwala. Igalang at

pahalagahan ang mga ito upang matamo ang kapayapaan.

Isapuso Mo

Pumili ng tatlo sa mga sumusunod na pinaniniwalaan mo. Pangatwiranan ang iyong

napili. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.

1. Ang kapayapaan ay matatamo kung may paggalang ang bawat isa sa kani-kaniyang

kultura.

2. Malaking kapintasan ang hindi magpahalaga sa kultura ng ibang pangkat.

3. Ang kultura ng isang tao ay dapat pintasan kung hindi naaayon sa iyong paniniwala.

4. Ang bawat pangkat ng tao ay may karapatang sundin ang kanilang sariling kaugalian

o tradisyon kahit wala sa sariling bayan.

5. Hindi magiging matatag ang pagiging magkaibigan kung magkaiba ang kultura.

Isagawa Mo

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Magbigay ng sariling kuro-kuro tungkol sa

mga ito. Isulat ito sa iyong kuwadernong sagutan.

1. Nagbakasyon ka sa isang lalawigan na sakop ng ibang rehiyon. Hindi mo

naintindihan ang kanilang salita, pero nagsisikap sila na unawain ka.

Ano ang iyong gagawin?

2. Nanood kayo ng isang pagtatanghal na pangkultura. hindi nagustuhan ng ilang

kabataan ang palabas. Pumalakpak sila nang malakas kahit hindi kinakailangan.

Ikinainis ito ng ibang manonood.

Tama ba ang kanilang ginawa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

3. Isa kang Bisaya. Niyaya ka ng kaibigan mong dumalo sa kaarawan ng kaniyang

kapatid na mga Tagalog. Hindi mo gusto ang lasa ng kanilang pagkain. Nainip ka sa

ginagawang seremonya, na bahagi ng kanilang kultura. Ano ang iyong gagawin?

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!