16.10.2015 Views

October 16, 2015 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

4

OKTUBRE 16, 2015

Tularan natin ang tibay ng loob

at tapang ni Santa Margarita

Maria Alacoque,“Alagad ng

Kamahal-Mahalang Puso ni

Hesus”!

Babala sa mga nadudumi

kapag umiinom ng gatas

Dear Doc. Shane,

Sa tuwing umiinom

ako ng gatas o may nakain

akong isang bagay na may

halong gatas ay nadudumi

ako. Ibig sabihin nito ay

allergic ako sa gatas o ito

‘yung tinatawag nilang lactose

intolerance? Kasi

meron akong barkada na

may ganitong problema

dahil daw sa lactose tolerance.—Sherry

P.

Sagot

Ang lactose intolerence

ay isang kondisyon na

tumutukoy sa kawalan ng

KAPISTAHAN ngayon ng tinaguriang “Disipulo ng

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus” Santa Margarita

Maria Alacoque (1647-1690). Buong buhay ng monghang

pinagpakitaan ng Sacred Heart ay lipos ng intriga at

pagsubok, gayunman, pinatunayan niya ang “katotohanan”

ng mga pangitain at mensahe ng langit sa pamamagitan

ng kanyang tibay ng loob at tapang. Mismong bokasyon

niya bilang madre ay pinagdudahan ng kanyang mga superior

ngunit, hindi natinag ang kanyang pananampalataya

sa mga pagsubok at pagpapahirap dahil sa inggit ng mga

kasamahan.

Ipinanganak si Sor Margarita sa Janots, France noong

Hulyo 22, 1647. Matapos ang maagang pagpanaw ng

kanyang ama, nakatagpo siya ng aliw sa Blessed Sacrament

at lakas upang harapin ang ‘di makatwirang kalupitan

ng kanyang tiya na tinrato siya na parang isang alipin. Sa

edad na 22, sa gitna ng mahigpit na pagtutol ng kanyang

pamilya, pumasok siya bilang madre ng Sisters of the Visitation

ng Paray-le-Monial. Hindi naging madali

ang pagsanib niya sa monasteryo kung saan

naatasan siya sa impirmarya upang

mangalaga ng mga monhang matanda at

maysakit.

Dahil sanay sa buhay-mayaman, hindi

naging madali ang pananatili niya sa

kumbento. Dumaan siya ng maraming hirap

upang matuto ng tamang trabaho. Pinayagan

siyang magsuot ng abito ng madre noong

Agosto 25, 1671 ngunit, hindi agad nakapagprofess

bilang relihiyosa. Sa gitna ng mga

pagsubok, nanatili siyang tapat sa mga

iniatang na responsibilidad. Prangka siya sa

kanyang mga salita at opinyon, gayunman,

simple at mapagpakumbaba sa kanyang mga

pananaw at kilos. Sa wakas, isinagawa niya

ang kanyang perpetual profession noong

Nobyembre 6,1672.

Nagsimula ang mga kamanghamanghang

pangyayari sa buhay ni Sor

Margarita sa kapilya ng Paray-le-Monial

noong Disyembre 27, 1673. Habang nakaexpose

ang Blessed Sacrament, nagpakita

ang Panginoon sa kanya mula sa altar.

Mensahe ni HesuKristo sa pangitain at paulitulit

na bisita nito sa mongha sa loob ng labingwalong

buwan ang pamamahagi ng naguumapaw

na pag-ibig ng Banal na Puso at

paanyaya sa pagbabayad-puri sanhi ng

kasalanan ng sangkatauhan.

Hinikayat siya ng Panginoong HesuKristo

sa pag-aalay ng sakripisyo para sa mga

kaluluwa sa pamamagitan ng pagsasagawa

at pagpapalaganap ng debosyon sa Kamahal-

kakayahan ng katawan na

tunawin ang lactose, ito ay

isang uri ng asukal na natural

na makukuha sa gatas. Ang

sakit na ito ay dahil sa

kakulangan ng katawan sa

enzyme na kung tawagin ay

lactase. Hindi naman talaga

nakababahala ang kasong ito,

bagaman, maaari itong magdulot

ng hindi komportableng

pakiramdam, lalo na sa

tuwing magdudulot ito ng

pagtatae.

Ayon sa mga pag-aaral,

70 porsiyento ng populasyon

ng mundo ay nakararanas

ng lactose intolerance at

karamihan dito ay nagmula

sa mga lahing Asian,

Katutubong American (native

Indians) at Kastila. Sa

Pilipinas, dahil sa pagiging

Asiano at karamihan ay

nahaluan ng dugong Kastila,

kalahati raw ng populasyon

ay hindi kayang tumunaw ng

lactose.

Bakit nagkakaroon ng

lactose intolerance ang isang

tao?

Ang pagkakaroon ng lactose

intolerance ay nangangahulugan

din ng kakulangan

sa enzyme na lactase,

Mahalang Puso tuwing unang Biyernes ng

buwan at magtalaga ang Simbahang-Katolika

ng araw para sa kapistahan ng Sacred Heart.

Paliwanag ni Sor Margarita, inutusan siya ni

Hesus na maglaan ng isang oras tuwing

Huwebes ng gabi upang pagnilayan ang

pagapakasakit ng Panginoon sa Hardin ng

Getsemane. Rito nagsimula ang tradisyunal na

“Holy Hour” ng mga Katoliko tuwing First

Friday sa buong mundo.

Noong ding gabi ng Disyembre 27 at

kapistahan ni San Juan, kuwento ng madre

pinayagan siya ni Hesus na ipahinga ang

kanyang ulo sa dibdib ng Panginoon upang

marinig ang tibok ng Banal na Pusong

nagmamahal sa sangkatauhan kalakip

ng hiling nitong ipamahagi sa tanan ang

kabutihang nalasap at nadama.

Sa sandaling iyon, hinirang ni HesuKristo ang

mapagpakumbabang madre bilang alagad ng

Kanyang Kamahal-mahalang Puso.

Noong 1928 sa Encyclical ni Pope Pius

XI, Miserentissimus Redemptor kinumpirma

ng Simbahan ang kredibilidad ng pangitain ni

St. Margaret Mary Alacoque at tinukoy ang

mga pangako ng Sacred Heart. Maaaring

konsultahin ang librong isinulat ng santa na La

Devotion au Sacré-Coeur de Jesus upang

mabasa ang mensahe ni HesuKristo sa

sangkatauhan. Itinuturing si Santa Margarita

ng Simbahan bilang “link” ng Mariology sa

Christology. Nawa manatiling inspirasyon higit

sa lahat ang tibay ng loob at tapang ng santa

sa ating patuloy na pagtitiwala sa walang

maliw na pag-ibig ng Diyos.

ngunit, dapat tandaan na hindi

sa lahat ng pagkakataon na

kulang ang lactase ay agad

makararanas ng lactose intolerance.

Malaki ang papel

ng heredity sa pagkakaroon

ng kondisyong ito. Ang

kakulangan sa lactase ay

kadalasang dulot ng mutation

o pagbabago sa genes ng tao

habang ipinagbubuntis pa

lamang o kaya naman ay

namana ito mula sa mga

magulang na lactose intolerant.

PARA sa inyong mga katanungan, maaari pong

sumulat sa SABI NI DOC c/o Shane Ludovice

BULGAR Bldg., #538 Quezon Avenue, Quezon City, o

mag-email sa dok@bulgar.com.ph

OPINYON MO, I-TEXT MO!

Send to 2786 for SUN subscribers,

0922-9992-786 for other networks

bulgar_opinyon_message

Ano ang masasabi mo na happy

daw ang mga “boss” sa mga

nagawa ni P-Noy bilang pangulo

sa loob ng 5 taon?

MARAMING Pinoy ang umaangal dahil sa

kahirapan. Nalilito sila kung sino talaga ang tunay

na mga “boss” ni P-Noy, ‘yung mahihirap ba o

‘yung mayayaman? — 0939-2569***

MATAMIS ang ngiti ni P-Noy na para bang

pahiwatig na happy ang mga “boss” niya sa ilalim

ng 5 taon niyang pamamahala. Kung

nakapaparalisa ang pagmumura sa kapwa,

matagal nang may dalang saklay si P-Noy. —

0949-7761***

HAPPY kami dahil ilang buwan na lang ang

itutulog mo sa Malacañang. — 0930-3253***

100% happy kami dahil lalayas na ang walang

kuwentang presidente na nagdulot sa amin ng

kahirapan. Palpak na administrasyon,

kasinungalingan, kayabangan at walang pakialam

sa mahihirap. Tino-tolerate pa ang korupsiyon

sa kanyang mga ka-KKK sa gobyerno. — 0912-

2417***

THE worst five years in Philippine history.

Iyan ang tawag ko r’yan. Nakalulungkot at

nakakainis! — 0917-6445***

SIYA lang ang masaya kaya laging nakangisi!

Trilyon ba naman ang pinaghahatian! Sanay na

kami sa mga boladas ni P-Noy, iba ang sinasabi

nila sa totoong nararamdaman ng mamamayan!

— 0908-2880***

ANG tapang naman ng hiya ni P-Noy. Ano ba

ang nagawa niya sa Pilipinas? Ang alam ko, eh,

wala kundi mamasyal at ipansuhol ang pera ng

PDAF sa mga kaalyado niyang senatong at

tongresman kaya kulong ang pupuntahan niya

pagkatapos ng term niya. — 0915-1737***

TAMA si P-Noy, pero ang mayayaman lang ang

nagtatamasa. Ang paglago ng ekonomiya ay ‘di

maramdaman ng nakararaming masa. Batid ng

mga banyaga na “hindi happy” ang mga”boss”

kuno niya. — Guernica

TALAGANG happy ang mga “boss” ni P-Noy,

ang mga mayaman lalo pang nagsiyaman pati mga

ka-KKK niya happy habang ang mahihirap,

kawawa. — 0921-3754***

TALAGA lang, ha? Kapal talaga! Bakit ba

hindi pa niya tanggapin sa sarili niya na isinusuka

siya ng mga “boss” niya? Mga kapwa ko “boss”,

‘wag natin iboto ang mga kandidato ni P-Noy! —

0998-2693***

SINONG “boss”? ‘Yung mga nasa BOC, NAIA,

smuggler, drug lord? ‘Di lang happy, hapinghappy

pa! — Michael

HAPPY kami kung mapapalitan na siya! —

Lyka

HAPPY, eh, pension nga sa SSS ‘di mo maitaas

habang ‘yung mga mandarambong sa gobyerno

na kapartido mo, eh, ‘di mo magalaw. — Renz

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!