SANAYANG-AKLAT SA PANANALIKSIK
Isang sanayang aklat sa pananaliksik sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Isang sanayang aklat sa pananaliksik sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
NELGEE M. CAEL-LAMINTA,MA-Filipino
May-akda
Dominga S. Tomas,PhD
Faustina T. Dio-as,PhD
Mga Editor
PAUNANG SALITA
Ang sanayang aklat na ito ay binuo upang mapataas ang antas ng
performans ng mga mag-aaaral sa senior high school sa pagsasagawa ng
pananaliksik na kaugnay sa kanilang asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik sa ikalawang semestre/markahan.
Ito ay isinagawa batay sa naging resulta ng pag-aaral ng awtor sa
kanyang Master’s Degree sa Benguet State University na may pamagat na
Performans ng mga Mag-aaral sa Pananaliksik sa Senior High School. Lumabas
sa kanyang pag-aaral na medyo mababa ang antas ng performans ng mga
mag-aaral sa pananaliksik dahil sa kakulangan ng kagamitang panturo kung
kaya siya ay gumawa ng isang sanayang aklat.
Nilalayon ng sanayang aklat na ito na mapataas ang antas ng pag-unawa
ng mga mag-aaral sa pananaliksik at makapagsagawa ang mga mag-aaral ng
isang makabuluhang pananaliksik sa mga napapanahong isyu.
MAY-AKDA
K TO 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM
SENIOR HIGH SCHOOL-CORE SUBJECT
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsulat ng iba’t
ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at pasulat ng
sistematikong pananaliksik.
Pamantayang Pangnilalaman: Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng
pananaliksik.
Pamantayang Pagganap:Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na
napapanahon ang paksa.
Panitikang Kontemporaryo/Popular: Napapanahong
sanaysay,talumpati,panitikang popular (awitin,komiks,iba’t ibang paraan ng
komunikasyon sa:
Gramatika:Paggamit ng kasanayang komunikatibo
(linggwistik,sosyolinggwistik,diskorsal at istratedyik)
Bilang ng Sesyon: 40 sesyon bawat markahan/apat na araw sa loob ng isang
linggo
Paksa: Mga Hakbang ng Pananaliksik sa Papel Pananaliksik
NILALAMAN
Pagsulat ng Pananaliksik
Pagpili ng paksa
Pagsulat ng
tentatibong
balangkas
Pagbuo ng
tentatibong
bibliograpi
Pagbuo ng
konseptong
papel
Pangangalap ng
datos
Pagsulat ng
unang draft
Pagsasaayos ng
dokumentasyon
Pagbuo ng pinal na draft
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
Nakasusunod sa
pamantayan ng
pagsulat ng
masinop na
pananaliksik.
PAMANTAYANG
PAGGANAP
Nakapagpapamal
as ng kasanayan
sa pananaliksik
sa Filipino batay
sa kaalaman sa
oryentasyon,layu
nin, gamit,
metodo at etika
ng pananaliksik.
MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
1.Nasusuri ang ilang
halimbawang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo at etika ng
pananaliksik.
2.Nabibigyang kahulugan ang
mga konseptong kaugnay ng
pananaliksik (hal. Balangkas,
konseptwal, balangkas
teoritikal, datos emperikal,atbp.
3. Naiisa-isa ang mga paraan
at tamang proseso ng pagsulat
ng isang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin,gamit,
metodo at etika ng
pananaliksik.
4. Nagagamit ang mga
katwirang lohikal at ugnayan ng
mga ideya sa pagsulat ng isang
pananaliksik.
Final Output
Nakabubuo ng
isang maikling
pananaliksik na
napapanahon
ang paksa
5. Nakabubuo ng isang
maikling pananaliksik na
napapanahon ang paksa.
*K to 12 Core Curriculum- Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Disyembre 2013
INTRODUKSIYON
Ang bawat tao ay may kuryusidad sa lahat ng bagay na nangyayari
sa kanyang kapaligiran na dahilan kung bakit siya nagaganyak na
magsagawa ng pananaliksik. Sa pananaliksik, nasasagot ang mga
katanungang bumabagabag sa isipan, napatutunayan ang nabuong
opinyon, nasusuportahan ang mga katotohanang nasaliksik na at
napapatunayan ang mga isyung hindi sinasang-ayunan ng iba. Sa
bahaging ito, malaki ang maitutulong ng sanayang aklat.
Ang sanayang aklat na ito ay kinapapalooban ng mga paksa
tungkol sa mga hakbang ng pananaliksik. Tatalakayin sa sanayang aklat
na it ang mag sumusunod; kahulugan, etika layunin at gamit ng
pananaiksik, bahagi at habang sa pananaliksik, paraan ng pagsulat ng
tentatibong bibliograpi, konseptong papel at paraan ng pagbuo ng
konseptong papel.
Ang mga paksang nakapaloob sa sanayang aklat na ito ay
makatutulong sa pag-angat ng antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral na
makamit ang kasanayang pampagkatuto sa pagsasagawa ng papel
pananaliksik. Sa realidad ng buhay mag-aaral, ang pagbasa sa proseso
ng pananaliksik ay madali ngunit mahirap isagawa. Kaya ang layunin ng
sanayang aklat na ito ay gabayan ang bawat mag-aaral sa senior high
school sa pagsasagawa ng papel pananliksik na tutugon sa pamantayang
pangnilalaman at pagganap ng K to 12 Curiculum sa asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo.
Ang sanayang aklat ay nahati sa iba’t ibang bahagi na hinalaw
mula sa libro nina Pamela Constantino at Galileo Zafra (2018) na
pinamagatang FIlipino sa Piling Larangan (Akademik).
Mga bahagi ng sanayang aklat:
1. Abot-tanaw. Sa bahaging ito, inihahanay ang mga layunin ng mga
mag-aaral tungkol sa paksa ng aralin. Mahalagang nauunawaan ng
mga mag-aaral kung ano ang maaasahan nila sa aralin.
2. Balik-tanaw. Sa bahaging ito, binabalikan ang mga dati ng
kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa. Mahalagang
matukoy ang dati ng alam ng mga mag-aaral upang matiyak na
may nadagdag na kaalaman.
3. Lusong-kaalaman. Sa bahaging ito, hihikayatin ang mag-aaral na
pumalaot. Nagmumungkahi ito ng malikhaing mga gawain na lalo
pang gigising sa interes ng mag-aaral sa paksa ng aralin.
4. Gaod-Kaisipan. Sa bahaging ito, inilalahad ang mismong aralin,
ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng mahahalagang
kaisipan.
5. Layag-diwa. Sa bahaging ito may mga tanong na sumusubok sa
pag-unawa ng mag-aaral sa aralin.
6. Lambat-Likha. Sa bahaging ito, nakapagsasagawa ang mag-aaral
ng mga gawaing magpapatotoo ng natutuhan; nakapagtitipon ang
mag-aaral ng kanyang likhang mga sulatin at produkto na magiging
bahagi ng kanyang inaasahang portfolio.
7. Salok- Dunong. Sa bahaging ito, sasalukin ng mag-aaral ang
karunungan at kaalamang kaniyang natutuhan at patutunayan ito
sa pamamagitan nang maikling pagsusulit at mga gawaing pangisahan
o pangkatan sa loob ng klase.
8. Daong- Kamalayan. Sa bahaging ito, ang mga gawaing replektibo,
ang hahamon sa mag-aaral namag-isip kung paano mailalapat ang
mga natutuhan upang magtamo ng mga kasanayang
mapapakinabangan bilang makabuluhang mamamayan, hindi
lamang sa loob ng paaralan kundi hanggang sa paglabas sa
malawak na daigdig.
Ang pinal na magiging awtput ng mga mag-aaral sa ikalawang
semestre ay isang papel pananaliksik tungkol sa napapanahong paksa.
Inaasahang makatutulong ang sanayang aklat na ito upang
makapagsagawa ng pananaliksik ang mga mag-aaral sa senior high
school.
Talaan ng Nilalaman
Pamagat
Pahina
Dahon ng pamagat
i
Introduksiyon
ii
Talaan ng Nilalaman
iv
ARALIN 1
Ang Kaligiran ng Pananaliksik
Aralin 1.1. Ang Kahulugan ng Pananaliksik 1
Aralin 1.2. Ang mga Etika ng Pananaliksik 3
Aralin 1.3. Ang mga Layunin ng Pananaliksik 4
Aralin 1.4. Ang mga Gamit ng Pananaliksik
5
ARALIN 2
Ang Bawat Bahagi at Hakbang sa Pananaliksik 9
ARALIN 3
Ang Pagsulat ng Bibliograpi
19
ARALIN 4
Ang Konseptong Papel
Aralin 4.1. Ang Kahulugan ng Konseptong Papel 27
Aralin 4.2. Ang mga Bahagi ng Konseptong Papel 27
Talasanggunian 33
1
ANG KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
ABOT-TANAW
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga magaaral
ang mga sumusunod:
Nabibigyang kahulugan ang pananaliksik,
natutukoy ang mga etika sa pananaliksik ,
natutukoy ang mga layunin ng pananaliksik,
natutukoy ang gamit ng pananaliksik, at
natutukoy ang mga metodo sa pananaliksik.
BALIK-TANAW
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang iyong sariling pagpapakahulugan sa gawaing pananaliksik?
2. Bakit kaya nananaliksik ang isang tao? Magbigay ng tatlong
kadahilanan.
a.
b.
c.
LUSONG-KAALAMAN
PANUTO: Ibigay ang mga maaaring layunin ng mga sumusunod na
paksa.
2
a. Ang Kakulangan sa Pagtulog ay Dahilan ng Pagkain ng Utak sa
Sarili – Robby Berman
b. Ang CORDILLERA ang pinakaligtas na lugar sa bansang
Pilpinas- Ang Porsiyente ng mga Krimen ay nananatiling mababa –
Cordillera News
GAOD-KAISIPAN
........
......... A . r . a . lin .. 1. . 1 ..........
Ang kahulugan ng pananaliksik
Ang pananaliksik ay laging nagsisimula sa mga tanong na hindi
masagot kung kaya naghahanap ng mga ebedensiya o basehan upang
sagutin ang mga tanong sa isipan. Hindi lang basta sinasagot ang mga
katanunang ito bagkus ginagamitan ng mga patunay bago paniwalaan.
Ayon sa mga mananaliksik, ang pananaliksik ay pagtuklas sa
isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at paglutas sa isang suliranin
(Jocson et al, 2005). Isang maingat, mapanuri, disiplinadong pamamaraan
ayon sa kalakasan at kalagayan ng suliranin na itinutuon para sa
kaliwanagan o kalutasan ng suliranin (Good,1972 ). Isang sistematikong
pag-aaral o pagsisiyasat tungkol sa isang bagay na layuning sagutin ang
ilang katanungan ng pananaliksik at pagtatangkang makakuha ng
kalutasan sa mga suliranin. Ito’y paglilikom ng mga datos sa isang
mahigpit at kontroladong kalagayan sa layuning makapaghinuha o
makapagpaliwanag (Treece at Truce, ). Sa pinakapayak na kahulugan,
ang saliksik, pananaliksik o pagsasaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kanyang
lipunan o kapaligiran (Neuman, 1997).
3
Halimbawang bibili ka ng isang cellphone na may budget na limang
libo ( P5,000), ang mga tanong na mabubuo sa iyong isipan ay maaaring
“Anong brand ng cellphone ba ang bibilhin ko na maganda at mabilis sa
pag-access ng internet.” at “Saan ko kaya bibilhin ito?”. Para masagot ang
iyong mga katanungan, ang unang gagawin mo ay manaliksik sa internet
kung anong magandang brand na mura at mabilis ang internet, o
maaaring magtanong sa mga kaibigan o maaraning dumeretso sa mall o
sa mga tindahang nagbebenta ng mga cellphone at direktang itanong sa
mga nagtitinda. Sa mga paraang ito, malalaman mo ang maganda at
mabilis sa internet connection na cellphone na sasakto sa budget mo.
Gaya ng pang-akademikong pananaliksik, kailangang alamin ang bawat
detalye bago masagot ang mga katanungang nabuo sa isipan at
mabigyan ng mga patunay ang bawat kasagutan upang maituring na tama
o balido ang gawaing pananaliksik.
....... A . r . a . li . n . 1 . .2 .........
Ang mga etika sa pananaliksik
Ang etika ay nagmula sa katagang Griyego na nakaugat sa ethos
na nangangahulugang “nakaugaliang pamamalakad sa buhay o ugali”
ayon kay Ferriols (1997). Kung kaya dapat alam ang mga dapat o hindi
dapat isagawa sa pananaliksik. Masasabing etikal ang isang gawain kung
wala itong nilalabag na batas, walang sinasaktang tao o walang
inaangking ideya o pagmamay-ari ng iba. Halimbawang nagsasalita ang
guro sa harap, ang mga mag-aaral ay dapat na tumahimik at makinig
sapagkat ang guro ay nagsasalita kung kaya’t kailangang respetuhin. Sa
madaling sabi, ang etika ay pakikipagkapwa-tao.
Sa larangan naman ng pananaliksik, kailangan ding isaalang-alang
ang mga etika tulad ng mga sumusunod. Mahalaga ang pagbanggit at
pagkilala sa mga sumulat, pagpapahintulot nang may malayang
pagpapasya, pagkakumpidensiyal at pribado, pagtataguyod sa
kagalingan, kapakanan at karapatan ng mga kalahok ,at pakikiayon sa
mga pamantayang kultural, legal at moral.
Ang pagbanggit at pagkilala ay tumutukoy sa pagbanggit at
pagkilala sa orihinal na sumulat ng mga datos o ideyang pinagkuhanan o
ginamit sa pananaliksik. Isulat nang tama ang pangalan at taon ng
4
pagkakasabi o pagkakalathala ng pinagkuhanan ng mga konsepto o
ideya. Huwag kalimutang isulat sa sanggunian ang mga awtor ng
pinagkuhanan ng mga datos. Ang pagpapahintulot nang may malayang
pagpapasya ay paghingi ng permiso sa mga materyal, ideya o kaalamang
kinakailangan sa pananaliksik. Ang pagkakumpidesnyal at pagkapribado
ay pagigiging realistiko at sensitibo ng ilang nakuhang mga datos o ideya
mula sa mga kalahok. Ito rin ay pagtiyak sa pagtatago ng pagkakakilanlan
ng mga kalahok lalo na kung ito ay kanilang hiniling, at gamitin lamang
ang mga ideya o datos na nakalap sa mabuti. Ang pagtataguyod sa
kagalingan, kapakanan at karapatan ng mga kalahok ay pag-una sa
kalahok kaysa sa interes sa proseso ng pananaliksik at paggamit ng
resulta ng pananaliksik ng wasto upang maging kapakipakinabang.
Huwag ding husgahan ang mga kalahok sa gawaing pananaliksik.
Pasalamatan at kilalanin ang ambag nila sa isinasagawang pag-aaral.
Ang pakikiayon sa mga pamantayang kultural, legal at moral ay ang
pagkilala sa kultural,legal at moral ng mga mananaliksik sa silid-aralan,
sinupan o larangan kung saan ipinagbabawal ang paglabag sa mga
nakasulat at hindi nakasulat na kaugalian at patakarang panlipunan nang
mga pook na pinagsasaliksikan. Sa madaling sabi, ang pagiging etikal ng
pananaliksik ay pagiging makatao, makatwiran, makatrungan at marangal
ng mananaliksik. Nakasalalay sa pakikipagkapwa-tao at pantaong
pagpapahalaga ng mananaliksik ang anumang panuntunan sa etikal na
pananaliksik. (Evasco et. al, 2011). Isinasaalang-alang ding plagiarismo.
Maituturing ang plagiarismo na pag-angkin ng mga ideya ng ibang
mananaliksik, batay sa gabay ng Association Psychological Association
(APA, 2002). Ito ay tumutukoy sa pangongopya ng mga ideya o mga
kaalamang isinulat ng iba na inangkin at walang kaukulang pagkilala.
....... A .. r . al . in . 1 . .3 . . .........
Ang Layunin ng Pananaliksik
Ang mga layunin ng pananaliksik ay makatuklas ng mga bagong
ideya, konsepto at impormasyon. Makapagbigay ng bagong
interpretasyon o pagpapakahulugan sa dating ideya. Mabigyang linaw ang
isang usapin o isyung pinagtatalunan at makapagbigay ng inaakalang
solusyon sa problema. Makapagpatotoo o makapangatwiran sa tulong ng
5
mga makukuhang mga dokumento hinggil sa mga paksang
nangangailangan ng paglilinaw. Makapagbigay ng ideya o suhestiyon
batay sa historikal na perspektibo para sa isang pangyayari o senaryo.
....... A . r . a . lin .. 1. . 4 ..........
Ang mga gamit ng pananaliksik
Ang pananaliksik ay naglalarawan ng penomena. Sinasagot nito
ang mga katanungang “ano”, “saan”, “kailan”, o “sino”. Ito ay ginagamit
kung gustong maging pamilyar sa mga batayang kaalaman tungkol sa
isang paksa at makabuo ng isang pangkalahatang larawan o konteksto sa
nangyayari. Ito ay nagpapaliwanag ng sanhi o dahilan ng mga pangyayari
kung saan sinasagot nito ang mga tanong na “bakit” o “paano”.
Ginagalugad nito lahat ng posibilidad para maipaliwanag ang mga dahilan
sa nasabing penomeno at iniisa isa ang proseso na itinatampok. Ito ay
nagtatasa o nagsasagawa ng ebalwasyon upang magtasa ng mga nais
ipanukalang batas o kaya nama’y yaong mga naipanukala na. Ito ay
nagtataya ng mga pangyayari gaya ng gawain ng Social Weather Station
o Pulse Asia. Ito rin ay nagsasagawa ng sarbey upang makapagbigay ng
mga kabatirang maaaring ikonsidera ng mg tao sa kanilang pagpapasya
sa panahon ng eleksyon. Nakabatay sa palagay na malaki ang
impluwensiya ng mga datos sa pagkilos ng tao o maaraning
maimpluwensiyahan ng mga nakalap na kaalaman ang desisyon ng mga
tao.
LAMBAT-LIKHA
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod upang masubok ang mga
natutuhan.
1. Ipaliwanag ang dahilan kung bakit nananaliksik ang isang tao?
Magbigay ng tatlong batayan.
6
2. Gumawa ng isang graphic organizer na magpapakita ng mga dapat
gawin ng mananaliksik habang nagsasagawa ng pananaliksik. Gawing
batayan ang rubrik sa pagsasagawa ng graphic organizer.
Rubrik sa Pagmamarka ng Graphic Organizer
Kraytirya Napakahusay
(11-15)
Mahusay
(6-10)
Nalilinang
(0-5)
Nilalaman Malinaw, Malinaw ngunit Hindi malinaw,
kongkreto at may isang hindi kongkreto at
wasto ang mga kongkreto at wasto ang mga
nailahad na wastong mga nailahad na
konteksto. nailahad na konteksto.
konteksto.
Organisasyo Organisado ang Organisado Hindi organisado
n
mga ideya at ngunit may isang at hindi
magkaka-ugnayugnay
ang mga
hindi
magkaugnay na
magkakaugnay
ang mga ideya.
ideya.
ideya.
KABUUAN
SALOK- DUNONG
PANUTO: Mapapangkat ang klase sa lima at isagawa ang mga
sumusunod.
1. Mananaliksik ang bawat miyembro ng mga isyung ukol sa mga
nangyaring plagiarismo sa mga sulatin sa Filipino.
2. Talakayin sa pangkat ang mga aspekto kung bakit sinabing plagiarismo
ang mga nasaliksik na mga isyu.
3. Mamili ng limang partikular na isyu at pag-usapan sa pangkat ang mga
dapat sanang ginawa ng mga manunulat upang hindi sila mahatulang
nangopya sa gawa ng ibang manunulat.
7
4. Talakayin sa buong klase ang mga pinag-usapan ng bawat pangkat.
Siguraduhing lahat ng miyembro ay alam ang mga isyu at paraan
sapagkat ang mga katanungan ng tagapakinig ay sasagutin ng bawat
miyembro.
Kraytirya
Pagtalakay
sa Paksa
Kaangkupan
ng mga
Ideyang
ginamit
KABUUAN
Napakahusay
4
Ang
pagtalakay sa
paksa ay
lohikal,
malinaw at
organisado
Sapat, wasto,
kongkreto at
makabuluhan
ang mga
impormasyong
nabanggit.
Rubrik sa pag-uulat
Mahusay
3
Ang
pagkatalakay sa
paksa ay lohikal
ngunit may
tatlong ideya na
nakalilito at
hindi
organisado
Sapat at wasto
ang mga
ginamit na mga
impormasyon
maliban sa
tatlong ideyang
hindi kongkreto.
Medyo
Mahusay
2
Ang pagtalakay
sa paksa ay
lohikal ngunit
may lima o higit
na ideyang
nakalilito at
hindi
organisado.
Sapat ang mga
ginamit na
impormasyon
ngunit may
dalawang hindi
wasto at higit
sa tatlong hindi
kongkretong
mga ideya.
Nalilinang
1
Ang pagtakay
sa paksa ay
hindi lohikal,
hindi malinaw
at hindi
organisado.
Hindi sapat,
hindi wasto at
hindi kongreto
ang mga
impormasyong
ginamit.
DAONG-KAMALAYAN
PANUTO: Isahang gawain. Manaliksik ng advertisement o komersyal
sa telibisyon, game show sa telibisyon o talk show. Bumuo ng tala
ukol sa pinanood, gawing gabay ang mga sumusunod:
a. Ang katangian o istruktura ng pinanood. Ito ba ay impormatibo,
deskriptibo, persuwesib, argumentatibo o naratibo?
8
b. Ang paraan ng pagkaka-organisa ng pinanood (halimbawa: sanhi at
bunga, pagkokompara, deskripsyon, pagkakasunod-sunod ng mga
ideya, problema at solusyon, o kombinasyon ng ilan sa mga ito).
c. Ano ang impak ng pinanood mo sa iyo bilang isang mamamayan ng
bansang Pilipinas? Ito ay nakatulong sa iyo para umangat sa buhay o
hindi? Ipaliwanag ang kasagutan.
9
ARALIN 2
ANG MGA BAHAGI AT MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK
ABOT- TANAW
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga magaaral
ang mga sumusunod:
Natutukoy ang bawat bahagi ng pananaliksik
nasusundan ang paraan ng pagpili ng paksa
napagkasunod-sunod ang mga bahagi ng pananaliksik, at
naipapaliwag ang mahahalagang konsepto sa bawat bahagi ng
pananaliksik.
BALIK-TANAW
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Bakit kailangang malaman ng mananaliksik ang halagahan ng
pagsasagawa ng pananaliksik?
2. Kailan ba dapat manaliksik ang isang tao?
LUSONG-KAALAMAN
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Pumili ng pangkalahatang paksa sa mga sumusunod at maglahad ng
tiyak na suliranin: Maagang Pagbubuntis ng mga Kabataan sa 21th
Century at Pagkasira ng Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa High School
Dahil sa Paglalaro ng Mobile Legend.
Mga tiyak na layunin:
1.
2.
10
3.
4.
GAOD-KAISIPAN
........
.............. A . r . a . li . n . 2 . . . 1 ...............
Ang Bawat Bahagi at Hakbang sa Pananaliksik
Sa pagbuo ng pananaliksik ay may mga bahaging dapat sundin ng
mananaliksik upang makapagsagawa ng isang maayos at malinaw na
pananaliksik.
Ang unang isasagawa sa pananaliksik ay ang pagpili ng
paksa. Ang pagpili ng paksa ay ang pagtatanong ng sumusunod sa sarili:
1. Ano ang mga gusto kong saliksikin?
2. Bakit ko gustong saliksikin ito?
3. Paano ko ito sasaliksikin?
Ang unang katanungan ay ang gustong masagot ng isang tao na humila o
nakaakit sa kanyang interes, mga tanong sa sarili na hindi pa nasasagot
ng mga mananaliksik o wala pang nakasagot o mga nasaliksik na ngunit
hindi kontento sa mga natuklasang tanong. Ang ikalawang tanong ay
maiuugnay sa dahilan kung bakit gustong saliksikin ang paksa.
Nakahanay dito ang gap ng pag-aaral, pagpapaliwanag sa rason ng
pagpili ng paksa at ang mga benipisyo ng mga kasagutan o mga resulta.
Ang ikatlong tanong ay kinapapalooban ng mga plano at mga paraan sa
pagsasagawa ng pananaliksik. Ito ay bumabanggit sa mga metodo at
pamaraan sa pangangalap ng mga datos o mga kasagutan sa mga
tanong na nais malaman ang kasagutan. Maaring ang paksa ay
mahahanap sa pahayagan, magasin at kaugnay na mga sanggunian gaya
ng mga balita o isyung nangyayari sa ating lipunan tulad ng Pilipinas na
binansagang bayan ng kontraktuwal, mga kahahantungan ng mga batang
nagdrodroga, mga kalagayan ng mga manggagawang sumasahod ng
minimum wage at iba pa. Maaari ring makakuha ng paksa sa telebisyon o
radyo tulad sa mga programang edukasyunal, entertainment , isports,
balita o talk shows. Maari rin sa internet manggaling ang ideya at
makabuo ng paksa. Isa pa ay maaaring makakuha ng paksa sa mga tao
gaya ng mga namamahala sa gobyerno, mga propesyunal o iba’t ibang
tao sa lipunan. Ang magiging batayan sa paglilimita sa paksa ay ang
sakop ng panahon ngayon, edad, kasarian, propesyon o grupong
kinabibilangan, anyo o uri at lugar.
Ang susunod na hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik ay
ang paglalahad ng suliranin matapos makapili ng paksang nais
saliksikin. Bumuo ng pangkalahatang layunin ng pananaliksik, mula dito
ay bumuo ng espisipikong mga katanungan. Ang mga espisipikong mga
katanungan ay himayin upang makita ang iba’t ibang aspekto at
implikasyon nito bago ilahad ang pinal na mga katanungan.
Ang susunod na hakbang ay ang paglalahad ng kahalagahan
ng pag-aaral. Ipapaliwag ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral.
Nakasulat ang mga tiyak na mga katanungan na sasagutin sa pag-aaral,
ang mga ambag ng pag-aaral at ang pagpapatibay o pagpipino ng mga
nagawang pananaliksik. Kinakailangang maging malinaw ang dahilan ng
pananaliksik.
Ang susunod na hakbang kung nailahad ang kahalagahan ng
pag-aaral ay ang pag-alam sa mga mahahalagang layunin ng pagaaral
upang magkaroon ng direksyon ang isasagawang pananaliksik.
Iugnay ang pamagat ng paksa sa layunin. Iugnay ang pangkalahatang
layunin sa espisipikong layunin. Kinakailangang balangkasin ang
espisipikong layunin ang daloy ng pag-aaral.
Ang susunod na gawin ang paglalatag at pagpapakilala ng
mga kaugnay na mga pag-aaral mula sa mga aklat, inilathalang mga
tesis at mga journal at iba pang mga nakalimbag na kasulatan.
Nakapaloob ang dahilan ng pagpurpursige ng mananaliksik na tapusin
ang pananaliksik, nakapaloob rin ang mga ideya kung paano napili ang
mga metodolohiya o pamamaraan at mga gabay na teorya sa pag-aaral at
mga kaugnay na pag-aaral na naisagawa. Ang rebyu ng pag-aaral ay
mahalaga dahil ipinapakita nito sa mananaliksik at sa ibang mambabasa
ang mga naunang pag-aaral kaugnay sa napiling paksa (Leedy, 2005).
Makakatulong ang rebyu ng kaugnay na literatura upang mailugar ng
sinumang mananaliksik ang kanilang pag-aaral sa lawak o kabuuan ng
mga naunang pag-aaral at pananaliksik.
Ang susunod ay ang pagsulat ng konseptwal o teoritikal na
balangkas. Ayon sa artikulo ni Shields at Tajalli (2006), mahalagang
11
12
tagapag-ugnay ng iba’t ibang bahagi ng pananaliksik ang konseptwal o
teroritikal na balangkas. Ang mga gabay sa pagbuo ng konseptwal o
teoritikal na balangkas ay pagkilala sa mga konsepto na kung saan
kikilalanin ang mga batayang konsepto at mga sumusuportang konsepto,
pagkilala sa pagkakaugnay ng mga ideya na kung saan iipunin ang mga
magkakaugnay at magkakahanay na mga konsepto, at paglalarawan sa
pagkakabalangkas gamit ang mga dayagram, grap o talahanayan na
magsisilbing kasangkapan upang mas maintindiha ang mga konsepto.
Ang balangkas konseptwal. Ang balangkas konseptwal ay
naglalaman ng mga konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na
isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat.
Ang nasabing balangkas ay ipinakikikta sa isang presentasyon na
paradim na pananaliksik na kailangang ipaliwanag nang maayos. Ito ay
binubuo ng paghahanda (input), proseso (process) at kinalabasan
(output).Sa paghahanda, nakalahad dito ang mga pagbabatayan ng
gagamitin sa pag-aaral. Kung paano gagawin ang mga hakbang sa pagaaral
ay nasa bahagi ng proseso. Ang kinalabasan o resulta ay ang
kabuuang dapat malaman at mapatunayan ng pag-aaral.
Ang balangkas teoritikal. Ang balangkas teoritikal ay isang
mapa na tumutukoy sa magkakaugnay na konsepto, teorya at kahulugan.
Batay sa naunang pag-aaral o prinsipyo na ginamit sa pag-aaral. Ginamit
bilang legal na batayan upang ilarawang mabuti ang proseso ng isang
pag-aaral. Pinag-uugnay ng balangkas na ito ang mga paksa, layunin ng
pag-aaral, rebyu ng mga kaugnay na literatura, metodolohiya at iba pa.
Nagsisilbi itong gabay sa pangkalahatang pag-iisip kaugnay sa
pananaliksik. Ang mga gabay sa pagsasagawa ng konseptwal o teoritikal
ay; 1) pagkilala sa konsepto na dapat kilalanin ang mga batayang
konsepto at sumusuportang konsepto sa ginagawang pananaliksik at
pagbukudin ang mga konseptong ito ayon sa kahalagahan ng ginagawang
pananaliksik; 2) pagkilala sa pagkakaugnay at pag-uugnay ng mga
konsepto na dapat kilalanin ang anyo ng pagkakakugnay ng mga
konsepto; at 3) paglalarawan sa pagbabalangkas na paggamit ng mga
dayagram, grap at iba pa sa pag-uugnay, pagpapaliwanag, pag-oorganisa
at pag-aayos ng mga konsepto sapagkat mahalagang maging maliwanag
ang paglalarawan sa pagbabalangkas.
Ang kaparaanan o metodolohiya sa pananaliksik ay
sumasaklaw sa iba’t ibang lapit at pamamaraan sa pangangalap at
pagsusuri ng mga sangguniang datos. Ang dalawang uri ng datos ay
ang nakalimbag at sinasalita. Ang mga halimbawa ng nakalimbag o mga
nakasulat na mga hanguan ay mga dokumento gaya ng mga ordinasa,
kronika, liham, taalarawan, kalendaryo, larawan, mapa, libro, dyornal,
magsasin, pahayagan, tesis at iba pang nakalimbag. Ang mga hindi
nakasulat namang mga datos ay kinabibilangan ng mga artifakt, fosil, mga
labi ng tao at hayop, pasalitang panitikan, mga audio-biswal, bidyo at iba
pang napapakinggan at naoobserbahang kaganapan sa kapaligiran.
Ang pag-uuring primarya, sekondarya at tersarya ay maaaring
gamitin sa mga datos. Primarya ang mga datos kung kapanahong saksi at
may direktang kaugnayan sa pinag-aralang paksa. Ayon kay Mosura et.
al. (1999), ang mga primaryang mga datos ay direktang galing sa mga
indibidwal o awtoridad, mga grupo o organisasyon, mga kinagawiang
kaugalian at mga pampublikong kasulatan o dokumento. Ang
sekondaryang mga datos ay mga hindi kapanahong saksi sa pinagaralang
paksa gaya ng pag-uulat ng isang reporter sa naganap na sunog
ayon sa taong nakasaksi ng pangyayari (second hand information).
Samantala, ang terserang datos ay naglalagom at nagtitipon lamang ng
mga primarya at sekondaryang mga datos gaya ng bibliograpiya,
diksyunaryo, katalogo, direktorya, ensayklopedya at teksbuk. Ang tatlong
lapit na ito sa paghahanap at pangangalap ng mga datos na
kinabibilangan ng pananaliksik sa mga aklatan o institusyong lagakan ng
impormasyon, pananaliksik sa larangan at pananaliksik sa laboratoryo ay
ayon kina Evasco et. al. (2011).
Ang susunod na hakbang ay ang pagsulat ng saklaw at
delimitasyon ng pananaliksik. Ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng
paglilimita at pagpapalawak ng isang paksain. Ipapakilala ang mga
konsiderasyon sa pagpili ng paksa sapagkat ang pagpili ng paksa ay
napakahalaga sa isasagawang pananaliksik. Mapapadali para sa isang
mananaliksik na makakalap ng mga impormasyon kung naitakda ang
pokus, sakop at delimitasyon ng isang pag-aaral. Gamitin ang mga
sumusunod na gabay na tanong:
1. Anong yugto ng panahon ang sinasaklaw ng pananaliksik?
Panahon ng Milenyal ba o panahon ng mga Katutubo?
2. Saan nakatuon ang pananaliksik, anong partikular na lugar? Gaano
kalawak ang sakop nito?
13
14
3. Ano ang espisipikong mga edad, kasarian, seksuwalidad,
propesyon, etnisidad, lahi o nasyonalidad kung ang pokus ng pagaaral
ay isang indibidwal?
4. Ano ang mga kukuning nailathalang mga pananaliksik na angkop
sa isasagawang pag-aaral?
5. Ano ang mga ideyang isasali sa pananaliksik? Lahat ba ng mga
opinyon ng mga manunulat?
Ang susunod na hakbang ay ang pagkasunod-sunod sa daloy ng
pananaliksik. Ang pagbabalangkas ng mga ideyang gagamitin sa
pananaliksik ay makatutulong upang mas mapadali ang pagsasagawa ng
pag-aaral. Anuman ang pagkakaayos ng pananaliksik ay dapat may
batayan ng pagkakaayos nito at kinakailangang ipaliwanag ang dahilan ng
pagkakaayos ng mga ideya upang maintindihan ng mga mag-aaral.
Ipinapakita dito ang isang lohikal at masinop na pagkabalangkas ayon sa
pinatutunayang suliranin o usapin na may kaugnayan sa pangkalahatang
layunin ayon sa pagkakasabi nina Evasco et. al. (2011). Ito ay magiging
blueprint ng isasagawang pananaliksik nang maisagawa at matapos ng
may kabuluhang kasagutan o awtput ang isasagawang pananaliksik.
Alalahanin ang mga mahahalagang ideya na isusulat sa balangkas.
Ang pagsulat ng tentatibong balangkas ay pangunahing
hakbang sa pagsulat ng isang pananaliksik. Ito ay makakatutulong
upang magkaroon ng direksyon ang isasagawang pag-aaral. May mga
prinsipyo sa pagbuo ng balangkas; 1) ayon sa pamagat ng mga bahagi, 2)
ayon sa pagkakaiba ng pangunahin at di-pangunahing ideya at 3) ayon sa
paralelismo ng mga ideya.
Kapag nakabuo na ng tentatibong balangkas ay gawan ng
borador o draft ang gagawing pananaliksik. Hindi ito maituturing na
pinal na sulatin sapagkat may mga mangyayaring mga pagbabago
habang isinasagawa ang pananaliksik. Ang pagsulat ng borador ay
napakahalaga upang malaman ang mga datos na kulang, marebisa ang
pag-aaral kung may dapat na palitan at makapagdagdag ng mga
impormasyon.
LAYAG-DIWA
PANUTO: Sagutin ang mga hinigingi ng mga katanungan.
15
1. Ano ang mga mahahalagang punto na dapat tandaan sa pagsasagawa
ng layunin ng pananaliksik?
2. Bakit mahalaga ang rebyu ng kaugnay na literatura sa pananaliksik?
3. Saan maaaring makahanap ng mga kaugnay na pananaliksik at pagaaral?
_
_
4. Ano ang pagkakaiba ng konseptwal sa teoritikal na balangkas?
5. Balangkasin ang bawat hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik sa
pamamagitan ng pagbuo ng graphic organizer. Ipaliwanag ang bawat
hakbang sa sariling pagkakaintindi. Isulat ito sa puting papel na may sukat
na 8.5 by 11.
LAMBAT-LIKHA
PANUTO:Dalawahang Gawain. Gumawa ng pananaliksik gamit ang
mga hakbang na tinalakay sa gaod-kaisipan tungkol sa alinman
paksa sa ibaba. Sundin ang bawat hakbang ng pagsasagawa ng
pananaliksik. Isulat sa isang puting papel na may 8.5 by 11 na haba
at lawak.
Narito ang mga paksang pagpipilian:
a. Isang makasaysaysang lugar sa mismong lugal ng kapanganakan
b. Isang kilalang tao sa lugar ng kapanganakan dahil sa kontribusyon sa
lugar ninyo
16
c. Isang pangyayari o kababayan mo na hindi makalimutan sapagkat
nagbigay ng matinding pagbabago sa inyong lugar
d. Ang mga akdang pampanitikan na gawa mismo ng mga tao sa lugar
ninyo at paano nito sinasalamin ang kultura ng iyong lugar.
Rubrik sa Pagmamarka ng Pananaliksik
Kraytirya Napakahusay (11-
15)
Mahusay
(6-10)
Nilalaman Nailahad ng Nailahad ng
malinaw, tiyak at malinaw ngunit may
siksik
sa isang hindi tiyak at
impormasyon ang kulang ang
pananaliksik. impormasyon ang
pananaliksik.
Organisasyon Magkakasunodsunod
at
magkakaugnayugnay
ang mga
ideya
o
impormasyon sa
panananliksik.
Gramatika Wasto ang
pagkakagamit ng
mga salita,
kapitalisasyon ng
mga salita,wastong
pagbabantas at
sumusunod sa
alituntunin ng
gramatika.
KABUUAN
Magkakasunodsunod
ngunit hindi
magkakaugnayugnay
ang ilang
impormasyon sa
pananaliksik.
Wasto ang
pagkakagaamit ng
mga salita,
kapitalisayon ng
mga salita ngunit
may isang mali sa
pagkakabantas at
may isang hindi
sinunod na
alituntunin sa
gramatika.
Nalilinang
(0-5)
Nailahad ng may
kalabuan, may
dalawa at higit
hindi tiyak at
kulang ang
impormasyon sa
pananaliksik.
Hindi magkasunod
ang mga hakbang
at
hindi
magkakaugnay
ang mga
impormasyon sa
pananaliksik.
May ilang salitang
hindi wasto ang
pagkakagamit,
may mali sa
kapitalisasyon ng
mga salita, may
dalawa o higit na
mali
sa
pagbabantas at
may dalawa o higit
na hindi sinunod
na alituntunin ng
gramatika.
SALOK-DUNONG
PANUTO: Sumulat ng isang balangkas ng gusto mong saliksikin
tungkol sa sosyolohiya, sikolohiya, lingguwistika, antropolohiya,
17
kasayasyan, heograpiya, agham panlipunan, ekonomiks, area
studies o arkeolohiya.
Rubrik sa pagmamarka ng balangkas
Kraytirya Napakahusay
(11-15)
Mahusay
(6-10)
Nalilinang
(0-5)
Nilalaman Malinaw at Malinaw ngunit may Hindi malinaw ang
kongkreto ang mga isang detalyeng hindi mga detalyeng
detalyeng nakasulat. angkop sa ibang nakasulat.
detalye.
Organisasy
on
Gramatika
KABUUAN
Magkasunod-sunod
lahat ng mga detalye
at magkaka-ugnay.
Wastong gamit ng
mga bantas at
kapitalisasyon ng
mga salita.
DAONG-KAMALAYAN
Magkasunod-sunod
ang isa o dalawang
detalye lamang at
may isa o higit na
detalyeng hindi
magkakaugnay.
Wasto ang gamit ng
mga bantas ngunit
may isa o dalawang
mali sa kapitalisasyon
ng mga salita.
Hindi kakikitaan ng
pagkakasunod-sunod
ang mga detalye.
Hindi wastong gamit
ng mga bantas at
kapitalisasyon ng mga
salita.
PANUTO: Sagutin ang mga hinihingi ng mga sumusunod na
pahayag.
1. Hanapin ang inilathalang dyornal sa Filipino na pinamagatang
Kaasalang Sekswal at Kaalaman sa HIV/AIDS ng mga Lalabintaunin na
isinulat ni Roberto E. Javier Jr ng Pamantasang De La Salle-Maynila,
Philippines. Tukuyin ang mga sumusunod na hinihingi ng talahanayan.
Bahagi ng Saliksik Pamagat ng dyornal na
sinaliksik:
_
Introduksiyon
Paglalahad ng Suliranin
18
Rebyu ng Kaugnay na Pagaaral
Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Teoritikal o Konseptwal na
balangkas
Metodo
Saklaw at Delimitasyon
Daloy ng Pag-aaral
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsasagawa ng saliksik. Magbigay ng
tatlong batayan.
1.
2.
3.
_
_
19
ABOT-TANAW
ARALIN 3
ANG PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI NG PANANALIKSIK
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga magaaral
ang mga sumusunod:
Natutukoy ang kahalahagan ng pagsulat bibliograpiya sa
pananaliksik,
naisa-isa ang paraan a pagsasaayos ng dokumentasyon gamit ang
mga bibliograpiya, at
nakabubuo ng tentatibong bibliograpiya.
BALIK-TANAW
PANUTO: Sagutin ang mga hinihingi ng mga sumusunod na mga
katanungan.
1. Ano ang susing konteksto sa pagsasagawa ng isang pananaliksik?
2. Ano ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik?
LUSONG-KAALAMAN
PANUTO: Maghanap ng isang dyornal na nailathala. Tingnan ang
bahagi ng sanggunian. Isulat ang mga nasuri sa paraan ng
pagkakasulat ng bibliograpiya. Magsulat ng limang pagsusuri.
20
1.
2.
3.
4.
5.
GAOD-KAISIPAN_
........
....... A .. r . a . li . n . 3.1 ..........
Ang Pagsulat ng Bibliograpi
Sunod na hakbang sa pananaliksik ay pagkuha at pagsasaayos ng
mga tala o bibliograpi. Ang sumusunod na gabay sa pagkuha at
pagsasaayos ng mga tala ay tinukoy ni Ventura (1999) na paggamit ng
index kard, pagbabasa sa datos, pagtatala ng bibliograpi, pagpili ng mga
ideya o impormasyong itatala, pagtatala ng ideya o impormasyon at
pagsasalansan ng mga index kard. Ang mga uri ng tala ay sipi, buod at
parapreys.
Sa paggawa ng sipi at bibliograpi ay hahanguin sa estilong Modern
Language Association na pinakapopular na paraan ng pagsisipi,
dokumentasyon o pagkilala sa mga ginamit na sanggunian sa saliksik.
Ang akmang paggamit nito ay nagpapakita ng kredibilidad ng manunulat
na kumikilala ng kanyang mga sanggunian. Sa bibliograpi ay nauuna ang
apelyido ng may-akda bago ang pangalan at kung lumagpas man ng
isang linya ang sanggunian ay kailangang naka-indent ito. Ang mga
sumusunod ay ilan mga istilo ng pagsulat ng bibliograpiya ayon sa
Modern Language Association o MLA System:
1. Aklat na may isang awtor
Wood, Julia T. 2004. Communication Theories in Action; An Introduction.
Canada: Wadsworth/Thompson Learning Inc.
(Apelyido, buong pangalan at middle initial. Taon ng Pagkakalimbag.
Pamagat ng Aklat. Lugar ng Pinaglimbagan.Pangalan ng
Naglimbag.)(Single Space)
2. Aklat na may dalawa o tatlong may-akda
Bryant, Margarett at Janet Aiken. 1940. The Origin of Grammar
21
in Psychology of English. New York. Ungar Publishing Co. Inc.
(Isulat ang unang may-akda, pangalan ng unang may-akda at pangalan
ng ikalawang may-akda. Taon ng pagkakalimbag. Pamagat ng Aklat.
Lugar ng Pinaglimbagan. Pangalan ng Naglimbag.)(Single Space)
2. Awtor na may initial lamang
Matute, J.L. Bata Batuta. 2010. Ang Kasaysayan ng Tula at Tugmang
Pambata. Manila: Pilandokan Publishing Inc.
(Isulat ang pangalan kung paano ito nakasulat sa pamagat ng aklat. Taon
ng Pagkakalimbag. Pamagat ng Aklat. Lugar ng Pinaglimbagan. Pangalan
ng Naglimbag.)(Single Space)
3. Awtor na anonimo (s)
Bato-bato sa Langit. 2010. Manila. Pilandokan Publishing, Inc.
(Isulat ang pamagat ng aklat. Taon ng Pagkakalimbag. Lugar ng
Pinaglimbagan. Pangalan ng Naglimbag.)(Single Space)
4. Awtor na gumamit ng ibang pangalan
Rio Alma {Virgilio S. Almario}. 2000. Supot ni Hudas. Manila: UST
Publishing House.
(Isulat ang tunay na pangalan ng awtor at kuwadradong bracket. {}. Taon
ng Pagkakalimbag. Pamagat ng Aklat. Lugar ng Pinaglimbagan.
Pangalan ng Naglimbag.)(Single Space)
5. Awtor na klasikal
Rizal, Jose P. Salin at Intro. Ma. Soledad Lacson-Locsin. 1996. Noli Me
Tangere. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
(Isulat ang pangalan ng nagsalin at nagbigay ng introduksiyon
pagkatapos ng pangalan ng orihinal na may-akda. Taon ng
Pagkakalimbag. Pamagat ng Aklat. Lugar ng Pinaglimbagan. Pangalan ng
Naglimbag.)(Single Space)
6. Aklat na may maraming may-akda
Palazo, Maribel Z., Winston N. Ros, Elvira G. Dines, Rosemarie
R. Mendoza, Perla C. Urbano. 2012. Pagbasa at Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik. Culiat Quezon City. IPM Publishing.
22
(Tanging ang unang awtor lamang ang nauuna ang apelyido bago ang
pangalan at panatilihin ang pagkakasulat ng pangalan at apelyido ng iba
pang mga awtor. Taon ng Pagkakalimbag. Pamagat ng Aklat. Lugar ng
Naglimbag. Pangalan ng Naglimbag.) (Single Space)
7. Disertasyon
Para sa nailimbag na disertasyon:
Santiago, Lilia Quindoza. 1997. Sa Ngalan ng Ina: Sandaang Taon ng
Tulang Feminista sa Pilipinas 1889-1989. Diss. U ng
Pilipinas,1990. Quezon City: University of the Philippines Press.
(Apelyedo ng awtor, Pangalan ng awtor. Taon ng Pagkakalimbag.
Pamagat ng Aklat. Lagyan ng “Diss.” o pinaikling disertasyon matapos
ang pamagat ng akda. Isulat ang “U” o unibersidad kung tinapos ang
disertasyon. Lugar ng Pinaglimbagan. Pangalan ng Naglimbag.)(Single
Space)
Para sa hindi-limbag na disertasyon:
Santiago, Lilia Quindoza.1990. “Sa Ngalan ng Ina: Sandaang Taon ng
Tulang Feminista sa Pilipinas 1889-1989”. Diss. U ng Pilipinas.
(Lagyan ng panipi ang pamagat bago isulat ang unibersidad kung saan
ginawa o tinapos ang disertasyon.)(Single Space)
8. Papel na hindi-limbag
Ortiz, Will P. 2007. “Kung Bakit Nakalilipad ang Ibong Adarna: Sensura
at Subersiyon ng Oral na Panitikan.” Papel na Di-limbag.
( Apelyedo ng awtor, Pangalan ng awtor. Pamagat ng Papel.Lagyan ng
panipi ang pamagat ng papel at isulat na ito’y “Papel na Di-
Limbag”.)(Single Space)
9. Dyornal o Artikulo sa Magasin
Elamparo, Katrina. “ Ang Epekto ng Haiku sa Kamalayang
Pangkapaligiran ng mga Batang Hapones.” Talinghaga: Journal
ng Poetika at Politika 13 (2008): 14-28.
(Apelyido at pangalan ng may-akda. Pamagat ng artikulo na nakapanipi.
Pamagat ng dyornal na nakapalihis.Bilang. Ilagay ang taon ng
pagkakalathalata sa bracket, lagyan ng tutuldok bago isulat ang pahina o
mga pahina. Hindi kailangang isulat ang isyu kung ang pahina ay hindi
23
nagsisimula sa unang pahina, karugtong lamang ito ng sinundang isyu at
kung gayon, hindi na kailangan pang isulat ang isyu.)(Single Space)
10. Artikulo na walang awtor
“Pagkilala sa mga Makata ng Bayan.” Pilipino Star Ngayon 30 Set.
2009:8+.
(Isulat ang pamagat ng artikulo sa halip na awtor at lagyan ng panipi.
Pamagat ng pahayagan na nakapalihis. Araw at buwan ng pagkakalathala
at ang taon: Numero ng pahina.)(Single Space)
11. Email o password na electronic communication
Rudd, David (rdavid@gmail.com). “Review of Children’s Literature.”
Email kay Will P. Ortiz (will_ortiz@yahoo.com). 23 December 2008.
(Pangalan ng sender. Subject ng mensahe na nakapanipi. Medium at
kung kanino ipinadala ang mensahe (email address). Petsa kung kailan
ipinadala.)(Single Space)
12. Panayam
Cabusao, Gaya. Personal na Panayam. 25 Enero 2009.
(Isulat ang pangalan ng kinapanayam at ang “Personal na Panayam” at
ang petsa kung kailan naganap ang panayam.)(Single Space)
13. Lecture
Tatel, Mary Jane Rodriguez. “Ang Bayani Vs. Heroe sa mga Akda ni
Rene Villanueva.” Rene Villanueva Seryeng Panayam. Pulungang
Recto, Bulwagang Rizal, 6 Peb. 2009.
(Isulat ang pangalan ng tagapagsalita. Pamagat ng lecture. Tukuyin kung
ito ay simpleng talumpati, lecture, opening remarks, at iba pa. Lugar ng
Pinangyarihan ng Talumpati. Petsa ng Kaganapan.)(Single Space)
14. Pamphet
De Lara, Robert P. 1999. Mga Batang Manggagawa. Manila. SFI
Publications.
(Apelyedo ng awtor, Pangalan ng awtor. Taon ng Pagkakalathala.Lugar
ng Pinaglimbagan. Pangalan ng Naglimbag.) (Single Space)
24
LAMBAT-LIKHA
PANUTO: Maghanap ng isang pananaliksik na nailathala. Isulat sa
ibaba ang sangguniang ginamit at isulat ang paraan ng pakakabuo
nito.
A. Balangkasin ang Saliksik na Nahanap
B. Tingnan ang bibliograpi at suriin ang paraan ng pakakabuo ng mga ito.
Sundan ang talahanayan. Isulat sa puting papel na may sukat na 8.5 by
11.
Sanggunian
Paraan ng pagkakabuo
SALOK-DUNONG
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Gaano kahalaga ang pagsulat ng sanggunian? Magbigay ng dalawang
batayan.
2. Paano kung walang gaanong sangguniang magagamit sa pananaliksik
dahil ang iyong paksa ay napapanahon at hindi ka makakita ng mga aklat
na may kaugnayan sa iyong paksa, masasabi pa bang makabuluhan ang
gagawing saliksik? Ipaliwanag ang kasagutan. Magbigay ng batayan.
DAONG-KAMALAYAN
PANUTO: Magpunta sa silid-aklatan, maghanap ng mga libro.
Basahin ang mga ito. Magsulat ng isang paksang nais saliksikin.
Hanapan ng mga literatura. Isulat lahat ng pinagkuhanan ng datos o
ideya sa pamamagitan ng pagbuo ng sanggunian.
25
Rubrik sa Pagbuo ng Sanggunian
Kraytirya Napakahusay (11- Mahusay (6-10) Nalilinang (0-5)
15)
Nilalaman Nailahad lahat ang May isang May tatlo o higit na
mga mahahalagang mahalagang parte parte
ng
parte
ng ng sanggunian ang sanggunian ang
sanggunian. nakaligtaan. nakaligtaan.
Pagbabantas Lahat ng bantas ay May isang bantas May dalawa o higit
akma
sa ang hindi akma sa pang bantas ang
sangguniang sangguniang hindi akma sa
ginawa.
ginawa.
sangguniang
gianawa
Paraan ng Wasto lahat ng May isang hindi May dalawa o higit
pagkakabuo ng isinulat na paraan wasto sa isinulat na na hindi wasto sa
sanggunian ng pagkakabuo ng paraan ng isinulat na
sanggunian. pagkakabuo ng sanggunia.
sanggunian.
Kabuuan
26
ARALIN 4
ANG KONSEPTONG PAPEL
ABOT-TANAW
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga magaaral
ang mga sumusunod:
Nabibigyang kahulugan ang konseptong papel, at
nakagagawa ng konseptong papel.
BALIK-TANAW
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang mga dahilan ng pagsulat ng bibliograpi ng pananaliksik?
2. Makakasuhan ba ang isang tao kung hindi niya isusulat ang mga
sanggunian o pinagkuhanang mga libro o resources?
LUSONG-KAALAMAN
PANUTO: Panoorin ang episode ng Tulfo na pinamagatang ANAK,
HINIMATAY SA SOBRANG PANGGAGALAITI na makikita sa
http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube. Sagutin ang mga
sumusunod:
1. Ano ang pinag-uusapan o paksa ng talk show?
2. Sino ang mga kasangkot sa talk show?
3. Ano ang dahilan kung bakit pinag-uusapan ang isyu?
27
4. Ano ang layunin bakit pinag-uusapan ang isyu?
5. Ano ang naging resulta ng pinag-usapang isyu?
GAOD-KAISIPAN
.........
.......... Ar . a . lin .. 4 . .1 . . ...........
Ang Kaligiran ng Konseptong Papel
Sa pagbuo ng pananaliksik, ang susunod na hakbang kung nakapili
na ng paksa ay ang pagsasagawa ng konseptong papel na magsisilbing
proposal o ang gagawing paghahanda sa pananaliksik. Ito ay isang
kabuuan ng mga ideyang nabuo mula sa isang gawaing balangkas o
framework ng paksang bubuuin. Ang framework ay pinaka-istruktura at
pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa nais patunayan, linawin at
tukuyin.
........
.......... A .. ra . li . n . 4 . .2 .............
Ang mga bahagi ng konseptong papel
Ang mga bahagi ng konseptong papel ay rasyunal, layunin,
metodolohiya at inaasahang bunga/resulta.
Ang rasyunal ay pinagmulan ng ideya o kadahilanan kung bakit
napili ang isang paksa. Nakapaloob ang kabuluhan at kahalagahan ng
naturang paksa o pag-aaral ay inilalahad sa punto.
Halimbawa:
Paksa: Information Technology: Daan sa Makabagong Panahon
Rasyunal:
Bago sumapit ang Information Technology ay katakut-takot
na pasakit at paghihirap ang dinanas upang makatanggap o
makapagdala ng mensahe. Ilang araw o buwan ang kailangang
lumipas bago matanggap ang liham. Kuntento na rin sa isang
28
beses sa isang buwang makapag-usap dahil mahal ang overseas
long distance call. Samakatuwid, mabagal ang paraan ng
komunikasyon. Sa paglipas ng panahon, tila ang Mindanao ay
naging Quiapo at ang Hongkong ay naging Divisoria. Kaunting piltik
lamang sa kompyuter ay konektado ka na sa kabilang bahagi ng
mundo. May pagkakataon pa ngang nakakausap at nakikita ang
isa’t isa sa screen ng kompyuter. Ang lahat ng ito ay dahil sa
teknolohiya. (–ni Julie Ebal: Wika, Kultura at Lipunan sa
Panahon ng mga Impormasyon)
Ang ikalawang bahagi ng konseptong papel ay layunin.
Nakapaloob ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng
napiling paksa. Maari itong pangkalahatan o tiyak. Sa pangkalahatang
layunin ay ipinapahayag ang kabuuang layon, nais gawin , mangyayari o
matatamo sa pananaliksik. Sa tiyak naman na layunin ay ipinapahayag
ang ispesipikong pakay ng pananaliksik sa paksa.
Halimbawa:
Pangkalahatang layunin: Malaman ang mga benepisyo ng
teknolohiya sa buhay ng mga tao sa kasalukuyan.
Tiyak na layunin:
1. Natutukoy ang mga positibong dulot ng teknolohiya sa pangaraw-araw
na buhay ng mga mga tao.
2. Nailalahad ang pagbabago ng estado ng pamumuhay ng mga
tao dahil sa teknolohiya.
Ang ikatlong bahagi ng konseptong papel ay ang metodolohiya.
Nakalahad ang metodo at pamamaraan na ginamit sa pagkuha ng mga
datos at pagsusuri ng mga datos sa piniling paksa. Ang mga gagamitin sa
pagkuha ng mga datos ay sarbey, talatanungan, case study,
obserbasyon, pakikipanayam at iba pa. Magagamit ang pamaraang
emperikal, komparatibo, interpretasyon o pagpapakahulugan depende sa
panggagamitang larangan.
Ang panghuling bahagi ay ang inaasahang bunga. Nakalahad sa
bahaging ito ang mga inaasahang resulta sa isasagawang pananaliksik.
Narito ang isang halimbawa ng konseptong papel:
Paksa: Ang mabisang paraan ng pag-iimpok ng pera sa mga magaaral.
29
Rasyunal:
Ang pera ay isang bagay na pangkalahatang tinatanggap bilang
isang daluyan sa pagpapalitan ayon sa Merrian Dictionary. Ito ay
isang sukatan ng halaga ng isang paraan ng pagbabayad. Sa
panahon ngayon, alam naman natin lahat na importante ang pera
sa pang-araw-araw nating buhay. Sa darating na panahon, ang
magiging trabaho ay kasasangkutan ng pera. Ang mga kabataan
ang susi sa kaunlaran ng ating bansa kaya dapat habang lamang
sila ay matuto sa pag-iipon ng pera. Ito ay upang malaman kung
ilan ba sa mga kabataan ngayon ang may tiyaga o kakayahang
makapag-ipon , kung sa anong paraan nila isinasagawa ang pagiipon
at bakit ito ang kanilang napiling paraan o sistema. Ayon sa
artikulo ni Melchor V. Cayabyab, na pinamagatang PAG-IIMPOK:
Ang Puhunan sa Kasaganaan, gaano man kalaki ang kita natin sa
ngayon ay mauuwi din ito sa wala kung hindi tayo magiging
masinop. Ang pag-iimpok ay isang salitang katulad din ng pagiipon.
Sinasabi din sa artikulong ito na ang pag-iipon ay para sa
tatlong bagay; para sa proteksyon ng kabuhayan, para sa
kinabukasan at para sa pagtanda. Ang pag-iipon o pag-iimpok ay
may maaaring isagawa sa iba’t ibang paraan, tulad ng,
pagpapatago ng pera sa kaibigan, pagpapatago ng pera sa
magulang, paggamit ng alkansya, pagpapatago sa bangko na
walang ATM o pagpapatago sa bangkong mayroong ATM. Ang
Automated Teller Machine o mas kilalang ATM ay ginagamit upang
mas mapadali ang proseso ng pagkuha ng pera kahit malayo sa
bangko.
Layunin:
Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral ay upang malaman
ang pinakamabisang paraaan ng pag-iipon para sa mga
estudyante.
Ang mga tiyak na layunin ay:
1. Malaman kung nag-iipon ang mga mag-aaral
2. Malaman kung anong sistema nila isinasagawa ang kanilang
pag-iipon
Metodolohiya:
30
Ang paraan ng pananaliksik ay palarawan. Magsasagawa ng
sarbey para malaman kung sino ang mga nag-iipon ng pera at
interbyu para malaman ang paraang ginagamit nila sa pag-iipon.
Inaasahang Bunga: Sa katapusan ng aming pananaliksik ay
inaasahang makukuha ang mga kasagutan ng mga estudyante at
malalaman ang pinakamabisang paraan ng pag-iimpok ng pera.
LAMBAT-LIKHA
PANUTO: Dalawahang gawain, gagawa ng isang konseptong papel
ayon sa paksang may kaugnayan sa makabagong TEKNOLOHIYA.
Gawing batayan ang rubrik sa pagsasagawa ng konseptong papel.
Paksa:
Rasyunal:
Pangkalahatang
_
_
Layunin:
Tiyak na mga layunin:
Metodolohiya:
Inaasahang
Bunga:
31
Rubrik sa pagmamarka
Kraytirya Napakahusay
(11-15)
Mahusay
(6-10)
Nilalaman Nailahad ng Nailahad ng kompleto
kompleto, malinaw at ngunit may isang
tiyak ang mga hindi malinaw at isang
bahagi
ng hindi tiyak na bahagi
konseptong papel. ng konseptong papel.
Organisayon Magkakaugnay lahat May isang bahagi ng
ng mga ideya sa konseptong papel ang
konseptong papel. hindi magkaugnay sa
iba.
Gramatika
KABUUAN
Wastong
kapitalisasyon ng
mga salita, wastong
paggamit ng mga
bantas at sumunod
sa rules of grammar
May isa o dalawang
mali sa kapitalisasyon
nga mga salita, may
isang pagkakamali sa
pagbabantas at may
isang hindi sinunod
sa rules of grammar
Nalilinang
(0-5)
Hindi kompleto,
malabo at tiyak
ang mga bahagi
ng konseptong
papel.
May tatlong
bahagi ng
konseptong
papel ang hindi
makakaugnayugnay.
May tatlo o higit
na mali sa
kapitalisasyon
nga mga salita,
may higit sa
isang
pagkakamali sa
pagbabantas at
may higit sa
isang hindi
sinunod sa rules
of grammar
_
_
SALOK- DUNONG
PANUTO: Dalawahang gawain. Maghanap ng isang konseptong
papel sa internet o sa mga libro na nangyari mula 2015-2019.
Basahin at suriin ito. Ibuod ang nasuri sa paraang talata.
DAONG-KAMALAYAN
PANUTO: Magsulat ng isang talata na magbubuod sa iyong mga
natutuhan sa pagsasagawa ng konseptong papel. Isulat sa puting
papel na may sukat na 8.5 by 11.
32
33
TALASANGGUNIAN
AHA (American Historical Association). 19897. Statement on standards of
professional conduct. Binagong edisyon, 2005.
http://www.historians.org/PUBS?Free?ProfessionalStandards.cfm
nahuha noong Oktubre 18, 2019.
BARBA, MA. S. A. 2007. Ang paggamit ng public service
advertisement sa telibisyon bilang pakedying sa mga proyekto at
programa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Tesis Di
gradwado sa Araling Panlipunan, Kolehiyo ng Arte at Literatura,
University of the Philippines.
BELVEZ, P. 1990. Gamiting Filipino: Pagbasa sa Komposisyon,
Manila: Rex Book Store.
BISHOP, W. 1999. Ethnographic writing research. Partsmouth, NH:
Boynton/ Cook Publishers, Inc.
CONSTANTINO, P. C at G. S. ZAFRA.2018. Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Manila: Rex Book Store.
CRUZ, I. R. 2003. Bukod na bukod: Mga piling sanaysay. Quezon City:
University of the Philippines Press.
DE CASTRO, L. D. 1995. Ano ang etika? Nasa Etika at pilosopiya sa
kontekstong Pilipino, 11-24. Quezon City: University of the
Philippines Press.
DE PERALTA, P. at A. RACELIS. 1974. Mga uri ng pahiwatig. Nasa
Sikolinggwistikang Pilipino, pat. Virgilio G. Enriquez, 1-12. Quezon
City: University of the Philippines.
EVASCO, E. Y., at W. P. ORTIZ. 2008. Palihan: Hikayat sa panitikan at
malikhaing pagsulat. Quezon City: C & E Publishing, Inc.
34
EVASCO, E. Y., A. M. NAVARRO and W P. ORTIZ. 2011. Saliksik. Gabay
sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan at
Sining.Quezon City:C & E Publishing, Inc.
JOCSON, M. O. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina., Makati
City: Grandwater Publication, Inc. 2004.
JOCSON, M. O., C. V. ALCARAZ at P. V. VILLAFUERTE. 2005. Pagbasa
at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Quezon City:
Lorimar Publishing Co., Inc.
MCNEILL, P. at S. CHAMPMAN. 2005. Research methods. 3 rd ed.
London: Routledge, Taylor & Francis Group.
MLA (Modern Language Association). 1991. Statement of professional
ethics. Binagong edisyon, 2004.
http://www.mla.org/repview/_profethics. Nakuha noong Oktubre 18,
2019.
NUNCIO, R. V. 2006. Ang sanghiyang sa mundo ng Internet: Tungo
sa pagteteorya sa diskurso at penomenon ng Internet sa
kontekstong Filipino. Diss. U. Asian Center, University of the
Philippines.
SALAZAR, Z. A. 1996. Ukol sa wika at kulturang Pilipino. Nasa mga piling
diskurso sa wika at lipunan, mga pat. Pamela Constantino at
Monico Atienza, 53-60. Quezon City: University of the Philippine
Press.
SEVILLA, C. G., J. A. OCHAVEN, T. G. PUNSALAN, B. P. REGALA and
G. G. URIARTE. 1984. An Introduction to Research Methods.
Manila: Rex Book Store, 1984.
USP (University of Chicago Press). 2007. Kate L. Turabian; A manual for
writers of research papers, theses and disertations.
http://www.press.uchicago.edu/books/turabian/index.html. Nahalaw
noong Oktubre 18, 201
35
TALAMBUHAY
Si Nelgee Maton Cael, taong isang libo’t isang daan siyamnapu’t
tatlo, dalawampu’t siyam ng Marso ay ipinanganak sa isang naitagong
paraisong tinawag na Kanluran Lias, Barlig Mountain Province. Siya ay
pang-apat na supling nina Nelson Dawin Cael Sr. at Geraldine Bayon
Maton. Ang kanyang mga kapatid ay sina Ichamun, Acawan,
Mangulinchao at Arayat.
Siya ay nag-aral ng elementarya sa Lias Elementary School at
nagtapos bilang isang salutatorian. Ipinagpatuloy niya sa Barlig National
High School- Lias Annex ang pag-aaral ng sekondarya at nagtapos bilang
1st honorable mention at nakatanggap ng Vice-President Noli De Castro
Leadership Award. Sa kolehiyo, siya ay kumuha ng kursong Hotel and
Restaurant Management sa unang semestre ng taong panuruan 2009-
2010 pagkatapos ay kumuha ng kursong Bachelor of Education Majoring
in English sa ikalawang semestre ngunit ng siya ay nasa ikatlong taon ng
kursong ito ay lumipat siya ng paaralan mula MPSPC patungo XiJEN
College of Mountain Province, Inc. kung saan siya ay nagpalit ng major na
Filipino at tinapos ang kursong ito. Sa kanyang pag-aaral sa XiJEN
College ay nakasali siya sa dean's list. Siya ay pumasa ng Licensure
Examination for Professional Teachers ng parehong taon ng kanyang
pagtatapos sa kolehiyo at agad nakapasok ng trabaho sa Kagawaran ng
Edukasyon ngunit nagdesisyong lumisan sa kagawaran upang makapag-
aral ng Master of Arts-Filipino. Sa karagdagan, siya ay nag-aral ng Beauty
Care sa Baguio Technical-Vocational School Skills Training Center, Inc.
Accredited by TESDA at nakapasa sa pagsusulit kung kaya may titulong
NC11-Beauty Care.
Siya ay nag-asawa taong dalawang libo’t labing anim, ikalima ng
Agosto sa isang matipuno at makisig na lalaking nagngangalang Ford
Wangdali Laminta.
Siya ay nakapagtapos ng Master of Arts – Filipino sa Benguet State
University taong Disyembre 2019.
Sa kasalukuyang taon, siya ay nag-aaral sa Grant MacEwan
University sa Edmonton, Alberta, Canada upang tapusin ang isa pang
kurso.
36