27651564-Creative-Writing
You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
710
Jihan H. Estrella
BFA Creative Writing
Ihanzki malakasis mangarapski. 21. Nangangarap magsulat
habangbuhay. Nagnanais magpasaya ng tao. Laging may
sakit (lalo na kung galing sa biyahe). Mas gustong magbarko
kaysa mag-eroplano (ngunit pagbaba sa barko,
may lagnat na). Mahilig sa kiamoy, toyong may kalamansi,
bagoong, hilaw na mangga, cheesecake, tsokolate, at
kay Bob Ong. Mahilig manghalik ng mga aso. Mahilig
kumain!!! Adik sa komedi at sa pag-ibig. “May kabagalan
sa pag-iisip,” sabi ng Philo teacher ko (Final Orals, 2nd Sem,
March, SY 2004-2005, Consultation room 5, De la Costa
Building, 11:15am). Ninanasang sana nakatira na lang siya
malapit sa tubig, maging dagat man ito, ilog o talon – basta
malamig ang tubig, malinaw, at walang ahas o palaka.
Gustong natutunaw ang hersheys chocolate sa mga daliri
para madila-dilaan ito na parang bata. Mahal ang pagiging
Pilipino. Umaasang aangat din ang Pilipinas. Malaki ang
pasasalamat sa kanyang mga magulang.Nagnanais na
maging mabuting tao.