You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
M A X I M I Z E E F F I C I E N T C A R E T O W A R D S K I D N E Y S A F E T Y
"Hindi ako natuTUA sa Kidney Disease! Kaya
Kalusugan ay ating Ingatan nang
Unos sa Buhay ay Maiwasan."
KIDNEY
URETER
URINARY
BLADDER
URETHRA
SPHINCTER
THE URINARY SYSTEM
AND ITS PARTS
URINARY SYSTEM
Ang sistemang pang-ihi o sistemang urinaryo ay isang
organong pang-sistema na lumilikha, nag-iimbak, at
nagtatapon ng ihi.
Ito ay isang sistemang nag-aalis ng mga sustansiya sa dugo
sa anyo ng ihi upang mapangasiwaan ang iba’t ibang
prosesong metaboliko.
Binubuo ito ng limang pangunahing bahagi—dalawang
bato (kidney), dalawang ureter, urinary bladder, urethra at
dalawang sphincter
IBA'T IBANG BAHAGI NG URINARY SYSTEM
Kidney
Sinasala ng mga kidney ang dugo at inaalis ang mga
metabolikong dumi na ilalabas naman sa katawan.
Ureter
Mga tubong nagdadala ng ihi mula sa mga kidney
patungong urinary bladder na ang mga ureter.
Iniimbak ng urinary bladder ang ihi at itinutulak ito sa
urethra para mailabas sa katawan.
Urinary Bladder
Mga bilugang kalamnan na pumipigil sa pagtagas ng ihi
ang mga sphincter.
Sphincter
Isang tubo na nagtutulak sa ihi mula sa urinary bladder
patungo sa labas ng katawan ang urethra.
Urethra
PAANO MAIIWASAN ANG
TALAMAK NA PAGHINA NG
BATO?
Anim na mabisang paraan upang mapanatili ang kalusugan ng
mga kidney:
Sapat na Tubig 1.
- Uminom ng sapat na tubig upang mapanatili ang
magandang pagbuhos ng ihi.
Healthy Diet 2.
- Pagpapanatili ng isang Healthy Diet sa
pamamagitan ng pagkain ng maraming gulay at
prutas. Tiyakin na ang diyeta ay naglalaman ng
lahat ng mga bitamina at mineral na kinakailangan
ng iyong katawan.
Ehersisyo 3.
- Mag-ehersisyo kahit 30 minuto, tatlong beses kada
linggo katulad ng paglalakad, pagbibiskleta,
swimming at aerobics.
PAANO MAIIWASAN ANG TALAMAK NA
PAGHINA NG BATO?
Regular na Check-up
4.
- Ito ay dapat isinasagawa, lalo na kung higit 40
taong gulang na. Kasama sa pagpapatingin sa
doktor ang pagsasagawa ng urinalysis o
eksaminayon ng ihi at blood creatinine level.
Iwasan ang Pagtaba
5.
- Mangyayari lang ito sa pamamagitan ng wastong
pagkain at regular na ehersisyo. Makakatulong
itong maiwasan ang sakit sa puso, diabetes at sakit
sa kidney.
6. Pag-iwas sa Pagkain na labis sa Asin at Asukal
- Magbawas sa pagkain na labis sa asin, mamantika
at matatamis, pati na ng baboy at karne. Ito’y
makatutulong sa pag-iwas sa altapresyon at bato sa
kidney (kidney stones).
MGA SAKIT NG URINARY SYSTEM
Bakterya sa urinary tract ang sanhi ng mga UTI. Cystitis ang
tawag sa impeksiyong nasa urinary bladder. Tinatawag
namang pyelonephritis ang impeksiyon sa isa o dalawang
kidney. Makatutulong sa paglabas ng bakterya ang paginom
ng maraming tubig.
Urinary Tract Infection (UTI)
Kidney stones ang tawag sa mga bato o calculi sa urinary
system. Nabubuo ang mga bato sa kidney at maaaring
makita sa anumang bahagi ng urinary system. Magkakaiba
ang laki ng mga ito.
Kidney Stones
Humahantong sa di paggana ng mga kidney o kidney
failure ang kondisyon kapag hindi na kayang pangasiwaan
ng mga kidney ang tubig at mga kemikal sa katawan o
alisin ang mga dumi sa dugo. Acute Renal Failure (ARF) ang
tawag sa biglaang di-paggana ng mga kidney. Ang chronic
renal failure (CRF) o unti unting di paggana ng mga kidney
ay maaaring humantong sa permanenteng di paggana nito
o ang tinatawag na end-stage renal disease (ESRD).
Renal (Kidney) Failure
Ang pangkalahatang tawag sa mga tumor sa mga kidney,
bladder at mga tubo na nag-uugnay sa mga ito. Kalimitang
dumarating ang ganitong mga nakamamatay na sakit
makalipas ang edad na 65.
Urinary Tract Cancer
Sa neurogenic bladder, hindi mabisang gumagana ang
mga nerbyo na dapat maghatid ng mga mensahe mula sa
utak patungo sa urinary bladder. Maaring humantong sa
iba’t ibang problema ang neurogenic bladder.
Neurogenic Bladder
ANG MGA BATO
Isang araw, napansin nilang umiiyak si Gallbladder.
Walang may gustong magtanong kung bakit ngunit sa
sobrang inis ni Atay, pasigaw nya itong tinanong, “Ang
ingay ingay mo! Bakit ka ba iyak ng iyak?!”
Sumagot naman si Gallbladder habang umiiyak, “Ttatanggalin
na daw nila ako huhuhu.”
“Bakit naman?” tanong ni Kanang Bato.
“D-dahil sa mga g-ginawa kong bato (gallstones).”
saka nagpatuloy sa pag-iyak si Gallbladder.
“Ha?! Parang hindi naman yata patas na tanggalin
ka?” naibulalas ni Kaliwa at Kanang bato, kamakailan
lamang kasi ay may mga bato (kidney stones) silang
nagawa. Sa isip nila, baka ipatanggal din sila kapag
nalaman ito ng iba.
Dumating ang araw na tinanggal na si Gallbladder
at napagtanto na may mga nagagawang malalaking
kidney stones sina Bato. Salungat sa kanilang
kinatatakutan, kailangan lamang nilang sumailalim sa
extracorporeal shock wave lithotripsy o ESWL para
madurog ang mga bato. Hindi man komportable na
mapasama ang mga durog na bato sa ihi, masaya na
lamang ang dalawa nahindi nila kailangang maalis.
ANG MGA BATO
kaalaman
Karagdagang
Ang extracorporeal shock wave lithotripsy o ESWL ay isang paraan
upang matanggal ang mga malalaking kidney stone. Gumagamit ito ng sound
waves para madurog ang mga kidney stone dahil sa malalakas na vibrations.
Makakaranas ng katamtamang sakit habang ito ay isinasagawa kaya’t
kailangang mabigyan ng mahinang anestesya ang inooperahan. Dahil sa pagdaan
ng mga durog na bato sa urinary tract, maaaring may kasamang dugo kapag
umihi o magkaroon ng pagdurugo sa palibot o kalapit na organs ng kidney.
HUWAG KA SA
MASYADONG MAALAT
“Anak! Baba na, kakain na!” sigaw ng mama ko mula sa
baba.
“Opo, ma! Saglit lang po!” mabilisan kong sinagutan ang
mga huling tanong sa takdang aralin na binigay ng guro ko
bago bumaba.
“Wow naman! Adobo, paborito ko!” naibulalas ko nang
makita ang ulam sa lamesa. Saktong tapos na maghain ang
nakababata kong kapatid na si Ali at nakaupo na silang lahat
kaya nagsimula na rin kaming kumain nang makaupo na
ako.
Tinikman ko kaagad ang ulam kahit hindi pa nakakakuha
ng kanin, “Hmm.. mama naman, walang lasa yung ulam!”
reklamo ko kay mama na s'ya namang dahilan kung bakit
bigla n'ya akong sinamaan ng tingin.
“Ha?! Tamang tama nga lang ang timpla nyan! Bakit 'di ka
na lang magpasalamat at may pagkain pa kong nahahain sa
harap mo?!” bulyaw ni mama sa'kin.
“Eh.. ma, parang medyo kulang nga sa alat ‘yang adobo
mo.” sabi naman ni Ali kaya napatango tango ako bilang
pagsang-ayon sa kanya.
“Itong mga batang ‘to… Nako, ang hihilig n'yo kasi sa
maaalat kaya parang walang lasa sa inyo ‘yang adobo. Dapat
HUWAG KA SA MASYADONG MAALAT
nga ay umiwas iwas kayo sa mga maaalat na pagkain at
baka kayo ay magkasakit pa sa bato dahil riyan.” sermon ng
papa namin.
“Pa naman, bibihira na nga lang kaming kumain ng
maalat, lagi din naman naming sinisigurong uminom ng
maraming tubig pagkatapos.” sagot ko kay papa.
“Anak, hindi sapat ang tubig lang, dapat lagi kayong
kumain ng mga masusustansyang pagkain, mag-ehersisyo,
at huwag kayong magsisigarilyo o uminom ng maraming
alak.” 'di na lang namin pinahaba ang usapan matapos ang
mga paalala ni papa at sumagot na lang ng, “Opo, pa.” saka
nagpatuloy kumain.
Ilang buwan ang lumipas matapos ang usapang iyon,
isinapuso at isip na namin ang mga paalala ng mga
magulang namin. Lagi kaming kumakain ng masustansyang
pagkain lalo na 'yung mga maganda sa bato. Madalas na
may kasamang repolyo, sibuyas, o bell pepper ang mga
putaheng kinakain namin. Kapag nakakaluwag luwag sa
pera ay nakakakain kami ng mga strawberry, raspberry, o
blueberry.
Minsan din ay nagpiprito kami ng isda o itlog sa olive oil.
Dahil na rin siguro sa sumali kami ni Ali sa mga sports club sa
aming paaralan kaya di namin nalilimutang mag-ehersisyo.
At siyempre, kahit kailan ay hindi naman binalak na
sumubok magsigarilyo o uminom ng alak.
HUWAG KA SA MASYADONG MAALAT
Pumasok ang aming guro sa aming silid aralan. Binati
namin s'ya at maayos na umupo. Matapos ang ilang segundo
ng katahimikan, inanunsyo n'ya sa amin na sumakabilang
buhay na ang tatay ng isa naming kaklase at kung maaari
daw na sabay-sabay kaming makiramay pagkatapos ng
klase.
Habang nakikiramay, hindi ko maiwasang marinig ang
usapan ng mga naroroon.
“... kidney failure daw ang ikinamatay. Nabanggit ni Aling
Suping na mahilig kasi ang anak n'yang iyon sa maaalat
kaya nagkasakit sa bato.”
“Oo nga, lagi mo rin makikita ang lalaking iyon na
nagsisigarilyo at nakikipag-inuman sa kanto.”
“Kaya dapat talaga alagaan ang kalusugan at umiwas sa
mga maaalat na pagkain. Papaalalahanan ko nga ang asawa
ko mamaya, sasabihin ko na din na huwag n'yang
kalimutang mag-ehersisyo araw-araw…”
Umalis din kami bago magdilim. Napaisip na lang ako,
kung hindi siguro ako nakinig sa mga magulang ko, baka
ako rin ang pinaglalamayan ngayon. Buti na lang talaga
nakikinig ako sa mga magulang ko.
A DaVita Dietitian’s Top 15 Healthy Foods for People with Kidney
Disease. (2019). Davita.com. https://www.davita.com/dietnutrition/articles/advice/top-15-healthy-foods-for-people-with-kidneydisease
Bibliograpiya
Anonymous. (n.d.). Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Retrieved from
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/ang-urinary-system.pdf
Contributors to Wikimedia projects. (2007, October 28). Sistemang
pang-ihi. Retrieved from Wikipedia.org website:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sistemang_pang-ihi
Gallstones: Treatment, Definition, Risk Factors & Symptoms. (n.d.).
Cleveland Clinic. Retrieved from
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/7313-gallstones
Keeping your kidneys healthy. (2018, April 26). Nhs.uk.
https://www.nhs.uk/live-well/healthy-body/keeping-your-kidneyshealthy/
Mayo Clinic. (2020, May 5). Kidney stones - Diagnosis and treatment
- Mayo Clinic.Mayoclinic.org; https://www.mayoclinic.org/diseasesconditions/kidney-stones/diagnosis-treatment/drc-20355759
Salt and the Kidneys - Action on Salt. (n.d.). Www.actiononsalt.org.uk.
http://www.actiononsalt.org.uk/salthealth/salt-and-thekidneys/#:~:text=A%20high%20salt%20diet%20will
SmartPatient. (2016). Talamak na Paghina ng Bato. Retrieved from
https://www21.ha.org.hk/smartpatient/EM/MediaLibraries/EM/EMMedia/
Chronic-Renal-Failure-Tagalog.pdf?ext=.pdf
"Hindi ako natuTUA sa Kidney Disease! Kaya
Kalusugan ay ating Ingatan nang
Unos sa Buhay ay Maiwasan."
A collaborative work from the minds of NSTP_102
Group 2 where they dedicate their time and effort to
assist the community to become well-informed
individuals.
This book raises awareness regarding the significance
of taking a better care of your kidney. Not only it is
informative, it is also interactive! Games and stories
are laid out for you to enjoy while learning more.