You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
ANG MGA BATO
kaalaman
Karagdagang
Ang extracorporeal shock wave lithotripsy o ESWL ay isang paraan
upang matanggal ang mga malalaking kidney stone. Gumagamit ito ng sound
waves para madurog ang mga kidney stone dahil sa malalakas na vibrations.
Makakaranas ng katamtamang sakit habang ito ay isinasagawa kaya’t
kailangang mabigyan ng mahinang anestisya o pampamanhid ang inooperahan.
Dahil sa pagdaan ng mga durog na bato sa urinary tract, maaaring may
kasamang dugo kapag umihi o magkaroon ng pagdurugo sa palibot o kalapit na
organs ng kidney.