03.06.2021 Views

Project-Renal-Ophilia

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

HUWAG KA SA MASYADONG MAALAT

nga ay umiwas iwas kayo sa mga maaalat na pagkain at

baka kayo ay magkasakit pa sa bato dahil riyan.” sermon ng

papa namin.

“Pa naman, bibihira na nga lang kaming kumain ng

maalat, lagi din naman naming sinisigurong uminom ng

maraming tubig pagkatapos.” sagot ko kay papa.

“Anak, hindi sapat ang tubig lang, dapat lagi kayong

kumain ng mga masusustansyang pagkain, mag-ehersisyo,

at huwag kayong magsisigarilyo o uminom ng maraming

alak.” 'di na lang namin pinahaba ang usapan matapos ang

mga paalala ni papa at sumagot na lang ng, “Opo, pa.” saka

nagpatuloy kumain.

Ilang buwan ang lumipas matapos ang usapang iyon,

isinapuso at isip na namin ang mga paalala ng mga

magulang namin. Lagi kaming kumakain ng masustansyang

pagkain lalo na 'yung mga maganda sa bato. Madalas na

may kasamang repolyo, sibuyas, o bell pepper ang mga

putaheng kinakain namin. Kapag nakakaluwag luwag sa

pera ay nakakakain kami ng mga strawberry, raspberry, o

blueberry.

Minsan din ay nagpiprito kami ng isda o itlog sa olive oil.

Dahil na rin siguro sa sumali kami ni Ali sa mga sports club sa

aming paaralan kaya di namin nalilimutang mag-ehersisyo.

At siyempre, kahit kailan ay hindi naman binalak na

sumubok magsigarilyo o uminom ng alak.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!