31.12.2014 Views

Ortograpiyang-Pambansa

Ortograpiyang-Pambansa

Ortograpiyang-Pambansa

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

ORTOGRAPIYANG PAMBANSA

36

Walâng paliwanag sa nabanggit na kataliwasan. Marahil, dahil nagiging lubhang

malamyos ang pagsasalita kapag sinundan pa ng rin o raw ang isang salita na nagtatapos sa

pantig na may R. Ngunit kahit sa tula ay hindi ito ipinagbabawal. Sa halip, sinisikap pa ng

makata ang paglikha ng ganitong aliterasyon.

8.2 “D” Kahit Kasunod ng Patinig. Dapat ding banggitin na may salitang gaya ng dulás

at dalî na malimit na binibigkas at isinusulat nang may D kahit may sinusundang A, gaya sa

madulás o mádulás [bagaman may pook na “Marulas” (madulas) at “Marilao” (madilaw) sa

Bulacan] at sa madalî, mádalìan, madalián. May kaso rin ng magkahawig na salita na may

nagkakaibang kahulugan dahil sa D o R, gaya sa mga pang-uring madamdámin (tigib sa

damdamin) at maramdámin (madalîng masaktan ang damdamin). Sa ganitong pangyayari,

magandang isaalang-alang ang pinalaganap na paraan ng paggamit sa daw/raw at din/rin.

Subalit tandaan: Hindi ito dapat ituring na tuntunin sa pagsulat. Ang ibig sabihin

pa, hindi dapat ituring na pagkakamali ang paggamit ng din at daw kahit sumusunod sa

salitang nagtatapos sa patinig at malapatinig.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!