28.04.2015 Views

2010-11 - Axiomadvisors.net

2010-11 - Axiomadvisors.net

2010-11 - Axiomadvisors.net

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Pagpasok sa Paaralan at Enrolment

Ang regular na pagpasok ay isang mahalagang bahagi ng proseso ng

pag-aaral at ito ay kritikal para magtagumpay sa akademya. Ang mga

batas tungkol sa pagpasok, pagiging huli, at paglalakwatsa ay maliwanag

na nakasaad, at ito ay patuloy na ipinapatupad, at ang mga konsikwensya

ay pinangangasiwaan na walang kinikilingan.

Pinapayuhan ang mga magulang ukol sa kanilang mga responsibilidad,

kasama na dito ang wastong pagbibigay-alam kung kailan at bakit hindi

pumasok ang isang estudyante. Ang pagpasok ng estudyante ay laging

sinusubaybayan at ang pagtawag sa telepono ng mga magulang ay

ginagawa araw-araw. Magpapadala kami ng mga sulat kung nagiging

problema na ang hindi pagpasok ng mag-aaral. Ang mga estudyante

na may maraming record ng pagiging-huli, paglalakwatsa o ng hindi

pinayagang pagliliban ay ipinapaalam sa Student Attendance Review

Board (SARB).

Pinapakita ng tsart na ito ang takbo ng enrolment ayon sa antas ng grado

para sa huling tatlong taon pang-paaralan o school year.

Mga Dropout & Reyt ng mga Nagtapos

Wala pang mga datos para sa nakaraang tatlong taon.

Laki ng mga Klase

Takbo ng Talaan (Rehistrasyon) Ayon sa

Baitang

Dahil sa kakaibang uri ng paaralang ito, walang datos ang maaaring ibigay

para sa laki ng mga klase.

Pagsali ng Magulang

Malaking benepisyo ang natatanggap ng Cabello Student Support

Center galing sa mga matutulungin na mga magulang na nakikibahagi sa

edukasyon ng kanilang mga anak. Kasalukuyang bumubuo ang Cabello

Student Support Center ng isang Parent Teacher Club, na magbibigay

ng mga oportunidad pangedukasyon para sa mga magulang at siyang

magiging responsable para sa pagplaplano at pagpapaunlad ng mga

pagpapadami ng pondo o fundraiser ng paaralan.

Pamumuno ng Paaralan

2008-09 2009-10 2010-11

Kinder 25 29 44

Una 2 2 1

Ikalawa 2 2

Ikatlo 3 1

Ika-apat 4 1

Ikalima 1 3

Ika-anim 2 2

Ikapito 2

Ikawalo 9 1

Ikasiyam 1 1

Ika-Sampu 1

Ikalabing-isa 2 1

Ikalabindalawa 6 7

Ang pamumuno sa Cabello Student Support Center ay isang responsibilidad

na pinaghahatian ng administrasyon ng distrito, ng punong-guro, ng mga

guro, ng mga mag-aaral, at ng mga magulang. Binibigyan ng diin ng

distrito ang balansyado at mahigpit na core curriculum para sa lahat ng

baitang o grade level. Ang mga programa sa pagtururo ay naaayon sa

mga pamantayan ng estado at ng distrito. Sa loob ng dalawang taon, ang

tungkulin ng pagiging pinuno ay ginampanan ni Dr. Tasha L. Dean.

Nakikilahok ang mga empleyado, mga guro at mga magulang sa iba’t

ibang komite na gumagawa ng mga desisyon tungkol sa mga dapat unahin

at direksyon ng plano ng edukasyon upang masigurado na ang mga

programa ng pagtuturo ay alinsunod sa mga pangangailangan ng mga

estudyante at sumusunod sa mga layunin ng distrito. Ang mga samahan

na namumuno ay ang mga sumusunod:

• Instructional Leadership Team (ILT)

• Parent Advisory Committee

• Parent Support Goup

Mga Kawaning Tagapayo at Tagatulong

Layunin ng Cabello Student Support Center na tulungan ang mga

estudyante na umunlad ang kanilang pakikipagkapwa-tao at personalidad

pati na rin ang kanilang karunungan. Binibigyan ng espesyal na atensyon

ng paaralan ang mga estudyante na nakakaranas ng problema sa pagaaral,

nahihirapan dahil sa mga problemang personal at pampamilya,

nahihirapan sa paggawa ng desisyon, at ang mga nahihirapan dahil sa

pagpipilit ng mga kaibigan o peer pressure. Nakalista sa talaang ito ang

mga empleyado o support service personnel ng Cabello Student Support

Center at New Haven Community School.

Mga Pinagkunan ng Datos

Ang mga datos na nasa SARC ay nanggaling sa New Haven Unified

School District, na nakuha galing sa templeyt ng 2010-11 SARC, na

mahahanap sa Dataquest (http://data1.cde.ca.gov/dataquest), at/o sa

website ng Ed-Data.

Ang Dataquest ay isang search engine, na pinapanatili ng Departmento

ng Edukasyon ng California o California Department of Education

(CDE), kung saan maaaring mahanap ng publiko ang mga impormasyon

tungkol sa mga eskwelahan at mga distrito sa buong estado. Kabilang

sa mga datos na mahahanap dito ng mga magulang, at ng komunidad

ay mga impormasyon tungkol sa performans ng paaralan, mga marka

sa mga pagsubok o test, demograpiko ng mga estudyante o student

demographics, mga empleyado at pagkuha ng empleyad o staffing, at

mga paglabag na ginawa ng mga estudyante/kaukulang aksyon o student

misconduct/intervention. Ang Ed-Data naman ay isang samahan ng CDE,

EdSource, at ng Fiscal Crisis and Management Assistance Team (FCMAT)

na nagbibigay ng ekstensibong impormasyon tungkol sa pinansiyal,

demograpiko at performans ng mga pampublikong paaralan pandistrito

at paaralan simula kindergarten hanggang ikalabing-dalawang baiting o

grade twelve ng California.

Physical Fitness

Kawaning Tagapayo at Tagatulong

Bilang ng

mga Kawani

Katumbas

na Buong

Oras

Nars 1 1.0

Psychologist 1 0.33

Sosyal Worker 1 1.0

Terapist para sa

Pananalita at Wika

1 0.8

Tuwing Pagsibol o Spring, inuutusan ng estado ang Cabello Student

Support Center na magsagawa ng physical fitness test para sa lahat ng

estudyante sa ika-limang baitang o grade five, ika-pitong baitang o grade

seven, at ika-siyam na baitang o grade nine. Ang physical fitness test ay

isang pagsubok na ginagawa ng lahat ng paaralan upang masubaybayan

ang pag-unlad ng mataas na kalidad ng programang pangkalusugan at

tulungan ang mga mag-aaral na mapanatili ang pisikal na gawain bilang

bahagi ng kanilang pang-araw araw na buhay. Ang mga resulta ng

performans ng mga estudyante ay ikinukumpara sa ibang estudyante sa

buong estado na kumuha ng parehas na pagsubok. Dahil sa kaunting

bilang ng estudyante na binigyan ng pagsubok, hindi maaaring

ipakita ang mga marka.

Cabello Student Support Center 2

Nailathala noong: Marso 2012

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!