22.11.2016 Views

November 22, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

NOBYEMBRE 22, 2016 3

Editoryal

Trunk lines : 749-5664 to 65

No. 1 NEWSPAPER

IN THE PHILIPPINES

(Source: The NIELSEN Company)

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Editorial : 749-0091 • 712-2874

Advertising: 732-8603 • 749-1491 •

749-6094 to 95 • 743-8702

Credit & Collection: 742-5434

Circulation: 712-2883 • 749-1493

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang mga personal na opinyon at/o kuru-kuro

ng mga manunulat na nailalathala sa

pahayagang ito ay hindi nangangahulugang

opinyon din ito ng publikasyon.

Editoryal

Mga kapalmuks sa ERC, layas!

M

ATAPOS ang balitang nagpakamatay ang ERC

Director for Planning and Information Service ay

ang paglitaw naman ng tatlong suicide note nito

na naglalaman ng mga katiwalian sa ahensiya.

Naroon din ang umano’y pagpilit sa biktima na lagdaan ang

isang kontrata mula sa bids and awards committee.

Kaya agad iniutos ni Pangulong Duterte na imbestigahan ang

insidente at tahasang sinabi ng pangulo na ‘binaboy’ ng mga

opisyal ang ERC.

At ngayon nga ay pinagbibitiw na rin umano ang mga opisiyal

ng ahensiya.

Kunsabagay, hindi mo masisisi ang pangulo na bitiwan ang

ganu’n ngayon pang mukhang naglalabasan na ang baho ng mga

tiwali.

Bukod pa rito, pinapipili na rin ang Kamara — pigilan ang pondo

ng ERC o buwagin na at bumuo ng panibago?

Bagamat, wala pa mang pinapangalanan ang pangulo, siniguro

nitong sasampahan ng kaso ang opisyal na umano’y sangkot sa

katiwalian sa nasabing ahensiya.

Para sa atin, dapat lang na makasuhan ang mga kapalmuks na

ito na ginagamit pa ang kanilang mga posisyon at ang ahensiya

para sa kanilang mga pansariling interes.

At kung may natitira pang hiya at konsensiya ang mga opisyal

na ito, siguro dapat na nilang sundin ang pangulo na magbitiw

na sa posisyon.

Konting hiya naman d’yan, mga sir!

MARAMI nang naibuking at naibulgar

itong si Kerwin Espinosa, ang anak ng

pinatay na mayor ng Albuera, Leyte na si

Rolando Espinosa, Sr. na sinasabing bigtime

drug lord sa Eastern Visayas, ngayong hawak

na siya ng PNP.

Mukhang na-secure na ang listahan ng

mga opisyal ng gobyerno at kung sinu-sinong

malalaking personalidad ang involved

sa drugs, kaya marami na ang nangangamba

para sa buhay nitong si Kerwin.

Marami ang nagsasabi na ‘di raw malayong

matulad siya sa kanyang tatay na matapos

kumanta sa kung anong nalalaman niya

sa operasyon ng iligal na droga ay tiyak na

matetegi (read: tigok, patay).

Kaya dapat ay doble raw ang gawing pagbabantay

diyan ni PNP Chief Director General

Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na sumumpa na

hindi matetegi itong si Kerwin, under his

watch.

Naku, sana nga lang, ‘Bato’, pero alam

naman ng marami na may mga kabaro ka na

buking@bulgar

ulgar.com.ph

Kahit nasa poder na ng

PNP, sey ni De Lima;

Kerwin, mapapatay din

daw, OMG!

gustong lumigpit kay Kerwin para hindi na

lumaki o humaba pa ang listahan ng mga taong

sangkot sa iligal na droga.

Nagpahayag na rin ng pangamba si Senadora

Leila de Lima na hindi dapat magpakakampante

itong si Kerwin dahil kahit na naibulgar

na niya ang lahat, hindi ito kasiguruhan

na hindi na siya mapapatay.

The more nga raw siyang mag-ingat.

Pero naloka si ‘Bato’ sa statement nitong si

De Lima, bakit nga naman alam niyang matetegi

itong si Kerwin? Alam na alam niya kung

anong mangyayari? Hmmm...

By the way, si De Lima ay nasa drug list

daw na ibinulgar ng tatay ni Kerwin.

At hindi kaya isa siya sa puwedeng maging

natural suspect tulad ng lahat nang maisasabit

sa drug list, sakaling mapatay nga si Kerwin?

Oy, I am just asking. Maghintay na lang

tayo sa mga susunod na kabanata.

Pero ang wish lang natin ay talagang humaba

pa ang buhay nitong si Kerwin na malaking

papel ang gagampanan para mahubaran ng

maskara ang mga pulitiko at mga opisyal ng

pulis at militar na sabit sa iligal na droga at

nang sa ganu’n ay lalong tumibay ang kampanya

ni Manong Digong kontra sa illegal

drugs.

KUNG totoong “preemptive war” ang

ipinatupad ng Amerika sa Iraq noong Marso

2003, lalabas na kauna-unahang “preemptive

war” ito sa 227 taong kasaysayan ng Amerika.

Pinakaunang giyera rin sana ang Iraq War

sa paglabag sa Saligang-Batas ng U.S., kung

gayon.

Ang Konstitusyon ng U.S. ay nananalig,

hindi sa “preemptive war” kundi sa “just war”

na nagtatanggol sa buhay at ari-arian.

Sinasabing “preemptive war” ang naganap

sa Iraq dahil batay lang daw ito sa dudang may

mapamuksang armas doon na gagamitin laban

sa Amerika.

Wala raw ipinagtatanggol ang “preemptive

war.” Batay lang daw ito sa kutob at layuning

burahin ang posibilidad ng pagsalakay ng kaaway.

Bukod pa, ang digmaan sa Iraq ay walang

“clear and present danger” na salik ng makatarungang

digmaan.

Sa “just war,” hinihintay munang umatake

ang kalaban bago sumubo sa digmaan ang

Amerika. Bago masangkot sa World War II,

nagka-Pearl Harbor muna.

Kusang hindi raw binigyang-babala ang

mga nangamatay sa paparating na Japanese

bombers.

Kung hindi napinsala ang Pearl Harbor, wala

ang Amerika sa World War II.

Ang pinakaunang giyerang pinasok ng

Amerika sa labas ng kanyang teritoryo ay ang

1898 Spanish-American War.

Paanong nasangkot ang U.S.? Pinalubog

kuno ng Kastila ang barko ng Amerika, ang

USS Maine, na nakadaong sa Havana Harbor,

Cuba. Tinatayang 266 Kanong maglalayag ang

namatay sa insidente.

Nagtaingang-kawali ang lahat sa paliwanag

ng kapitan ng barko na sumabog ang imbakan

ng panggatong na uling kaya lumubog ang

USS Maine.

Tahasang inanunsiyo ni Pres. William Mc-

Kinley na minina ang barko sa atake ng Kastila

laban sa Amerika.

Naghiyawan ang taumbayan at kongreso

ng “Remember the Maine! To hell with Spain!”

Mabilis pa sa alas-kuwatrong lumabas ang deklarasyon

ng giyera.

Pinalayas ng Amerika ang Kastila sa Cuba

at Guam. Nauwi ang digmaan sa malupit na

pananakop sa Pilipinas na ikinamatay ng kalahating

milyong Pinoy sa loob ng unang tatlong

taon.

‘Uncle Sam,’ bago raw

manggiyera ng ibang

bansa, sinasaktan

muna ang sarili

Marami ang nag-imbestiga sa paglubog ng

USS Maine kabilang ang Del Peral at De Salas

(1898), Sampson Board (1898), Vreeman Board

(1911), National Geographic (1998). Ang pasya:

Imposible ang sinabi ni Pres. McKinley.

Ang pahiwatig: Sinadya ng Amerika ang

paglubog ng USS Maine para masimulan ang

pandaigdigang pananakop nang hindi lumalabag

sa U.S.Constitution.

Sa maikling salita, kailangan munang saktan

ng U.S. ang sarili, totoo man o hindi – bago siya

makapanakit ng iba.

Kapani-paniwala. Kung pag-aaralan, ang

estilong bulok sa USS Maine ay paulit-ulit na

ginamit ng Amerika para bigyang-katwiran ang

“just war” ng pananakop.

Ang pagkakasangkot ng Amerika sa

Vietnam War ay nagsimula noong Agosto 1964

sa “Tonkin Incident” kung saan dalawang ulit

daw tinorpedo ng North Vietnam ang USS Maddox

sa look ng Tonkin.

“Kung gagamitin ang nag-uumapaw na ulat,

lalabas na walang pag-atakeng naganap,” sabi

ni Robert J. Hanyok, historian ng U.S.

National Security Agency (NSA), noong

2005. Pero 1.9 milyon ang namatay sa Vietnam,

Laos at Cambodia kasunod ng “Tonkin Incident.”

Bago lusubin ang Iraq, sinisi muna siya sa

pagbagsak ng World Trade Center noong 2001.

Pero pinabulaanan ito ng 9-11 Commission.

Ang pahiwatig? Sa pagsabog ng World

Trade Center, sinaktan muna ng Amerika ang

sarili bago siya nanakit sa Iraq at Gitnang Silangan.

“Just War” nga ang ipinatupad sa Iraq.

May katanungan ka ba, reklamo o

nais ihingi ng tulong? Sumulat sa

LET'S GO NA! ni TG Guingona,

BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue,

Quezon City o mag-email sa

letsgona@bulgar.com.ph

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!