22.11.2016 Views

November 22, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

NOBYEMBRE 22, 2016 5

PAGBUO SA MUSLIM REGISTRY, WALA

SA PLANO NI TRUMP

NEW YORK — AYON kay White House Chief of Staff

Reince Priebus, wala sa plano ni incoming U.S. President

Donald Trump ang pagbuo ng Muslim registry kapag naupo

na ito bilang pangulo.

Dagdag pa ni Priebus, hindi naman umano isinasantabi ng

administrasyong Trump ang usapin sa immigration ngunit, hindi

talaga balak ng business tycoon na bumuo ng Muslim registry.

Ang nais lamang umano ni Trump ay pansamantalang

suspendihin ang mga immigrant na magmumula sa mga bansang

laganap ang terorismo habang hindi pa nasasala ang mahigpit

na sistema sa pagpasok ng mga immigrant.

Matatandaang, sa kasagsagan ng kampanya noon ni Trump,

sinabi niya na hindi na muling makakapasok pa ang mga Muslim

sa Estados Unidos kaya maraming tao, world leader at kapwa

sa Republican party ang tumuligsa sa kanya.

MAGNITUDE 6.4 YUMANIG

SA ARGENTINA

SANTIAGO, Chile — SUMENTRO ang Magnitude 6.4

na lindol sa San Juan, Argentina na malapit sa kapital ng

Chile.

Wala pa namang naitalang malaking pinsala sa dalawang bansa

na tinamaan ng naganap na pagyanig.

Nasa Pacific Ring of Fire ang Chile na siya ring

pinakamalaking exporter ng copper sa buong mundo.

OBAMA, HINDI NABABAHALA KAHIT

MATATAGALAN PA BAGO MAGKAROON

NG DEMOCRATIC PRESIDENT

LIMA — HINDI nababahala si outgoing U.S. President Barack

Obama kahit na ilang taon pa ang hihintayin nila bago magkaroon

muli ng Democratic leader ang U.S.

Nilinaw ni Obama na malakas pa rin ang kanyang partido

na Democratic kung ibabase sa popular votes noong

nakaraang U.S. Presidential Elections. Natalo lang umano

ang standard bearer nila na si Hillary Clinton sa Electoral

College votes.

Nagbigay naman ng payo si Obama sa Democratic party

na sa susunod na eleksiyon ay mas organisado at dapat

tiyakin na magiging malinaw ang nais ipabatid ng partido sa

mga tao.

TABLET NG 10 COMMANDMENTS,

NAIBENTA NG $850K

NAIBENTA sa halagang $850,000 ang tablet na pinagsulatan

umano ng 10 Commandments.

Nahukay ang nasabing tablet sa isang railroad station sa

Israel at ngayon ay itinuturing itong “National Treasure”.

Ito rin umano ang intact tablet version ng Sampung Utos ng

Diyos.

Ayon sa tagapagsalita ng Heritage Auctions na si David

Michaels, pinayuhan nila ang nakabili ng auction na dapat i-

display ang nasabing tablet.

Gustong malaman kung

may bisa pa rin ang huling

habilin ng lolo kahit na

may binura at nabago sa

isang bahagi nito

Dear Chief Acosta,

Ang aking lolo ay kasalukuyang may malubhang

karamdaman at bilang isa sa kanyang mga

apo na patuloy na kumakalinga sa kanya, nais

niya akong pamanahan. Gumawa siya ng sulat

na kanya namang nilagdaan at nilagyan ng

petsa kaugnay sa mga detalye ng mga ari-ariang

nais niyang ipamana sa akin. Sapagkat

madalian ang mga pangyayari, nagkamali siya

ng pagtukoy sa nasabing ari-arian. Dahil dito,

binura na lamang niya ang kanyang

pagkakamali at kanyang isiningit ang tamang

detalye ng nasabing ari-arian. Nais ko lamang

malaman kung mayroon bang bisa ang kanyang

sulat upang ako ay makakuha ng mana kung

sakaling hindi na siya gumaling sa kanyang

karamdaman? — Minnie

Dear Minnie,

Para sa inyong kaalaman, mayroong dalawang

uri ng will o huling habilin. Ito ay ang notarial will

at ang holographic will. Sa inyong sitwasyon, ang

huling habilin na ginawa ng inyong lolo ay isang

holographic will. Ang ganitong uri ng will ay sulatkamay

lamang at hindi kailangang ipanotaryo upang

magkaroon ng bisa.

Kaugnay nito, mayroong mga isinasaad ang batas

PANGALANG LNMB

NAIS DAW IPATANG-

GAL NI SEN. GOR-

DON PORKE NAILI-

BING NA RITO SI

MARCOS?! — Iminungkahi

raw ni Sen. Dick

Gordon na tanggalin na

ang pangalang Libingan ng

mga Bayani (LNMB) at

ibalik na raw ito sa dating

pangalang Republic Memorial

Cemetery.

Hindi naman daw yata

tama ang mungkahi ni Sen.

Gordon dahil parang pinalalabas

daw niyang hindi na

dapat tawaging LNMB ang

sementeryong ito porke

nailibing na rito si ex-

Pres. Ferdinand Marcos,

Sr., hu-hu-hu!

MGA ‘BATA’ NI

NOYNOY SA ERC,

KAPIT-TUKO NA RAW

SA PUWESTO, MGA

KAPALMUKS PA

RAW! — Ang garapalang

korupsiyon daw sa Energy

Regulatory Commission

(ERC) ang dahilan

kaya nagpakamatay ang

director ng ERC na si

Francisco Villa, Jr.

Sa galit ni Pres.

Duterte, inatasan nito ang

lahat ng komisyuner ng

ERC na mag-resign sa

puwesto, pero imbes

tumalima, sinabi ng mga

ERC commissioner na

hindi raw sila magbibitiw

sa puwesto.

‘Yan ang mga appointee

ni ex-Pres. Noynoy

Aquino sa ERC, bukod

daw sa mga kapit-tuko na

sa puwesto ay mga

kapalmuks pa, mga pwe!

GAYANG-GAYA

RAW NI SEC. TUGA-

DE SI EX-SEC. ABAYA

— Sa mga ahensiya ng

gobyerno, ang tanggapan

ni Department of Transportation

(DOTR) Sec.

Art Tugade ang kinabubuwisitan

daw ng

na kinakailangang sundin upang ang isang holographic

will ay magkaroon ng bisa. Ayon sa

Artikulo 810 ng Civil Code of the Philippines:

Article 810. A person may execute a holographic

will which must be entirely written,

dated, and signed by the hand of the testator himself.

It is subject to no other form, and may be

made in or out of the Philippines, and need not

be witnessed (Binigyang-diin)

Ayon sa inyo, ang holographic will ng inyong

lolo ay sulat-kamay niya na mayroong lagda at

mayroon ding petsa, dahil dito, posibleng

mayroong bisa ang kanyang huling habilin dahil

sumunod sa lahat ng mga panuntunang isinaad ng

batas. Gayunman, mayroong depekto ang kanyang

huling habilin sapagkat mayroong bahagi ito na

kanyang binura.

Base sa Artikulo 814 ng nasabing batas,

kinakailangang lagdaan ng inyong lolo ang bahagi

ng kanyang huling habilin na kanyang binura o

pinalitan:

Art. 814. In case of any insertion, cancellation,

erasure or alteration in a holographic will,

the testator must authenticate the same by his

full signature.

Samakatwid, upang magkaroon ng bisa ang holographic

will ng inyong lolo, kinakailangan muna

niyang malagdaan ang bahagi nito na kanyang binura

o pinalitan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan.

Nais naming ipaalam sa inyo na ang opinyong ito

ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong

liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring

maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang

impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal

kayong sasangguni sa isang abogado.

Kung kayo ay may katanungan o nais ihingi ng

payong legal, sumulat sa MAGTANONG KAY

ATTORNEY ni Percida Acosta, BULGAR

Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o magemail

sa magtanongkayatorni@bulgar.com.ph

Macoy, porke nailibing na

sa LNMB, pangalan ng

sementeryo, gusto na raw

baguhin? Hmmm...

publiko.

Kinabubuwisitan dahil

ginagaya raw ni Sec.

Tugade si ex-Sec. Jun

Abaya ng Department of

Transportation and Communication

(DOTC)

noon na “nganga” sa problema

sa daloy ng trapiko

sa Metro Manila, aberya

sa MRT, backlog o

walang maisyung plate

numbers sa mga vehicle

owner at license ID card

sa mga driver, buwisit!

BUROL DINA-

DAGSA AT MARAMI

RIN DAW MAKIKI-

PAGLIBING SA

‘NARCO-MAYOR’—

Marami raw ang nagtutungo

sa burol ni “Narco-

Mayor” Rolando Espinosa

ng Albuera, Leyte,

hindi raw para makiramay

kundi nais lang daw

nilang makita na ang

alkalde nga ang nasa loob

ng kabaong.

At marami rin daw ang

makikipaglibing, hindi

para makidalamhati kundi

nais lang daw nilang

makatiyak na ibabaon na sa

lupa ang alkalde, boom!

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!