Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
RE 22, 2016 9

A

SAR-TALO ang isang grupo ng mga becki sa katapangang

ipinararamdam ngayon ni Enchong Dee

tungkol sa palihim na paglilibing kay dating Pangulong

Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa lahat kasi ng mga personalidad na nagpalutang ng

kanilang pagkontra ay ang pahayag ni Enchong ang

pinakadiretso at nananakit.

Nanindigan ang aktor na ang dating pangulo ay isang

thief, murderer at dictator. Sa ating lengguwahe, para kay

Enchong Dee ay isang magnanakaw, mamamatay-tao at

diktador si dating Pangulong Marcos.

‘Yun na ang dating paninindigan ni Enchong, inulit lang

niya ang pagsasabi ngayon, kaya maituturing na maprinsipyo

ang hunk actor na palaging kinukuwestiyon ang gender.

Ang hindi namin makakalimutan ay kung ano ang naging

reaksiyon ng isang grupo ng mga becki na nagpapatila ng ulan

nu’ng isang araw. Ang dami-dami namang personalidad na

nagpalutang ng kanilang pagkontra pero si Enchong ang

napagdiskitahan nilang gawing pulutan.

Becki 1, “Ito namang si Enchong, sadya ba siyang nangiimbita

ng mga kaaway? Susme, alam niya naman na

maraming maibabalik na salita sa kanya ang mga loyalista

ng Marcos family, gaganyan-ganyan pa siya!”

Becki 2, “Naku, pakisabihan nga ‘yang

si Enchong! Asikasuhin niya na lang muna

ang mga sarili niyang issues, huwag

na siyang makisawsaw sa paglilibing

kay ex-president, may mas dapat

siyang unahing linawin sa buong

bayan, ‘no!”

Becki 3, “Kasi naman itong si

Enchong. Hindi na lang siya manahimik,

eh, minsan na nga siyang pinagdudahang

nagpapapansin lang

kay Sandro na anak ni Senator

Bongbong!

“Ano ito, papansin na

naman si Enchong? Manahimik

na lang kasi, huwag na

siyang bumili ng away, nakikisawsaw

pa kasi, eh!”

Pero sa umpukang ‘yun ay

may isang becking kakampi si

Enchong, ipinagtanggol siya

nito, “Bakit ba masyado kayong

apektado sa mga sinabi

ni Enchong? Eh, sa ‘yun ang

paniniwala niya, ano’ng masama

sa paninindigan niya?

“Take note, gusto ko si Enchong,

pinaninindigan niya

ang position niya! Ang damidaming

lalaking-lalaking

artista d’yan, pero nasaan sila,

puro sila duwag!

“Pinagdududahan nila ang gender ni Enchong, pero

look, siya pa ang may paninindigan, matapang, maprinsipyo

at talagang lumalaban! Nasaan na ang mga

macho actors d’yan, lumabas nga sila para marinig

naman ang boses nila!” madiing komento ng kakamping

becki ni Enchong Dee.

Pak! Gay-on!

TINAWAGAN kami ng Pambansang Kamao nu’ng

Linggo nang hapon. Wala lang, nagkuwentuhan-nagkumustahan

lang kami, gusto lang daw niyang

magpasalamat sa lahat ng suportang ibinibigay namin

sa kanyang pamilya.

Sabi nami’y nakakagulat na ang nakikita naming

pagbibigay niya ng opinyon sa maraming makabuluhang

paksa tungkol sa ating bayan, marami rin siyang

kakampi sa mga desisyong ginagawa niya, hindi na

basta nakakulong lang sa lona ang talento ni Senador

Manny Pacquiao.

“Mahirap ang sitwasyon ko ngayon. Kailangan kong

patunayan sa mga kababayan natin na hindi sila

nagkamali ng pagtitiwala sa akin bilang senador,”

kuwento ng Pambansang Kamao.

Totoong-totoo na nu’ng nagte-training siya ay

isinasabay niya ang pagrepaso sa mga batas na gusto

niyang maamyendahan para sa kapakanan ng ating

Todo-banat kay Macoy…

SIGAW NG MGA NETIZENS: ENCHONG,

PAPANSIN LANG SA ANAK NI

SEN. BONGBONG NA SI SANDRO

mga kababayan.

Kahit nu’ng ituloy niya ang pag-eensayo sa Wild

Card Gym sa Los Angeles, California ay bitbit niya pa

rin ang mga dokumento na binabasa niya pagkatapos

ng kanyang training.

“Bagitong senador lang ako, marami pa akong dapat

matutuhan. Willing naman akong mag-aral, alam ko

namang kulang pa ako sa knowledge. Ang mahalaga,

tinututukan ko ang trabaho ko.

“‘Yun ang pangako ko sa ating mga kababayan, maging

busy man ako sa boxing, hindi ko pababayaan ang

posisyong ipinagkatiwala nila sa akin,” madiing sabi ng

Pacman ng ating bayan.

Sa mga panahong ito ay masusi niyang pinag-aaralan

ang mga detalye ng kasong kinasasangkutan ni

Kerwin Espinosa na nakatakdang gisahin sa Senado.

“Malawak ang sakop nito. Kailangang maging

maingat ako. Ayoko kasing mangdamay ng mga taong

wala namang kinalaman talaga sa bentahan ng droga.

“Walang kampihan sa imbestigasyon, palaging sa

totoo lang talaga tayo,” may paninindigan niyang sabi.

Parang kailan lang ‘yun na kapag magkasama kami

ng Pambansang Kamao ay marami kaming napaguusapan

pero walang kinalaman ‘yun

sa mga isyu tungkol sa ating bayan.

Ngayon ay ibang-iba na siyang

magsalita, mulat na mulat na siya

sa mundo ng pulitika, lalo na sa

mga isyung kapaki-pakinabang sa

mayorya nating kababayan.

Kapag gusto ay may paraan pero

kapag ayaw ay maraming dahilan.

KAHIT ano na lang, mapabagsak

lang si Alden Richards, ay

gagawin ng mga taong hindi

maligaya sa kanyang kinaroroonan

ngayon. Mema lang,

may masabi lang, ganu’n.

Pero puwede bang harangan

ng mga taong ‘yun ang

tagumpay na mismong mga

kababayan natin ang nagbigay

sa Pambansang Bae? Hindi sila

sapat para wasakin ang isang

personalidad na sinusuportahan

ng publiko.

Sumisipa pa rin ang career

ni Alden, ‘yun siguro ang

ikinaiinis ng mga naninira sa

kanya, bakit nga naman si

Alden ay buung-buong suporta

pa rin ang nakukuha sa publiko

pero ang iba ay parang gusto

nang kalimutan ng kasaysayan ng showbiz?

Pinaghirapan naman kasi ni Alden Richards ang

posisyong meron siya ngayon, namuhunan siya ng talento

at panahon, masasabi ba ‘yun ng mga naninira sa kanya

tungkol sa isinusulong nilang idolo?

Waley!☺

FRANKLY . . . (mula sa kanan)

The Super Parental Guardians na pinagbibidahan nina

Vice Ganda and Coco Martin na matatandaang hindi pumasok

sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2016.

In fairness, ang bilis kumilos ng Star Cinema. Nakakuha

agad sila ng playdate at uunahan pa nila ngayon ang MMFF.

Ini-release na rin ang trailer last Sunday at kahapon ay

ini-release na rin ang poster ng movie. Ngayong araw na ito

naman ay nakatakda silang magkaroon ng press conference.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post na si Vice

Ganda inviting everyone to watch the film on Nov. 30.

“Ngayong taon mapapaaga ang Pasko. Sa NO-

VEMBER 30 tanggapin ninyo ang regalo namin sa

mga bata at sa buong Pamilyang Pilipino. #TheSuper

ParentalGuardians,” post ni Vice Ganda.

Sa trailer pa lang ay matatawa ka na sa movie kaya

marami ang humuhula na kahit hindi ito napasama sa

filmfest ay magiging blockbuster pa rin.

Nag-trending na nga raw agad ito kahapon nang i-announce

ang playdate.☺

‘Di nakatiis, nagpatutsada kay Macoy...

HIRIT NI KRIS: WA’ AKO PAKI KAHIT SAAN

AKO ILIBING, BASTA UMABOT AKO SA LANGIT!

L

AST Sunday night ay may bagong

post si Kris Aquino sa kanyang

Instagram account na tila patama

sa katatapos lamang na libing ni dating

Presidente Ferdinand Marcos sa Libingan

ng mga Bayani.

Isang video ang ipinost ni Kris na ayon

sa kanyang caption ay kasalukuyan niyang

ginagawa. Aniya, ito ang kanyang video blog

na ilalagay sa kanyang Kris Chronicles at sa

December pa sana niya ilalabas pero mas

napapanahon na raw na i-upload ngayon.

“Working on Kris Chronicles (my daily

video blog) as part of my new digital media

venture. I’d written this a couple of weeks

back, it’s part of my growing collection of

essays for our December launch but it felt

appropriate to upload now,” ang caption ni

Kris

Ȧng video blog ay may title na “On

Burial” kaya iisipin mo at first na magsasalita

na siya about the recent Marcos burial.

Sa video blog ay maririnig na nagsasalita

si Kris habang ikinukuwento ang pagbili niya

ng vault na paglalagyan sa kanya kapag

namatay siya.

“I bought my vault in the new columbarium

of St. Michael the Archangel in BGC

to help the fundraising efforts of my friend

Fr. Betbet.

“I was being practical. And I’ve said

several times that I don’t want my sons to be

hassled about where to bury me or worry

about the maintenance of my mausoleum.

“Simple lang naman. Ano bang halaga

kung saan ako ililibing, eh, ang goal naman,

umabot ako sa langit?” ang pahayag ni Kris

sa kanyang video blog.

Sari-saring opinyon at komento na naman

ng mga netizens ang ibinato kay Kris tungkol

sa video na ipinost niya. May mga supporters

na nag-worry dahil baka raw may sakit

ang kanilang idolo dahil burial na ang pinaguusapan.

Pero ang hinala naman ng marami, patama

ito sa nangyari ngang burial ni former Pres.

Marcos. Malinaw na malinaw naman ang

mensaheng gusto niyang sabihin – hindi

importante kung saan ililibing at ang mas

importante ay kung sa langit ka ba patungo.

‘Yun na!

DAHIL patapos na ang Be My Lady, may

oras ang real-life couple na sina Daniel

Matsunaga and Erich Gonzales na

makapagbakasyon at makapagpahinga

ngayong Kapaskuhan.

“Supposedly ay may gagawin kaming

movie under Regal Films pero sinabi po

na baka we can start na lang sa January

next year para po tuluy-tuloy na po (ang

bakasyon),” say ni Erich.

Kaya pagkatapos daw ng Be My Lady

ay may oras sila to spend time with their

respective family.

Ayon kay Daniel, binabalak nilang

pumunta ni Erich sa New York pagkatapos

ng serye.

“We are going out of the country.

We’re going to New York.

Pupunta ang pamilya ko ru’n, so

we’ll meet them there right after

the show. Mga more than one

week, then back to work,” sabi ni

Daniel.

Masayang-masaya ang

showbiz couple sa napakagandang

takbo ng kanilang relasyon

at career sa ngayon. Say nga ni

Daniel, noon pa ay talagang

ipinagdarasal na niya sa Diyos

na bigyan siya ng direksiyon sa

buhay.

“Nu’ng dumating ako rito sa

Pilipinas po, I’ve been very blessed

sa trabaho ko rito, sa lahat, sa

pamilya ko at sa mga kaibigan

ko.

“Regarding work, it’s been

amazing journey for me dahil I’m

getting to learn so much, not just

with the culture and everything

but also with the people here. I

already have a family here and I

consider myself a Filipino na,”

sabi ni Daniel.

When asked kung ano ba ang

sikreto nila para magtagal ang

relasyon nila off and on cam, ani Erich

ay wala naman.

“Just be real. No pretensions, ‘di ba?

Hindi mo naman kailangang gawin ang

isang bagay just for the sake of ‘Oh, sige,

matutuwa ang mga tao d’yan.’ Wala, just

be in the moment. Just be who you are,”

pahayag ni Erich.

Sabi naman ni Daniel, “Yes, kung may

tiwala sa isa’t isa at you have God in the

center of your relationship, I guess kahit

may ups and downs in a relationship, kahit

may away or kahit… you know, you really

have to stick with the positive moments to a

happy life.

“So, in one year and a half that we’ve

been taping, it was amazing ‘coz we got to

know each other much, much better. Alam

namin kung ano ang gusto niya at kung

ano ang gusto ko, kung ano’ng ayaw. So,

we get to learn so much from each other

and we get to make our relationship a one

step higher,” sey ng Brazilian-Japanese

actor.

INANUNSIYO na kahapon sa It’s Showtime

na ipapalabas na ngayong Nov. 30 ang

(Sundan sa kaliwa)