23.05.2017 Views

May 23, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

MAYO 23, 2017 Column Editor: PRINCESS ERIKA SOLITARIO 3

Editoryal

S

Editoryal

Kumpiyansa ng publiko sa awtoridad

tataas kung bigtime pusher naman

ang masasampulan, pramis!

A totoo lang, noon pa man ay tagilid na ang tingin ng

marami sa ating mga pulis lalo na’t napakarami sa

kanila ang sangkot sa iba’t ibang katiwalian.

Ang akala ng marami ay makababawi na sila ng

dangal sa paglulunsad ng kampanya kontra droga.

Pero ang masaklap, mukhang lalo pa yatang nabaon sa kahihiyan

ang ilang pulis at maging ang mga opisyal na sumabit sa

iba’t ibang iligal na operasyon.

Kaya si incoming DILG Sec. Eduardo Año, nais ipa-review ang

kampanya ng PNP laban sa iligal na droga.

Ayon sa kanya, mahalaga raw na mapulido ang war on drugs

ng PNP dahil mahalaga ring maiangat ang imahe ng nasabing

organisasyon at siyempre, ang maibalik na rin ang mataas na

morale ng mga pulis.

Kasabay ng paglilinaw na ang PDEA pa rin ang pangunahing

ahensiya na namumuno ngayon sa anti-illegal drugs operation

at suporta lamang ang PNP.

Binigyang-diin din niya na dapat ay sabay na ipatupad ang

pagpigil sa bentahan ng iligal na droga ng maliliit na pusher at

ang pag-target sa mga malalaking supplier ng shabu.

Kumbaga, pati ang mga lord ay isabay na rin sa pagsugpo sa

mga small time pusher.

Dahil ngayon daw kasi, karaniwang maliliit na tulak at user lang

ang target ng operasyon ng mga awtoridad.

Ngayong may bago ng DILG secretary na uupo, tingnan natin

kung sa pagkakataong ito ay may malalaking drug operator na

ang makakastigo.

Dahil sa totoo lang, mas tataas ang morale at kumpiyansa ng

publiko sa mga awtoridad kung malalaking tao at sindikato ang

masasampulan nila sa matinding kampanya kontra droga.

DAHIL papalapit na nang papalapit

ang muling pagbubukas ng klase, busy

na ngayon ang Department of Education

sa pag-hire ng karagdagang 40,000

teachers para sa mga public school sa

elementarya at high school sa buong

bansa.

Aba, magandang oportunidad ito para

sa ating mga teacher na balak pumasok

sa pampublikong paaralan dahil sa

No. 1 NEWSPAPER

IN THE PHILIPPINES

(Source: The NIELSEN Company)

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Trunk lines : 749-5664 to 65

Editorial : 712-2874 • 251-7904

749-0091

Advertising: 749-6094 (DL) 712-2883

251-4129 (FAX) 749-1491

743-8702

Credit & Collection: 742-5434

Circulation: 749-1493

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang mga personal na opinyon at/o kuru-kuro

ng mga manunulat na nailalathala sa

pahayagang ito ay hindi nangangahulugang

opinyon din ito ng publikasyon.

buking@bulgar

ulgar.com.ph

DepEd,

nangangailangan ng

40K karagdagang

guro, OMG!

magandang benepisyong ibinibigay dito.

Aminin na natin, na may seguridad kapag

nasa pampublikong paaralan bukod

sa maganda-ganda pang pasahod at

benepisyo.

‘Yun nga lang, kayod-kalabaw ka lang

sa pampublikong paaralan lalo pa kung

narito ka sa Metro Manila.

Anyway, ang mahalaga ay may oportunidad

na nakabukas ngayon sa ating mga

teacher.

Nadagdagan ang pangangailangan ng

DepEd mula sa kinder hanggang Grade

12.

Talagang aligaga raw ngayon ang mga

KUNG SA DOTr AT LTO, BAD ANG

ROSARYO; SA MGA KATOLIKO,

GABAY ITO — Galit ang mga Katoliko sa

kautusan ng DOTr at LTO na tanggalin ang

mga nakasabit na rosaryo sa rear view mirror

ng mga sasakyan dahil nakadi-distract daw

ito sa nagmamanehong motorista.

Pambihira, pati rosaryo na siyang pinaniniwalaang

gabay ng mga Katolikong motorista

para makaiwas sa sakuna ay itinuturing

ng mga DOTr at LTO officials na bad

daw dahil sagabal daw ito sa sasakyan.

Naku, kayong mga taga-DOTr at taga-

LTO, ingat-ingat daw kayo ngayong panahon

ng tag-ulan dahil sa pagturing n’yo na bad

ang rosaryo ay baka magalit sa inyo ang Diyos

at tamaan daw kayo ng kidlat, boom!

TINULDUKAN NA ANG IMPEACH-

MENT KAY P-DIGONG KAYA MA-

LAMANG NA NAGLULUPASAY NA

SI DE LIMA SA SELDA — Pormal nang

ibinasura ng Kongreso ang impeachment

complaint laban kay Pangulong Duterte.

Dahil dito, malamang daw na naglulupasay

na sa iyak si detenidong Sen. Leila de

Lima dahil indikasyon ito na wala na raw

siyang pag-asang lumaya, ha-ha-ha!

KAPAG LP ANG NANALO SA 2022

division office ng DepEd sa paghahanap

ng mga kuwalipikadong guro na maisasali

sa mahigit 50,000 guro na kasalukuyang

nasa listahan ng kagawaran ngayon.

So, sa ating mga teacher na pasado na

sa LET, aba, pagkakataon na ninyong

subukan ang oportunidad na ibinibigay ng

pamahalaan sa inyo.

Bukod sa kinakailangang LET passer

at angking galing, ang isang pinakamahalagang

kuwalipikasyon para sa mga guro

sa pampublikong paaralan ay ang tiyaga at

pagiging matiisin.

Adbantahe rin ang mga guro na ang

major ay Math and Science dahil diyan

daw nakapokus ang DepEd.

Mga DOTr at LTO

official na nagsasabing

bad ang rosaryo, baka

tamaan ng kidlat

PRESIDENTIAL ELECTIONS, MGA

BUMALIMBING SA PDP-LABAN,

LUNDAGAN NA NAMAN SA LP —

Sunud-sunod nang kumakalas sa partidong

LP ang mga trapo (traditional politician) para

sumapi sa administration party na PDP-

Laban.

Pero tandaan n’yo, kapag sa 2022 Presidential

Elections ay LP ulit ang nanalong

pangulo, malamang na ang mga LP na bumalimbing

sa PDP-Laban ay magbalikan at

magbalimbingan na naman sa LP, pramis!

VIDEO KARERA SA LAGUNA,

NAGKALAT NA NAMAN — Nagkalat na

naman daw ang mga salot na video karera

ng mga parak sa Laguna.

Patunay daw ‘yan na hanggang ngayon

ay nagkalat pa rin daw ang mga scalawag na

parak sa lalawigang ito, buwisit!

Kailangan daw pag-ibayuhin ang dalawang

asignaturang ito dahil sa mga subject

na ito raw mahina ang karamihan sa ating

mga mag-aaral.

Marami na tayong narinig na mga kuwento

ng hirap at sabihin na nating “horror

stories” sa hanay ng mga guro sa public

schools, pero hinihigitan naman ito ng

mga kuwento ng tagumpay at saya.

Kaya sa ating mga teacher na naghahanap

ng magandang oportunidad, baka ito

na ang chance ninyo.

Subukan nang mag-apply sa mga division

office ng DepEd sa inyong mga lugar

at malay natin, sa pagbubukas ng klase

ay public school teachers na kayo!

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!