23.05.2017 Views

May 23, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

MAYO 23, 2017 5

OPINYON MO, I-TEXT MO!

Send to 2786 for SUN subscribers,

0922-9992-786 for other networks

bulgar_opinyon_message

Ano ang masasabi mo sa hirit ng

CBCP na iresponsable at makitid

ang utak ni P-Duterte nang

tanggihan ang P13 bilyong

donasyon ng E.U.?

GANYAN ang

Simbahan, sanay sa

abuloy kaya gusto

nila ganundin ang

gawin ni Pangulong

Duterte, umaasa sa

abuloy ng ibang bansa.

— 0933-8506***

TINUTURUAN

lang tayo ni P-Digong

para ‘di magmukhang

timawa! Hindi tulad

ng mga pari, puro

papasok ang pera,

kahit galing sa masama,

tanggap lang nang

tanggap. Mga ipokrito!

— 0908-2880***

MANGHIHINA-

YANG talaga ang

CBCP dahil kung sa

kanila inalok ‘yun ay

pikit-mata nilang tatanggapin

kahit ano

pa ang nakakabit na

kondisyon. Dapat sana

ay humanga sila sa

paninindigan ng ating

mahal na pangulo. —

0921-4061***

NAKAKALOkA

ang pride nitong pangulo

natin, pera na

naging bato pa, makitid

talaga ang pagiisip!

Sobra kasi siyang

nagpapauto o

nagpapabola sa China

kahit binalaan pa siya

na gigiyerahin tayo

kapag naghukay ng

langis sa sarili nating

West Philippine Sea.

Hay, naku, ano ba

yan?! Mag-isip ka naman

nang matino at

‘di ‘yang halos ibenta

mo na ang Pilipinas

sa mga singkit na

niloloko ka na! —

Carding

HINDI magdedesisyon

si P-Duterte na

alam niyang makasasama

sa bansa. Ang

P13 bilyong donasyon

ng E.U. ay siguradong

may kapalit na hihi-

ngin sa Pilipinas. Ang

makitid ang utak ay

ang CBCP dahil mukha

silang pera. Bawat kilos

ng mga kaparian

nila ay pera at tanggapin

nila ‘yan dahil

totoo. — Daly

TALAGANG mukhang

pera na ngayon

ang CBCP! Ang P13

bilyong galing sa E.U.

ay utang na babayaran

at may kapalit na

pagmamando sa Pilipinas!

— 0919-

3451***

DIYAN mo makikita

kung gaano naging gahaman

sa pera ang

CBCP. Kaya ‘di tinanggap

ni P-Duterte ay

dahil may kapalit na

kondisyon na hinihingi

ang E.U. Ayaw ito ng

pangulo dahil magkakagulo

sa polisiya ng

‘Pinas. Sino ba sila

para magsabing iresponsable

at makitid

ang utak ng pangulo?

Kaya ‘di dapat nakikisawsaw

sa usaping

politika ang Simbahan,

pampagulo lang talaga

sila. — 0999-4193***

‘YUNG totoo, CBCP?

Kapag tinanggap ni

P-Duterte ang donasyon

ng E.U., sasabihin

ninyo na nagpapakatuta

ang pangulo sa Europa.

Kapag naman tinanggihan

ay magagalit din

kayo? Saan ninyo palulugarin

ang pangulo?

Halatang basher lang

kayo ng administrasyon,

eh. Mabuti pang

tumahimik na lang

kayo, hindi rin naman

kayo nakatutulong. —

Olivia

ANG CBCP ang

makitid ang utak! Ang

pagbibigay ng tulong,

dapat walang kapalit.

Sila kasi, kahit pera ng

mga drug lord o magnanakaw

sa gobyerno

ay tatanggapin pa

rin. — 0998-2852***

MAS makitid ang

pag-iisip ng CBCP!

Ano ang akala nila sa

P13 bilyon, ibibigay

nang libre at walang

kapalit? Sila nga ang

mag-isip! Kapag iyan

ay tinanggap ng pangulo

at mas lalong

nalagay sa alanganin

ang Pilipinas, hindi

naman kakarguhin

ng CBCP ang problema,

instead, mawawala

na lang silang

bigla sa eksena. —

Melody

SAYANG kasi talaga

‘yun. Ang laking

pera na para makatulong

sa ating bansa na

lagi na lang kapos sa

pondo. Sana, pag-isipan

ni P-Duterte ito,

baka puwede pang

mabawi. — Jolo

HINDI kasi palaasa

si Pangulong

Duterte. Saka, alam

niya na ang ganu’n

kalaking halaga ay

may mas malaking

kapalit na hihingin

sa kanya. — Yvonne

NAKAPANGHI-

HINAYANG naman

talaga, pero isipin na

lang natin na may

mahalagang dahilan

ang pangulo kaya

bakit niya ito tinanggihan?

Naniniwala

rin ako na mas inuuna

niya ang kapakanan

ng Pilipinas,

kaya sa tingin ko, hindi

rin natin pagsisisihan

ang pagtanggi

niya rito. — Brenan

PANSAMANTA-

LANG donasyon lang

‘yun. Babayaran din

ng Pilipinas ‘yun sa

mga susunod pang

panahon. ‘Yun ba ang

gusto ng Simbahan?

Magbayad-utang na

lang tayo, habambuhay?

Kayo talaga

ang tunay na makitid

ang utak, eh! — Genesis

Para mas ma-enjoy ang

pinaghirapan, mga guro

dapat nang magretiro

sa edad na 60

MALAKING kontribusyon ang ginagampanang

trabaho ng mga guro sa ating lipunan. Maraming

dahilan upang pasalamatan sila sa lahat ng kanilang

sakripisyo at malasakit para sa ating mga kabataan.

Napakahalaga ng kanilang papel sa ating bansa

sa pagtataguyod ng isang matibay na pundasyon ng

sistemang pang-edukasyon para sa bayan kaya hindi

sila dapat minamaliit o isinasawalambahala lamang.

Higit pa sa pag-iimbak ng impormasyon at kaalaman

ang kanilang ibinabahagi sa mga mag-aaral,

kundi ipinababatid din nila sa atin ang mabubutingasal

at tinuturuang maging mga responsableng mamamayan

at may pakialam sa ibang tao at sa kapaligirang

ginagalawan, parehong sa kasalukuyan at

sa hinaharap.

Ang nakalulungkot na katotohanan ngayon, ang

ating mga guro, lalo na sa mga nagtuturo sa mga

pampublikong paaralan ay maraming kinahaharap

na pagsubok sa kanilang pagsasanay sa napili nilang

karera.

Ayon sa mga pag-aaral na ating nakalap, ating

napag-alaman na mayroong tatlong batayan na sila

ay overworked. Una, ay ang bilang ng mga

estudyante laban sa bilang ng mga guro; pangalawa,

ang bilang ng oras ng pagtuturo kada araw at

pangatlo, ang oras ng pagtuturo nila sa bawat taon.

Nang dahil sa mahahabang oras na kanilang

iginugugol sa pagtatrabaho at humaharap sa

malalaking grupo ng mga mag-aaral na isiniksik sa

isang silid-aralan, nagkukulang sila sa oras,

nasasagad ang kanilang pisikal na enerhiya at

lumiliit ang oportunidad na mapaunlad ang kanilang

propesyunalismo.

Ang mga kadahilanang ito ang nagdudulot ng

NAGPAPANGGAP NA PULIS, TODO-

KOLEKTA NG TONGPATS SA MGA

VENDOR; BIKTIMA, ‘PAG TUMANGGI,

NAGBABANTANG IPARE-REVOKE ANG

KANILANG MGA LISENSIYA

RESIBO, ito ang armas ng

isang sibilyang nagpakilala

umanong pulis na sobrang

kapal ng mukha dahil sa

walang tigil nitong

pangongolekta ng tongpats

sa mga vendor sa buong

Divisoria, Blumentritt

Market at Balut sa Tondo.

Ayon sa mga nakausap

nating vendor, sa arawaraw

daw na ginawa ng

Diyos ay walang awa raw

kung maningil ng P500

ang isang itago natin sa

alyas Dogie na may

apelyidong kasing tunog

ng Ombudsman.

Sa resibong armas

nito, hindi nito inilalagay

o isinusulat ang tunay na

halaga ng ibinibigay sa

kanya na tongpats ng vendor

bago nito ideklara o

i-surrender sa kanyang

mga ‘amo’ sa malaking

bahay.

Ang armas niyang

mga negatibong epekto sa kanilang trabaho at lalo

na sa kanilang kalusugan. Kadalasan, ang stress ay

nagdudulot ng matitinding suliranin sa pangangatawan,

bago pa man sila umabot sa kasalukuyang

edad ng pagreretiro.

Bilang pakikisama at konsiderasyon sa kanilang

hindi matatawarang serbisyo, hindi lamang sa mga

bata kundi sa kanilang mga magulang at sa buong

bansa, oras na upang bigyan natin ang mga public

school teacher ng mas maagang edad ng pagreretiro.

Ito ay magandang oportunidad para masulit pa

nila ang kanilang buhay mula sa mga benepisyo at

pinag-ipunan sa maraming taon na kanilang

iginugol sa paghahanapbuhay.

Kapag naisabatas na ang ating iniakdang

panukalang-batas na Lowering Retirement Age of

Teachers o Senate Bill No. 1287, ang dating retirement

age na 65 ay magiging 60 na. Sa kabilang

banda naman, kung wala pang 15 taon sa serbisyo

ang guro ay maaaring magturo pa rin siya hanggang

edad 65, sang-ayon sa kasalukuyang mga patakaran

at regulasyon ng civil service.

Hangad natin ang maagap na pagpasa sa panukalang

ito. Sana ay hindi lang ito matengga at manatiling

aprubado lamang sa komite kundi tuluyang

maisabatas at mapalaganap sa buong bansa.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng

tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni

Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 Quezon

Ave., Quezon City o mag-email sa

surewin@bulgar.com.ph

resibo, ayon pa sa mga

vendor ay orihinal pero

raket nito ay kanyang

sinasalamangka o hinohokus-pokus

kaya dagdag

pang impormasyon ay

nakabili na raw ito ng brand

new car na galing sa pangongolekta

ng tongpats. Pwe!

Dagdag pang sumbong

na kapag hindi

nakapagbigay ng tongpats

ang mga kawawang vendor

ay ipinare-revoke raw

nito ang kanilang lisensiya

at nananakot pang

may taga-BIR siyang mga

kakilala na puwedeng

kumpiskahin ang kanilang

mga paninda. Pwe ulit!

Ang tanong, kailan pa

puwedeng mangumpiska

ng mga paninda ang taga-

BIR?

‘Di ba, maliwanag pa

sa sikat ng araw na isa

lamang itong pananakot

ni alyas Dogie sa mga

vendor na pumapalag sa

kanyang pangongolekta

ng tongpats?

Ayaw ni P-Digong ng

ganyan na pinahihirapan

ang mga naghahanapbuhay

nang legal na ang

puhunan ay inutang lang.

PNP Chief Ronald

dela Rosa, pakitokhang

nga ang matikas na mamang

ito na nagpapakilalang

pulis dahil isinasangkalan

nito na miyembro

raw siya ng PNP para

kumolekta ng tongpats.

Pwe na naman!

Ikaw kaibigan, anong

sey mo?

Laging tatandaan,

walang maloloko kung

walang magpapaloko!

Kaya ikaw, ako,

tayo… mag-ingat!

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!