23.05.2017 Views

May 23, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

8

Showbiz Editor: JANICE DS NAVIDA

Apektado sa tsismis…

JED AT DARREN, HI-HELLO NA LANG

‘PAG NAGKIKITA, WALA NANG HARUTAN

MUKHANG na-trauma si Coleen Garcia sa naranasan

niyang harassment diumano ng isang

pulis sa BGC nu’ng Linggo.

Ayon sa post ng aktres sa kanyang Facebook

account:

“I just had a very stressful encounter

with a lunatic here in BGC. He stopped

right in front of our car, so my driver

stopped right away at nadikitan namin

siya (no damages at all btw, we barely

even touched his car) and then the man

came down, started shouting at my driver, saying “PULIS

AKO!!!” and he started tackling him, in spite of my driver

being completely calm and polite to him! So I tried to intervene.

I opened the van’s door and asked the man what his

problem was and he literally attacked me and SCRATCHED

MY FACE.

“As in he reached both his hands out and scratched

my face, trying to grab me and pull me out so that he could

beat me up, too! With absolutely no hesitation!

“Good thing I was able to shut the door right away, but

he still kept threatening us. ‘Gusto mo ng away? Ha?!

Gusto mo ng gulo?!’ So he brought out his backpack and

he was grabbing something from inside. Naturally, we were

all on the edge of our seats. He brought out a huge…. light?

Ewan. Some kind of flashlight. And he was flashing it at my

driver from the outside of our car, again

like a complete lunatic.

“The sad part is, the police were

present towards the end of it and they

knew what happened. They did nothing,

except ask if I wanted to continue ironing

things out in the station. Guys, seryoso,

sawa na ako sa police station. Please

lang. So I opted to drop it instead, but not

after taking photos of his plate number

and his ID. Watch out for this man. He is

literally insane, and apparently he’s an

ex-cop, which (in the Philippines), pretty

much means he can get away with anything

he wants. I mean it’s not like anyone’s

gonna stop him anyway. I would know.

“PS: While all of this was going on,

he drove forward a bit and hit ANOTHER

car, whose driver he screamed at as well!

Police saw that, too.”

Sa ngayon ay nag-file na raw ng

reklamo ang aktres sa Makati Police Station

dahil binantaan din diumano ang

buhay nila ng naturang dating pulis.

NAGSESELOS diumano ang mga

fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil

inuna raw ni Raymond ‘RS’ Francisco sina James Reid

at Nadine Lustre na ipag-produce ng show kesa sa

kanilang idolo.

Kilala kasing maka-KathNiel si Raymond at huling

nakasama niya ang mga ito sa pelikulang Can’t Help

Falling in Love. Nagsimula rin niyang makasama sina

DJ at Kath sa Princess and I.

“Ipagpoprodyus ko rin sila sa Dubai. Nagtanong ako

sa mga FrontRow kung paano kung may KathNiel, grabe

ang sigawan. So, ‘yung reception ng JaDine, pantay na

pantay sa KathNiel,” bulalas niya nang makakuwentuhan

namin siya sa meeting para sa special celebrity

screening ng PMPC sa Sunday (May 28) ng pelikula

niyang Bhoy Intsik. Gaganapin ito sa Fishermall Cinema

nang 4 PM at 6 PM.

Anyway, puring-puri ng producer-actor, commercial

director at presidente ng FrontRow na si RS Francisco

ang JaDine. Hindi raw sumakit ang ulo niya. Walang

attitude na ipinakita ang magka-love team nang ipagprodyus

niya ng concert sa Dubai kamakailan.

Hindi naman daw na-experience ng production niya

‘yung kumakalat na tsismis na pasaway diumano

ang JaDine sa kanilang US Tour concert.

Hindi pa raw niya nakakasama ang JaDine sa mga

serye o pelikula pero naalala raw ni Nadine na nai-

direk na siya ni RS sa commercial nu’ng bata pa ito.

Si James naman daw ay bahagi ng FrontRow family.

Samantala, ano ang pagbabago kay RS after

maging Best Actor sa Sinag Maynila 2017 Film Festival

via the movie Bhoy Intsik?

“Wala. Magbabago lang ako kapag

nanalo na akong Best Actress,” pakli

niya na very humble.

Bakit kailangang panoorin ang

Bhoy Intsik sa May 28 sa Fishermall

Cinema?

“Ang Bhoy Intsik presents a different angle on the

LGBT. It’s an LGBT movie but it’s totally different. Hindi

siya ‘yung tipikal. In fact, even ‘yung mga friends ko sa

Dubai na nakapanood, sabi nila, ‘Alam mo, RS, sa part

na ito, akala ko, ganito ang mangyayari, ‘yun pala, hindi.’

“It’s a very unpredictable movie. So, I want people to

see, I want non-LGBT people to see kung ano rin ang

puwedeng i-present ng LGBT film na hindi necessarily

sex, relasyon, away.

“Maganda talaga ‘yung message niya. Hindi dahil

nandu’n ako, ha! Kahit siguro si Eric Quizon ‘yan o si

Coco Martin o si Piolo Pascual ang Bhoy Intsik, kung

mapanood ko at ganu’n ang istorya, sasabihin ko ‘Ay,

iba nga sa ini-expect ko na kangkangan na tapos ganito.’

Maganda talaga. Suwerte ko na sa akin napunta,”

deklara niya.

Ang Bhoy Intsik ay prodyus ng FrontRow Entertainment

at sa direksiyon ng award-winning director

na si Joel Lamangan. Pinarangalan ang pelikula ng

Box Office Award for being the most blockbuster film

among the Sinag Maynila entries at nakakuha rin

ito ng numerous nominations in various categories.

Bukod kay Raymond, tampok din sa movie sina

Ronwaldo Martin, Jeric Raval, Tony Mabesa, Jim

Pebanco, Shyr Valdez, Elora Espano, Liz Alindogan,

Mon Confiado, Mike Lloren, Alvin Fortuna, Ahwel Paz

at Dennis Coronel.

NAAPEKTUHAN pala ang friendship nina Jed Madela

at Darren Espanto dahil sa mga malisyosong netizens at

bashers. Nagkaroon tuloy ng ‘ilangan’ sa dalawa kaya

‘hi and hello’ na lang sila ‘pag nagkikita. Wala nang masyadong

usap, walang biruan o harutan.

Hindi naman siguro sila nag-iiwasan kundi nag-iingat

na lang dahil baka kung ano na naman ang sabihin ng

mga malisyosong tao.

Ikinagulat din ni Jed kung bakit nagiging big issue

ang pagsuporta niya kay Darren. Hindi na raw tinantanan

‘yung bagets samantalang minor ito.

Mula naman daw nu’ng umpisa ay tumayo na siyang

(Sundan sa p.11)

Atat nang magkaapo, nganga pa rin…

VILMA, NADULAS NA INI-ENJOY LANG

NI LUIS SI JESSY, ‘DI FEEL BUNTISIN

U

NFORGETTABLE ang first guest

appearance namin sa radio program

na Inside Showbiz hosted by the

veteran and well-respected entertainment

writer/host na si Aster Amoyo with Shalala

sa DZRJ last Sunday. It was really a big pleasure

for us na maimbitahan ni Tita Aster on

her show.

Naging super special pa ang pagpunta

namin sa Inside Showbiz when Tita Aster

told us na makakausap namin on the air ang

nag-iisang Star for All Seasons at Lipa Congresswoman

Vilma Santos-Recto. And as expected,

puno, siksik, liglig at mabunga ang

naging tsikahan namin with Congw. Vilma sa

programa ni Tita Aster.

Sa dami ng tanong namin, walang inatrasan

si Congw. Vi at kapag sumagot, milya ang

haba, huh? May nag-comment nga sa Facebook

ng 8Trimedia habang pinapanood

kami, “Iba talaga magsalita si Ate Vi.”

Uunahin na naming ibalita ang tungkol sa

panganay na anak ni Congw. Vi at host na si

Luis Manzano na ipinost ang picture when

he went to a hospital para ipa-checkup ang

namaga niyang paa. Doon daw nag-dinner

sa bahay ni Congw. Vi sa Ayala Alabang si

Luis that day na kausap namin siya.

“Eh, nagte-taping siya noon, hindi niya

nakita ‘yung pantay na daan. And then,

‘yung tapilok niya was really bad. Talagang

akala lang namin nu’ng una, sprain nu’ng

ipinakita niya, nasa Facebook pa nga, eh.

Pero nu’ng right after ng taping, umuwi

lang siya, nagtsinelas, diretso na siya sa St.

Luke’s. At nu’ng tawagan niya ako, at sinabi

nga niya, ‘Ma, it’s even worse.’ Kasi may

fracture talaga, kailangang isemento,”

kuwento ni Congw. Vi.

Sa ngayon, keri na raw ang semento

na lang para i-heal ang nabaling buto sa

paa ni Luis. No need for any surgical procedure,

kaya lang, kailangang magpahinga

siya for three weeks.

“Kaya nga lang, ‘yung sabi ng doctor,

baka in three weeks, ipapagod niya nang ipapagod

at hindi mag-heal, puwedeng i-surgery

para maayos ‘yung bone na medyo

nabali. Nagkaroon ng fracture, but ano, huwag

naman. I believe kaya naman nito ngayon,

pahinga lang siya nang konti,” saad pa niya.

Mabuti na lang daw at tapos na ang

everyday show at pang-weekend show ni

Luis sa ABS-CBN kaya may time for him

to rest. Although, may dalawang shows

pa raw si Luis sa Channel 2.

“Tinanong ko nga siya kung kaya ba

niyang mag-taping ng show niya sa The

Voice? Sabi niya, ‘Siguro, kakayanin ko.

Hindi naman magalaw ‘yun.’ Ang medyo

magsasakripisyo, ‘yung muay thai niya,

‘yung kanyang exercise. Feeling ko, tataba

ang anak ko, my God!”

Hindi rin daw maaapektuhan kung

makikipag-date si Luis sa girlfriend niyang

si Jessy Mendiola at anytime, puwedeng

dalawin ng sexy star ang kanyang boyfriend.

Inamin ni Congw. Vi sa amin ang

pagiging natural ni Jessy.

“Napakanatural na bata. She’s what?

She’s only 24. Ah, ang nagugustuhan ko lang

kasi sa kanya, what you see is what you get.

Ah, hindi siya ‘yung magpi-pretend sa ‘yo

na she’s ano, napaka-prim and proper, na

parang laging maayos magsalita. Kung ano

‘yung nakikita mo sa kanya, ‘yun siya.

“Kaya siguro nagugustuhan ko, and I

guess, the most important thing, hindi naman

ako at the end of the day ang magdedesisyon.

Nakikita ko, masaya ang anak

ko. Kapag nakikita ko na masaya ang anak

ko, eh, di hamak na doble ang saya ko,”

lahad ni Congw. Vi.

Nakikita raw niya na masaya sina Luis

at Jessy. Napansin din niya kay Jessy

kapag kasama raw niya si Luis, hindi ito

nakikipag-compete sa anak niya.

“That’s one thing na parang na-admire

ko. I don’t know, baka kaya siguro

sila nagki-click, maybe kasi hindi siya, although

she’s also a celebrity every time

they’re together, napapansin ko lang, parang

hindi siya nakikipag-compete kay Lucky.

Parang kung ano lang ‘yung lambing niya,

‘Ah, I’m your girlfriend,’ ‘yun lang ang papel

niya. Parang wala para i-compete ang sarili

niya as a celebrity too. Kaya siguro in a way,

nagiging masaya ang anak ko.”

Inamin din ng aktres-pulitiko na may

pagkakataong tinutukso na niya si Luis

tungkol sa pagse-settle down at kung

kailan siya bibigyan ng apo.

“Nanunukso lang, ‘Anak, ilang taon ka

na. Tapos kami, wala na kaming baby.

Imagine, 34 ka na. Si Ryan (Christian), 21

na. Wala na kaming baby. Baka puwede

naman na. Kasi ang baby na lang namin,

puro aso.’ Natatawa lang siya. Tapos, sasabihin

niya, ‘Don’t worry, Mom. Don’t worry,

it will come.’ Ganu’n lang.”

Diretsahan ding sinagot ni Congw. Vi

kung boto ba siya kay Jessy for her son.

“Oh, eh, wala namang masama ru’n.

Jessy is a very nice lady. Gusto ko ‘yung

pagka-ano niya, maybe she’s young, she’s

24, gusto ko ‘yung pagka-bagets niya,

kasi anything goes. She’s just natural and

I like that.”

Wala rin daw masama kung may

pagkaseksi ang roles na ginagawa ni Jessy

sa pelikula. Aminado si Congw. Vi na siya

rin naman daw ay nagpaseksi noong kapanahunan

niya.

“Ang importante naman, ‘yung totoong

pagkatao nu’ng isang tao, hindi dahil

nagpaseksi. Ako rin, nagpaseksi nu’ng

araw, eh. May mga movies din ako na sexy,

but that doesn’t mean hindi na ako mabuting

tao, ‘di ba?” (Sundan sa p.11)

MAYO 2

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!