01.07.2017 Views

JULY 1, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

HULYO 1, 2017 Column Editor: PRINCESS ERIKA SOLITARIO 3

Editoryal

H

Editoryal

Kalbaryo ng ‘Yolanda’

survivors, ‘wag sanang

danasin ng bakwit ng Marawi

INDI naman maitatanggi na malaki talaga ang danyos

na iniwan ng digmaan sa Marawi.

Bukod sa mga buhay na nawala, kitang-kita rin ang

pagkasira ng mga bahay at gusali sa lugar.

Pagkatapos ng sigalot, tiyak kailangan na ng magandang plano

para sa rehabilitasyon ng lungsod.

Pero ang pangamba ng iba, hindi kaya ma-‘Yolanda’ rin ito?

O sa madaling salita, hindi kaya maging simbagal at simpalpak

din ng rehabilitasyon sa lugar na mga nasalanta ni ‘Yolanda’ ang

abutin ng Marawi?

Tipong ilang buwan na mula nang manalasa ang bagyo sa lugar,

problema pa rin ang tubig at kuryente.

Na kahit malaki ang pondo at maraming naipadalang tulong,

parang naging masyadong mabagal ang operasyon, hindi ba?

Kaya ang DPWH ay nangako na mas maayos at mabilis ang

isasagawa nilang rehabilitasyon sa Marawi kumpara sa naging

operasyon noong tumama si ‘Yolanda’ sa Visayas.

At sa totoo lang, ang DPWH secretary ay dismayado rin daw sa

palpak na nagawa sa Tacloban at sinabing hindi na raw ito mauulit.

Aniya pa, nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa ARMM

upang mas mapadali ang implementasyon ng operasyon.

Kasabay ng pagtitiyak na uunahin ang mga pangkaraniwang

pangangailangan ng bakwit tulad ng tubig at kuryente.

Sa ganang atin, dapat lang na hindi na maulit ang kapalpakan

at kabagalan noon, dahil sa totoo lang, dapat lang na natuto na

tayo sa nakaraan nating karanasan at hindi na mangyari pa ulit

ang pagkakamali noon.

NAGSIMULA ang pananakop ng Hapon sa

Pilipinas noong ika-8 ng Disyembre 1941, 10 oras

matapos wasakin ng Japanese Navy Air Service

ang kampo ng U.S. Navy sa Pearl Harbor, Hawaii.

Habang pinupulbos ang Bataan at Corregidor,

nilusaw ng mga Hapon ang gobyernong

Commonwealth. Pinalitan ito ng Philippine

Executive Commission, pansamantalang papet

na gobyerno sa pamumuno ni Jorge Vargas, dating

National Defense secretary ni Pres. Manuel

L. Quezon.

Sa apat na taong pananakop ng Japan, apat na

heneral ang idinestino para maging military governor

sa Pilipinas: Sina Masaharu Homma,

Shizuichi Tanaka, Shigenori Kuroda at Tomoyuki

No. 1 NEWSPAPER

IN THE PHILIPPINES

(Source: The NIELSEN Company)

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Trunk lines : 749-5664 to 65

Editorial : 712-2874 • 251-7904

749-0091

Advertising: 749-6094 (DL) 712-2883

251-4129 (FAX) 749-1491

743-8702

Credit & Collection: 742-5434

Circulation: 749-1493

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang mga personal na opinyon at/o kuru-kuro

ng mga manunulat na nailalathala sa

pahayagang ito ay hindi nangangahulugang

opinyon din ito ng publikasyon.

Military governor ng

Japan na idinestino sa

‘Pinas, lahat natepok!

Yamashita. Lahat sila, mabigat ang naging papel noong

World War II.

Si Homma ang pinuno ng Japanese 14th Army

na lumusob at sumakop sa Pilipinas. Siya rin ang

nagpabagsak sa Bataan at Corregidor na nauwi sa

Bataan Death March. Sa kanyang pamamahala,

pinugutan si Chief Justice Jose Abad Santos.

Nang matalo ang mga Hapon, hinatulang mamatay

si Homma by firing squad noong Abril 1946.

Si Tanaka ay naging military governor sa Pilipinas

noong 1942-1943. Kaya lang, tinamaan siya ng

malaria at pinauwi sa Japan noong 1944 para magpagaling.

Doon, naging bahagi siya ng Supreme War

Council at commandant ng Army War College.

Nang sumuko ang Japan noong 1945, pinuno si

Tanaka ng Eastern District Army at OIC ng 1st

Imperial Guards Council.

Diniskaril niya ang kudeta na may layuning hindi

matuloy ang pagsuko. Pero nang matuloy ang pagsuko,

nanlumo si Tanaka sa pagkasira ng palasyo

ng emperador at mga templo sa bomba ng mga

Kano.

HAPPY ANG MGA PINOY KAYA VERY

GOOD ANG IBINIGAY NA MARKA SA

ISANG TAONG PANUNUNGKULAN NI

P-DIGONG — Sa survey ng SWS para sa

isang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte

ay very good ang ibinigay na grado ng

taumbayan sa performance ratings ni P-Digong.

Patunay ‘yan na happy ang sambayanang

Pinoy sa mga ginagawang reporma ng Digong

gov’t. sa ating bansa, palakpakan naman diyan!

TROPANG ‘DILAW’ LANG DAW ANG

HINDI HAPPY SA PERFORMANCE NI

P-DIGONG — Kung tropang “dilaw” naman

daw ang tatanungin ay hindi raw sila happy sa

performance ni P-Digong bilang pangulo ng

bansa.

Ang dahilan daw kaya hindi happy ang tropang

“dilaw” ay dahil hindi na raw makapagnakaw

sa kaban ng bayan ang mga “yellow”

politician at nasasagasaan ng “war on drugs”

ng Digong gov’t. ang mga drug syndicate na

protektado ng mga narco-politician, boom!

KUNG LAGING WALANG ALAM SI

AGUIRRE SA KABULASTUGAN NG

KANYANG MGA TAUHAN, DAPAT NA

RAW SIYANG MAG-RESIGN SA DOJ —

Nang mabulgar ang P50-M extortion kay

gambling tycoon Jack Lam ng dalawang tauhan

ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II, na sina ex-

Immigration officers Al Argosino at Mike Robles,

ang sabi ni Aguirre ay wala raw siyang alam

sa naganap na kikilan.

Nang ibaba sa kasong homicide ang dating

double murder case sa tropa ni ex-CIDG-Region

Dahil dito, pinasunog ni Tanaka ang mga bandera

ng kanyang yunit at nagpakamatay sa ngalan ng

kanyang mga kawal.

Sa pamamahala naman ni Shigenori Kuroda, ang

ikatlong military governor ng Japan sa Pilipinas,

nabuo ang papet na National Assembly ng “Ikalawang

Republika” noong 1943.

Naging pangulo si Jose P. Laurel at naging pinuno

ng assembly si Benigno Aquino, Sr., tatay ni

Ninoy at lolo ni Noynoy.

Nang hindi aprubahan ang plano ni Kuroda na

ilagay sa Luzon ang bulto ng kanyang mga kawal na

sasalubong sa pagbabalik ng Amerika noong 1944,

nawalan ng gana si Kurodo at nagretiro.

Agad siyang pinalitan ni Tomoyuki Yamashita,

ang “Tigre ng Malaya”.

Sampung araw pa lang sa Pilipinas si Yamashita

nang dumaong ang 200,000 sundalong Kano sa

Lingayen, Pangasinan.

Bagama’t, 262,000 pa ang puwersa ni Yamashita,

Madlang pipol,

happy daw sa

isang taon ni

P-Digong, period!

8 Director Supt. Marvin Marcos, ang sabi ni

Aguirre ay tauhan lang daw niya sa DOJ ang

nagdesisyon dito.

Kung ganyan na parang laging walang alam

si Aguirre sa mga kabulastugan ng kanyang

mga tauhan ay dapat na raw siyang mag-resign

sa DOJ, period!

DAHIL WALA RAW AKSIYON SI

CIDG-NCR TAMAYO, DAPAT SI PNP-

CITF MALAYO NA ANG UMAKSIYON

PARA DAKPIN SI ‘RICHARD PARAK’ —

Wala raw aksiyon si CIDG-NCR Director, Sr.

Supt. Belli Tamayo para dakpin ang isang

“Richard Parak” na ginagamit ang CIDG-NCR

para makapanghingi ng payola sa mga iligalista

sa Metro Manila.

Kung ganyan na dedma lang daw si Sr. Supt.

Tamayo sa raket ni “Richard Parak”, ang dapat

nang umaksiyon dito ay si PNP-Counter Intelligence

Task Force (CITF) Director, Sr. Supt.

Chiquito Malayo para dakpin ang “tongpats”

collector na ito, period!

kinailangan niyang hati-hatiin ang mga ito sa

Kamaynilaan, North Luzon at Bataan.

Sa tindi ng bakbakan, iniwan ni Yamashita ang

Kamaynilaan at umatras sa Sierra Madre. Nang

matapos ang digmaan, 50,000 na lang sila.

Tinusta si Yamashita sa mga krimen sa Malaya,

Singapore at Pilipinas. Binigti siya sa Los Baños,

Laguna noong Pebrero 1945.

Sa apat na Japanese military governor na nadestino

sa Pilipinas, isa lang – si Shigenori Kuroda – ang

hindi namatay kaugnay ng digmaan.

Nahatulan siya ng reklusyon perpetua pero lumaya

noong 1952. Pero namatay siya sa laya noong

taon ding iyon.

May katanungan ka ba, reklamo o

nais ihingi ng tulong? Sumulat sa

LET'S GO NA! ni TG Guingona,

BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue,

Quezon City o mag-email sa

letsgona@bulgar.com.ph

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!