You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
HULYO 1, 2017 7

D

AHIL sa kapiranggot na blind item sa Facebook

ng movie writer-radio anchor na si Rodel Fernando,

napikon si Ai Ai Delas Alas.

Malapit diumano sa pamilya ni Jiro Manio ang

source ng isyung ayaw naman daw talagang umalis ng

rehab ng young actor, pero wala nang pambayad.

Hindi napigilang mag-react ni Ai Ai dahil siya na

nga ang tumulong at gumastos, parang siya pa ang

napapasama ngayon.

Actually, hindi naman talaga kailangang silipan o bigyan

ng butas ang nagawang tulong ng Comedy Queen dahil

kung halimbawang tumigil siya sa paggastos ay karapatan

niya ‘yun. Masama pa ba ‘yung nagawa niya sa taong

hindi naman niya kaanu-ano?

Pero, hindi ‘yun ang point dahil may post si Ai Ai sa

kanyang Instagram account na mula kay Jiro at galing sa

kanyang doktor. Ayaw muna raw bumalik ni Jiro sa rehab

at sarili niya itong desisyon.

Part pa ng text ni Jiro: “Gusto kong mag-stay na po

ako dito sa amin. Mag-report-report na lang po ako sa

center in case I feel any of those cravings. Sarili ko pong

desisyon ito. Sana po, marespeto. Natapos ko naman na

po gusto ni Ms. Ai. Siguro sa ngayon, it’s time to move on

and I will took on things in other ways and also taking good

care of my family and maintain taking medicine.”

Ayon naman kay Ai Ai sa isang ka-chat niya patungkol

kay Rodel: “Pakisabi, wala siyang alam tungkol sa sakripisyo

ko kay Jiro at sa kalagayan nito at ng pamilya niya. At sa

lahat ng tinulong ko na hindi ko na ina-announce. Wala

naman siyang naitutulong kaya itigil na nya bunganga niya.”

Sa Instagram account naman ni Ai Ai ay nag-post siya

ng... “Magandang tanghali sa inyong lahat.. Hindi ko po

ugali ang mag-post ng tungkol sa mga bagay-bagay na

itinutulong ko or problema sa buhay ko.. Nakikita naman

siguro ng mga followers ko na puro positive lang ang

inilalagay ko dito...

“And sa mga balita reg Jiro, ayoko ng magpaliwanag

kasi sabi sa Bibliya at gusto ng Diyos, ‘pag tumutulong ka,

‘di mo kailangang ipagsabi. It’s between you and GOD.

Hanggang sa kagabi, isang hindi sikat na reporter ang nagblind

item sa ‘kin sa Facebook na alam na alam mong ako

‘yung tinutukoy na gusto ko daw palabasin si Jiro sa rehab

dahil ayaw ko ng gastusan???

“Huh??? Aba, may ganu’n na palang lumalabas na

balita kaya ikaklaro ko lang... DOON SA MGA HINDI

NAMAN NAKAKATULONG AT NANINIRA LANG, SI

LORD NA BAHALA SA INYO.. And SI JIRO PAIBA-IBA

YAN NG ISIP, SO MINSAN, WALA NA LANG AKO

MAGAWA KUNDI IPAG-PRAY SIYA.. ‘yan ang text niya

noong June 3... at ngayong araw na ito, nandoon siya ulit

sa REHAB.... AKO PA DIN ANG NAGBABAYAD

HANGGANG NGAYON NG REHAB NYA...

“Kaya kayong mga walang magawa, mapanghusga at

walang naitulong OR maitutulong... SHUT UPPPPPPPP-

PPPP!!!!!! (‘yun lang po!) #mgapabida #mgaepal#kayoka-

yamagbayad #akonamanmaninirasainyoparamaiba”

Nag-text naman kami sa katotong Rodel Fernando

kung ano ang statement niya sa pahayag ni Ai Ai.

“Nasaktan ako du’n sa comment niya na hayop at

makapal. ‘Di ko siya inaaway at hindi ako galit sa kanya. Ni

wala nga akong comment sa kanya na masama.”

‘Yun na!

NALUNGKOT pala at naapektuhan sina Daniel Padilla

at Kathryn Bernardo dahil iniwan sila ni Direk Cathy

Molina sa bago nilang serye. Ipinagpalit sila para

harapin ang pelikula nina Aga Muhlach, Dingdong

Dantes at Enrique Gil na Seven Sundays.

Ayon naman kay Direk Cathy, management decision

ito at sundalo lang siya na kailangang sumunod.

Sana lang, hindi hanapin ng mga televiewers ang

touch ni Direk Cathy sa KathNiel serye, huh!

TANGGAP ng Pantasya ng Asya na si Kim Domingo

kung tinalo siya at pumangalawa lang siya kay Nadine

Lustre bilang No. 1 Sexiest Pinay ng FHM ngayong taon.

Feeling winner naman siya dahil may sarili siyang

photo book ng Summit Publishing, ang Kim Domingo:

State of Undress.

“Wala naman akong sama ng loob. Walang kalungkutan

na naramdaman dahil lahat naman tayo, may depinisyon ng

Ipinagpalit kina Aga, Dingdong at Enrique…

KATHRYN AT DANIEL, NILAYASAN

NA NG DIREKTOR NG SERYE

sexy. Iba-iba ang opinyon ng tao. ‘Yun nga, iba-iba

ang depinisyon ng sexy. Ako naman, deserving naman ni

Nadine na mag-number one. Ako naman po, anuman ang

kalabasan ng 100 Sexiest, okay po sa akin,” reaksiyon niya.

Okey na raw sa kanya na last year ay nasa No. 9

siya bilang baguhan at ngayon ay No. 2 siya.

Anyway, magkakaroon ng book launch si Kim at

meet-and-greet with matching autograph signing ngayong

July 1, 2 to 5 PM sa National Bookstore Glorietta 1.

Pero ‘yun lang nakabili ng libro sa National Book Store

at Powerbooks ang pipirmahan ni Kim.

Napapanood si Kim sa Bubble Gang at D’ Originals.

Kasama rin siya sa bagong serye ng Primetime Queen

na si Marian Rivera na The Good Teacher bilang

salbaheng kapatid nito.

“Masaya po ako at thankful kasi nabanggit po ni

Miss Marian na personal pick niya ako for the role.

Pinipigilan kong maiyak nu’ng nasa storycon kami kasi

overwhelmed ako. Matagal ko na rin pong gustong

makatrabaho siya talaga,” sambit pa ni Kim.

Hindi ba siya na-starstruck o natakot kay Marian?

“Nandu’n po ‘yung kaba. Pero nu’ng in-acknowledge

niya ako at sabi niya, ‘O, ayan, Kim, magkakasama na

tayo,’ ganyan-ganyan, kahit maikli ang pag-uusap namin,

excited po ako,” dagdag pa niya.

Ano naman ang reaksiyon ni Kim na Asia’s Sexy

Fantasy na ang bagong title niya?

“Talaga? Hindi naman ako na-inform! Ha! Ha!

Ha! Maraming salamat po,” pakli niya.

Talbog!

NAAYOS na ba ang gusot ng stylist kay Alden Richards

dahil sabay silang dumating sa birthday party ni John

Lloyd Cruz? Iisa kasi ang stylist nina Alden at Lloydie.

Ayon sa aming source, hindi pa naman daw totally

naaayos dahil nakikipag-usap pa sila. Naka-schedule

na raw ‘yung kay John Lloyd kaya nagsabay na sila.

Pero, hindi nila pinag-usapan ‘yun dahil management

na rin ang kausap ng stylist. Hindi rin nagtatanim ng

galit si Alden dahil sobrang mabait na tao ito kahit nabash

siya sa kanyang suot sa Mega event.

Iniintriga rin ang presence ni Alden sa social media

na siya lang ang taga-GMA na bisita ni Lloydie. Paano

raw naging close ang dalawa? Naku, si Alden pa, hindi

uso sa kanya ang network war at pala-kaibigan sa lahat.

Anyway, speaking of John Lloyd, #HSHfoodcart ang

hashtag ngayong Sabado sa sitcom nila ni Toni Gonzaga

na Home Sweetie Home ng ABS-CBN 2. Guests

sina Ysabel Ortega, Jai Agpangan at Erin Ocampo.

Tutok lang sa Home Sweetie Home ngayong

gabi.☺

Komedyante, lagi raw late at mainitin pa ang ulo…

JOSE, SINUSPINDE SA

EAT… BULAGA!

M

ARAMI ang nagtataka at nagtatanong

kung bakit kaya hindi

pumasa ang akting ni Star for All

Seasons Vilma Santos sa panlasa ng mga

Manunuri ng Pelikulang Pilipino kaya

nalaglag siya sa Best Actress nominees sa

gaganaping 41 st Gawad Urian Awards on

July 20, 2017.

Inaasahan pa naman ng mga supporters

ni Ate Vi ang pagiging consistent niyang

nominado para sa pelikulang Everything

About Her.

Sa inanunsiyo ng samahan ng mga kritiko

para maging strong contenders for Best

Actress this year, tanging sina Nora Aunor

(Hinulid), Jaclyn Jose (Ma’Rosa), Charo

Santos (Ang Babaeng Humayo), Ai Ai delas

Alas (Area), Hasmine Killip (Pamilya

Ordinaryo), Elizabeth Oropesa (Misis),

Laila Ulao (The Weeping River), Cherry

Pie Picache (Pauwi Na) at Angeli Bayani

(Ned’s Project) lang ang mga nominado

para sa mahuhusay nilang pagganap sa kanikanilang

obra.

Bukod sa Star for All Seasons na hindi

yata umabot ang boto para ma-nominate in

the said category, laglag din sina Judy Ann

Santos (Kusina) at Lotlot de Leon (1 st Sem)

kahit pa nagpakita rin sila ng kanilang

kahusayan sa acting.

Well, may sarili naman kasing pamantayan

ang mga kumikilatis ng pinakamahuhusay

na pelikula’t pagganap noong

2016. At ‘yan nga ay ang local critics na

subok ang pagkadalubhasa lalo na sa larangan

ng pelikulang Pilipino.

PERO hindi naman dapat malungkot ang

kampo ni Ate Vi, lalo na ang mga supporters

niya, dahil nalaglag man siya sa

pagiging Best Actress nominee sa Gawad

Urian this year ay siya naman ang napili

ng mga Manunuri para gawaran ng

Natatanging Gawad Urian award sa

taong ito na unang iginawad sa Superstar

at kumare ni Congw. Vilma na si

Ms. Nora Aunor nu’ng 2015.

At least, pareho na silang iniluklok

ng mga kritiko sa kataas-taasang parangal

na pinakamimithi ng sinumang

manggagawa sa pelikulang lokal.

So, hanggang sa samahan ng mga

Manunuri ay hindi pa rin nawawala ang

matinding rivalry nina Ate Guy at Ate Vi

sa pagkakamit ng highest honor.

Koreeek!

TOTOO kaya ang mga nakarating sa aming

tsismis na matagal-tagal ang pagiging

suspendido sa Eat… Bulaga! ng comedian-TV

host na si Jose Manalo dahil sa

pagkakaroon daw nito ng attitude problem?

Bukod sa lagi raw itong super late sa

segment nila nina Paolo Ballesteros, Wally

Bayola, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Maine

Mendoza at Alden Richards sa sugod-bahay

na Juan for All, All for Juan ay madalas

daw na mainit ang ulo nito kapag dumarating.

Minsa’y nasisigawan daw ni

Jose ang ilang tao sa produksiyon

ng naturang noontime show.

Epekto raw ba ‘yun ng lagi

nitong pagpupuyat sa hindi

malamang dahilan kaya hindi na

naisip na may trabaho siyang

dapat harapin kinabukasan at

napagdidiskitahan niya na rin

ang ibang tao sa init ng kanyang

ulo na tila hindi raw maganda

at kailangang bigyan

siya ng disciplinary action ng

mga namamahala sa Eat…

Bulaga!?

Aba! Mukhang magkakamatch

talaga sila nina Wally

at Paolo na minsan na ring

nabigyan ng suspension ng

nabanggit na noontime show

at ngayon naman ay si Jose

nga ang sumunod.

‘Yun na!

MALAKING bagay ang

pagkakasama ni Richard

Gutierrez sa fantaserye

nina Kathryn Bernardo at

Daniel Padilla na La Luna

Sangre kaya lalong naging mataas ang

ratings nito.

Matagal kasing nanabik ang mga tao

kay Richard at saktong bumagay sa

kanya ang role na ipinagkatiwala ng

Kapamilya sa kanya bilang hari ng mga

bampira.

Nakikipagsabayan din siya sa aktingan

sa kanyang mga kasama sa serye.

So, one of these days kaya’y makikita

na rin nating umaarte nang todo si Richard

sa isang madramang episode ng

Maalaala Mo Kaya?

Hindi imposible.

WE would like to thank the field reporters

of DZIQ 990 Radyo Inquirer Television na

suki ng BULGAR na sina Erwin Aguilon,

Alvin Barcelona at Ruel Perez, pati ang

Labay & Santos Clan of Santulan, Malabon

City headed by Marlon & Nelia, Heart &

Aleck Labay, Alvin & Ma’m May Zaijan

Santos at Ernie & Cristy, Cristern, IC &

Saphire. Mabuhay po kayo at enjoy reading

BULGAR every day. ☺