21.08.2017 Views

AUGUST 21, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

AGOSTO 21, 2017 13

Magsuot ng lucky colors, sundin

ang masuwerteng taon etc...

TIPS UPANG MAKAPASA SA BOARD

EXAM AT MATUPAD ANG PANGARAP

NA MAKAPAG-ABROAD

KAPALARAN

ayon sa

inyong NUMERO

ni MAESTRO HONORIO ONG

Dear Maestro,

March 27, 1989

ang birthday ko. Matagal

na akong tapos

ng kursong Nursing at

ngayon ay nagtatrabaho

ako sa isang private

clinic.

Pangarap ko ring

mag-abroad, kaso,

hanggang ngayon,

nakaka-take two na

ako sa Board exam,

pero hindi pa rin ako

nakapapasa.

Itatanong ko lang

kung kailan kaya ako

makapapasa, kukuha

kasi ulit ako ng Board

exam sa susunod na

taong 2018, papalarin

na kaya ako?

Umaasa,

Nicole ng Lopez,

Mangatarem,

Pangasinan

Dear Nicole,

Ayon sa birth date

mong 27 o 9 (2+7=9) sa

destiny number na 3

(3+27+1989=2019/

20+19=39/ 3+9=12/

1+2=3) sa zodiac sign na

Aries, upang makapasa

ka sa Nursing Board Exam,

dapat sa araw o mismong

petsa ng pagkuha ng

pagsusulit, isuot mo ang

mapalad mong kulay pula,

asul, purple o violet at

hangga’t maaari, roon ka

tumabi sa mga kukuha rin

ng exam na nakapula, asul,

purple o violet at mas mainam

din kung ang gagamitin

mong ballpen o

lapis ay may ganyan ding

kulay ng tinta o kaha o

anumang dekorasyon na

kulay pula, asul, purple o

violet, sa nasabing panulat,

sa ganyang teknik

o paraan, makapapasa ka

na.

Hinggil naman sa

iyong pangingibang-bansa,

ayon sa iyong Travel

Calendar, significant at

favorable years mo sa

pangingibang-bansa ang

taong 2019, sa nasabing

mga panahon, tiyak ang

magaganap, makapag-aabroad

ka na.

At tulad ng nasabi na,

basta sundin mo lang ang

mga tagubiling inilahad

na sa itaas, sa susunod

na taong 2019 sa edad

mong 30 pataas, magiging

isang lisensiyado ka nang

nurse at kasabay din nito o

sa panahon ding nabanggit,

sa iyong karanasan,

itatala ang isang mabunga

at mabiyayang pangingibang-bansa.

Panaginip na nagpapayong

‘wag matakot dahil

matatagpuan din ang tunay

na kaligayahan sa buhay

SALAMININ natin

ngayon ang panaginip

ni Chien ng Chien_

Chien@facebook.com

Dear Professor,

May itatanong

sana ako about sa napanaginipan

ko na

nakaharap ako sa rebulto

ni Mama Mary.

Tapos, may narinig

akong boses, sabi

Niya, “’wag kang

matakot!” May nakita

akong liwanag,

sabi Niya, palibutan

ko Siya ng mga puting

rosas.

Tapos, nakita ko

ang mama ko na iniikot

ang mga puting

rosas sa paligid ni

Mama Mary. Sabi ko

raw, “Ma, bilisan mo,

kasi nangangalay na

ako.” Para kasing

nakaliyad ako nu’ng

time na nakatingin

ako paitaas sa rebulto

ni Mama Mary.

Ano ang nais ipahiwatig

ng panaginip

ko? Salamat!

Naghihintay,

Chien

Karunungan_panaginip@yahoo.com

Sa iyo Chien,

Sa ngayon, iha, totoong

may takot ka! Ito ang

binibigyang-diin ng sinabi

sa iyo mismo ni Mama

Mary na “huwag kang

matakot!”

Pero, bakit nga ba

natatakot ka? Ang sagot

ay nasa panaginip mo rin

na “may nakita kang liwanag”.

Ibig sabihin,

kaya ka natatakot ay madilim

ngayon ang buhay

mo. Kaya puwedeng sabihin

na natatakot ka rin

sa iyong hinaharap o

kinabukasan.

Ang mga rosas ay

hindi pangkaraniwang

mga bulaklak dahil sa kasaysayan

ni Mama Mary,

sa mga panahong Siya ay

nagpapakita sa mga tao o

sa mundo, lagi ring may

nakikitang mga bulaklak

na rosas.

Dito sa ibabaw ng

mundo, ‘di ba, may mga

rosas pero si Mama Mary

ay nasa langit at hindi

naman siya laging nagpapakita

sa mga tao?

Dahil dito, ang payo

ng panaginip mo ay bumili

ka ng mga rosas at ilagay

mo sa altar ninyo nang sa

ganu’n ay lagi mo ring maaalala

na si Mama Mary

ay nagbabantay sa iyo at

hindi ka niya pababayaan

kahit kailan.

Ang isa pang payo

ng panaginip mo, itaas

mo ang iyong ulo dahil

kapag nakataas ang ulo,

nagkakaroon ng pag-asa

ang tao.

Kahit nakararamdam

ka ng kawalang- ganda

ng buhay mo, mahalaga

pa rin na harapin mo

Babala sa mga mommy na hinahayaang

hindi nagbi-breakfast ang mga anak...

MGA BATANG HINDI NAG-AAGAHAN,

NAGKAKAROON NG ANEMIA, OSTEOPOROSIS,

GOITER AT HYPOTHYROIDISM!

MOMMIES, nag-agahan na ba si bagets?

Naku, ‘wag n‘yo silang paaalisin ng

bahay o papasukin sa school nang hindi

nagbi-breakfast, ah!

Babala ng mga eksperto sa research ng King’s

College London na nai-published ng British Journal of

Nutrition, ang mga bata at teenager na madalas hindi

kumakain ng agahan ay malamang na makaranas ng

iba’t ibang problema sa kanilang kalusugan — anemia

(kakulangan sa iron at folate), osteoporosis (kakulangan

sa calcium), goiter at hypothyroidism (kakulangan sa

iodine) – na maaaring maging sanhi ng mahinang paggana

ng utak at pananamlay ng katawan.

Dahil dito, nakumpirma ng mga siyentipiko na isa

sa kada tatlong batang hindi kumakain ng agahan ay

hindi nakakukuha ng sapat na iron habang isa sa kada

limang kabataan ang hindi nakatatanggap ng wastong

dami ng calcium at iodine, samantalang, halos nasa 7

percent ang walang nakukuhang sapat na folate para

sa katawan.

Ayon kay study researcher Dr. Gerda Pot, “ang

pag-aaral na ito ay nagbibigay ng ebidensiya na ang

agahan ang susi upang masiguro ng mga magulang

na ang kanilang mga anak ay nakakukuha ng nutrisyong

kanilang kinakailangan”. Aniya, ang iron, folate,

calcium at iodine deficiencies ay maaaring humantong

sa pagsisimula ng iba’t ibang medical issues.

Paliwanag ng mga eksperto, kapag ang mga bata

ay kinulang sa iron na responsable sa pagpapaikot ng

oxygen sa buong katawan, hindi nito magagawang

lumikha ng sapat na oxygen na makapagdadala ng

malulusog na red blood cells na kapag nabigong

makuha ng body system ay malamang na makaranas

ng fatigue ang mga bata.

Gayundin, maaari itong makaapekto sa paggana

ng utak ng mga bata pati na sa kakayahan ng kanilang

immune system na panatilihing malusog ang kanilang

katawan at ligtas sa impeksiyon.

Sa kabilang banda, ang calcium ay mahalaga para

magkaroon ng matibay na mga buto at mga ngipin ang

mga bata kung saan ang calcium deficiency ay maaaring

magdulot ng pagrupok ng mga buto at magresulta

sa problema sa paglalabas ng hormones at sa muscle

contractions ng mga bata.

Anila, ang mga bata ay nangangailangan ng mas

maraming calcium sa katawan habang tumatanda kung

saan mula sa edad 4-8 ay kailangan nila ng 1,000 mgs.

daily, habang mula edad 9-18 ay nasa 1,300 mgs. ang

dapat na makuha ng kanilang katawan.

Ang iodine naman ay mahalaga para sa mabuting

kalusugan ng thyroid dahil ang kakulangan ng mga

bata rito ay nagreresulta sa goiter at paglaki ng thyroid

gland na may sintomas ng paglaki o pagkakaroon ng

ang mundo nang buhay

ang ningas ng iyong pagasa.

Pakinggan mo ang

mensahe sa iyo ni Mama

Mary, muli, ‘wag kang matakot.

Hindi ka Niya pababayaan

at umasa kang

sa huli ay matatagpuan

mo ang iyong tunay na

kaligayahan.

Sa iyo Eliene ng Eliene_

Yee@facebook.com,

Nangangarap ka ng

isang tunay na relasyon

kung saan ay maganda

ang samahan ninyo ng

pamilya ng nanliligaw sa

iyo.

Alam mo, iha, sa panahon

ngayon na ang

mga nagmamahalan ay

hindi na pinahahalagahan

ang lumang tradisyon

kung saan ay ikinokonsidera

ang pamilya ng

bawat isa.

Usung-uso na kasi

ang magkakarelasyon na

hindi alam ng kanilang

N i JHOZEL FERNANDEZ

bukol sa leeg.

Kaya ang mga batang hindi nakakukuha ng wastong

dami ng iodine ay maaaring makaranas ng mabagal

na pag-develop ng utak at maging ang paghina ng iba

pang mental na abilidad. Mula edad 1-8, kailangan ng

mga bata ng 90 mcg ng iodine, daily, samantalang,

mula 9-13 ay kailangan nila ng 120 mcg nito at

pagtuntong nang 14-18 ay nasa 150 mcg.

Dagdag pa rito, nalaman ng mga researcher na ang

mga batang hindi kumakain ng agahan, araw-araw, ay

bumababa rin ang folate intake — Vitamin B na mahalaga

para sa katawan ng mga bata dahil nakatutulong

ito sa bowel movement na ma-absorb nang husto ang

nutrients sa mga pagkain at nakapagpapabuti rin ng

metabolism.

Ang mga batang edad 1-3 ay dapat makakuha ng

150 mcg ng folate, kada araw; mula 4-8 years old ay 200

mcg; mula 9-13 ay 300 mcg at mula 14 pataas ay

nangangailangan ng 400 mcg.

Giit ng mga siyentipiko, ang pag-aaral na ito ay

nagbibigay ng matibay na ebidensiya na ang mga bata

at teenager ay kinakailangang kumain ng kanilang agahan,

araw-araw, dahil malaki ang epekto nito sa pangkalahatang

kalusugan at kasiglahan ng kanilang buong

katawan sa buong maghapon, sa lahat ng gawain, mapaeskuwelahan

man o sa bahay.

Kaya, mommies, let’s make sure na gaganahan si

bagets sa ating ihahandang breakfast meal at siyempre,

‘yung pagkaing masustansiya at makapagbibigay sa

kanya ng energy for the whole day. Oh, kids, don’t

miss your breakfast, ha!

pamilya at ang iba ay wala

namang pakialam sa mga

pamilya nila at sa pamilya

ng karelasyon nila.

Ang katwiran kasi nila,

basta nagmamahalan,

wala silang pakialam sa

kahit sino.

Hindi maganda ang

ganitong takbo ng buhay

ngayon dahil nababalewala

ang paggalang sa

mga pamilya.

Nagiging makasarili

ang tao na ang sarili lang

nilang kaligayahan ang

sa kanila ay mahalaga.

Sabi ng panaginip mo,

tama ka, kailangang sa

pakikipagrelasyon, kasama

ang pamilya ng bawat

isa.

Huwag kang tumulad

sa marami na muli ay hindi

pinapansin ang mga tradisyong

gagabay sana sa

buhay ng bawat tao.

Hanggang sa muli,

Professor

Seigusmundo del

Mundo

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!