21.08.2017 Views

AUGUST 21, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

2 News Editor: JOY ASIS

AGOSTO 21, 2017

Balot ng takot

“ANG GULO NG BAYAN!” — SIMBAHAN

MAS lalo lamang umanong gumulo at balot

ng takot ang bayan kasunod nang nagpapatuloy

na war on drugs ng gobyerno.

Ito ang iginiit ni Catholic Bishops’ Conference of the

Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan

Archbishop Socrates Villegas matapos umabot sa 91 katao

ang napatay sa police operations sa loob lamang ng pitong

araw na itinuturing na ‘deadliest week’ sa giyera ng pamahalaan

kontra iligal na droga, kabilang dito si Kian Loyd delos

Santos, na isang Grade 11 student sa Caloocan City.

“Ang gulo ng bayan! Ang opisyal na pumatay ay may

parangal. Ang pinatay ay sinisisi. Hindi na makapagpaliwanag

ang mga bangkay sa bintang sa kanila, ‘nanlaban

kasi’. Hindi na nila masabi, ‘nagmakaawa po ako, hindi

ako lumaban!’ Sino ang magtatanggol sa kanila?” pahayag

ni Villegas.

Kinuwestiyon din ni Villegas kung bakit mahihirap lamang

ang napapatay sa drug operations habang nabibigyan pa ng

special treatment ang mga makapangyarihan.

“Bakit ang mga mahihirap na lang lagi ang binabaril at

kapag mayamang ‘malakas sa itaas’ ay kailangan muna ng

imbestigasyon at affidavit?” aniya pa.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Villegas na kalembangin ang

mga kampana sa mga Simbahan sa kanilang archdiocese sa

loob ng 15-minuto, gabi-gabi, simula Agosto 22 hanggang

Nobyembre 27, bilang paghingi ng hustisya para sa mga

nasawi, gisingin ang konsensiya ng mga pumatay sa kanila at

gisingin ang bansa sa pagbubulag-bulagan sa mga nagaganap

sa paligid.

“Ibalik natin ang pagiging tao. Ibalik natin ang dangal-

Pilipino. Ikampana ang dangal ng buhay! Ikampana ang

karapatan ng mga pinapatay na mahihirap!” dagdag pa ni

Villegas.

Si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle naman

ay naglabas ng pastoral letter na babasahin sa mga banal

na misa tuwing araw ng Linggo, kung saan hinikayat ang mga

Nasa loob ng LRT, baril pumutok

PULIS, SAPOL

gan, nasa loob siya ng tren

nang makarinig ng malakas

na putok na halos ikabingi

niya at nagdulot umano ito

ng takot sa mga pasahero na

nakasakay sa tren.

At nang bumukas ang

pintuan ay lumabas ang pulis

na parang walang nangyari

at naglakad.

Nabatid na si Torres ay

kabilang sa mga pulis na naatasang

magbantay sa LRT.

Kasunod nito ay nagpadala

na sa pagamutan si

Torres dahil sa tinamong

sugat sa paa.

(Mylene Alfonso)

mamamayan na ibahagi at pakinggan ang kuwento ng

mamamayan na magbibigay ng mukha sa libu-libong indibidwal

na napatay sa war on drugs.

Ayon kay Tagle, dapat payagan ang mga kaanak ng mga

napatay sa drug war, partikular na ang mga inosente na

maihayag ang kanilang kuwento, gayundin ang mga drug

addict na nagbagong-buhay na upang higit na maunawaan ng

mamamayan ang sitwasyon.

“Given the complexity of the issues, no single individual,

group or institution could claim to have the only right response.

We need one other. We cannot disregard,” pahayag pa ni

Tagle. Nais din ni Tagle na makipagdayalogo sa lahat ng

sektor upang makabuo ng iisang landas para maresolba ang

problema ng bansa sa iligal na droga.

Hinimok din ni Tagle ang lahat ng parokya na tumulong

sa drug rehabilitation program ng Manila Archdiocese sa

pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at pulisya.

Hiniling din niya sa mga Katoliko na mag-alay ng

panalangin sa mga taong napatay sa drug war, kanilang pamilya

at mga taong pumatay sa kanila. (Madel Moratillo)

DAGD

AGDAG-BA

AG-BAWAS AS SA

PRESYO NG PETROLYO

MAGPAPATUPAD ng

dagdag-bawas ang mga oil

company sa presyo ng kanilang

mga produktong petrolyo

sa susunod na linggo.

Sa inilabas na advisory

ng Department of Energy

(DOE), aabot sa P0.10 ang

ipatutupad na dagdag-singil

sa presyo ng gasolina, samantalang,

magbabawas

naman ng P0.10 sa presyo

ng bawat litro ng diesel at

kerosene o gaas.

Ipinaliwanag ng DOE na

ang paggalaw sa presyo ng

mga petroleum product ay

base sa presyo nito sa resulta

ng international oil trading.

Posible pa umanong mabago

ang nasabing projected

adjustment depende sa resulta

ng kalakalan.

(Gina Pleñago)

5.6 LINDOL SA DAVAO OCCIDENTAL

ISANG Magnitude 5.6 na lindol ang tumama sa lalawigan

ng Davao Occidental, kahapon.

Sa record ng Philippine Institute of Volcanology and

Seismology (Phivolcs), nakasentro ang pagyanig sa timogsilangang

bahagi ng Sarangani na may lalim na 120 kilometro.

Tectonic ang origin ng lindol.

Wala namang inaasahang aftershocks o pinsala sa mga

establisimyento kasunod ng naturang lindol. (Jeff Tombado)

BAGYONG ISANG, HATAW

NAPANATILI ng Bagyong

Isang ang lakas nito

habang kumikilos sa ibabaw

ng dagat.

Base sa pinakahuling

severe weather bulletin ng

PAGASA, 5:00 kahapon

nang hapon, namataan ang

sentro ng bagyo 715 kilometro

sa silangan ng Basco,

Batanes.

Inaasahang kikilos ang

bagyo nang pakanluranhilagang

kanluran sa bilis na

19 kilometro kada oras.

May lakas itong 55 kilometro

kada oras malapit sa

sentro at may bugsong 65

kilometro kada oras.

Maaaring makaranas ng

malalakas na ulan sa mga

lugar na saklaw ng 300

kilometrong diameter ng

bagyo. (Teresa Tavares)

DUTERTE, NAKIISA SA NINOY AQUINO DAY

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte

sa paggunita ng sambayanan sa ika-34 na

anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador

Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr.

Sa ipinalabas na mensahe ng pangulo,

sinabi nitong saksi ang kasaysayan kung paano

isinulong ni Ninoy ang makabuluhang pagbabago

sa lipunan sa kanyang kapasidad bilang

mamamahayag at bilang pulitiko.

Ipinaglaban aniya ni dating Senador Aquino

kung ano ang patas at tama at hanggang sa

huling yugto ng kanyang buhay ay nagsilbing

inspirasyon ito para sa isang mapayapang

rebolusyon na ngayon ay tinatamasa na ng

mga Pilipino.

Matapos sumuko sa Oplan Tokhang

MISTER PINAGBABARIL

DEDBOL ang isang

mister matapos pasukin at

pagbabarilin sa harap mismo

ng kanyang live-in

partner ng dalawang hindi

kilalang suspek sa Malabon

City.

Ayon kay Malabon Police

Head of Investigators

Insp. Paul Dennis Javier,

dead-on-the-spot sanhi ng

mga tinamong tama ng bala

sa katawan si Jun Sixto Navalez,

45, habang tumakas

ang mga suspek na kapwa

Sangkot sa droga

ISANG kagawad ng

pulisya na nag-Absent Without

Official Leave (AWOL)

ang napaslang habang isang

aktibong pulis at anak nito

ang nasugatan sa nangyaring

pananambang sa Bacolod

City, kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si

PO1 Federico Nicolas, dating

nakatalaga sa Bacolod

City Police Office at nasa

listahan bilang isa sa mga

bigtime na tulak ng iligal na

droga sa lugar.

Agad namatay si Nicolas

sa pinangyarihan ng pananambang

sa kanila sa Bgy.

14 bunsod ng ilang tama ng

bala sa kanyang katawan

habang ginagamot naman

sa Bacolod Adventist Medical

Center ang aktibong

nakasuot ng jackets, bonnets

at facemasks.

Lumalabas sa imbestigasyon

nina PO2 Aaron

Blanco at PO2 Jose Romeo

Germinal II, 11:30 ng gabi,

natutulog si Navalez at kanyang

live-in partner na si

“Baby” sa kanilang bahay

sa loob ng Tugatog Cemetery,

Bgy. Tugatog nang

sapilitang pumasok ang dalawang

armadong lalaki at

pinagbabaril ang biktima sa

harap mismo ng nanginginig

Sinabi pa ng pangulo na maging sa

mga panahong halos mawalan na ng pagasa

ang mga Pilipino ay nanatiling matatag

si Ninoy para mapanumbalik ang

demokrasya sa mapayapang paraan.

Ang mga naging sakripisyo ni Ninoy

ang nagturo sa mga Pilipino kung paano

magsikap para sa kapakanan ng lahat.

Hangad ni Pangulong Duterte na

magpatuloy ang pamanang ito ni Ninoy

at lalo pang isulong ang pagkakaisa at

pagmamahal sa bansa ng sambayanan

lalo na sa mga panahong sinusubukan

ang bansa.

(Aileen Taliping)

sa takot na ka-live-in nito.

Narekober ang ilang

basyo ng bala mula sa

cal. 45 at cal. 9mm na

baril sa pinangyarihan ng

insidente, habang sa pahayag

ng isang barangay

opisyal ng Tugatog sa

mga pulis, sangkot ang

biktima sa kalakaran ng

iligal na droga at kamakailan

ay sumuko na

ito sa “Oplan-Tokhang”

ng pulisya.

(Maeng Santos)

PARAK NIRATRAT, UTAS

SUGATAN sa paa ang

isang pulis matapos aksidenteng

pumutok ang kanyang

baril sa loob mismo ng Light

Rail Transit (LRT) Line 2

sa V. Mapa Station sa Sta.

Mesa, Manila, kahapon.

Kinumpirma naman ni

Regional Public Safety Battalion

Head PC/Insp. Wilmer

Binag ang insidente kung

saan kinilala niya ang biktima

na si PO1 Aaron Torres.

Batay sa ulat, naganap

umano ang insidente, 7:20 ng

umaga sa loob ng train sa V.

Mapa Station.

Ayon kay Regie Panopulis

na si PO1 Wilmer Bansag,

46 at ang 17 taong gulang

na anak nito.

Ayon kay Police Sr. Insp.

Armilyn Vargas, minamaneho

umano ni Nicolas ang

kanyang Mitsubishi Adventure

kasama ang magamang

Bansag nang bigla

silang pagbabarilin ng

isang grupo ng armadong

kalalakihan na sakay naman

sa isang puting Toyota

Vios sa may panulukan

ng Rosario at Yulo Sts.

Narekober ang ilang

basyo ng mga bala mula sa

M16 rifle, caliber 9mm at .45

pistola sa lugar ng ambush.

Lumalabas sa report na

si Nicolas ay isa sa mga

itinuturing na “high value

target” ng Bacolod City

Police dahil sa pagkakaugnay

nito sa droga habang

si PO1 Bansag ay

nakadestino sa Negros

Occidental Provincial

Police Office.

Si Nicolas ang siyang

itinuturo na malaking

supplier ng shabu sa Bacolod

City matapos ang

sunud-sunod na pagkakaaresto

sa ilang personalidad

kasabay ng pagkakakumpiska

sa kanila

ng mahigit P5 milyong

halaga ng droga.

May hinala ang mga

awtoridad na ang dahilan

sa pagpaslang ay ang

away-away sa grupo at

sa hindi pagbabayad ng

pera sa mga supplier nito.

(Jeff Tombado)

PINANGUNAHAN ng pangulo ng MPD Press Corps na si Mer Layson at mga

miyembro nito ang isinagawang feeding mission kung saan may isandaang preso sa

MPD-Integrated Jail at mga kabataang lansangan ang nakinabang dito. Ayos ‘yan.

(Jun Guillermo)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!