Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
4 Column Editor: PRINCESS ERIKA SOLITARIO

NOBYEMBRE 11, 2017

Kakulangan sa pambili ng

gamot, dahilan pa rin daw

ng pagkamatay ng mga

Pilipinong may sakit

NAKALULUNGKOT ang ulat mula sa

World Health Organization na nagsasabing isa

sa pinakamalaking dahilan kung bakit marami

sa mga may karamdaman sa mahihirap na bansa

tulad ng Pilipinas ang namamatay ay dahil sa

wala silang maitustos sa pagpapagamot at

walang pera para makabili ng kaukulang

medisina.

Sa kasalukuyan, may umiiral na programa

ang gobyerno sa pangangasiwa ng Department

of Social Welfare and Development na ang layunin

ay mamahagi ng mga libreng gamot sa

mga pinakamahihirap na pasyente — ang Libreng

Gamot para sa Masa o Lingap.

Masidhi ang layunin nating maisulong at

mapalawak ang programang ito ng gobyerno

dahil base sa earmarking provision ng Senate

Bill 1592 o ang Tax Reform for Acceleration and

Inclusion (TRAIN) Bill, isa sa mga pangunahing

popondohan ng unang bugso ng tax reform

package ng administrasyong Duterte ang pagpapalawak

sa free medicines program para sa

mahihirap na pamilya.

Umaasa tayong sakaling mapagtibay ang

panukala ay mapalawak ang sakop ng programa

hanggang sa pinakamalalayong probinsiya,

para na rin matiyak natin na mas maraming kababayan

nating walang kakayahang tustusan ang

kanilang pagpapagamot ang aabutin ng tulong.

Sa ngayon, 11 partner hospitals na ang kaagapay

ng DSWD sa pagpapatupad ng Lingap.

Kabilang sa mga ito ang PGH, Jose Reyes

Memorial Hospital; San Lazaro Hospital; East

Avenue Medical Center; Lung Center at ang

Philippine Children’s Hospital para sa NCR.

Sa Kabisayaan, nariyan ang Vicente Sotto

Memorial Medical Center sa Cebu City;

May katanungan ka ba, reklamo o nais

ihingi ng tulong? Sumulat sa

AGARANG SOLUSYON ni Sonny

Angara, BULGAR Bldg., 538 Quezon

Ave., Quezon City o mag-email sa

agarangsolusyon.bulgar@gmail.com

Southern Philippines Medical Center sa Davao

City at Davao Regional Hospital sa Tagum City.

Sa San Fernando, Pampanga, nariyan ang Jose

B. Lingad Memorial Hospital.

Sa datos ng DSWD, umaabot sa 13,000 indigent

individuals na ang naging benepisaryo

ng Lingap at nais nating mas maparami pa ang

matulungan ng ating pamahalaan sa kanilang

pangangailangang medikal.

Dahil dito, hinihikayat natin ang iba pang

pagamutan sa buong bansa na sana ay makiisa

sa programang ito ng gobyerno sapagkat para

ito sa kapakanan ng mga kapus-palad nating

kababayan.

BAGO na ang ating presidential spokesman

— si dating Cong. Harry Roque. Tayo ay may

mataas na pagtingin kay Sec. Roque at naniniwala

tayong inilagay siya rito ni Pangulong

Duterte dahil taglay niya ang mga katangiang

nararapat para sa tagapagsalita ng pangulo.

Si Sec. Roque, kung hindi batid ng lahat, ay

dating propesor ng International Laws sa Unibersidad

ng Pilipinas (UP) kaya isinasabalikat

natin sa kanya at ipinagkakatiwala ang katayuan

ng ating bansa sa mga usaping may kinalaman

sa pandaigdigang batas.

Malaking puntos para kay Sec. Roque ang

dati niyang posisyon kaya tiyak na may malawak

siyang kaalaman tungkol dito.

Alam naman natin na sa kasalukuyan, may

kaunting sigalot ang ating mga pambansang

polisiya sa international affairs, pero malaki ang

tiwala at pag-asa natin na kayang-kaya itong

gabayan ng magaling na spokesman.

NAKALIMUTAN DAW YATANG PA-

INUMIN NG GAMOT SI P-DUTERTE

KAYA NAG-ASAL BAYOLENTE NA NA-

MAN DAW ITO SA VIETNAM — Sa harap

ng mga Pinoy sa Vietnam ay ikinuwento ni

Pangulong Duterte na noong kabataan daw

niya, sa edad na 16 ay nakapatay na raw siya

ng tao at pagkaraan ay binalaan ni P-Duterte si

Special Rapporteur Agnes Callamard na sasampalin

daw niya ito kapag nagtungo sa Pilipinas

para imbestigahan siya kaugnay sa isyu ng

human rights violations at EJK (extrajudicial

killings) sa mga maralitang Pinoy na suspected

adik at pushers.

Tila yata nakalimutan daw nina Madam

Honeylet Avanceña at Sec. Bong Go na painumin

ng gamot si P-Duterte kaya nag-aasal bayolente

na naman daw ang pangulo, joke-jokejoke!

MALAWAK NA REHAB CENTER,

Editoryal

GAWIN NA LANG DAW EJK CEME-

TERY PARA PAGLIBINGAN NG DIUMA-

NO’Y 13,400 NAPATAY SA ‘WAR ON

DRUGS’ NI P-DUTERTE — Tama raw ang

sinabi ni ex-DDB (Dangerous Drugs Board)

Chairman Dionisio Santiago na “mistake” ang

ipinagawang Mega Drug Rehabilitation Center

sa 100,000-sqm. sa Nueva Ecija dahil sa sobrang

layo nito ay halos walang nagpapa-rehab dito.

Tutal, wala naman daw silbi ang rehab center

na ‘yan, eh, ang pinakamainam ay gawin na

lang daw ito ng gobyerno na sementeryo at pangalanang

EJK cemetery para roon na raw

ilibing ang mahigit 13, 400 suspected addicts

at pushers na napatay sa “war on drugs”

ni P-Duterte, boom!

SHABU AT VIDEO KARERA, MGA

SALOT NA BISYO SA BIÑAN CITY — Ang

shabu at video karera ay mga salot na bisyo na

kinahuhumalingan ng mga adik sa droga at

mga sugarol sa Biñan City.

Ang operasyon ng video karera sa Biñan

City ay magdamagan daw dahil ang mga

nagsusugal dito ay halos hindi na natutulog,

Editoryal

Bawal ang mambastos

sa bayan ni ‘Juan’!

K

UNG non-stop noon ang laban ng PNP kontra iligal

na droga; ang kontrobersiya at pagpapasaway ng

ilang pulis, mukhang non-stop din.

Mula sa mga diumano’y pagkakasangkot sa iligal

na droga, kidnap-for-ransom, pagpatay sa ilang menor-de-edad

at kung anu-ano pa.

Ngayon, dalawang pulis na naman ang sangkot sa paninipol

sa isang dalaga sa Quezon City.

Kaybabastos naman pala ng mga mamang pulis na ito?!

Nakabubuwisit, hindi ba?

Paano nga naman natin pagkakatiwalaan ang mga ganitong

klase ng alagad ng batas kung sila pala mismo ang babastos sa

mamamayan at numero-unong lalabag sa batas?

Kaya nararapat lang talagang nasibak na sa puwesto ang dalawang

pulis na inaakusahang nanipol sa dalaga.

Ayon na rin sa QCPD chief ay inihahanda na ang kasong conduct

unbecoming of a police officer laban sa dalawa, bukod sa

paglabag ng mga ito sa ordinansa ng Quezon City o ang Anti-Harassment

Ordinance.

At ang kanilang supervisor, sibak din matapos pagtakpan ang

dalawang pasaway na pulis.

Mabuti nga sa inyo, mga mamang pulis, may kinalagyan ang

kabastusan ninyo!

Kailanman ay hindi magiging katanggap-tanggap ang pambabastos

sa sinumang indibidwal.

Kaya kahit pulis pa ‘yan o kung sinuman, dapat lang na kastiguhin

ang makakapal ang mukhang mambastos upang madala

at hindi na rin pamarisan.

P-Digong, nakalimutan

daw painumin ng

gamot kaya nag-asalbayolente

sa Vietnam?

kasi nga ay mga naka-shabu raw.

Kamakalawa ay dinakip ng mga awtoridad

si Renato Gopez na diumano’y nagpapalaganap

ng shabu sa Biñan City.

Kaya ang tanong: Kailan kaya darakpin

ng mga awtoridad si “Dosena Parak” na

nagpapalaganap ng video karera sa lungsod

na ito? Abangan!

‘TARA’ SYSTEM, BALIK NA NA-

MAN DAW SA CUSTOMS — Balik na

naman daw ang “tara” system o pagtanggap

ng payola sa mga smuggler ng mga buwayang

Customs official.

Patunay daw ‘yan na kahit sinong maupong

Customs commissioner, hindi na maaalis

ang “tara” system sa Adwana.

Anong say mo rito, Bureau of Customs

Commissioner Isidro Lapeña?

No. 1 NEWSPAPER

FROM 2002 TO PRESENT

AS PER THE NIELSEN

PHILIPPINES

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Trunk lines : 749-5664 to 65

Editorial : 749-5664 loc. 112, 114, 122

712-2874 (FAX)

Bulgar Online : 995-3732

Advertising: 749-6094 (DL) 712-2883

251-4129 (FAX) 749-1491

Credit & Collection: 742-5434

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang opinyon ng mga manunulat ay

personal nilang pananaw at walang

pananagutan ang publikasyong ito.