You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
E 11, 2017

Petmalu! Ikaw na talaga ang lodi!

WILLIE, HELICOPTER ANG

SERVICE PARA IWAS-TRAFFIC

G

USTO naming pasalamatan si Colonel Jude Estrada

sa pagiging matutok sa ibinigay na full military

honors ng Philippine Air Force kay Isabel Granada.

Siya ang nagsilbing tulay namin

para makuha ang lahat ng impormasyon

tungkol sa pinaplano nilang pagbibigaypugay

sa bangkay ng yumaong singer-actress.

Madalas ang aming pag-uusap, nagbabagu-bago

kasi ang oras ng pagdating-paguwi

sa mga labi ni Isabel, si Col. Jude na reservist din ng

PAF ang nagbibigay sa amin ng eksaktong magaganap.

Nais din naming pasalamatan nang malayuan ang mga

opisyal at miyembro ng PAF sa pamumuno ni Lt. Col.

Butch Guevarra. Para sa aming mga taga-showbiz ay

napakalaking karangalan ang iginawad nila sa aming mahal

na kaindustriyang si Issa.

Habang pinanonood namin ang ginanap na full military

honors ay kinikilabutan kami. Nang ibalot na sa watawat

ang kahon na naglululan ng bangkay ni Isabel ay

napakaraming tumawag sa amin.

Si prop ang unang takang-taka sa ibinigay na pagpapahalaga

at pagrespeto ng PAF kay Isabel, wala raw itong

kaalam-alam na sarhento pala ang ranggo ng pumanaw na

singer-actress, dahil hindi naman ‘yun ipinagmamakaingay

ni Isabel.

“I cried an ocean, not just a river, when I saw

the footage. Hindi ko alam na reservist pala ng

PAF si Isabel Granada. Alam kong licensed pilot

siya at du’n pa lang, eh, humanga na ako sa

kanya.

“But I didn’t know na organic member pala

siya ng Philippine Air Force and became Air Woman

2nd Class until the time na bumitiw siya. Nagpaenlist

uli siya, hindi niya iniwan ang PAF. I also

found out na pambatong volleyball player pala siya

ng PAF sa mga sinasalihan nilang competition.

“I was surprised, ang dami-dami pala nating

hindi alam tungkol kay Isabel Granada. Hindi

naman kasi niya ‘yun sinasabi, hindi niya ipinagmamakaingay,

kasalu-saludo pala siya

talaga,” gulat na komento ng kaibigan naming

propesor.

Hanggang ngayong Sabado nang gabi ay may

pagkakataon pa ang mga kaibigan at tagahanga

ng singer-actress na masilip sa pinakahuling

pagkakataon ang kanyang mga labi.

Bukas nang umaga ay ililipat na ang kanyang

bangkay sa Arlington Chapels kung saan isang huling

misa pa ang gaganapin at kasunod na agad ang

kanyang cremation nang alas-dos nang hapon.

Inaalala namin si Mommy Guwapa kapag wala

nang lahat ang mga nakiramay sa kanilang pamilya

sa pagpanaw ng kanyang kaisa-isang anak. Ang

lungkot ay mas lalalim.

Ang paghahanap kay Isabel ay mas sisigid sa kanyang

puso. Wala na ngang mas sasakit pa sa pagkawala ng

isang anak. Ang laman ng kanyang laman. Dugo ng

kanyang dugo.

TANUNGAN nang tanungan sa amin ang mga tagasuporta

ni Willie Revillame kung bakit daw wala siya

sa ipinakikitang Christmas Station plugs ng GMA-7.

Kung ang ibang mga personalidad nga raw ng network

ay nandu’n, kaya bakit si Willie pa ang wala?

Puwedeng hindi pa nakukunan si Willie at idadagdag

na lang ‘yun sa editing, pero kung kilala nga namin si

Willie, ang ganu’n ay pasable lang sa kanya.

Naalala namin na nu’ng nasa ABS-CBN pa siya ay

“It’s just, you know, when you see both people

happy, then maybe they’re together.”

Boto raw siya sakaling lumagay na sa tahimik

ang rumored couple.

Aniya, ”Why not? If they feel like it.

“Imbitahin naman nila ako, ‘di ba? I’ll be there

whenever, wherever.

ISKUP. . . . (mula sa kanan)

palaging nasa pinakahuling kuwadro ang sikat na aktor-

TV host, napakalakas naman kasi talaga ng kanyang

Wowowee, poste ‘yun ng Dos.

Pero kahit wala siya sa Station ID o

sa pamaskong plugs ay walang problema

kay Willie, tuloy pa rin ang buhay para

sa kanya, ang mahalaga ay masaya siya

sa kanyang ginagawa at sa istasyong

pinaglilingkuran niya.

Isang kaibigan namin ang nagtanong

kung hindi raw ba naiinis si Willie dahil sa

matinding traffic sa lahat ng lansangan ngayon. Lalo

na ang EDSA, parang napakalawak nang parking lot

ang kahabaan nu’n lalo na sa umaga at gabi, mas

bumigat pa ang trapik ngayon dahil malapit na ang

Pasko.

Ayaw naming magsinungaling sa aming kausap,

laging gusto naming magpakatotoo, kaya ang sagot

namin ay hindi dahil kapag bumibiyahe si Willie papunta

sa kanyang mga bahay sa Tagaytay ay nakachopper

siya.

May helipad ang Wil Tower Mall, du’n siya sinusundo

ng helicopter papuntang Tagaytay, para mapabilis

ang kanyang biyahe at marami siyang matapos na

trabaho pagdating sa kanyang destinasyon.

Sabi nga ni Willie nu’ng minsan, “Napakalaking

abala ng traffic lalo na sa business sector. Daang

milyon ang nawawala, hindi nakararating agad ang

mga goods nila dahil sa sobrang traffic.

“Nagtsa-chopper ako kapag nagpupunta ako sa

Tagaytay hindi para sa anupaman, gusto kong makarating

sa tamang oras dahil may mga kausap akong engineers

at arkitekto kapag nagpupunta ako ru’n.

“Ayokong nagpapahintay sa kausap ko, nahihiya

ako sa kanila, kung mahalaga ang time ko, eh, ganu’n

din sila. Kaya para hindi ako makulong ng

traffic, chopper talaga ang ginagamit ko,” sinserong

pahayag ni Willie Revillame.☺

“Sabi ko sa kanila, ‘Gawin n’yo na lang weekend.

Kahit isang araw, pupuntahan ko kayo kahit saan.’”

We wonder tuloy, nasa ganu’ng level na nga kaya

ang relasyong John Lloyd at Ellen? Sobrang in love

nga kaya talaga ang magaling na aktor para umabot

na sa ganu’ng punto?

Well, we have yet to hear it from Lloydie. ☺

Haping-hapi raw at botong-boto sa dalawa...

BEAUTY, KUMANTANG PINAG-UUSAPAN NA

NILA NI ELLEN ANG KASAL KAY JOHN LLOYD

O

NE of the more likeable guys sa

showbiz si Rayver Cruz. Kaya

naman natuwa kami sa balitang sila

na nga raw ngayon ni Janine Gutierrez.

However, in an interview with Kuya

Boy (Abunda), idinenay ng actor-dancer

na mag-on na sila ng apo ng SUPERSTAR

na si Nora Aunor at ni Boyet de Leon.

Pag-amin ni Rayver, true na nililigawan

niya si Janine pero hindi pa raw sila. Nakadepende

raw siyempre ito kay Janine.

He admitted too na they are close

and on a frequent date.

Pero kung tungkol sa relasyon nila,

“Ayoko naman siyang apurahin. Pareho

kaming may busy schedule.”

Sa palagay namin, pauunahin muna

ni Rayver ang kapatid na si Rodjun who

lately got engaged after a 10-year relationship

with Dianne Medina.

Ang nakakatuwa kay Rayver, he

knows how to get close sa parents ni Janine.

Nakikipaglaro pala siya ng basketball

sa daddy ni Janine na si Monching Gutierrez,

habang kay Lotlot naman, pinupuntahan

pala niya ito sa resto business ng aktres.

At tungkol naman sa haka-haka kung

true ba na ta-transfer siya sa GMA-7 dahil

nauna na sina Jason Francisco, Jason Abalos

at Matt Evans, he said, “Matagal nang

usap-usapan ‘yan at mas lalo na ngayon

na malapit kami sa isa’t isa ni Janine.

Pero ako, mananatili pa rin sa pagiging

Kapamilya.”

NU’NG Huwebes ng gabi lang uli namin

napanood ang La Luna Sangre. Kasama

namin sa panonood ang apo naming

si Cheska at ang kasama namin sa

bahay na si Melai.

Comment ni Cheska, “Little Red

Riding Hood na ba si Angel Locsin? ‘Di

lang damit niya ang red, pati lipstick

niya, red na red.”

Tapos ay humirit ito ng, “Pero sa

looks, bata si Little Red Riding Hood at si

Angel naman ay ‘di na bata.”

So, tumatak na talaga sa madlang

pipol ang role ni Angel Locsin sa LLS.

Asked naman ni Melai kay Cheska,

“Eh, si Sandrino (Richard Gutierrez),

ayaw mo ba sa kanya?”

Sagot ni Cheska, “Ayoko nga sa

kanya, monster siya.”

Kawawa naman si Richard dahil

identified na siya ng mga bata as a

monster. Pagkaguwapu-guwapo pa

naman sana ni Chard, pero ngayon ay

kinatatakutan na tuloy ng mga bata.

Ang tila nawawala ay sina Kathryn

Bernardo at Daniel Padilla. Sabi nga

ng critic (kuno) naming kakilala na si

Nelia nu’ng magkita kami minsan,

“Wala na kasing ginawa si Kathryn kundi

nandidilat lagi ang mga mata. Alam mo,

mas gusto ko silang dalawa

ni Daniel sa rom-com, mas

nakakaaliw sila.

“Tapos, ‘yung mga kuwento

tungkol sa bampira at

lobo, passé’ na ‘yan. ‘Di na

interesting.”

LOW profile lamang ang mga

comedians na sina Boobay at

Isko Salvador but they have

managed to stay in showbiz.

Hindi sila masasabing kasingsikat

ng ilang komedyante pero

nakakamangha ang kanilang

staying power.

Boobay is still young pero

nakapag-create na siya ng sarili

niyang tatak bilang komedyante.

At dahil uso naman

ang mga bading na comedians

ngayon, ayan, bentang-benta

siya sa mga manonood.

On the other hand, hindi

kailanman nagbago ng estilo sa

pagpapatawa si Isko o Brod

Pete. Nakilala na siya noon pa

sa John en Marsha bilang

manliligaw ni Maricel Soriano.

Dekada na ang nagdaan at marami na

sa mga kasabayan niya ang naglaho, but

here to stay pa rin si Isko.

Sina Boobay at Brod Pete ang dalawa

sa mga nagpapasaya sa weekly show nina

Eugene Domingo at Edu Manzano na Celebrity

Bluff.

KUNG marami ang kumokontra sa

relasyong John Lloyd Cruz at Ellen

Adarna, ang good friend naman ni Ellen

na si Beauty Gonzalez ay happy para sa

kanila.

Naniniwala si Beauty na, “They both

love each other! And I am happy for them.”

Kitang-kita raw ang love sa pagitan

ng rumored couple na naglibot sa Europe

sa loob ng isang buwan.

Sa tanong kung pormal na bang naipakilala

sa kanya ni Ellen si John Lloyd

bilang boyfriend nito, ani Beauty, “We’re

too old to say things na… Kahit ako nga,

hindi ko naipakilala dati na boyfriend

ko na ‘yung asawa ko ngayon.

(Sundan sa kaliwa)

9