18.11.2017 Views

NOVEMBER 18, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

6

NOBYEMBRE 18, 2017

Wala pa ring tatalo sa

pagmamahal at pag-aaruga

ng mga magulang

TAYONG mga Pilipino ay sadyang pinalaking may

matinding pagmamahal para sa ating mga

kapamilya. Itong pagmamahal para sa pamilya ang

isa sa mga paborito natin sa Filipino values dahil

talagang iba ang bond na namamagitan sa mga

miyembro ng pamilyang Pilipino. Para sa inyong

lingkod, mahalagang matatag ang pundasyon ng

bawat pamilya upang maging matatag din ang mga

sanga nito, ang mga anak sa kanilang pagbukod at

pagsisimula ng sariling pamilya sa kalaunan.

Ito ang natutuhan natin sa ating mga magulang

na nitong nakaraang linggo lamang ay nagdiwang

ng kanilang mga kaarawan. Sa kanila natin natutuhan

ang kahalagahan ng pagiging close ng isang pamilya

— dahil sino pa nga ba ang magpapahalaga sa atin

regardless kung ano ang ating pinagdaraanan at

estado sa buhay kundi sila.

Ang inyong lingkod man ay may pamilya nang

sarili, ngunit, mayroon pa ring napakalaking

impluwensiya ang ating mga magulang sa ating

buhay mag-asawa at sa pagpapalaki ng

ating mga anak. Sino pa ba ang

magiging ehemplo ng mag-asawa sa

kanilang buhay nang magkasama

kundi ang kanilang mga magulang?

Mula sa tinatahak na career

hanggang sa mga usaping pampamilya,

maaasahan ninyo ang inyong

mga magulang na makapagbibigay ng

magandang payo at puspusang

suporta sa inyo. Ang inyo mang

lingkod ay sumasangguni pa rin sa

mga magulang para sa kanilang payo

at suporta, anumang isyu sa buhay.

Ang ating ama at ina ang laging

nagpapaalala sa atin sa kahalagahan ng

pagmamalasakit sa kapwa at sa

pagiging tapat sa serbisyo sa

taumbayan. Kaya nga napakasaya

natin sa tuwing nagdiriwang sila ng

kanilang kaarawan dahil hudyat ito ng

panibagong taon na makakasama natin

sila.

Sadyang mapalad ang mga batang

lumaking may mga magulang na

nagtuturo sa kanila ng kahalagahan ng

pamilya. Kung mayroong kilala ang

inyong lingkod na makapagpapakita

kung gaano kahalaga ang pamilya sa

buhay, lalo na ang pagkakaroon ng

magulang, ito ay ang ating amang

maagang naulila. Kaya siguro ganu’n

na lamang ang kanyang pagpapahalaga

sa pundasyon ng pamilya at sa

pagsigurong patuloy ang suportang

ating natatanggap mula sa kanila.

Dahil sa anumang pagsubok,

pamilya ang laging naririyan para sa

atin, lalung-lalo na ang ating mga

magulang. Wala na sigurong makapapantay

sa pagmamahalan ng

pamilya. Kaya sa mga kabataan

ngayon, ang laging paalala ng inyong

lingkod ay mahalin at respetuhin sa

lahat ng pagkakataon ang ating pamilya

— lalung-lalo na ang ating mga

magulang dahil napakapalad ng may

gabay sa buhay.

Ngayong Sabado sana, bigyan

ninyo ng panahon ang inyong mga

pamilya. Ibaba muna ninyo ang inyong

gadgets at iba pang pinagkakaabalahan

upang makapiling sila.

Happy weekend sa lahat! Be nice!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa

SERBISYONG TUNAY ni Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon

Ave., Quezon City o mag-email sa serbisyongtunay.bulgar@gmail.com

HELLO, Bulgarians! 37

days to go na lang, Pasko

na! Siguradong excited

na ang lahat especially

ang mga tsikiting. Dahil

bukod sa decorations,

pagkain at bagong damit

ay may matatanggap

silang gift galing sa

kanilang loved ones.

Pero ang pinakahihintay

ng bawat bagets ay ang

gift ni Santa Claus.

Kaya kamakailan

lamang ay ini-launch ng

Save the Children sa

kanilang campaign na

#LahatSanta. Sabi nga ni

Dr. Amado Parawan, Save

the Children’s Health and

Nutrition advisor, dito sa

ating bansa, isa sa kada

tatlong bata ay nakararanas

ng kahirapan. Hindi

sila nakakakain nang

sapat sa araw-araw at halos

1.5 milyong kabataan

ang natutulog nang gutom.

Sa kampanyang ito,

lahat ay kasali kaya isuot

na ang Santa hats at

yayain na ang lahat at

simulan ang fund raising

para maraming bata ang

matulungan at mabigyan

ng regalo ngayong

darating na kapaskuhan.

Paano maging Santa

Claus at makasali sa fund

raising activity? Magregister

lamang sa

www.lahatsanta.ph at

magkakaroon pa ng fund

raising kit na naglalaman

ng coin bank, Christmas

poster at Santa hat.

Makikita rin dito kung

paano makalilikom ng

pondo tulad ng pagtitinda

ng baked goodies na gawa

#LahatSanta,

para sa mga bata

ngayong kapaskuhan

n’yo mismo, garage sale,

Christmas caroling at

marami pang iba. Sa

darating na December 15,

sabay-sabay susuotin ng

mga fund raiser ang

kanilang Santa hats para

maipakita rin sa social

media ang kanilang activities

gamit ang #Lahat-

Santa. Hindi lang ‘yan,

magkakaroon din ng fun

run sa darating na December

17!

May mga Filipino artist

din na full support sa

event na ito tulad nina Ria

Atayde, Bianca Guidotti,

Jeushl Wensh Tiu at Trish

Ramos.

Kaya ano pa ang hinihintay

natin, mga katsika,

sali na at maging bahagi

ng campaign na ito para

lahat ng tsikiting sa buong

Pilipinas, masaya ngayong

darating na kapaskuhan.

#ShareYour-

Blessing #LahatSanta

Mga katsika, abangan

n’yo ang mga picture

natin sa Instagram, i-follow

n’yo ako -

@missbulgarific o i-like

ang aking Facebook page

– h t t p s : / /

www.facebook.com/

Missbulgarific

For event invitations,

please, email bulgarific@

gmail.com at bulgarific@

bulgar.com.ph

Got to go! It’s so

Bulgarific!

xoxo

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!