18.11.2017 Views

NOVEMBER 18, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

NOBYEMBRE 18, 2017 7

Maine, ‘di na kailangan…

PAGSO-SOLO NI ALDEN,

SUPORTADO NG FANS

P

INAGTATALUNAN pa rin sa social media ang

post ng isa sa mga hosts ng Eat... Bulaga! na si

Joey De Leon na may caption na: “Nuknukan ka

na ng katangahan ‘pag sa

DEAD SEA nalunod ka pa.”

OA raw ang reaksiyon ng Hashtags

member na si Paulo Angeles, although

wala siyang name na tinukoy.

Wala rin naman daw kasing pinangalanan

si Joey at baka nagkataon lang ang

post nito sa ipinagluluksa ng It’s Showtime family na

pagkamatay ni Hashtag Franco Hernandez.

Post kasi ni Paulo, “Tanda mo na, bastos ka pa. Wala

akong pake kahit sikat ka. Mga joke mo, wala sa lugar.

Sobrang bastos mo.”

Post naman ng It’s Showtime host na si Teddy Corpuz,

“Sana, ibinigay mo na lang muna sa amin ang maipagluksa

ang kaibigan at kapatid namin, kahit isang araw lang.

Kahit ngayon lang. Nakakalungkot ka po. Ipapag-pray po

kita na gabayan ka ng Poong Maykapal.”

Ayon sa ilang netizens, sila lang ang nagkonek ng post ni

Joey sa pagkamatay ni Franco dahil wala namang minemention

na name ang EB! host.

Photo by: DADA NAVIDA

May nagsasabi naman na

insensitive ang dating ng post

ni Joey dahil may taga-showbiz

na namatay dahil sa lunod.

Pero para wala nang gulo,

binago na lang ni Joey ang caption

ng larawang ‘yun.

Whew!

KUMPLETO na ang official

entries ng 2017 Metro Manila

Film Festival. Ini-announce na

ang 2 nd batch ng kalahok sa

MMFF 2017.

Ito ay ang mga sumusunod:

Siargao nina Jericho

Rosales at Erich Gonzales; Ang

Larawan nina Joanna Ampil,

Rachel Alejandro at Paulo Avelino;

Haunted Forest nina Jane

Oineza, Jameson Blake, Maris

Racal at Jon Lucas; at

Deadma Walking nina Joross

Gamboa at Edgar Allan Guzman.

Ang mga unang pumasok

sa MMFF ay ang Ang Panday

ni Coco Martin; Gandarrapido!

The Revenger Squad nina Vice

Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla; All of You

nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay; at Meant

to Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Tiyak na masaya naman ang MMFF sa December

dahil maraming pelikula ang puwedeng pagpilian

ng mga bata.

Pak!

Pakialamero, sakit ng ulo ng production...

PADIR NG YOUNG ACTRESS,

BANNED SA TAPING

BLIND ITEM:

TAMA lang na pinuputulan ng pakpak ang mga stage

mother at father ng mga artista lalo kung hindi na sila

nakakatulong. Dahil sa kaepalan ng magulang ay nasisira

tuloy ang diskarte sa career ng mga anak nila. Gumugulo

tuloy sa set kung halimbawang may taping sila.

True ba na binawalan sa isang project ang ama ng

isang young actress? Hindi siya puwedeng sumama sa

taping. Nagkakaroon umano ng problema at issue ‘pag

nakakasama ang father ng young actress.

Dapat lang na sumunod ang young actress sa management

or else, siya ang mawawalan ng career. Baka tsugihin

pa siya o masuspinde ‘pag naging pasaway, ‘no?

NATAWA kami sa pagkukuwento ni Arjo Atayde na

mabunganga at protective ang kanyang inang si Sylvia

Sanchez. Nakatanggap na lang daw

siya ng kaluwagan nu’ng lumaki na siya.

Pero nu’ng high school siya ay kailangang

nasa bahay na siya nang 10

PM. Na-experience rin niya na masigawan

at katakut-takot na tanong ng

ina kung saan siya galing ‘pag inaabot

nang madaling-araw.

Pero tingnan mo naman, maayos na napalaki ni

Sylvia ang kanyang mga anak. Makikita ngayon kina

Arjo at Ria Atayde na disiplinado, responsable at marespeto

sila sa mga tao.

Anyway, magsasama ngayon ang mag-ina sa seryeng

Hanggang Saan. Isang malaking question kung hanggang

saan nga ba ang kayang gawin ng isang ina para

sa pagmamahal niya sa anak?

‘Yan ang sasagutin ng naiibang kuwentong magbibigay

ng bagong mukha sa pagmamahal ng mga ina

na mapapanood simula sa Nobyembre 27 sa Kapamilya

Gold ng ABS-CBN.

Gaganap si Sylvia bilang

Sonya, isang matapang na nanay

na kayang gawin ang lahat

ng sakripisyo para sa mga anak.

Makakasama niya si Arjo na

gaganap bilang Paco, at sina

Teresa Loyzaga (as Jean), Sue

Ramirez (Anna), Ariel Rivera,

Yves Flores, Maris Racal,

Marlo Mortel, pati na rin sina

Nikko Natividad, Rommel

Padilla, Nanding Josef, Anna

Luna, Mercedes Cabral, Rubi

Rubi, Viveika Ravanes, Sharmaine

Suarez, Ces Quesada,

Arnold Reyes, Maila Gumila

at Junjun Quintana.

Ito ay sa ilalim ng direksiyon

nina Mervyn Brondial

at Jeffrey Jeturian.

Panoorin ang Hanggang

Saan tuwing Lunes hanggang

Biyernes nang hapon pagkatapos

ng Pusong Ligaw sa ABS-

CBN.

LIMANG taon nang nananalo

bilang Best Gag Show ang Goin’

Bulilit ng ABS-CBN 2 sa PMPC Star Awards for TV.

Sampung tropeyo na lang ang bubunuin nila para makuha

ang Hall of Fame.

Kasabay ng pagwawagi nila at pagdiriwang, Paskung-

Pasko na rin ang aura nila sa set. Ngayong Linggo ay tungkol

sa Christmas décor ang mga patawa ng mga bulilit.

Nandiyan ang opening na Tipid…sobrang tipid.

Hahalakhak din tayo sa Christmas décor gags, Highspeed

sketch at Barrio Siesta sketch. Masisiyahan din

sa kanilang musical hitback at mga games.

MARAMI na ang nag-aabang sa Magpakailanman

episode ni Alden Richards sa Nov. 25 na may titulong

Kwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo. Bahagi pa

rin ito ng 5 th anniversary special ng MPK.

Tatlong araw kinunan ito sa Baguio kung saan ay

kasama sina Ervic Vijandre, Roi Vinzon at Phytos

Ramirez.

Walang ka-partner si Alden sa naturang episode

dahil mas tutok ang kuwento sa kaganapan sa Marawi

at sa karanasan at buhay-sundalo ni Suicide Squad

Soldier PFC Jomille Pavia.

Natutuwa kami na may mga ganitong proyekto si

Alden para magkaroon pa rin siya ng sariling tatak at

hindi lang dahil sa love team nila ni Maine Mendoza.

Pak!☺

Anak ni P-Digong, tuwang-tuwa pa raw na natalo siya...

RESBAK NI MARIEL KAY MAYOR

SARA: INSECURE KA LANG AT ‘DI

KA MASAYA SA BUHAY MO!

A

FTER umani ng pamba-bash ni

Mariel de Leon mula sa madlang

pipol dahil sa pagkatalo sa Miss

International beauty pageant, kung saan

pati ang anak ni P-Digong Duterte na si

Mayor Sara ay nakiisa sa mga bumabatikos

sa kanya, it seems ‘di naman naapektuhan

ang beauty queen.

In fact, mukhang may sagot pa nga si

Mariel sa pahayag ni Mayor Sara tungkol

sa pagkatalo niya.

“Same building, same event, plus group

pics. But no personal experience or encounter.

It’s okay, God knows what (didn’t) happen.

I’ll pray for you and I’ll leave it all to

Him,” unang tweet ni Mariel na tila sagot

niya sa sinabi ni Mayor Sara na diumano’y

may ‘bad experience’ ito sa kanya.

At tungkol naman sa ikinatuwa pa ng

anak ni P-Digong ang pagkatalo niya sa pageant,

tweet ni Mariel, “If another person’s

“misfortune” pleases you, it just shows how

insecure and unhappy you are with your

life. It’s okay, maybe one day you’ll be truly

happy? I’m sending you good vibes and

prayers!”

Reaksiyon ng mga netizens, masyado

naman daw mataas ang tingin ni Mariel sa

sarili para isiping insecure sa kanya si Mayor

Sara. Sa lahat daw ng talunan ay ang anak pa

nina Boyet de Leon at Sandy Andolong ang

mayabang.

Hirit naman ng ilan, since talo na raw si

Mariel sa Miss International ay back to

kanegahan na ito dahil wala nang mawawala

sa kanya kahit magpapatol pa sa mga

bashers.

Dahil dito, ginawang memes at katatawanan

ng mga netizens si Mariel kung saan

tinawag siyang retokada at may mga pictures

pang kumakalat na may hawak na

kangkong ang beauty queen dahil talunan daw

ito at nababagay lang sa kangkungan.

Grabe!

Samantala, mukhang balik na naman sa

dating gawi si Mariel dahil may tweet ito

kung saan pinupuri niya ang Japan dahil sa

baba ng crime rate ru’n na ang dating sa mga

netizens ay patutsada niya sa EJK dito sa

‘Pinas.

“The crime rate here in Japan is so low,

the police don’t know what to do. (laughing

emoji),” tweet ni Mariel.

So, ayun, kinukuyog na naman siya

ng mga supporters ni P-Du30. Du’n na

lang daw siya sa Japan at ‘wag nang bumalik

sa ‘Pinas.

Tsk!

MARAMI na ang nakaka-miss kina Liza

Soberano at Enrique Gil onscreen

kaya sa social media na lang nagaabang

ang mga LizQuen fans

tungkol sa kaganapan sa dalawa.

At mukhang hindi naman binibigo

nina Liza at Enrique ang kanilang

mga tagahanga dahil tuloy pa

rin ang pakilig nila sa social media

kahit wala silang show ngayon sa

Kapamilya Network.

Kilig to the bones ang LizQuen

fans sa latest IG post ni Liza ng picture

nila ni Quen na may caption

na: “Miss you whenever I’m not with

you.”

Say ng mga fans, mukhang in

love na in love si Liza kay Enrique

dahil sobrang vocal na niya sa feelings

sa aktor kahit bawal pa siyang

magka-boyfriend.

Wish lang ng kanilang mga fans

ay for ‘real’ at hindi for ‘reel’ lang

ang ipinapakita ng dalawa sa harap

ng camera. Ayaw nilang matulad

ang ‘relasyon’ nina Liza at Enrique

sa isang love team na ibinuking na

fake lang pala ang pakilig at inuuto

lang ang mga fans.

Well, mukhang totohanan naman

na ang relasyon nina Liza at

Enrique dahil sabi nga ng aktor, parang

mag-asawa na sila at kasal na lang

ang kulang sa kanilang dalawa.

‘Yun na!

MAGKAKAHALONG reaksiyon ang

mababasa ngayon sa social media tungkol

sa pagkumpirma ni House Speaker Pantaleon

Alvarez na opisyal nang kasama sa

senatorial line-up ng partidong PDP-Laban

ang Communications Assistant Secretary

na si Mocha Uson.

Though marami ang pabor sa pagtakbo

ni Mocha bilang senador sa 2019,

mas marami pa rin ang tutol at todo-palag

dito.

Say ng mga netizens, kaya pala todokontra

si Mocha sa pagpasok ni Kris

Aquino sa pulitika ay dahil tatakbo rin siya.

Ayaw daw masapawan ni Mocha kaya

kinokontra nito at bine-brainwash ang mga

tao sa pagpasok ni Kris sa politics.

Well, abangan na lang natin kung

magri-react si Kris sa planong pagtakbo

ni Mocha next election.☺

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!