Filipino Star - December 2010 Edition
Filipino Star - December 2010 Edition
Filipino Star - December 2010 Edition
You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
December 2010 The North American Filipino Star

Wikang Pambansa: Nanganganib

na Suri (Blg.2)

(Ang sanggunian ng pagsusuri ng Wikang

Pambansa ay si Prof. Galileo S. Zafra ng U.P.,

Diliman, Quezon City, Philippines. mga halaw

sa kaniyang Estandardisyon ng Wika at ang

Pagsusulong ng Filipino sa Akademya).

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG

BAGONG TAON - Sa Wikang Pambansa

M47164Y4N6 P45kO 4t M4n16On6

B46On6 T4On - Sa pinauusong Wikang

Jejemon

Sinagot na ni G. Aris Bonifacio and

email ko tungkol sa Jejemon. Ipinagtanggol

niya na ang bagong sibol na wika ay hindi

isang fad lamang o uso, pansamantalang

moda o libangan. Ituring na lang natin na

parang laruan ito na bahagi ng sakop sa

paglaki ng isang bata hanggang umabot sa

hustong gulang.

Sapitin kaya nito ang katulad ng

Pokemon na umabot sa milyon-milyong

tahanan ng mga may kabataan at nagkaroon

pa rin ng pelikula?

Ngayon ay inaalikabok na sa mga

basement ang mga cards at wala nang

nagsusuot na noo'y usong tatak. Hindi na

uso ngayon.

Sa mag-iika-walong taong pag-iral

ng Jejemon ay ipinagdiriwang na nila ang

rehistradong miyembro na tinatayang

humigit na sa 21,000 lamang.

Sa loob ng dalawang taon (2007-

2009) ay 3,651,986 ang kalkuladong dagdag

na mga Pilipino sabilang ng census. Kayo na

ang gumawa ng kuwenta.

Kaya, balikan na lang natin ang

pag-aaral ng ating Wikang Pambansa.

Unti-unti nating suriin ang mga

pagbabago matapos ilahad ang

"pinasimpleng alpabeto" noong 1987.

Nagkaroon na naman ng pagbabago noong

2001 sa Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa

Ispeling ng Wikang Pilipino.

Nanatiling 28 ang letra ng alpabeto.

Ang binago ay ang mga tuntunin sa paggamit

ng walong dagdag na letra na pinagmulan ng

maraming kalituhan simula nang pormal na

DR. EMILIA ESPIRITU

CHIRURGIEN DENTISTE / DENTAL

SURGEON

5790 Cote des Neiges Rd Suite A-024

MONTREAL, QUEBEC

H3S 1Y9

Civil Law - Commercial Law - Mediation

Tél.: 514-664-5404

Fax: 514-849-3101

ipinasok sa alpabeto noong 1976. Sisipi ako

ng isang mahalagang paliwanag:

"Mahalagang talakayin ngayon

kung bakit nga ba kailangang ipasok ang

mga dagdag na letra sa alpabeto ng

pambansang wika, at tuloy, ginawang

napakasalimuot ang dati'y simpleng

pagbabaybay gamit ang ating abakada ayon

sa tuntuning 'Kung ano ang bigkas ay siyang

baybay.'"

"Ang sagot ay nasa mga

dokumentong lakip ng 1976 Tuntunin.

Pagkatapos ng isang masusing pag-aaral,

isinagawa ng noo'y Surian ng Wikang

Pambansa ang unang hakbang tungo sa

pagreporma ng ispeling sa pamamagitan ng

isang kapasyahan na pinamagatang

'Modernisasyon ng Alpabeto ng Wikang

Pambansa.' Ipinaliliwanag na ang

alpabetong Filipino na noo'y may 20 letra

ay nakapagpapabagal sa kakayahan ng

pambansang wika na makaabot sa tugatog

ng pag-unlad at paglaganap."

Paliwanag din ng DEC (Department

of Education and Culture) Memo. No. 194, s.

1976, lakip ang tuntunin:

"Bilang pagtugon sa mabilis na

pagdebelop at mga pagbabago sa wikang

Filipino, gaya ng ipinakikita ng pagdagsa

ng mga lingguwistikong elemento mula sa

iba't ibang umiimpluwensiyang wika,

katutubo at banyaga, at upang iangkop iyon

sa mga pangangailangan ng modernisasyon,

nagpakilala ang Surian ng Wikang Pambansa

ng ilang pagbabago sa mga ortograpikong

tuntunin sa Filipino."

Puputulin ko muna rito ang

napakayamang aralin sa pagtataguyod ng

Wikang Pambansa. Malawak at m alalim ang

ating kultura at hindi ko nais na malunod ang

mambabasa sa pitak na ito.

Hanggang sa muli ay nais ko

munang batiin ang aking bagong kaibigang

Aris ng isang MALIGAsepeYANG

PAsepeSKO at MANIsepeGONG

BAsepeGONG TAsepeON.

Yan ang laruan namin nang aming kabataan.

See Page 16 Sariling Wika

1117 Rue Ste. Catherine O. Suite 406

Montréal QC Canada H3B 1H9

romangordy@videotron.ca

B.A., B.C.L.

PHONE: 514-340-8222 (4077)

E-Mail: dr_e_pin@yahoo.ca

www.filipinostar.org

Ang Pasko ay isang malaking

pagdiriwang sa Pilipinas

Sa kalakihan, halos bawa’t

Pilipino ay talagang nagsisikap at

naglalaan ng panahon para sa

paghahanda ng taunang pagdiriwang na

ito. Bagama’t ang Pasko sa Pilipinas ay

maaaring naimpluwensiyahan ng mga

kaugalian sa Europa nitong bandang

huli ng kanyang kasaysayan, ang

kanyang sariling kaugalian ay nahigtan

ang pagbabago ng panahon. Gawa nito,

ang Pasko sa Pilipinas ay talagang

naging bukod-tangi.

Sa panahon ng mga malalamig

na gabi, ang mga tao ay nananabik sa

bibingka at puto-bumbong. Ang mga ito

ay mga piling kakanin na inihahanda

lamang tuwing panahon ng Pasko.

Malimit ay idinudulot ito na nakalagay sa

dahon ng saging na pinahiran ng

mantikilya sa ibabaw at may kasamang

niyog na kinudkod.

Pangkaraniwan din sa mga tao

na ilabas ang kanilang natatagong mga

palamuting pam-Pasko. Ang tampok ng

panahon sa Pilipinas ay hindi ang

Christmas tree kundi ang Parol. Makikita

mo ang mga Parol na nakabitin sa halos

kahit saan – sa mga shopping mall, sa

mga opisina at sa mga tahanan. M a y

mga lugar o bayan na nagdaraos ng

patimpalak para sa mga

pinakamagagandang Parol kung saan

ang mga kalahok ay gumagawa ng mga

kaakit-akit at kahangahangang ilaw

gamit ang mga Parol. Maraming tao ang

namamalikmata sa ganda ng tanawin.

Ibebenta naman ang mga Parol

pagkatapos ng timpalak.

Magmula sa Disyembre 16, ang

malaking bahagi ng populasyon ay

pupunta sa simbahan para makipag-

Misa sa kanilang simbahang Katoliko.

Ang bahaging ito ng kaugalian ng

Katolikong Pilipino ay tinatawag na Misa

de Gallo o Simbang Gabi na ginagawa

sa unang pagtilaok ng manok sa

umagang-umaga. A n g

karoling ay maririnig din sa panahon ng

Kapaskuhan sa Pilipinas. Makikita mo

ang mga grupo ng mga bata na

naglalakad at nananapatan sa bawa’t

bahay at aawit ng mga makalumang

awiting pam-Pasko. Maging ang mga

matatanda ay nagkakaroling din.

Ang mga empleyado sa

Pilipinas ay pangkaraniwang binibigyan

ng mahabang limang araw na bakasyon

Ni Bernardo “Budz” Sarmiento

sa linggo ng Pasko dahil may mga

kumpanya na nais na ang kanilang mga

empleyado ay maglaan ng panahon

para sa kanilang mga pamilya.

Ang bisperas ng Pasko o

Mayatinis ay pangkaraniwang

ipinagdiriwang ng mga pamilya sa

kanilang nga tahanan sa pamamagitan

ng isang masarap na salu-salo sa

hating-gabi. Ang kaugaliang ito ay

tinatawag na Noche Buena. Iyon ay oras

ng pagpapasalamat at oras para

magkasama-sama ang mga pamilya.

Ang kanilang mga kaibigan ay maaari rin

nilang anyayahan sa Noche Buena at

ito’y itinuturing na malaking karangalan.

May mga regalong ibinibigay pagka

Noche Buena o kaya’y sa

kinaumagahan ng Pasko.

Ang Pasko sa Pilipinas ay isang

panahon para sa mga pamilya. Ito ay

panahon ng pamimigay ng mga regalo

at panahon din ng mainit na

pagkakaibigan.

Magmula sa umaga ng araw ng

Pasko, ang mga bata, suot ang kanilang

bagong damit, ay pumupunta sa bahay

ng kanilang mga ninong at ninang

upang magmano. Ang kapalit nuon ay

papasko o aginaldo na karaniwan ay

pera. Tuwang-tuwa ang mga bata kung

ang tinanggap nila ay bago at malutong

na perang papel.

Kinagabihan, tutuusin na ng

mga bata ang kanilang “kita” sa buong

araw. Ang mga magkakapatid o

magpipinsan ay magpapalakihan ng

natanggap na aginaldo na para bagang

ang pamamasko ay isang paligsahan.

Ang tumanggap ng pinakamaliit na

aginaldo ay kakantiyawan o bibiruin na

kuripot ang kanilang mga ninong at

ninang.

Need Money?

Do you have a full time job?

If yes, call (514) 344-1499

AND GET CASH NOW!

Good & Bad Credit Accepted

9