30.07.2014 Views

Php 70.00 Vol. 47 No. 07 • July 2013 - IMPACT Magazine Online!

Php 70.00 Vol. 47 No. 07 • July 2013 - IMPACT Magazine Online!

Php 70.00 Vol. 47 No. 07 • July 2013 - IMPACT Magazine Online!

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

ENTERTAINMENT

Catholic INitiative for

Enlightened Movie Appreciation

Lead cast: Angel Locsin, Toni Gonzaga, Bea Alonzo,

Shaina Magdayao, Coney Reyes, Enchong Dee; Direction:

Cathy Garcia Molina; Screenplay: Jose Javier Reyes; Editing:

Marya Ignacio; Location: Metro Manila; Genre: Comedy;

Running time: 120 minutes Distributor: Star Cinema

Technical assessment: •••

Moral Assessment: •••

CINEMA rating: V 14

MTRCB rating: PG 13

May kani-kaniyang

sikreto at problema

ang magkakapatid

na Salazar. Si Teddy (Toni

Gonzaga) ay di kagalingan na

guro sa Espanya na ngayo'y

isa na lamang katulong at

waitress. Hindi niya maamin

sa kanyang pamilya ang totoo

niyang trabaho dahil ayaw

niyang mapahiya. Si Bobby

(Bea Alonzo) ay nasa New

York bilang matagumpay na

Communications Manager na

laging umiiwas na magpakasal

sa kanyang nobyo. Galit pa

rin siya sa kapatid na si Alex

(Angel Locsin) dahil sa pagpatol

nito sa kanyang dating

kasintahang si Chad. Si Gabby

(Shaina Magdayao), ang tanging

kapatid na babaeng naiwan

sa kanilang bahay kasama

ng kanilang inang si Grace

(Coney Reyes), tumatayong

nanay-nanayan ng pamilya, at

tila papunta sa pagiging matandang

dalaga. Kakailanganin

magsiuwi nina Teddy, Bobby

at Alex nang magsumbong si

Gabby na magpapakasal ang

kanilang bunso at kaisa-isang

kapatid na lalaking si CJ sa

isang babaeng sa palagay nila

ay hindi nababagay rito. Sabay

sa pagharap sa pamilya ng

kasintahan ni CJ sa pamamanhikan

ay kakailangan din nilang

harapin ang kani-kanilang isyu

sa isa't isa. At habang pinaplano

nila kung papaanong paghihiwalayin

ang magsing-irog ay

kailangan nilang isipin kung

papaano nilang mabubuo ang

kanilang relasyon bilang magkakapatid.

Maganda sana ang konsepto

sa likod ng kwento ng 4

Sisters and A Wedding. Bago

pero hindi imposible, kakaiba

pero hindi malayong mangyari.

Mahusay sina Reyes at

Alonzo sa pagganap. Simple

at makatotohanan ang kanilang

interpretasyon sa karakter.

Bagamat magaling ang pagbitiw

ng linya nina Gonzaga, Locsin

at Magdayao, ang kanilang pagganap

ay medyo pilit at hindi

nalalayo sa pagganap nila sa iba

nilang mga naunang pelikula.

Bagamat maganda ang ideya

sa likod ng kwento hindi naman

pinagbuhusan ng pansin ang

pagbuo sa pagkatao ng bawat

tauhan. Tama na yata ang magkaroon

ng kaunting hugis ang

personalidad at kaunting kulay

kwento kahit mababaw at hilaw.

Ang pinakamaipipintas

sa Four Sisters and a Wedding

(na lagi namang pintas

sa pelikulang Pinoy) ay ang

kalabisan ng mga eksena.

Kapag iyakan, kailangang

lahat ay magbuhos ng sama

ng loob at ilitanya ang lahat

ng isyu kahit paulit-ulit nang

nabanggit sa simula pa lamang

ng sine. (Alam na ng lahat ang

kahihiyan ni Teddy sa trabaho

at ang samaan ng loob nina

Bobby at Alex, gayunpaman

ay paulit-ulit itong binabanggit

na para bang sinisigurong hindi

malilimutan ito ng manunuod.)

Masyadong madrama ang atake

sa komprontasyon at hindi na

ito makatotohanan. Nasasayang

tuloy ang pagkakataong

makapag-iwan ng aral sa manunuod.

Gayundin naman ang

istilo sa pagpapatawa—bukod

sa masyadong OA at malapit

nang maging corny, namuhunan

pa sa pambihirang apelyidong

“Bayag”. Baka kung

ginawang Santos o Cruz iyon

sa halip na Bayag ay mawawala

ang kalahati ng pagpapatawa.

Kung tutuusin ay di hamak na

mas epektibo ang pagsingit

ng mga bloopers sa huli dahil

simple lamang ito at natural.

Ipinahiniwatig ng pelikula

na ang bawat tao ay may sariling

kakanyahan na dapat unawain

at igalang. At sa loob ng

isang ugnayan, tulad ng pamilya,

ang mga pagkakaibang ito

ay maaaring maging sanhi ng

mga emosyonal na tunggalian

at di pagkakasundo. Malakas

ang mensahe ng pagtanggap

at pagpapatawad sa kabila ng

sakit at pagkukulang. Madalas

mangyari sa magkakapatid ang

inggitan, iringan at sumbatan

pero sa huli, kailangang mangibabaw

ang pagkakasundo,

hindi lamang dahil magkadugo

sila kundi dahil bilang mga

tao sa loob ng isang mahigpit

na ugnayan, ang paghihilom

ay mangyayari lamang sa

sandaling mangibabaw ang

pagmamahal at pagpapatawaran.

Sa kabila ng melodrama

nagawang ipakita ng pelikula

ang komprontasyon ng pamilya

hindi bilang tunggalian

ng pagkatao kundi pakikipagtunggali

sa sarili. Kahangahanga

rin ang pagsusumikap

ng magkakapatid naitaguyod

ang pamilya sa kabila ng mga

hinihinging sakripisyo. Muli,

binibigyang diin ang halaga

ng pamilya para sa mga Pinoy.

Binigyang diin din ang kakayahang

umahon sa pagkakamali

at magsimula muli—na siyang

nagagawa kapag natutong magpatawad

sa mga pagkukulang.

Sa kabilang banda, may mga

biro at sitwasyon na medyo

maselan at di angkop sa mga

bata kaya't mas nararapat ito

sa mga manunuod na nasa

hustong gulang.

30 IMPACT • July 2013

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!