December 2011 - Filipino-American Community of South Puget Sound
December 2011 - Filipino-American Community of South Puget Sound
December 2011 - Filipino-American Community of South Puget Sound
Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
22 Showbiz

Charo Santos-

Concio, hindi

pumalakpak

kay nora aunor

Boy Villasanta

Nang mainterbyu si Nora Aunor kamakailan

tungkol kay Charo Santos-

Concio, ang presidente ng ABS-CBN at

Executive Producer ng Star Cinema, nasabi

niyang masama ang kanyang loob kay

Charo.

Lumalabas na sinisisi ni Nora si Santos-

Concio sa kanyang hindi pagkakatuloy

sa mga proyekto para sa pampelikulang

produksyon ng ABS-CBN.

Magparinig rin si Aunor sa kanyang pagyakap

sa TV5 kaysa ABS-CBN.

Nakarating lahat kay Charo ang mga

pahayag ni Ate Guy kaya naman nang magkasama

ang dalawa sa 2011 Star Awards for

Television ay sinubok ang katatagan ng

dalawa sa kanilang mga paniniwala.

Pinaninindigan ni La Aunor ang kanyang

posisyon laban kay Santos-Concio at

pinaninindigan din ni Charo ang kanyang

snetimiyento kay Guy.

Nang ipagkaloob na sa Superstar ang

kanyang parangal bilang Lifetime Achievement

Award ay nagtayuan ang mga nasa

bulwagan.

Lahat sila ay pumalakpak at nagbigaypugay

sa Superstar pero ayon kay Cesar

Pambid, isa sa mga aktibong kasapi ng

PMPC, hindi tumayo si Charo sa standing

ovation para kay Nora.

Talagang sinadya ni Santos-Concio na

maging intelektwal sa mga panahong ‘yon

at hindi maging emosyunal kay Nora.

Samantala, naniniwala si Aunor sa kanyang

sarili sa panayam kaugnay kay Charo

pero sana ay magkabati na sila dahil maliit

lang naman ang industriya. �

ramona revilla, ikinasal sa

american engineer

Hindi po si Ramona Revilla na suspek

sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ram

Revilla, anak ng dating senador at aktor

na si Ramon Revilla, Sr., ang ikinasal kamakailan

kundi ang seksing aktres na si

Ramona Revilla.

Bagamat ipinangalan

siya ng

talent manager

na si Lito de Guzman

at ng direktor

na si Mauro

Gia Samonte kay

Ramon, Sr., wala

siyang kaugnayan

sa dugo sa action

star.

Kaya nga

bago ikasal si Ramona, Mosyhl Ensifain

sa tunay na buhay, ang dami niyang natanggap

na mga liham, email, mensahe

sa Facebook at Twitter at siya ay minumura

dahil sa pag-aakalang siya nga ang

anak ni Ramon, Sr.

Pero hindi napigilan ng mga pagsumpa

sa kanya ang marangal at maringal

na pakikipag-isang-dibdib ni Ramona

kay Frederick Farrell, kilala rin

sa tawag na Fred Farrell, isang inhenyerong

Amerikano.

Idinaos ang matrimonya sa pagitan

nina Ramona at Fred sa Seventh-Day Adventist

Church sa Pasay City.

Napakabanal ng seremonya na dinaluhan

ng mga kaibigan, kaanak at kasamahan

sa trabaho ni Revilla.

Lumipad pa mula sa US ang mga magulang

ni Fred na sina June at Thomas Farrell,

Sr. para saksihan ang mahalagang araw ng

kanilang anak na binata.

Kabilang sa mga ninong at ninang sina

Imalda Papin, Aster Amoyo, Congressman

Roilo Golez, Calamba, Laguna Vice Mayor

Severino Lajara at iba pa.

Hindi nakarating si Jinggoy Estrada, isa

sa mga aktibong senador at aktor ng bansa

subalit nagpadala siya ng kanyang kinatawan.

December 2011

http://pinoyreporter.com

KC at Piolo, nag-iwasan sa 25th Stars awards

Lumalala nga ba ang hidwaan sa pagitan

ng magkasintahang sina Piolo

Pascual at KC Concepcion?

Ang maliit na

bagay na hindi nila

pinagkasunduan mga

ilang buwan na ang

nakakaraan ay wari’y

nagdulot pa ng mas

matinding lamat sa

kanilang relasyon.

Nitong nakaraang

25th Star Awards for

Television ng Philippine

Movie Press Club

na ginanap sa Newport

Performing Arts

Theater sa Resorts

World sa Pasay City,

nasaksihan ng maraming tagasubaybay

nina Piolo at KC ang agwat na nililikha

ng hindi nila pagkakaunawaan noon.

Ramona Revilla and

Moshyl Ensifain

Nang dumating sila ay magkahiwalay

taliwas sa mga nakaraang sosyalan na

kanilang dinadaluhan kung saan sabay si-

lang dumarating at magkatabi sila sa upuan

o kaya naman ay laging magkatabi sa

kanilang kinaroroonan hanggang sa mata-

pos ang isang okasyon.

Pero noong ika-22 ng Nobyembre,

2011 ay tigkabilang dulo ng bulwagan nakaupo

sina Pascual at Concepcion, malayung-malayo

sa isa’t isa.

Nang tawagin naman sila bilang Stars

of the Night, para rin silang hindi magkakilala.

Unang tinawag ang pangalan ni Piolo

at umakyat ang bituin sa entablado at

pagkatanggap ng kanyang premyo ay dumiretso

siya sa kanyang upuan.

Kasunod na tinawag ang pangalan ni

KC at pagkakuha niya ng kanyang gantimpala

ay nagtungo siyang mag-isa sa

kanyang upuan.

Pero dapat ay magkasama silang papanhik

sa tanghalan at sabay na pagkakalooban

ng kanilang mga parangal pero

hindi nga ito nasunod.

May pag-asa pa kayang magkabalikan

sina Piolo at KC? �

Xyril Manabat,

Lucky Charm ng

aBS CBn

Xyril Manabat

Vir Gonzales

Lucky charm ng ABS-CBN ang child

star na si Xyril Manabat. Ang galing

umarte ng batang ito, ang bida sa 100 Days

to Heaven. Magaling ang diction niya sa

pagsasalita ng Tagalog. Taga-Nueva Ecija

kasi siya. Nakakaalarma lang kung totoo

bang may batang ganito ang pag-iisip at

magsalita. Parang matanda at nahuhulaan

ang mangyayari. Hindi naikaila ng endorser

ng Rite-Med products na si Susan Roces

ang paghanga. At malaking tuwa ni Ginang

Susan na nakasama siya sa teleseryeng ito.

Si Xyril ay batang kabarangay ng aktres

konsehalang si Barbara Milano, sa barangay

Pula, Talavera, Nueva Ecija. Hindi pa

sila nagkikita dahil iisang barangay tinitirhan.

Maraming nagtatanong, sino ba

yung girl na tipong member ng The

Who sa teleseryeng Munting Heredera

na gumanap bilang kabit ng bagong

Eddie Garcia ng showbiz na si Ryan

Neal Sese? Bongga siya at magandang

umarte pero walang nakakilala sa kanya

dahil tipong baguhan. Siya si Sue

Prado ang babaeng produkto ng Indie

films at nanalo ng best actress award.

No wonder, kaya magaling umarte

hindi lang gaanong kilala. Ngayon

kilala na siya. Maraming salamat kay

Marian Domingo n a nagpakilala sa

amin kay Sue. Karamihan ng magagaling

na baguhan ay galing sa Indie films

tulad nina Coco Martin, Sid Lucero,

Edgar Allan Guzman at child star na si

Migs Cuaderno alyas Tonton sa Munting

Heredera.

Masaya si Laguna governor ER

Ejercito dahil makakapasok sa Film

Festival ang pinaghandaan niyang action

movie, Asyong Salonga. Dapat

lamang na may action picture na kalahok

para makapanood ang mga kalalakihan

at mahihilig sa pelikulang

bakbakan. �