21.10.2015 Views

October 21, 2015 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

10

K

APURI-PURI ang Star Toll na ipinagawang daan ni

Batangas Governor Vilma Santos sa kanilang

lalawigan. In less than an hour ay

narating namin ang Kapitolyo ng Batangas

from Calamba exit via Star Toll.

This is the reason kung bakit marami

ang nagpapakasal ngayon sa Batangas,

especially beach wedding, dahil hindi na

nila kailangang sumakay ng eroplano.

Biniro namin si Gov. Vi kung may alam na ba siya

kung sino ang susunod na ikakasal sa Batangas na malapit

sa kanyang puso? Agad nasakyan ni Gov. Vi na isa sa mga

tinutukoy naming nagbabalak magpakasal sa Batangas ay

ang kanyang panganay na anak na si Luis Manzano at

girlfriend nitong si Angel Locsin.

“Ah, ewan ko. Wala pa akong alam d’yan, hahaha!

At saka kung sinuman ang ikakasal, manggagaling sa

kanila ‘yun,” pigil na ngiti ni Gov. Vi.

Kamakailan ay nag-react si Luis noong nabalita at

kumpirmahin ang date ng diumano’y kasal nila ni Angel.

Ayon kay Ate Vi, hindi naman daw nagalit si Luis,

ayaw lang nitong pinangungunahan siya sa mga bagay

tungkol sa kanila ni Angel.

Naintindihan naman ni Gov.

Vi na hindi talaga maiiwasan ang

ganu’ng balita especially kina

Luis at Angel na parehong highprofile

celebrities.

Super busy daw si Luis sa

kanyang hosting career sa ABS-

CBN.

“Ang dami niyang trabaho

ngayon, grabe! Nagte-taping na rin

siya ng Family Feud. After nu'n,

mag-uumpisa na naman ‘yung

The Voice Kids. Tapos, ‘yung Pilipinas

Got Talent. Sabi ko, ‘Anak,

grabe ang trabaho.’ Sabi ko, ‘Ikaw

ba lahat ang magho-host niyan?’

‘Yes, Mom,’ sabing ganu’n.”

This is maybe one of the reasons

din kung bakit hindi na itinuloy ni

Luis ang kanyang political ambition

this coming 2016 elections.

“Hindi naman ‘yun ‘yung

political ambition niya, ‘no, maski

naman noon, ‘di ba? Wala pang

final. Kasi maski ako, lagi kong sinasabi

sa kanya, ‘Anak, kung hindi

ka prepared at may prior commitments ka pang ganyan

with ABS,’ kasi may kontrata pa siya, ‘Mahihirapan ka, kasi

kapag pumasok ka, hindi naman ako papayag na nand’yan

ka lang dahil sa pangalan. Kailangan, itatrabaho

mo ‘yan, anak.’ So, ganu’n,” mahabang kuwento ni Ate Vi.

Hindi naman kasalanan ni Luis ang pagiging busy

niya kaya hindi siya natuloy sa pagpasok sa pulitika.

“Ano’ng kasalanan nu’n? I mean, mas maigi ‘yun

dahil hindi siya papasok sa isang bagay dahil may

nagbubuyo sa kanya. Hindi siya nagpapadala sa mga

buyo. Kaya alam niya na may mga prior commitments

pa ako, I’m not ready, which is, mas dapat.”

Laking-gulat naman ng iba na instead ang inaabangang

pagpa-file ni Luis sa Comelec, eh, ang kanyang ama na si

Edu Manzano ang nag-submit ng kanyang Certificate of

Candidacy (COC) last Friday, the same day na opisyal na

nag-file rin si Gov. Vi ng kanyang COC sa Comelec sa

Kapitolyo ng Batangas para sa pagka-congresswoman ng

Lipa City.

“Lahat naman, may karapatan. Lahat naman, may

karapatang magsilbi. Si Edu, may background na rin,

‘di ba?”

Naunang nag-file si Gov. Vi noong Huwebes pero

hindi nila tuluyang ipinasok dahil may mali sa order ng

name niya. Puwede naman daw burahin kaya lang, ayaw

ni Gov. Vi na may erasure sa kanyang COC kaya bumalik

ulit siya sa Comelec kasama ang kanyang abogado na si

Atty. Romy Macalintal last Friday.

At sa unang pagkakataon ay inilahad ni Gov. Vi sa amin

Knows mo ba ‘to, Korina?

VILMA, KUMANTA NA KUNG BAKIT

‘DI MA-TAKE MAG-VP KAY MAR

ang tunay na dahilan kung bakit very firm siya sa desisyon

na hindi tumakbo bilang running mate ni Mar Roxas na

tatakbong presidente under Liberal Party.

“Kung sasabihin nila na qualified

maging VP, vice-president is 24/7, 10 days

a week ang trabaho niyan. Kahit na 3

o’clok in the morning at kinailangan ka

niyan, merong hindi kayang puntahan ng

presidente, ikaw ang pupunta. Papa’no

kung merong kailangan ang anak (Ryan Christian) ko?”

Paliwanag pa niya, “Saka unang-una, importante,

dalawa na kami ni Senador (Ralph), dalawa na kaming

magna-nasyonal. Wala nang tatao sa bahay. Isipin mo

na kaming dalawa na national, all over kapag kinailangan

ka, kailangan, nandu’n ka. Sino ang tatao na?

May anak pa ako na kailangan ako, ‘di ba? ‘Yun ang

hindi ko puwedeng isakripisyo.”

Although, hindi naman daw niya ipinagkakait ang kaya

niyang magawa for the country. Kaya lang, magiging unfair

daw siya sa magtitiwala sa kanya kung hindi siya makakadeliver.

“Dahil halimbawa, huwag namang ipahintulot, may sakit

ang anak mo? Eh, kailangan ka

ru’n. Aba, eh, hindi ko iiwan ang

anak ko. Hindi ako makakapunta

sa binabagyo kasi kailangan ako

ng anak ko rito, eh. Hindi ba?

Oh, hindi ako magiging effective.

Magiging unfair ako that’s why I

said, ngayon ko lang

ipinapaliwanag ‘to, ha, kung

bakit, marami ang nagsasabi

kasi, ‘Bakit hindi mo tinanggap?’”

paliwanag pa ni Gov. Vi.

NGAYONG tapos na ni Denise

Laurel ang kanyang afternoon

drama series sa ABS-

CBN, ang Nasaan Ka Nang

Kailangan Kita?, baka makahanap

na siya ng date para sa

wedding nila ng kanyang

fiancé, ang PBA player na si

Solomon Mercado.

Pero nu'ng makausap namin

si Denise kamakailan,

hindi pa rin daw siya sure kung

magkakaroon siya ng time para

maghanap ng wedding date.

Wala pa raw sa itinerary niya na isipin kung

kelan siya makakapili ng date for her wedding. Mabuti

na lang daw, understanding ang kanyang fiancé at

todo-support sa kanya.

“Nanonood nga siya ng Your Face, eh. Sobrang fan

siya ng Your Face. Sabi niya minsan, ‘Alam mo, kahit

wala akong maintindihan minsan…’ kahit Tagalog na

malalim, tawang-tawa raw siya at sobrang naa-amuse siya.

He loves music kasi kahit athlete siya. He loves watching

performers and artists. And sobrang kahit hindi niya kilala,

iri-research niya para makita niya. Natutuwa naman ako

kasi at least, that’s something that we can share also.”

Thankful si Denise sa lahat ng sumuporta sa katatapos

lang na daytime teleserye nila sa Kapamilya

Gold, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?.

“Yes, it ended after a year of shooting and nine

months airing. Matagal din. More than nine months

I think,” sabi pa ni Denise.

Towards the end ng Nasaan Ka Nang Kailangan

Kita?, her co-lead star in the series na si Vina Morales

ay naging open sa kanyang bagong karelasyon.

“I’m so happy for Ms. Vina. You know, she’s such a

beautiful person inside and out, talagang positive siya

parati. Her vibes is just... basta she’s all around.”

Hindi naman na-sight ni Denise ang French BF ni

Vina sa set ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? dahil

hindi raw sila magkaeksena ng Cebuana singer-actress.

“Actually, recently ko lang nalaman na happy siya

and she totally deserves it,” sey pa ni Denise. ☺

N

APAKARAMI ng mga pumunta

sa launching ng second album ni

Alden Richards na Wish I May.

Punumpuno ang sinehan ng SM

City North EDSA kung saan ginawa ang

event, at bukod pa riyan ang mga nagaabang

sa paglabas ni Alden.

Ayon sa Kapuso artist, hindi niya maaabot

ang mga pinapangarap niya kung

hindi dahil sa kanyang pamilya at mga fans.

Nakakahawa ang pag-iyak o pagiging

emosyonal ni Alden. Noong launching nga

ng second album niya last Saturday ay

hindi na naman niya napigilan ang pagiging

emosyonal nang awitin niya ang ilang kanta

sa kanyang album na nag-Platinum na.

Hindi pa man kasi nairi-release ang

album ay naka-Gold na agad ito. Sa katunayan,

sa Japan ay sold-out agad ang mga

albums niya na dinala nila nu’ng bumisita

sila roon nina Ai Ai delas Alas at Aicelle

Santos para sa GMA Pinoy TV. Gusto

man naming bumili ay naunahan na kami

ng mga AlDub fans doon.

Kaya sigurado kami na sa Philippine

Arena sa Sabado kung saan idaraos ang

kalyeserye concert ng AlDub, plus ang ilang

segments ng Eat… Bulaga! ay agad

mauubos ang kung ilang libong Wish I

May albums ni Alden Richards.

Dahil noong Sabado, nang i-announce

ang upcoming big event ng Eat… Bulaga!

ay ubos agad ang mga VIP seats na

nagkakahalaga ng P1,200 at winasak daw

ang website ng Ticketworld.

Aba, sa araw na ‘yun ay naka-P33 M na

ang ticket sales. Kaya lahat ng miyembro ng

AlDub Nation ay looking forward sa Sabado.

BLIND ITEM:

MAY nakapagsabi sa amin na nasa

maselang kalagayan daw ngayon ang

veteran actress na laging kontrobersiyal

kapag nasasangkot sa mga kaguluhan.

Hindi man siya very active ngayon sa

Anyway, ang latest tsika, baka by

November na raw ipapalabas ang Lumayo

Ka Nga Sa Akin na co-produced ng Viva

Films at Heaven’s Best Productions. At

least, matutuwa na niyan ang mga fans

and supporters ni Mayor Bistek.

MAY ilang katanungan ang madlang pipol

tungkol sa mga artistang nag-a-aspire tumakbo

ngayong 2016 elections. Public service ba

talaga ang gusto nilang ibigay o gagawin lang

Ganu’n, Yaya Dub?

TEKA. . . . (mula sa p.8)

OKTUBRE 21, 2015

SIGAW NI ALDEN: NAABOT NIYA ANG

KANYANG MGA PANGARAP DAHIL SA

KANYANG PAMILYA AT FANS

showbiz, kapag may isyu ay laging

pinag-uusapan ito.

Balitang sa ibang bansa inabot ng

maselang karamdaman ang veteran

actress. Hindi lang malinaw sa amin

kung sino ang kasama niya ru’n.

NAKATRABAHO na ni Nora Aunor si

Dingdong Dantes noon sa Pari ‘Koy. At

ngayong certified Kapuso na ang Superstar,

kung bibigyan daw siya ng pagkakataon,

gusto niyang makasama si Dingdong at

ang asawa nitong si Marian Rivera dahil

fan na fan daw talaga siya ng dalawa, lalo

na ng Kapuso Primetime Queen.

HINDI mahulugan ng karayom ang

Market! Market! sa dami ng mga fans

na dumagsa para lang makita ang kanilang

mga iniidolong Kapuso stars.

Sa mga litrato ngang

nakita namin sa Instagram,

bawat floor talaga

ay punumpuno ng mga

nanood.

Taos-puso naman ang

pasasalamat ng mga artistang

dumalo dahil ramdam

na ramdam nila ang

suporta sa kanila at maging

sa kanilang show, lalo

na at palaging mataas ang

mga ratings ng The Half-

Sisters, Buena Familia at

Destiny Rose.

SA dalawang dekada na ng

Bubble Gang, hindi maitatangging

naging Friday

habit na ito ng mga Pinoy.

Kaya naman ang buong cast ng longest

gag show ay proud na proud na sabihing

"IABG (I Am Bubble Gang)."

Para sa kanila, ang Bubble Gang ay hindi

lang isang programang nagpapatawa kundi

sumasalamin din sa mga napapanahong

kaganapan o isyu sa ating bansa.

ISA na namang pangarap ni Kris Bernal

ang matutupad dahil kakantahin daw

nito ang isa sa mga theme songs ng upcoming

primetime series niyang Little

Nanay. At ka-duet niya rito ang gaganap

niyang anak na si Chlaui Malayao.

Sayang, kung ‘di sana nasira ang

boses ng Superstar na si Nora Aunor,

trio sana sila. ☺

career ang politics dahil sa hindi na mabili at

hindi in demand ang kanilang acting career?

Si Rico J. Puno na maysakit sa puso at

nag-undergo ng bypass operation, bakit

kakandidato na naman sa Makati City?

Bakit ang anak ni Sen. Lito Lapid na si

Mark Lapid ay tila mailap at umiiwas sa

press? At si Richard Gomez, bakit mas

gusto niyang sa Ormoc City kumandidato

sa halip na sa lugar na kanyang tinitirhan

ngayon?☺

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!