21.10.2015 Views

October 21, 2015 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

8 Showbiz Editor: JANICE DS NAVIDA

OKTUBR

Todo-bilin sa mga dyulalay habang nasa Comelec…

DANIEL, TAK

AKOT NA

TAK

AKOT MADUMOG NG

MGA FANS SI KATHR

ATHRYN

SABAY na nagparehistro kahapon ang magka-love

team at rumored sweethearts na sina Daniel Padillla

at Kathryn Bernardo sa Comelec sa Quezon

City Hall. And needless to say, nagkagulo sa

buong lugar sa kanilang pagdating. In

fairness to KathNiel fans, alam nila ang

schedule ng kanilang idolo at maaga pa

lang ay naghihintay na sila roon.

Bandang alas-dos ng hapon kahapon

nang dumating sina Kathryn and Daniel

sa Comelec Office. Pawang first time registrants

ang magka-love team. Sa District 3 ang Teen Queen

at sa District 6 naman ang Teen King. Magkahiwalay ang

dalawa ng kuwarto at sinamahan ang young actor ng nanaynanayan

niyang si Tates Gana (ex-partner of Quezon City

Mayor Herbert Bautista at tumatakbong konsehal sa District

6) at ng former stepfather niyang si Mike Planas.

Dahil nga magkahiwalay ng kuwarto ang dalawa ay

hindi na namin nakita si Kathryn at si Daniel ang aming

na-cover mula sa pagpirma niya hanggang sa biometrics.

Pagkatapos magparehistro ay nakausap namin sandali

si DJ at nakumusta kung ano ang pakiramdam ng first

time registrant at siyempre, first time na boboto sa

2016 elections.

“Masaya,” nakangiti niyang sabi. “Siyempre, iba na

rin ‘pag bata ka, iba na rin ang pakiramdam.”

Sa kabila ng kabisihan ni Daniel ay talagang isiningit nila

ni Kathryn ang pagpunta sa Comelec at ini-encourage niya

ang lahat ng kabataan na hindi pa

rehistrado na magparehistro rin.

“Iba kasi ang kahalagahan

ng pagpaparehistro ng matatanda

saka kabataang kagaya ko.

Para sa akin, dapat simulan na

habang bata pa para masanay

na kami, ‘di ba? Ako, sinimulan

ko nang gawin ito.

“Kumbaga, napakahirap

gawin ito, ‘di ba? ‘Yung pupunta

ka lang dito, maggaganyan ka.

Kung may bago ka nang presidente,

‘yung iba, hindi ginagawa,

eh, huwag kayong magreklamo,

‘di ba?

“Tulad ng sabi ko sa inyo, ‘di

ba, dati? Huwag kayong magreklamo,

wala naman kayong

ginawa, eh. Tulog lang kayo noong

araw na ‘yun, eh.

“So, ‘yun nga, para sa mga

bata ngayon, ‘di ba? Iba na rin

ang pagiging open nila ngayon

sa government. Marunong na rin

ang mga bata, so habang bata,

simulan kaagad para masanay

at pag-aralan kung sino ang

gusto nilang iboto.”

Siyempre, pinag-usapan daw nila ni Kathryn ang

sabay nilang pagpaparehistro. Pinag-uusapan din nila

siyempre kung sino ang iboboto nila.

Kinumpirma ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada in

her recent interview na may ieendorsong kandidato ang

kanyang anak – isang presidente at isang senador. Kaya

natanong namin ang bida ng Pangako sa ‘Yo kung puwede

na niya itong pangalanan.

Say niya, hindi pa puwede dahil pinag-uusapan pa

rin daw nila.

Pero ang nakakatuwa kay Daniel, habang nagpaparehistro

ay si Kathryn ang nasa isip niya. Panay ang tanong

niya sa mga kasama niya kung nasaan na ang ka-love team.

“Nasaan na si Kathryn? Pakitingin naman, baka

masaktan ‘yun,” ang nag-aalalang sabi ni DJ sa kasamahan.

Maya’t maya ay si Kat ang inaalala niya’t parating

hinahanap habang nasa loob siya ng opisina ng Comelec.

Ang sweet, ‘di ba naman?

TIMING ang pagkakapanood namin ng birthday and

anniversary concert ni Gloc-9 na Gloc-9 Live: Ang

Kwento ng Makata sa second night nito last October 17

sa Music Museum dahil parang salubong ‘yun sa

kaarawan ni Aristotle Pollisco (Gloc-9) na ang birthday

ay Oct. 18.

Sa second night ay guests niya sina

Jonalyn Viray, Chito Miranda, Rico

Blanco, Reese, Ebe Dancel at mga kapwa

PPL artists na sina Maya, Migz Haleco,

Janno Gibbs and Rochelle Pangilinan.

Gloc-9 was in his high elements, giving

all his best sa bawat number. Hanep,

as in hanep to the max ang Bagsakan number nila ni

Chito na talaga namang nag-showdown sila sa galing

sa rap.

Gusto rin namin ang Upuan number nila ni Maya

dahil sa lahat ng songs ni Gloc-9 ay ito ang pinakapaborito

namin at laging pinakikinggan.

Hot na hot din ang number nila ni Rico ng Magda

dahil kasama nila si Rochelle na super-seksing

sumasayaw-sayaw habang kumakanta sila.

Siyempre, hindi nagpatalo si Jonalyn na kinanta

ang Hari ng Tondo with the birthday boy.

Highlight ng show ay ang pagbibigay ng tribute ni

Gloc-9 sa kanyang mentor na si Francis M.. Kinanta

niya ang hit song ng yumaong rapper na Kaleidoscope

World habang ang audience ay nakiisa sa pamamagitan

ng pagwawagayway ng kanilang cellphone light.

Ang Ang Kwento ng Makata ay first major concert

ni Gloc-9 sa 18 years niya in

the business. Kaya ang kuwento

sa amin, before each concert

ay talagang kabadung-kabado

ang rap singer.

Pero pinatunayan ni Gloc-

9 na after Francis M., siya na

talaga ang best Pinoy rap artist

natin.

May dalawa pang gabi si

Gloc-9 sa MM (Oct. 24 & 31) at

ang maganda sa concert series

niyang ito, bawat gabi ay iba-iba

ang mga guests niya. On Oct.

24 ay guests naman niya sina

Jolina Magdangal, ang magasawang

Ogie Alcasid and Regine

Velasquez, Yeng Constantino

and Ebe Dancel. Sa Oct. 31

ay sina Ebe, Jay Durias, Julie

Ann San Jose at KZ Tandingan

naman ang kanyang mga guests.

SA January 2016 pa ang debut ni

Liza Soberano pero ngayon pa lang

ay pinaghahandaan na niya ang

charity event na kanyang gagawin.

Kung ang ibang debutante ay

naghahanda at gumagastos nang malaki sa engrandeng

party sa kanilang debut, si Liza, ang kanyang pinagiisipan

ay kung anu-anong charitable institutions ba ang

kanyang pupuntahan at tutulungan.

So far, nakapili na ang young actress ng mga foundations

na gusto niyang pagdausan ng 18 th birthday. Ang

mga ito ay I Can Serve Foundation, Anawim Lay Mission,

Nazareth Home For Street Children and Chosen

Children Village Foundation.

Sa Chosen Children Village ay 80 abandoned babies

ang kanyang bibigyan ng tulong at sa Anawim Lay naman

ay 60 elderlies ang kanyang pasasayahin.

Birthday niya pero siya ang mamimigay ng regalo

sa mga nabanggit na foundations. Ito raw ang way ng

young actress para magpasalamat sa lahat ng blessings

na dumarating sa kanya.

Si Liza mismo ang may gusto na hindi masyadong sikat

ang mga foundations na tutulungan niya. May mga nagsuggest

nga sa kanya ng mga sikat na charitable institutions,

pero say ng young actress, “Masyado nang maraming

tumutulong sa kanila. Gusto ko ‘yung mga neverheard

na institutions.”☺

Photo by: DADA NAVIDA

Sa iskandalo sa eroplano kay Jessy…

LIZA, , TODO-P

-PAKIUSAP NA

PATAWARIN ARIN NA NG MADLANG

ANG

PIPOL SI ENRIQUE

N

APANINDIGAN ni Batangas Governor

Vilma Santos-Recto ang kanyang

naunang pahayag na hindi siya

nag-a-aspire na tumakbong senador o pangalawang

pangulo ng ‘Pinas sa 2016 elections.

Sa kabila ng panunuyo sa kanya ng

malalaking political parties para maka-tandem

ng kani-kanilang presidentiable, hindi

nagpadala sa mga tempting offers ang Star

for All Seasons. Hindi siya nasilaw sa

power o puwesto.

Kahit na sa pagkokonsidera sa kanya sa

senatorial slate, hindi rin basta nakumbinse

ang mommy ni Luis Manzano. May sarili

siyang desisyon at agenda para sa kanyang

political career. Matagal niyang pinag-isipan

at tinimbang ang maraming bagay. Pinulsuhan

din niya ang kanyang mga kababayang

Batangueños.

Although proud na proud ang kanyang

mga kapwa Batangueños na naalok sa mataas

na posisyon sa gobyerno ang kanilang

gobernadora, still, si Gov. Vilma

lang naman ang makakapagdesisyon

at nakakaalam ng kanyang

kakayahan bilang public

servant.

Until recently, ang

pagiging congresswoman

sa lone district ng Lipa

na nga ang napili ni Gov.

Vilma. Ang better half

niyang si Ralph Recto

ay sasabak namang muli

sa pagka-senador.

Hindi nagmamadali

si Ate Vi. Sa tamang

panahon, magaganap

naman ang lahat.

‘Di napigilan ang tuwang nadarama,

sumabit tuloy…

AKTRES NA BINALATUHAN NG SUPER-LAKI

NG MADATUNG NA PULITIKO NA NANALO SA

CASINO, SINABIHAN NANG SECRET LANG

ANG BALATO, IPINAGMAYABANG PA,

INAWAY TULOY NG 2 BFF NA AKTRES NA

KASAMANG NAAMBUNAN

BLIND ITEM:

SOBRANG galante at bukas-palad kung

mag-share ng kanyang panalo sa casino

ang isang dating politician-rich businessman

na galing sa Norte. Marami siyang

kaibigang showbiz personalities na

madalas niyang naiimbita kapag may affair

sa kanyang mansion. At nakakasama

rin niya ang mga artistang ito kapag siya

ay nagka-casino.

Big time kung mag-casino ang politician-businessman.

Milyones ang taya at

mga multi-millionaire businessmen din

ang kanyang nakakalaro.

Tatlong magagandang celebrities na

sumikat during their era sa showbiz ang

laging dumidikit sa politician-businessmen

kapag malakihan na ang tayaan sa

casino. Mas madalas kasing panalo sa

sugal ang nasabing negosyante at napakagenerous

nitong magbalato sa mga kasama

kapag sinusuwerte sa casino.

Ang tatlong beautiful stars, eh, daig

pa ang nanalo sa lotto nang bigyan sila

minsan ng balato. Pero, ang bilin daw,

kailangang isikreto nila kung magkano

ang nakuha nilang balato mula kay politician-businessmen.

Ang siste, sa sobrang tuwa at excitement

ng isa sa tatlong female stars, nakapagkuwento

raw ito sa ibang artista. Ang

ending? Magkakagalit na ngayon ang

tatlong female stars. Naging magkakampi

sina Actress A at Actress B. Iniligwak

nila ang dating kaibigang si Actress

C.

PANG-UNAWA at pagpapatawad ng

publiko ang wish ni Liza Soberano para

sa ka-love team niyang si Enrique Gil na

nalagay sa kontrobersiya dahil sa naganap

sa biyahe nila sa London kamakailan para

sa A.S.A.P. 20.

Nagpakumbaba at nag-apologize na si

Enrique sa mga taong sangkot sa plane

incident. And for sure, napagsabihan

na rin siya ng mga big bosses ng

Dos.

Maging ang magaling

na TV host na

si Boy Abunda ay

may pakiusap sa

lahat na huwag basta

akusahan si Enrique

at bigyan ito ng second

chance na maitama

ang kanyang

mga pagkakamali.

Dala ng kanyang

kabataan na mapusok

at padalusdalos

sa mga

ginagawa at sinasabi, dapat ay maging maingat

na si Enrique Gil lalo na kapag nasa public

place. And most of all, matutong kontrolin

ang sarili at umiwas na sa alak upang hindi

malagay sa alanganing sitwasyon.

Mabuti na lang at nandiyan si Liza

Soberano at ilang kaibigan na very supportive

kay Enrique Gil, ganu’n din ang mga

loyal fans ng LizQuen. Muli, susuportahan

ng mga ito ang pelikulang Everyday I Love

You na follow-up sa box office hit na Just

The Way You Are. Maraming eksena ng

pelikula ang kinunan sa Bacolod at naipakita

rin ang magagandang lugar sa

nasabing lalawigan.

SAYANG at hindi naisip ng Viva Films

na isali na lang sa MMFF 2015 ang

pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin na

natapos nang gawin ni Mayor Herbert

Bautista katambal ang Diamond Star

na si Maricel Soriano.

Star-studded naman ang movie dahil

bale 3 istorya ang nakapaloob dito na

idinirek din ng 3 direktor. Si Direk

Andoy Ranay ang natoka sa Bistek-

Maricel episode. At balita namin, tapos

na tapos na ang nasabing pelikula. Kung

naisama sana ito sa mga entries sa

MMFF 2015, tiyak na exciting kung

makakalaban ng Kris Aquino-Derek

Ramsay movie.

Kung ang sey ni Derek kay Kristeta

ay “All You Need is Pag-Ibig,” may sagot

naman dito ang Bistek-Maricel movie,

“Lumayo Ka Nga Sa Akin.”

Co-incident ba ang mga titulong ito?

What if natuloy nga ang bakbakan nila

sa takilya?

(Sundan sa p.10)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!