02.06.2021 Views

Project Renal-Ophilia

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

MGA SAKIT NG URINARY SYSTEM

Bakterya sa urinary tract ang sanhi ng mga UTI. Cystitis ang

tawag sa impeksiyong nasa urinary bladder. Tinatawag

namang pyelonephritis ang impeksiyon sa isa o dalawang

kidney. Makatutulong sa paglabas ng bakterya ang paginom

ng maraming tubig.

Urinary Tract Infection (UTI)

Kidney stones ang tawag sa mga bato o calculi sa urinary

system. Nabubuo ang mga bato sa kidney at maaaring

makita sa anumang bahagi ng urinary system. Magkakaiba

ang laki ng mga ito.

Kidney Stones

Humahantong sa di paggana ng mga kidney o kidney

failure ang kondisyon kapag hindi na kayang pangasiwaan

ng mga kidney ang tubig at mga kemikal sa katawan o

alisin ang mga dumi sa dugo. Acute Renal Failure (ARF) ang

tawag sa biglaang di-paggana ng mga kidney. Ang chronic

renal failure (CRF) o unti unting di paggana ng mga kidney

ay maaaring humantong sa permanenteng di paggana nito

o ang tinatawag na end-stage renal disease (ESRD).

Renal (Kidney) Failure

Ang pangkalahatang tawag sa mga tumor sa mga kidney,

bladder at mga tubo na nag-uugnay sa mga ito. Kalimitang

dumarating ang ganitong mga nakamamatay na sakit

makalipas ang edad na 65.

Urinary Tract Cancer

Sa neurogenic bladder, hindi mabisang gumagana ang

mga nerbyo na dapat maghatid ng mga mensahe mula sa

utak patungo sa urinary bladder. Maaring humantong sa

iba’t ibang problema ang neurogenic bladder.

Neurogenic Bladder

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!