04.05.2013 Views

Software License Agreement - Nielsen

Software License Agreement - Nielsen

Software License Agreement - Nielsen

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KASUNDUAN HINGGIL SA LISENSIYA SA PAGGAMIT NG

SOFTWARE

BASAHING MABUTI ANG SUMUSUNOD NA KASUNDUAN. ITO AY ISANG LEGAL NA KASUNDUAN SA

PAGITAN MO AT NG NIELSEN COMPANY (US), LLC (ANG "KOMPANYA") HINGGIL SA PAGLAGAY AT

PAGGAMIT SA IYONG (MGA) COMPUTER NG AMING PATENTADONG SOFTWARE APPLICATION (“ANG

SOFTWARE”), UPANG PAHINTULUTAN MO KAMING MAG-IPON PARA SA AMING MGA PAG-AARAL NG

MGA MAMIMILI (MARKET RESEARCH) NG IMPORMASYON TUNGKOL SA IYONG PAGGAMIT NG

COMPUTER AT INTERNET.

Kaloob ng Lisensiya. Sakop ng lahat ng mga tadhana at kondisyon sa Kasunduang ito, ipinagkakaloob sa iyo ng Kompanya

ang isang lisensiyang limitado, hindi tanging iyo, hindi maililipat, at hindi lisensiyang maaring mabigay sa iba

(nonsublicensable) (i) upang ilagay, o malagay ng Kompanya, ang Software ng Kompanya sa mga hard disk drive ng mga

Computer sa iyong bahay at (ii) upang magamit ang Software, sa bawat kaso, sa anyong object code lamang. Ang lahat ng

mga ibang karapatan hinggil sa Software, ang paggamit nito at ng anumang kasamang kasulatan ay nirereserba para sa

Kompanya sa pamamagitan nitong kasulatan.

Mga Paghihigpit. Ikaw ay sumasang-ayon na hindi mo babaguhin ang Software o idi-disassemble, ide-decompile, o irereverse-engineer

ito o sa ibang paraan sisikaping kumuha ng source code galing dito. Ang Software ay ituturing bilang

"commercial computer software" alinsunod sa DFAR Bahagi 227.7202 at FAR Bahagi 12.212, kapag nababagay. Ang

anumang paggamit, pagbabago, pagkokopya, pagpapalabas, pagpapakita o pagbubunyag ng Software at ng anumang

kasamang kasulatan sa o ng pamahalaan ng Estados Unidos ay hinihigpitan alinsunod sa mga binanggit na bahagi ng DFAR

at FAR at tanging pinamamahalaan ng mga tadhana ng Kasunduang ito. Ang Kontratista/Pabrikante ay The Nielsen

Company, 770 Broadway, New York, New York 10003.

Karapatang Magpalathala, o Copyright. Ang Software ay protektado ng mga batas ng Estado Unidos hinggil sa

pagpapalathala, mga probisyon ng mga kasunduan sa pagitan ng mga bansa, at ng ibang mga batas. Hindi mo maaring

gamitin, kopyahin, ipakita, baguhin o ipamigay ang Software o anumang kasamang kasulatan maliban kung may mahigpit na

pagsang-ayon sa Kasunduang ito.

Mga Update sa Software. Naiintindihan mo at sumasang-ayon ka na may mga oras na ang Kompanya ay maaaring kusang

gumawa ng update sa Software upang maiba at/o madagdagan ang mga uri ng dato na susubaybayan nito at upang maayos

ang mga pagkakamali alinsunod sa Privacy Notice.

Paghihinto. Kahit kailan, maaaring itigil ng Kompanya ang iyong partisipasyon, at maari mong itigil ang inyong paglahok sa

inampalan. Ang Kasunduang ito at ang lahat ng mga karapatan at lisensiyang ipinagkakaloob sa iyo alinsunod sa

Kasunduang ito ay kaagad mapapawalang-saysay kapag mahinto sa anumang paraan ang iyong paglahok sa inampalan o

kapag nilabag mo ang anumang tadhana o kondisyon ng Kasunduang ito. Sa sandaling mapawalang-bisa ang Kasunduan

dahil sa anumang sanhi, sumasang-ayon ka na kaagad at permanente mong sisirain ang lahat ng mga kopya ng Software at

kasamang kasulatan tungkol sa Software (kung mayroon) na hawak mo.

Bayad-Pinsala, o Indemnity. Sumasang-ayon ka na iyong ipagtatanggol, babayaran pagkapinsala (i-indemnify), at hindi

hahablahin (hold harmless) ang Kompanya, ang mga empleyado, pinuno, tagapangasiwa, aksiyonista, kaanib, kasosyo, at

kahalili at mga hinirang (assigns) nito (sama-samang tutukuyin “mga Kinatawan”) laban sa anumang at lahat ng mga pagangkin

(claims), pagkalugi, kapinsalaan, gastos (kabilang ang walang-hangganang makatwirang bayad sa abugado), na

resulta ng o may kaugnayan sa iyong paglabag ng Kasunduang ito.

Pagtatakda ng Pananagutan at mga Garantiya. IKAW ANG MAGBABAYAD NG BUONG HALAGA NG ANUMANG

GASTOS, PAGKASIRA, KAPINSALAAN, PANANAGUTAN O GUGOL NA RESULTA NG IYONG PAGGAMIT NG

SOFTWARE. ANG SOFTWARE NA IBINIBIGAY SA IYO “AS IS”, O SA KONDISYON NITO SA SANDALING

IBINIGAY SA IYO, NA MAY WALANG ANUMANG GARANTIYA. SA PINAKALAWAK NA SAKLAW NA

PINAPAHINTULUTAN NG ANGKOP NA BATAS, IPINAGKAKAILA NG KOMPANYA AT NG MGA KINATAWAN

SLAt_PC_1209

NITO SA PAMAMAGITAN NG KASULATANG ITO ANG LAHAT NG MGA GARANTIYA, MAGING MALIWANAG

O IPINAHIWATIG, KABILANG ANG SUBALIT HINDI LIMITADO SA MGA IPINAHIWATIG NA GARANTIYA

UKOL SA PAGIGING NARARAPAT NA KALAKAL (MERCHANTABILITY), DI-PAGLABAG SA BATAS (NON-

INFRINGEMENT) AT KAANGKUPAN SA ISANG PARTIKULAR NA PAGGAMIT. ANG KOMPANYA AT ANG

MGA KINATAWAN NITO AY HINDI NAGBIBIGAY NG ANUMANG GARANTIYA NA ANG SOFTWARE AY

WALANG KAMALIAN (“BUGS”) O NA ANG PAGGAMIT NITO AY HINDI MAAABALA O SA PAMAMAGITAN

NG PAGGAMIT NITO IYONG MATATAMO ANG ANUMANG PARTIKULAR O HINAHANGAD NA RESULTA.

Hindi pinapahintulutan ng ilan sa mga nasasakupang teritoryo ang mga takda sa mga ipinahiwatig na garantiya. Sa gayon,

ang pagtatakda sa itaas o isang bahagi ng pagtatakda sa itaas ay maaaring hindi angkop sa iyo.

Walang Pananagutan para sa mga Bungang Kapinsalaan. SA PINAKALAWAK NA SAKLAW NA

PINAPAHINTULUTAN NG ANGKOP NA BATAS, HINDI DAHIL SA ANUMANG PANGYAYARI MANANAGOT

ANG KOMPANYA O ANG SINUMAN SA MGA KINATAWAN NITO PARA SA ANUMANG KAPINSALAANG DI-

TUWIRAN, ESPESYAL, DI-SINASADYA, BUNGA O PAMBABALA (KABILANG SUBALIT HINDI LIMITADO SA,

MGA KAPINSALAAN PARA SA PAGKAWALA NG KITA, PAG-ABALA SA NEGOSYO, PAGKAWALA NG

IMPORMASYONG MAY KAUGNAYAN SA NEGOSYO, MGA PAGHABLA NG PANGATLONG PARTIDO, O

IBANG PAGKAWALA) BUNGA NG O MAY KAUGNAYAN SA SOFTWARE, IYONG PAGGAMIT NG SOFTWARE,

ANG MGA DATOS NA NAIPON NG SOFTWARE, O ANG KASUNDUANG ITO, MAGING BATAY SA PAGLABAG

SA KONTRATA, PAGKILOS NA LABAG SA BATAS, O TORT (KABILANG SUBALIT HINDI LIMITADO SA

KAPABAYAAN AT PANANAGUTAN UGNAY SA PRODUKTO (PRODUCT LIABILITY) O SA IBANG PARAAN,

KAHIT TINALASTASAN ANG KOMPANYA O ANG MGA KINATAWAN NITO TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG

GANITONG MGA KAPINSALAAN. HINDI DAHIL SA ANUMANG PANGYAYARI HIHIGIT SA $50 ANG BUONG

PANANAGUTAN SA IYO NG KOMPANYA O NG MGA KINATAWAN NITO PARA SA LAHAT NG

KAPINSALAAN SA ANUMANG ISA O HIGIT NA KATOTOHANANG MAGBIBIGAY SA NAGHAHABLA NG

KARAPATAN SA KAGINHAWAAN.

Dahil hindi pinapahintulutan ng ilan sa mga nasasakupang teritoryo ang di-pagsama o ang pagtatakda ng pananagutan sa

bungang o di-sinasadyang kapinsalaan, ang pagtatakda sa itaas o isang bahagi ng pagtatakda sa itaas ay maaaring hindi

angkop sa iyo.

Ang Mamamahalang Batas. ANG KASUNDUANG ITO AY PAMAMAHALAAN NG MGA BATAS NG ESTADO NG

NEW YORK, NA MAY WALANG PAGSASAALANG-ALANG SA MGA ALITUNTUNING UKOL SA

PAGSASALUNGAT NG MGA BATAS. ANG LAHAT NG MGA PARTIDO AT MGA TUNGGALIANG RESULTA NG

KASUNDUANG ITO AY SASAILALIM SA TANGING KAPANGYARIHAN NG MGA HUKUMANG PANG-ESTADO

AT PEDERAL NA NASA NEW YORK COUNTY, NEW YORK.

Paglipat, o Assignment. Hindi mo maililipat ang Kasunduang ito o ang anumang mga alinsunod na karapatan o obligasyon,

sa pamamagitan ng pagtamo ng karapatan na walang pagsisikap (by operation of law) o sa anumang paraan, na may walang

paunang kasulatang galing sa Kompanya na nagbibigay ng pahintulot. Maaring ilipat ng Kompanya ang Kasunduang ito, at

ang mga alinsunod na karapatan at obligasyon, sa anumang pangatlong partido na walang pahintulot mo o talastas sa iyo.

Sumasailalim sa mga nauunang tadhana, ang Kasunduang ito ay sasaklaw sa mga partido nito at mahihirati sa pakinabang

nila, ng kanilang mga kahalili at ng mga maaring hirangin (assigns).

Kakayahan sa Paghihiwalay, o Severability. Kung mapasiya na hindi balido o hindi maaring tuparin ang anumang probisyon

sa Kasunduang ito, ang probisyong ito ay babaguhin hanggang saan kailangan lamang upang maging maaring matupad ito.

Sa anumang pangyayari, tutuparin ang mga natitirang probisyon.

Mga Gastos ng Paglilitis. Kung magsampa ng anumang demanda hinggil sa nilalaman ng Kasunduang ito ang alinman sa

mga partido ng Kasunduang ito laban sa kabilang partido, ang partidong nanalo ay may karapatan sa pagsasauli ng mga

makatwirang bayad sa abugado, mga gastos sa paglilitis, gayundin sa anumang ibang kaginhawahang ibibigay ng hukuman.

Ang Buong Kasunduan. Ang Kasunduang ito ay ang buong kasunduan sa pagitan mo at ng Kompanya hinggil sa nilalaman

ng Kasunduang ito at hinahalili nito ang anumang napag-usapan at lahat ng pinag-usapan hinggil sa nilalaman ng

Kasunduang ito.

SLAt_PC_1209

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!