06.05.2013 Views

Culminating Activity October 4, 2010 Feast of St. Francis of Assisi ...

Culminating Activity October 4, 2010 Feast of St. Francis of Assisi ...

Culminating Activity October 4, 2010 Feast of St. Francis of Assisi ...

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Culminating Activity

October 4, 2010

Feast of St. Francis of Assisi

Opening Remarks

By: S. Edna M. Quiambao, OSB

Grade School Principal

Magandang Umaga po sa inyong lahat! Benedicite!

Ngayong araw na ito, sa pagtatapos ng Science Month gusto naming parangalan at

bigyang halaga ang mundo na ating ginagalawan. Ang mundo kung saan tayo nakatira,

nabubuhay at nakikisalamuha sa kapwa, sa kapaligiran at sa mga hayop, sa kalikasan,

sa hangin, sa karagatan at kabundukan at iba pang mga ginawa ng Diyos. Alam nating

lahat na ang mundo nating ginagalawan ngayon ay nasa bahagi ng pagkariwara o

pagkasira dahil na rin sa ating kagagawan.

Ang buong buwan ng Setyembre nilaan natin sa pag-aaral ng kahalagahan ng hangin,

ulan/bagyo, karagatan, kabundukan, kapaligiran, kalinisan, pagbabago ng klima o

“climate change” at ang tao. Anu-ano na ang ating mga nagawa para makatulong sa

pagsagip ng ating daigdig?

Isang konting background tungkol sa Earth Day. Nagkaroon ng pagdiriwang ng “Earth

Day” 40 taon ng ang nakakaraan. Noong mga taong iyon (1970) napansin na ng tao

ang pang-aabuso sa ating kapaligiran ngunit nagwalang bahala tayo. Akala natin kung

maraming usok tayong nalalanghap dahil maraming sasakyan, ito ay simbolo ng

kaginhawahan. Di natin alam na ang usok ay isang polusyon, nakakasira sa baga at

nagpapaikli ng buhay. Pagkatapos ng maramaing taon mukhang di pa rin nating

masyadong pinapansin ang pangangalaga sa ating kapaligiran at sa hanging ating

nalalanghap. Ngayon 2010, higit sa lahat tayo ay dapat makibahagi at makialam sa

nangyayari sa ating kapaligiran, sa ating mundo. Ang climate change ay isang hamon

sa ating lahat sa panahon na ito at ito rin ang nagsisilbing napakalaking oportunidad

para makalikha tayo ng isang malusog, maginhawa, at milinis na enerhiya sa

ekonomiya ngayon at sa hinaharap (to build a healthy, prosperous, clean energy

economy now and the future). Alam ko marami kayong plano para mapaganda natin

ang ating kapaligiran sa St. Scholastica at sa inyong mga tahanan at komunidad ngunit

parang hangang salita lamang, wala sa gawa. Hinahamon ko kayong lahat sapagkat

napapanahaon na para tayo’y gumising at gumawa ng karapat-dapat sa ating kapwa at

sa ating kapaligiran. Huwag na nating hintayin ang pagkagunaw ng mundo o

pagkakasakit ng ating mga sarili at kapwa bago pa tayo kumilos.

Sa araw ding ito may mga kasama tayong mga kapatid na Aetas na magbabahagi sa

atin ng kanilang simpleng pamumuhay at kaalaman tungkol sa kanilang buhay at

pangangalaga sa kanilang kapaligiran. Sana sa ating pagbabahaginan tayong lahat at

matuto at gumawa ng mga hakbang sa pagbubuti ng mundo, ng kapwa at ng

kapaligiran.

Hingin din natin ang tulong si San Francisco ng Assisi, na noong 1979 pinroklama ni

John Paul II na patron ng ecolohiya. Para kay San Francisco lahat ng tao at

kapaligiran ay kanyang mga kapatid, pinagmamalasakitan nita at minamahal. Tularan

natin siya nang sa lahat ng bagay ang Diyos ay bigyang papuri.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!