07.08.2017 Views

AUGUST 7, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

AGOSTO 7, 2017 3

Noynoy, dapat lang daw

murahin ni P-Digong dahil

sa 'tuwad na daan' lumala

ang droga!

DAPAT LANG DAW NA MURAHIN NI

P-DIGONG SI NOYNOY KASI SA ‘TUWAD

NA DAAN’ GOV’T. DAW LUMAGANAP ANG

DRUG ADDICTION SA ‘PINAS — May dahilan

daw si Pangulong Duterte na magalit at mamura si

ex-Pres. Noynoy Aquino kaugnay sa statement nito

na wala raw nangyari sa war on drugs ni P-Digong,

na tila gustong palabasin ng ex-president na palpak

ang giyera laban sa droga ng Digong gov’t.

Mantakin n’yo, sa administrasyon ni Noynoy

ay lumala raw ang problema ng drug addiction sa

bansa at ngayong pinupursige ni P-Digong na

puksain ito ay may lakas pa ng loob ang ex-president

na sabihing sablay ang war on drugs ng Duterte

gov’t.

‘Ika nga, wala raw “K” si Noynoy na punahin

ang “war on drugs” ni P-Digong dahil sa “tuwad na

daan” gov’t. ay dumami raw ang mga adik at pusher

sa bansa, boom!

ANG PAGBIBIGAY NI

TAGUBA NG P27-M SUHOL

SA CUSTOMS AY PATUNAY

DAW NA ALAM NIYANG MAY

SHABU SA KANYANG KAR-

GAMENTO — Bukod sa mga

buwayang Customs official ay

dapat din daw sampahan ng kaso

ang broker na si Mark Taguba

kaugnay sa naipuslit na 604-kilo

ng shabu sa Adwana.

Inamin kasi ni Taguba sa pagdinig

sa Kongreso na sa loob ng tatlong

buwang pagpapalabas niya ng mga

epektos sa Adwana ay nakapagbigay

na raw siya ng higit P27 milyong

suhol sa mga buwayang Customs official.

Ibig sabihin, kaya nagbibigay ng

suhol si Taguba ay dahil alam daw

niyang may mga iligal sa mga

kargamentong galing sa China na

pinangangasiwaan ng kanyang brokerage

firm na maipuslit sa Customs,

kasi kung alam niyang walang

shabu ang mga ilalabas niyang

epektos sa Adwana ay walang

dahilan para magbigay siya ng suhol

sa mga buwayang Customs official,

period!

STL OPERATOR NA NANDAYA

NG P300-M KOLEKSIYON SA STL,

DAPAT NA RING GISAHIN NG

KONGRESO — Sa pagdinig sa

Kongreso noong Agosto 3, 2017 tungkol

sa STL con jueteng (sugal na STL na

hinango sa raket na jueteng) na pinalalaganap

ng PCSO ay inamin ni PCSO

Chairman Jorge Corpuz na may STL operator

na kumita ng P400 milyon

kubransa, pero P100-M lang ang ini-report

sa PCSO.

Dapat ay ipatawag ng Kongreso ang

STL operator na nandaya ng P300-M sa

koleksiyon ng STL at gisahin ito nang

todo at baka sakali ay matuklasan ng mga

mambabatas na kaya malakas ang loob

nitong dayain sa koleksiyon ng STL ang

gobyerno ay dahil may kasabwat ito sa

PCSO sa raket na hindi pagre-remit ng

tamang kubransa sa PCSO, boom!

BENTAHAN NG SHABU SA

SAKLAAN SA PADRE GARCIA,

BATANGAS — May nagaganap daw na

bentahan ng shabu sa saklaan nina

“Nonit” at “Tisoy” sa Padre Garcia,

Batangas.

O, ano pa ang hinihintay mo,

Batangas PNP Director Randy Peralta?

Ipatokhang mo na raw sina “Nonit” at

“Tisoy”, dali!

Posibleng dahilan ng

pagkakaroon ng bukol

sa kilikili

Dear Doc. Shane,

May tumubong bukol sa aking kilikili na parang

kasinlaki ng munggo. Hindi naman ito masakit kaya

lang, ang pangit tingnan lalo na kapag naka-sleeveless

ako. Ano kaya ito? — Megan

Sagot

Maraming posibleng sanhi ang bukol sa kilikili.

Maaaring ang mga ito ay mga cyst. Ang mga cyst sa

kilikili ay puwedeng dahil sa paggamit ng mga deodorant,

antiperspirant o shaving cream. Puwede rin

itong mga ‘lipoma’. Magpatingin sa doktor para

matukoy kung ano ang sanhi nito. May mga paraan

tulad ng laser o operasyon para ipatanggal ang mga

cyst. Huwag tangkaing paputukin o kaya ay tirisin

ito dahil maaari itong lumala. Obserbahan din ito kung

magkakaroon ng mga pagbabago, kung lumalaki ito

ay ikonsulta agad sa doktor kung nais itong ipaalis.

Para sa inyong mga katanungan, maaari pong

sumulat sa SABI NI DOC ni Shane Ludovice,

BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City

o mag-email sa sabinidok@bulgar.com.ph

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!