07.08.2017 Views

AUGUST 7, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

AGOSTO 7, 2017 5

Ang lisensiya ay isang

prebilehiyo at hindi

karapatan, period!

HELLO, mga bes! Bukod sa ibinalita natin sa inyo

noong nakaraang column tungkol sa pagsasabatas

ng libreng WiFi sa pampublikong mga lugar,

mayroon pang dalawang bagong batas ang ating

bansa na magpapaluwag sa buhay ng ating mga

kababayan. Masayang-masaya tayo dahil ganap na

ring batas ang Republic Act No. 10930 na

nagpapahaba ng validity ng driver’s license na mula

sa kasalukuyang tatlong taon ay limang taon na ito

ngayon at maaaring umabot nang sampung taon pa

sa renewal kung walang paglabag sa batas-trapiko

ang nagmamaneho.

Bilang sponsor ng panukalang-batas na ito sa

Senado, nagpursigi talaga tayong maitulak ito para

maputol na ang red tape sa Land Transportation Office

o LTO. Hindi na kailangang magpabalik-balik

ASEAN, ‘di raw nagpapadikta

sa U.S. kaugnay ng

isyu sa NoKor, ayos!

TINITIRA ng Vietnam ang China.

Hayaan natin sila.

HINDI nagpapadikta ang ASEAN sa U.S. kaugnay sa

relasyon sa North Korea.

Malaki ang tama nila.

DEDO sa ambush ang isang konsehal ng Pasay City.

Uso na naman ang tandem.

NAPATAY din ng tandem ang isang journalist.

Nag-aala-Mindanao na raw yata ang Metro Manila.

TUMIGIL na ang ulan.

Nakasiwang ang sobrang init ng araw.

INIIHAW ng 40 Fahrenheit na init ang Europe.

Marami na ang naospital.

NAGHAHANAP ang mga scientist kung sino ang super-hero

na puwedeng lumaban sa mga alien.

Inirerekomenda natin si Brod Pete.

MAY bakterya raw ang mga manok.

Bakit, anong bagay ba ang walang bakterya?

NAGKAKAINITAN na sina P-Digong at ex-P-Noy.

Royal rumble sila kasama si Joma Sison.

TIYAK na isusulong ang buwis sa mga matatamis na

produkto lalo na sa softdrinks.

Bangkarote ang mga multi-national corporation na pagaari

ng mga Kano.

Tsk-tsk-tsk!

pa ang mga kababayan natin para

mag-renew dahil mas mahaba na ang

validity ng kanilang lisensiya. Iwasabala

ito para sa mga kababayan natin

lalo pa’t ang ilan sa kanila ay

kailangan pang lumiban sa trabaho

para lang mag-asikaso nito. Menosgastos

pa sa parte ng ating mga

kababayan at ng pamahalaan.

Inaatasan ng batas na ito ang LTO

na magbuo ng online system para sa

renewal. Para sa inisyal na aplikasyon,

kailangan pa ring personal na

sumadya sa LTO ang aplikante.

Sa ilalim ng batas na ito, may

insentibo para sa mga driver na

sumusunod sa batas-trapiko. Kung

walang paglabag, puwede silang magrenew

ng lisensiya na sampung taon

ang validity. Ibig sabihin, sa loob ng

sampung taon, hindi nila kailangang

intindihin ang pagre-renew. Hindi

ba’t ang laking kaluwagan nito, mga

bes?

Pero dahil may kaluwagan,

kailangan din nating tiyakin na hindi

maaabuso ang mga prebilehiyo sa

ilalim ng batas na ito. Mahal ang multa

para sa mga magsisinungaling, mandaraya

at mamemeke sa aplikasyon ng

lisensiya sa ilalim ng batas na ito. Sakaling

masangkot sa aksidente na magreresulta

sa pagkamatay o pagkapinsala,

pagkabaliw, pagkabulag, kawalangkakayahan

at iba pa, ipawawalambisa

ang lisensiya sa loob nang limang taon

kung ipahayag ng korte na may kapabayaan

o pagkakamali ang nagmamaneho.

Ang pagkakaroon ng lisensiya ay

hindi isang karapatan. Isa itong prebilehiyo

na may kaakibat na responsibilidad.

Dahil binigyan tayo ng pagkakataon,

kailangan nating sundin ang mga

batas sa pagmamaneho at transportasyon

para tuluy-tuloy tayong magtamasa

ng pakinabang. Sana ay sulitin ng mga

kababayan natin ang kaluwagang ibinibigay

ng napakagandang batas na ito.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa

POEsible ni Grace Poe, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o

mag-email sa poesible@bulgar.com.ph

Dear Chief Acosta,

Ibinenta ko ang

aking sasakyan sa

aking kaibigan at

ipinadala ko ito sa

kanya, kahapon, gamit

ang serbisyo ng isang

shipping company.

Dapat ay nabayaran na

niya ngayon ang presyo

nito subalit, pagtingin

ko sa aking bank account

ay hindi pa niya

ito ginagawa. Maaari

ko bang ipatigil ang

pagpapadala ng sasakyan

ko sa kanya?

Ayaw ko na ring ituloy

ang pagbenta dahil

dito. — Glen

Dear Glen,

Nakasaad sa Artikulo

1164 ng Civil Code of

the Philippines ang sagot

sa inyong katanungan:

“Article 1526. Subject

to the provisions of

this Title, notwithstanding

that the ownership

in the goods may have

passed to the buyer, the

unpaid seller of goods,

as such, has:

(1) A lien on the

goods or right to retain

them for the price while

he is in possession of

them;

(2) In case of the insolvency

of the buyer, a

right of stopping the

goods in transitu after

Gusto nang bawiin ang

pagpapadala sa ibinebentang

sasakyan dahil sa hindi

pagbabayad ng nakabili sa

itinakdang oras

he has parted with the

possession of them;

(3) A right of resale as

limited by this Title;

(4) A right to rescind

the sale as likewise limited

by this Title.

Where the ownership

in the goods has not

passed to the buyer, the

unpaid seller has, in addition

to his other remedies

a right of withholding

delivery similar

to and coextensive with

his rights of lien and

stoppage in transitu

where the ownership

has passed to the

buyer.”

Samakatwid, malinaw

sa nabanggit na sa

kadahilanang hindi niya

nabayaran ang napagusapan

ninyong halaga,

maaari ninyong ipatigil

ang pagpapadala sa kanya

ng sasakyan. Bukod pa

rito, maaari rin ninyong

ipa-rescind o ikansela

ang inyong bentahan.

Nawa ay nasagot

namin ang inyong mga

katanungan. Nais naming

ipaalala sa inyo na ang

opinyong ito ay nakabase

sa inyong mga naisalaysay

sa inyong liham

at sa pagkakaintindi

namin dito. Maaaring

maiba ang opinyon kung

mayroong karagdagang

impormasyong ibibigay.

Mas mainam kung personal

kayong sasangguni

sa isang abogado.

Kung kayo ay may katanungan o nais ihingi ng

payong legal, sumulat sa MAGTANONG KAY

ATTORNEY ni Percida Acosta, BULGAR

Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o magemail

sa magtanongkayatorni@bulgar.com.ph

ni PABS HERNANDEZ III

14 ANYOS NI-RAPE

NG PINSAN

NORTH COTABATO — Isang 14-anyos na dalagita

ang ginahasa ng kanyang pinsan, kamakalawa sa bayan

ng Pikit sa lalawigang ito.

Ang biktima ay itinago sa pangalang “Lina”, residente

ng nasabing bayan. Hindi muna pinangalanan ang suspek

hangga’t hindi ito nadarakip ng mga awtoridad.

Ayon sa biktima, nag-iisa siya sa kanilang bahay nang

gahasain siya ng suspek.

ANAK TINAGA NG AMA

CAMARINES SUR — Isang anak ang nasa

malubhang kalagayan nang tagain ng kanyang ama,

kamakalawa sa bayan ng Calabanga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Domingo Alcantara, Jr.,

samantalang, ang suspek ay si Domingo, Sr., kapwa

nakatira sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama

na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek.

LASING TODAS

SA KURYENTE

ILOCOS SUR — Isang lasing ang namatay nang

makuryente sa Bgy. Salincub, Santiago sa lalawigang

ito.

Ang biktima ay nakilalang si John Abad, residente

ng naturang lugar.

Ayon sa ulat, habang naglalakad ang biktima ay

napahawak ito sa poste na may nakalaylay na live wire

kaya ito nakuryente. Dinala ng mga saksi sa ospital ang

biktima pero idineklara itong dead-on-arrival.

3 PUSHERS TIKLO

SA BUY-BUST

BULACAN — Tatlong drug pushers ang nadakip sa

isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa

bayan ng Guiguinto, sa lalawigang ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Florentino Biñas,

Resedillo Dequino at Redentor Olayres, pawang mga

nakatira sa nasabing lalawigan.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng

ilang gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na ang mga suspek na sinampahan ng mga

kaukulang kaso.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!