07.08.2017 Views

AUGUST 7, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

4 Column Editor: PRINCESS ERIKA SOLITARIO

AGOSTO 7, 2017

Noynoy, bitter daw sa

tagumpay ni Digong

kaya todo-banat sa

war on drugs!

ISANG taon pa lang sa trabaho si Pangulong

Rodrigo Duterte ay marami nang nagawa ang kanyang

gobyerno. Sunud-sunod ang mga reporma tulad ng

batas para sa libreng matrikula sa State Colleges and

Universities, pagpapahaba ng validity ng pasaporte

at driver’s license at libreng WiFi sa mga pampublikong

lugar.

Unti-unti na ring naaayos ang mga imprastruktura.

Nababawasan ang bilang ng mga adik at

kriminal at nabibigyan ng sapat na atensiyon ang

mga pulis at sundalong nagtatanggol sa ating

seguridad.

Pero sa gitna ng magandang mga pagbabago, bakit

kaya may sektor pa rin ng lipunan na hindi makuntento

at pilit na pinababagsak ang bayan?

Dati, ang mga alipores lang daw ng mga dilawan

ang naririnig natin. Pero kamakailan ay nagsalita na

rin ang kanilang lider na si Noynoy Aquino. Binatikos

nito si P-Duterte at sinabing wala naman daw

nangyayari sa programa nito laban sa iligal na droga

at ganu’n pa rin daw ang bilang ng mga adik.

Galit na galit si Pangulong Duterte nang narinig

niya itong patutsada ng anak ni Cory.

“Sabi ni Noynoy, parang walang nangyari. Sige,

pumasok ka sa droga, P-Noy kung hindi kita pinutulan

ng ulo, buang ka. Anong walang nangyari.

Gag* ka!” matinding sagot ni P-Duterte sa patutsada

ni ex-P-Noy.

Masama talaga ang loob ni P-Digong sa sinabi ni

ex-P-Noy dahil marami nang pulis at sundalong namatay

sa pakikipaglaban nila sa mga kriminal na

sangkot sa droga. Ang mga sundalo ng AFP ay naging

parte rin ng war on drugs matapos madiskubre

na ang Maute Group sa Marawi ay nangangalakal

ng shabu.

Sabi pa ni P-Duterte, sa anim na taong pangulo si

Noynoy ay 4.83 bilyong kilo lang daw ng droga ang

nakumpiska. “Sa isang taon ko, nakumpiska ko ay

18.52 bilyon kilo,” pagmamalaki ni P-Digong.

“Kaya naiinsulto ako. Marami akong napatay

Para sa inyong katanungan, suhestiyon

at reaksiyon sumulat sa BANAT ni Bobi

Tiglao, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave.,

Quezon City o mag-email sa

banat@bulgar.com.ph

pero marami rin akong nakuha; marami ring buhay

ang nawala — mga sundalo at pulis. Kaya ang

sagot ko kay (Aquino) ay medyo balagbag,”

dagdag ni P-Duterte.

Nagsalita lang daw si Aquino dahil tinanong siya

pero sana raw ay pinag-isipan niyang mabuti ang

sasabihin niya at kung ano ang impact nito matapos

lumabas sa media.

May nag-udyok kaya kay Noynoy na magsalita

laban kay P-Duterte? Siya ba ang huling pangresbak

ng Partido Liberal na nanganganib na raw matalo sa

susunod na eleksiyon o naiinggit lang siya kay

P-Digong?

Sa isang taon ni P-Duterte sa trabaho ay mas

marami na raw ang nagawa niya para sa Pilipinas

kung ikukumpara sa anim na taon ni Aquino. Natatandaan

ba ninyo noon, ang reputasyon daw noon

ni Noynoy ay isang tamad na pangulo.

Hindi raw siya mahilig magtawag ng cabinet

meeting kung saan maaari sanang pag-usapan ang

mga problema ng bansa. Ni minsan ay hindi rin daw

niya ipinulong ang Legislative Executive Development

Advisory Council (Ledac) na dapat mag-aabiso

sa Palasyo kung ano ang mga prayoridad na mga

batas at programa.

Ibahin daw ninyo si P-Duterte, bagaman, mahilig

itong magmura, nababawi naman daw niya ito sa

sipag niya sa trabaho. Sa isang araw ay sunud-sunod

ang mga miting niya, mga talumpati, pag-aaral ng

mga opisyal na dokumento at pagbisita sa mga

kampo-militar o sa mga opisina ng gobyerno.

Kaya para raw sabihin ni Noynoy Aquino na

walang nangyayari sa anti-drug war ng pangulo ay

parang ‘bitter’ lang siya sa tagumpay ni P-Duterte.

Alam ba niyang higit isang milyon na ang sumuko sa

kapulisan na mga adik at pusher at marami sa mga

ito ay dinala na sa rehabilitasyon?

Hindi raw tuloy masisisi si P-Digong kung natawag

niyang “gag*” si Noynoy. May patutsada pa

ang pangulo sa ilan sa dating opisyal ni ex-P-Noy

tulad ni Mar Roxas na naging hepe ng DILG.

Banat ni Digong noong talumpati niya sa harap

ng BIR: “Ang mga heneral mo noon (Aquino), ‘yung

aide mo, ‘yung aide ni Roxas, puro nasa droga

konektado.”

Itinuro rin ni P-Duterte si Vicente Loot, isang

dating pulis-opisyal at ngayon ay mayor ng Daanbantayan

sa Cebu na may kinalaman din daw sa

droga at tinakot pa raw siya.

“Number 1 riyan ‘yung bata ninyo na si General

Loot. Isa pa ‘yang ul*l na ‘yan. Hindi ko alam kung

nandito si Loot. P****g ina mo, huwag mo ako

takutin general ka,” sabi ni Digong. Siyempre, tododeny

si Loot pero huwag kalimutan na may ‘narcolist’

si Duterte.

Hindi na umimik si ex-P-Noy matapos siyang

bansagang ‘buang’ ni P-Digong. Hindi raw kasi kayang

tapatan ni ex-P-Noy ang pagkaastig ni Pangulong

Duterte.

Editoryal

Editoryal

Bukod sa kagalang-galang na

uniporme; MMDA traffic enforcer,

ayusin din ang serbisyo, period!

C

HANGE has come na nga raw sa bayan ni ‘Juan’.

At ang ilang ahensiya, unti-unti na ring nagkakaroon

ng pagbabago.

Kasama na rito ang MMDA na magbabago na raw ng

uniporme ng mga enforcer para magmukhang kagalang-galang

habang nagmamando ng trapiko sa kalsada.

Dahil ang bullcap na isinusuot ng mga traffic enforcer ng MMDA ay

papalitan na ng black beret.

Ayon sa MMDA, matagal na raw plano ang pagpapalit ng uniporme

ng mga enforcer, partikular na raw ang headgear.

Dahil daw sa bagong uniporme ay mas magmumukha nang kagalang-galang

ang mga enforcer.

Sabi nga ni Director Roy Taguinod ng Traffic Discipline Office ng

MMDA:

“Speaks of authority. Nakikita nila na ‘uy kagalang-galang ito. So,

from there, nakikita mo pa lang ang enforcer na nakatayo riyan,

siyempre kailangan, sumunod tayo.”

Sa totoo lang, wala namang kaso at nakatutuwa naman ang magaganap

na pagpapalit ng uniporme ng mga MMDA, sino ba naman

ang ayaw magmukhang kagalang-galang, hindi ba?

Pero sa ganang atin, bukod sa bagong uniporme, mas gagalangin

at magkakaroon ng awtoridad ang mga enforcer kung titigilan na ng

ilang makakapal pa rin talaga ang mukha ang pangongotong sa mga

motorista at isa pa ay kung mas gagalingan pa nila ang pagsasaayos

ng daloy ng trapiko sa kalsada.

Dahil kahit anumang gara o ganda ng bagong uniporme, wala pa

rin itong silbi kung ‘nganga’ lang din naman sila sa kanilang tungkulin.

isyungk@ b ulgar.com.ph

Vietnam, inalmahan

ang pagtatayo ng China

ng mga artipisyal

na isla

WALANG nailabas na “joint communique” ang

ASEAN noong matapos ang pagpupulong ng mga

ministro ng sampung bansang miyembro nito dahil

hindi raw nagkaisa ang mga ito hinggil sa mga isyung

alam na ng lahat tungkol sa South China Sea.

Sa madaling salita, may umalmang bansa. Siguradong

hindi raw Pilipinas ang umalma rito. Ang

nais umano ng Vietnam ay banggitin sa nasabing

pahayag na itigil na ang paglikha ng mga artipisyal

na isla at militarisasyon ng mga ito. Wala namang

ibang bansang gumagawa nito kundi ang China.

Ang mahirap ay marami nang bansa sa ASEAN

ang tila hawak na ng China, kasama na raw ang

Pilipinas. Kaya lagi na lang daw maingat ang inilalabas

na pahayag ng ASEAN.

Sinisiguro raw na hindi gagalitin ang China sa

pamamagitan ng hindi pagbanggit ng mga isyu

tungkol sa teritoryo. Sa pag-iisip daw kasi ng China,

sila ang may-ari ng halos buong karagatan kaya

walang bansa ang puwedeng umangkin nito.

Sana raw ay manahimik na lang si Aquino at

maglaro na lang daw ito ng video games. Tinimbang

na raw siya ng taumbayan at ang pasya raw ng mas

nakararaming madlang pipol ay kulang siya — napakakulang

pa raw. May ilan pa nga raw na nagsasabing

sa totoo lang daw ay kulang-kulang daw

ang dating pangulo.

May kasaysayan ang Vietnam at China ng

labanan dahil sa teritoryo kaya hindi na raw

nakapagtataka kung nangunguna ang Vietnam sa

pag-alma sa mga ginagawa ng China sa rehiyon.

Mabuti pa sila.

NAGKAISA naman ang ASEAN sa panawagan

na itigil na ang pag-testing ng mga sandatang

nuclear ng North Korea. Nanawagan din sila na

tanggalin na ang lahat ng sandatang nuclear sa pagitan

ng dalawang Korea.

Peligroso sa rehiyon ang patuloy na pag-testing

ng mga missile ng North Korea dahil tinatapatan

din ito ng South Korea at mga kaalyadong bansa

nito. Kailangang banggitin na malapit ang North

Korea sa China.

Wala pang opisyal na pahayag mula sa ministro

ng North Korea na nasa bansa rin. Dumating na rin

sa bansa si U.S. Secretary of State Rex Tillerson.

Hintayin natin ang magiging pahayag nito tungkol

sa North Korea, pati na rin sa karapatang-pantao

sa bansa na siguradong may reaksiyon ang Palasyo.

No. 1 NEWSPAPER

IN THE PHILIPPINES

(Source: The NIELSEN Company)

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Trunk lines : 749-5664 to 65

Editorial : 712-2874 • 251-7904

749-0091

Advertising: 749-6094 (DL) 712-2883

251-4129 (FAX) 749-1491

743-8702

Credit & Collection: 742-5434

Circulation: 749-1493

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang mga personal na opinyon at/o kuru-kuro

ng mga manunulat na nailalathala sa

pahayagang ito ay hindi nangangahulugang

opinyon din ito ng publikasyon.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!