Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
7, 2017

9

Lumipat na rin tulad nina Vin at Ritz…

MARK NEUMANN, BIDA SA

TV5, EXTRA LANG SA DOS

MALINAW ang aming paningin. Hindi pa kami

nagsasalamin. Lalong hindi kami nananaginip lang

nang masilip namin si Mark Neumann sa seryeng

La Luna Sangre nu’ng nakaraang Biyernes

nang gabi.

Mabilis lang ang shot pero hindi

maitatago sa kahon ang hitsura ng guwapong

aktor. Kasama siya sa grupo ni Daniel

Padilla. Isa siya sa mga tauhan ni Albert

Martinez bilang lider ng kanilang tropa.

Dalawang mabibilis na shots ‘yun. Pansin na pansin ang

kanyang presensiya. Wala man siyang dayalog at basta

kahilera lang ng ibang mga kalalakihan ay nakikipag-agawan

ang kanyang kaguwapuhan sa bumibidang si DJ.

Nasa ABS-CBN na rin si Mark Neumann. Mula sa

pagbibida sa mga serye ng TV5 na ang pinakamarkado ay ang

Baker King ay nasa Dos na rin siya tulad ng mga dati niyang

kasamahang sina Vin Abrenica at Ritz Azul.

At napakaganda ng seryeng kinabibilangan niya ngayon,

malakas ang seryeng pinagtatambalan nina Daniel Padilla at

Kathryn Bernardo, nasa mga kamay na ni Mark Neumann

ngayon kung gaano siya magtatagal sa programa.

Kung pag-arte ang sesentruhan ay may bitbit na talento

si Mark. Pinanday siya ng magagaling na direktor sa TV5,

mas mahirap pa nga ang kanyang pinagdaanan, dahil mula sa

pa-slang-slang na Fil-Am mula sa Europa ay nagsikap ang

young actor na idiretso ang kanyang dila para makinis na

makapagbitiw ng mga dayalog sa sarili nating wika.

Maraming beses namin siyang nasaksihan na nagbabasa

ng mga babasahing Pinoy at diksiyunaryong Pilipino sa

halip na maglaro ng mga games sa kanyang tablet.

Hindi maiiwasan kung minsan ang twang dahil sa ibang

bansa siya lumaki, pero ang pagsisikap ay palagi niyang

yakap, matutok sa kanyang trabaho si Mark Neumann.

Sana nga ay ampunin na rin ng ABS-CBN ang tisoy na

binata. Tulad ni Aljur Abrenica, sana’y mabigyan ng bagong

sigla ng Dos ang karera ni Mark, tutal naman ay masikap at

masipag siya.

Maayos na maayos na ang relasyon

nila ng kanyang manager na si Gio Medina,

ang may-ari ng Artista Salon na kahit

minsa’y hindi namin naringgan ng paninira

sa kanyang alaga, nakatira pa rin si Mark sa

bahay ng kanyang lola na ilang

hakbang lang ang layo sa aming tirahan.

Sabi ng aming tagapag-alaga ng aso nu’ng

minsan, “Nakita ko po si Mark Neumann,

bumili ng kahoy sa hardware sa kanto. Napakaguwapo

pala nu’n!”

Naglalakad kasi si Mark na parang wala

lang. Parang hindi siya artista. Kapag may mga

estudyanteng nagpaparetrato sa kanya ay

mabilis siyang nakikipag-pose kahit pa may

sunong siyang kahoy na binili sa kanto.

Sanay siya sa simpleng buhay kahit nu’ng

nasa Europe pa siya. Nag-limpia-bota nga siya

at nagrasyon ng diyaryo, nagtrabaho sa factory,

kaya ang lahat ay hindi na bago sa kanya.

Maligaya kami para kay Mark Neumann.

May katapatan ang batang ito at marunong

tumanaw ng utang na loob. Ni minsan ay hindi

siya nagsalita laban sa kanyang Nanay Gio nu’ng

nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan

nang dahil sa kanyang love life.

Nasira ang pagka-reporter namin kay Mark, binabagubago

na nga namin ang istilo ng pagtatanong para lang

magkomento siya tungkol sa kanyang manager, pero

palagi kaming bigo.

At du’n namin siya mas sinaluduhan,

Pinoy na Pinoy pa rin ang ugali ni Mark

Neumann, hindi siya nagpatianod sa

kulturang kanyang kinagisnan.

MAY inusisa sa amain si Ogie Narvaez

Rodriguez, ang aming anak-anakang

malapit sa pamilya ni Kathryn Bernardo,

ang tugon sa kanyang tanong

ay iiwanan namin sa inyo.

Eksaktong tanong ni Ogie, “‘Nay,

bakit ganu’n? Ang mga artista ng GMA-

7 na lumilipat sa ABS-CBN, eh, mas

sumisikat, mas nagkakaroon ng magagandang

opportunity?

“Sina Angel Locsin, Anne Curtis, Sarah

Geronimo, Richard Gutierrez, Iza

Calzado, Cristine Reyes, Paulo Avelino

at marami pang iba. Nu’ng nasa GMA-

7 pa sila, eh, hindi naman sila ganyan

kasikat?

“Pero ‘yung mga artistang lumilipat

mula sa ABS-CBN papuntang Siyete, eh,

hindi masyadong umaangat ang career.

Nand’yan sina Claudine Barretto, Jolina

Magdangal, Marvin Agustin, Patrick

Garcia at iba pa. Bakit po?

“Ano ba ang meron ang ABS-CBN

na wala ang GMA-7? Ano bang magic

meron ang Dos at napapasikat nila nang

husto ang mga artista nila? Kahit ang

mga contestants sa mga reality at talent

search nila, ang bilis-bilis nilang napapasikat?

“Bakit kapag sa ABS-CBN nagtatrabaho

ang artista, eh, kilalang-kilala kahit

sa ibang bansa, pero ang mga talents ng

Siyete, eh, itinatanong ng mga kababayan

natin kung sino sila?

“Bibihira ang tulad ni Alden Richards,

sikat talaga siya, pero ang iba, bakit

ganu’n? Nasa packaging po ba ‘yun?”

naguguluhang makabuluhang tanong

ng aming anak-anakan.

Oo nga naman. Tama ang kanyang

punto. May ganu’n ngang senaryo. Pero

sa isang katulad namin na walang

kamuwang-muwang sa pagma-manage

ng mga artista ay blangko ang aming

sagot.

May kani-kanyang atake naman sa

pagpapasikat ng kanilang mga artista

ang dalawang network, pero tama si Ogie

Narvaez Rodriguez, mas sumisikat ang

personalidad kapag nasa bakuran at

pangangalaga na ng ABS-CBN.

Kaya ba Star Magic ang pangalan ng

kanilang produksiyon?☺