17.11.2017 Views

NOVEMBER 17, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

NOBYEMBRE 17, 2017 Column Editor: PRINCESS ERIKA SOLITARIO 3

Editoryal

Editoryal

Pailaw, oks; mga

sumasabog, bawal!

I

LANG tulog na lang, Pasko na at napakabilis nang susunod ang

pagsalubong sa Bagong Taon.

Siguradong ngayon pa lang ay may iba nang naghahanda

para sa selebrasyon.

Sa haba ng pagdiriwang ng kapaskuhan nating mga Pinoy, tiyak na

hindi natin palalampasin ang mga tradisyon.

Isa na ang nakaugalian at inaabangang pyrotechnics o pailaw na

nagbubuklod sa bawat pamilya. Bagay na nagsimula nang pag-usapan

hindi lang ng mga tumatangkilik kundi lalo na ng mga nasa industriyang

ito

Ṅagdulot ng kalituhan sa local fireworks manufacturers at dealers ang

ordinansang tumutugon sa Executive Order 28 at sa DILG Memorandum

kaugnay sa paggamit ng pyrotechnics o pailaw at firecracker o paputok.

Bawal na nga ba ang pailaw o ang paputok lang?

Sa paliwanag ni Joven Ong, pangulo ng Philippine Fireworks Association,

iba ang ordinansa sa isang national policy.

Sa EO 28 ni Pangulong Duterte, pinapayagan ang paggamit ng pyrotechnics

habang ipinagbabawal ang paggamit ng firecrackers nang walang

pahintulot.

Makatutulong nga naman itong mabawasan ang bilang ng mga

nabibiktima at mas mabuting gumamit na lamang ng pailaw.

Sa madaling salita, bawal ang paputok na sumasabog tulad ng kuwitis,

triangulo, sawa at bawang; aprub naman ang pailaw tulad ng fountains,

roman candles, luces at aerial pyrotechnics.

Gayunman, ang hirit pa rin natin sa gobyerno, bigyang-linaw ang bagong

polisiya nang maiwasan ang kalituhan hindi lang sa publiko kundi

para sa mga manggagawa at namumuhunan sa ganitong kabuhayan.

SA gitna ng mga magandang balita tungkol sa

katatapos lang na ASEAN Summit kabilang na

ang maraming kasunduang magsusulong ng

business at ekonomiya ay lumabas ang isang balitang

magpapasaya pa sa maraming Pilipino, lalo

na sa netizens.

Pasimpleng inanunsiyo ng Bases Conversion

and Development Authority (BCDA) at ng

Department of Information and Communications

Technology (DICT) ang “Luzon Bypass Infrastructure”,

isang proyekto na gagawa ng “highspeed

information highway” para mapabilis ang

internet sa Pilipinas.

Sa buong ASEAN, pinakamabagal ang internet

natin at palpak din ang iba pang serbisyo ng telcos

dahil ang dalawang pribadong kumpanya rito sa

atin – ang Globe at PLDT/Smart ay wala raw

ginawa kundi payamanin ang kanilang mga stockholder

at investor. Napakamahal ng serbisyong

telcos sa Pilipinas, tapos masama pa ang kanilang

serbisyo!

Kaya siguro naisip na ng gobyernong Duterte

na pasukin na itong telcos para tapatan na rin ang

diumano’y kasakiman ng Globe at PLDT/Smart,

na wala naman daw pakialam na napag-iiwanan

na ang ating bansa. Aba, eh, pati Laos at Cambodia

na galing sa giyera ay mas mabilis pa ang internet

No. 1 NEWSPAPER

FROM 2002 TO PRESENT

AS PER THE NIELSEN

PHILIPPINES

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Trunk lines : 749-5664 to 65

Editorial : 749-5664 loc. 112, 114, 122

712-2874 (FAX)

Bulgar Online : 995-3732

Advertising: 749-6094 (DL) 712-2883

251-4129 (FAX) 749-1491

Credit & Collection: 742-5434

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang opinyon ng mga manunulat ay

personal nilang pananaw at walang

pananagutan ang publikasyong ito.

Bilang na ang araw ng

napakabagal na internet sa

bansa at matatapos na rin

ang diumano’y kasakiman

ng PLDT/Smart at Globe!

kaysa sa atin!

Sa proyektong ito ng gobyerno ay gagawa ang

BCDA ng dalawang istasyon para sa cable landing

na magiging konektado ng 250-kilometrong cable

network corridor. Ang mahabang kable na ito ay

tatawid sa gitna ng lupa ng Luzon at daraan sa ilalim

ng dagat sa pamamagitan ng “submarine cables”,

papunta sa mga internet hub sa U.S., Asya at iba

pang bansa.

Maiiba raw ang ruta ng cable network na ito sa

dating idinaraan sa Luzon Strait (lampas lang ng

Batanes), na palaging nasisira dahil sa lakas ng alon

sa dagat sa itaas ng Pilipinas. Ayon sa DICT at

BCA, magiging online ang bagong broadband ng

gobyerno sa 2019.

Ang partner ng administrasyong Duterte sa

proyektong ito ay ang Facebook, ang paboritong

social media application ng mga Pilipino. Ang Facebook

ang gagawa at mag-o-operate ng submarine

cable system na magdidikit sa Pilipinas at internet

providers sa Amerika at iba pang lugar.

Bilang ka-partner sa proyekto, ang Facebook

ang unang organisasyon na gagamit ng imprastruktura

at kapalit ay magbibigay ito ng spectrum na

aabot ng 2 milyong megabytes bawat segundo. Ang

mga cable landing station naman ay itatayo ng

gobyerno sa silangan at kanlurang pook ng Pilipinas,

sa Baler, Aurora at sa Poro Point sa San Fernando,

La Union.

Ayon kay DICT Officer-in-Charge Eliseo Rio,

ang mabilis na speed ng broadband na darating ay

mas malakas at mas mabilis pa kaysa sa Smart at

Globe. “Ang bilis na 2 terabytes bawat segundo ay

kapantay ng pinagsamang kapabilidad ng Smart at

Globe. Maaari nang maging pangatlong telcos ang

gobyerno sa Pilipinas,” ayon kay Rio.

At walang masama rito na ang gobyerno na ang

namamahala ng telekomunikasyon. Siniraan lang daw

noon ng mga dilawan ang ideya ng isang matinong

gobyerno na kaya ring magpatakbo ng business at

ekonomiya.

Lahat ng mga telco sa Asya ay pag-aari ng kanilang

mga gobyerno kaya napakaganda at napakabilis ng

kanilang internet.

Kapag gobyerno kasi ang may-ari, iba ang motibo,

ang kapakanan ng mamamayan at ng bayan ang unang

iniisip. Public service muna bago pera o kita. Ito ang

malaking pagkakaiba ng gobyerno sa pribadong mga

kumpanya na “profit” lang daw ang iniisip.

Tayo lang sa Pilipinas ang nagdurusa sa mabagal

na internet at mahinang telcos service dahil hinahayaan

natin ang PLDT/Smart at Globe na pagkakitaan lang

ang mga Pilipino. Dahil nga “profit” lang daw ang

motibo nila ay wala silang pakialam kung kulelat ang

imprastruktura ng telcos ng Pilipinas – basta sila,

maraming dibidendo!

Tapos hindi pa Pilipino ang may-ari ng PLDT/

Smart at Globe! Kaya pala walang pakialam sa

paghihirap natin.

Ang totoong may-ari ng Smart ay isang Indonesian,

si Anthoni Salim. Hindi si Manny Pangilinan

Shocking: Trudeau,

kaisa-isang lider daw

na pumuna sa isyu ng

human rights sa ‘Pinas

HINDI nagtagal bago magkareaksiyon si Pangulong

Rodrigo Duterte sa pagbanggit ni Canadian

Prime Minister Justin Trudeau ng pagkabahala sa

karapatang-pantao, partikular ang extrajudicial killings,

pati ang pagpapairal ng batas. Ayon kay Trudeau,

maayos daw na tinanggap ni P-Duterte ang kanyang

mga binanggit.

Pero ngayon, insulto raw, ayon kay Duterte, ang

pagpuna ni Trudeau sa mga isyu na alam natin ay

ayaw pag-usapan ng pangulo. Dalawang bersiyon

ang naganap na pag-uusap. Ang alam lang natin ay

hindi niya harapang minura si Trudeau at wala ring

naganap na pananampal.

Ayon sa dating ambassador ng Pilipinas sa Washington,

naging maayos ang pagkikita at pag-uusap

nina Pangulong Trump at Pangulong Duterte dahil

hindi na binanggit ni Trump ang extrajudicial killing at

isyu ng karapatang-pantao sa bansa. Ito naman daw

ang mitsa para maging mapanlaban si P-Duterte tulad

ng kanyang mga reaksiyon ngayon sa mga pahayag

ni Trudeau.

Lumalabas na si Trudeau lang ang may lakas ng

loob para banggitin ang mga isyung ito kay P-Duterte.

Ang pahayag ngayon ni P-Duterte ay hindi kaaway

ng bansa ang Amerika kundi sa ilang opisyal lamang.

Pero parang hindi ito ang diwa ng kanyang mga talumpati

noon kung saan binatikos nang husto ang

Amerika at hindi ang iilang opisyal lamang. Ganyan

talaga ang diplomasya.

MABUTI naman at naging maayos ang operasyon

sa pasahero ng MRT na naputulan ng braso

nang mahulog sa riles ng tren. Nahilo si Angeline

Fernando nang lumabas ng tren sa Ayala Station at

nahulog siya sa pagitan ng dalawang bagon na umaandar

na. Dinala agad siya sa Makati Medical Center

kung saan ginawa ang operasyon para ibalik ang

naputol niyang braso. Masuwerte pa rin siya at

hindi siya namatay sa aksidente.

Matagal na nating pinupuna ang kawalan ng

harang sa mga istasyon ng MRT at LRT habang

wala pa ang mga tren. Sa Hong Kong at ibang bansa,

may harang ang maraming istasyon kaya walang

pagkakataong mahulog sa riles o maitulak ng mga

may masasamang intensiyon. Kailangang pag-aralan

ng pamunuan ng MRT/LRT na malagyan ng harang

ang mga istasyon para hindi na maulit ang ganitong

aksidente.

ang may-ari nito, kunwari lang daw ‘yun. Kaya

lahat ng kita nila ay inilalabas nila ng bansa sa halip

na mag-invest sila rito para mapabuti ang serbisyo

nila. Ang Globe naman ay foreigner din ang may-ari

— ang mga Singaporean.

Ayon sa DICT at BCDA, ang budget sa paggawa

ng mga cable landing station at iba pang pasilidad

para sa National Broadband Project ay P900 milyon

na manggagaling sa budget ng gobyerno.

Tamang-tama ang proyektong ito na mapabilis

ang internet sa bansa at sang-ayon ito sa Republic

Act No. 10929.

Sa batas na ito na pinirmahan ni Pangulong

Rodrigo Duterte, sinasabing kailangang magbigay

ng libreng internet sa mga pampublikong lugar,

kabilang na ang mga opisina ng lokal at nasyunal na

gobyerno, pati na rin sa mga pampublikong paaralan,

ospital, health center, park at plaza, airport at

seaport at mga bus terminal. Lahat ng mga lugar na

ito ay magkakaroon na ng libreng Internet kapag

natapos na itong National Broadband Project sa loob

ng dalawang taon.

Para sa inyong katanungan, suhestiyon

at reaksiyon sumulat sa BANAT ni Bobi

Tiglao, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave.,

Quezon City o mag-email sa

banat.bulgar@gmail.com

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!