17.11.2017 Views

NOVEMBER 17, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

8

Showbiz Editor: JANICE DS. NAVIDA

Misis ni Dingdong, negang-nega na naman…

MARIAN, SABIT SA PAGTAWAG

NG BAOG KAY HEART

SINO naman kaya ang nagpapakalat

ng isyu at intriga na ang kampo ni

Marian Rivera ang may gawa ng

diumano’y pagtawag na “baog” kay Heart

Evangelista?

Parang lagi na lang gustong pagsabungin

sina Marian at Heart sa halip na i-wish na

magkabati at magkaayos na ang dalawa.

Tutal, pareho naman sila ng network at

matagal na ang mga issues na inuungkat sa

kanila, bakit ayaw pang manahimik ng kung

sinumang nasa likod ng ganitong paninira?

Sa totoo lang, hindi kami naniniwala na si

Marian ang may gawa ng ganitong paninira

kay Heart. Maaaring may ilang fans lang ang

gumagawa nito upang pasamain sa publiko

ang imahe ng misis ni Dingdong Dantes.

Kung meron mang naging pagkukulang si

Marian sa kanyang mga dating nakasamang

artista, hindi naman siguro aabot

‘yun sa paninira nang personal.

At wala rin namang matibay na

ebidensiya ang kung sinumang

nagtuturo kay Marian para pagbintangang

siya ang naninira kay

Heart.

Kaya kahit patuloy na nilalait

ang pagkatao ni Marian, the

truth remains na mas marami pa

rin ang makakapagpatunay na

kasamahan niya sa showbiz na

mabait at walang attitude ang

misis ni Dingdong.

NAPAKA-HARSH naman ng

ilang bashers ni Mariel de

Leon na sa halip na damayan

at makisimpatya sa hindi niya

pagkapanalo sa ginanap na

Ms. International 2017 sa Japan,

kung anu-ano pang masasakit

na salita at paninira

ang ibinato sa beauty queen.

Moral support ang kailangan ni Mariel,

hindi ang pambabagsak sa kanya ng mga

mismong kababayan niya.

Tinawag pa siyang sawsawera, maangas

at feeling-matalino, eh, laglag naman

kahit sa Top 15. Hindi raw kinarir at

pinaghandaan ni Mariel ang kanyang

pagrampa sa Ms. International 2017 beauty

pageant. Sa halip daw ay nakisawsaw

siya sa iba’t ibang issues na pati na ang

kapwa niya artista na si Joey de Leon na

kaliga na ng erpats niyang si Christopher

de Leon ay kanyang binanatan

noong kasagsagan ng ‘depression’ issue

na sangkot ang veteran comedian-TV

host.

Ngayon, siya naman ang bina-bash

ng mga netizens. Talunan na nga,

eh, pinatitikim pa nang masasakit

na salita. Napakalupit naman

at sana, intindihin na lang

ng mga bashers na tao lang naman

si Mariel de Leon na nagkakamali.

In time, matapos ang

kaliwa’t kanang pamba-bash

sa kanya ng mga netizens, tiyak

na mari-realize rin naman

niya ang kanyang mga pagkakamali

at pagkukulang.

Huwag naman agad sabihin

na nakarma siya.

ISANG kakaibang laughing experience

ang handog ng Bubble

Gang sa kanilang mga loyal

viewers para sa 22nd anniversary

ng longest-running gag

show sa telebisyon. Musical

play ang tema ng Parokya Bente

Dos: A Laughing Story kung

saan ang buong cast ng BG ay

umarte, sumayaw at kumanta

rin.

Ibang klase talaga ang talento ng comedian

na si Michael V. na malaki ang

partisipasyon sa pagki-create ng anniversary

special. Halos maiyak kami sa sobrang

katatawa sa mga eksena niya kasama sina

Betong Sumaya, Kim Domingo at Chariz

Solomon.

Itinodo at kinarir nang husto ni Betong

ang kanyang role na mala-Armida Siguion-

Reyna at Pilita Corrales ang peg habang

kumakanta. Markado rin si Paolo Contis

bilang si Uno, ang sikat na heartthrob na

NOBYEMBR

kapareha ni Birdie (Kim Domingo).

Nagpakitang-gilas din sina Sef Cadayona at Denise

Barbacena. Nakakaaliw naman ang Hawi Boys na sina Boy2

Quizon, Mikael Daez at Antonio Aquitania.

Sina Valeen Montenegro at Jackie Rice, pati na si Lovely

Abella, lutang din ang character.

Pero kapansin-pansin na angat ang Kapuso sexy star na

si Kim dahil siya ang naging love interest ni Michael V. na

gumanap na bulol.

HINDI uso sa comedy trio na JoWaPao (Jose Manalo,

Wally Bayola at Paolo Ballesteros) ang overexposure.

Kahit araw-araw pa silang napapanood sa Eat... Bulaga!

at The Beautiful Lolas Show, hindi pa rin sila nawawalan

ng movie offer.

At naisisingit pa nila ang pagsu-shooting ng pelikula

kahit na sobrang busy ng kanilang schedule.

Natapos nina Jose, Wally at Paolo ang Trip Ubusan:

The Lolas Vs. Zombies na co-produced ng APT Entertainment

at M-ZET Productions. Ito’y mula sa direksiyon

ni Mark Reyes.

Okey na okey sana kung noong Undas ito naipalabas

pero sabi nga ni Direk Mark, talagang Nov. 22 ang

ibinigay sa kanilang playdate. Magkasunod sila ng

movie ni Paolo B., ang Barbi: D’ Wonder Becki na sa

Nov. 29 naman ipapalabas.

Isang mabigat na Hollywood movie ang katapat at

kasabay ng Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies, ang

Justice League. Mabigat na kalaban, ‘ika nga, pero

naniniwala si Jose Manalo na may sarili namang crowd

ang JoWaPao na susuporta at manonood ng kanilang

pelikula.

KAHIT abala sa taping ng Ika-6 na Utos, naisisingit pa rin

pala ni Angelika dela Cruz ang paglabas sa pelikula. At aktibo

rin siya sa kanyang pagigigng public servant sa kanilang lugar

sa Malabon City.

Kasama si Angelika sa horror-comedy movie na Trip

Ubusan: The Lolas vs. Zombies na showing na sa Nov. 22.

Ito’y mula sa direksiyon ni Mark Reyes at produced ng

APT Entertainment at M-ZET Productions.

Ayon kay Angelika, wala siyang balak na tumakbo sa

mas mataas na posisyon sa susunod na eleksiyon. Gusto

niyang bigyan ng quality time ang kanyang pamilya at

haraping muli ang kanyang showbiz career. ☺

FRANKLY . . .

.(mula sa p.8)

lalo na nga sa mga eksena nila ni Coco Martin na nagtatalo na

nag-trending pa sa Twitter.

Ang mga fans ni Angeline ay nagko-comment sa Instagram

account nito na malaking tulong daw ang kanilang idolo sa

pagte-trending ng show.

Ang isa naman ay nagkomentong mula nang pumasok si

Angeline sa show ay lagi na siyang umuuwi ng bahay nang

maaga para mahabol ang airing ng FPJAP.

Well, as we all know, dating na-link sina Angeline at Coco

kaya ito marahil ang dahilan kung bakit marami ang nakukyutan

sa kanilang tambalan.☺

KATSIKA. . . . (mula sa p.11)

SA tanong kung kelan itatampok sa Magpakailanman ang

buhay ng host nitong si Ms. Mel Tiangco’y napangiti ang

huli, “‘Pag nakakita na sila ng angkop gumanap na ako.”

Twice nang umibig at nabigo si Tita Mel. May plano ba

siyang mag-try uli sa game called love?

‘Di naman daw siya naghahanap. “Kung bibigyan akong

muli ni Lord ng pag-ibig, why not?” she added.

Paano naman makaka-meet si Tita Mel ng Mr. Right ay

wala siyang social life? Ang routine niya — sa morning ay sa

Kapuso Foundation, sa evening ay sa 24-Oras at balik uli sa

KF for some paper works and schedule of their charitable

missions.

She is, likewise, involved sa pre-programming preparations

ng Magpakailanman at teyping ng mga spiels nito.

Marami ang pumuri sa first two episodes ng MPK na

BSF (Best Sisters Forever) starred in by Snooky Serna,

Sunshine Dizon, Sheena Halili at Sanya Lopez at My Heart

Belongs to You (The Epic Romance of Bud and Gloria

Brown) portrayed by Ivan Dorschner and Denise Barbacena.

Parehong nag-trending ang mga ito.

Heartbreaking ang 3 rd episode para sa ika-5 anibersaryo

ng drama anthology titled Anak Mo, Anak Ko, Anak Natin

(The Azramie Ramram Cabugatan Story) na gagampanan

nina Yasmien Kurdi at Sharmaine Arnaiz under the direction

of Gina Alajar.☺

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!